Archive for the ‘Lobo’ Category

Lobo, Episode 112

Hulyo 3, 2008

Sinabi ni Remus na hindi na siya babalik, kung nasaan man daw siya ngayon doon siya nararapat at doon ang itinakda:

Naghihintay sa altar si Noah para kay Gabby. Ikinasal na sila ni Father Ben at pumalapak lahat ng mga tao (lahat noong nandoon sa kasal nina Lyka at Noah, including Manolo). Nag-kiss siya siempre. (Grrr…. .)

Umiiyak si Lyka, ano raw ba ang kasalanan nila ni Noah. Sinabi ni Remus dahil sa nangyari kay Aldos, ipinagbawal na ng tadhana ang magmahal ang taong lobo sa tao. Ayaw pa ring sumuko ni Lyka. Hindi pa raw ba sapat ang mga nagawa niya, ang mga nagawa nila, ang mga pinagdaanan nila?

Lobo, Episode 110

Hulyo 1, 2008

Isang napakalakas na hangin ang sumalubong kay Noah sa loob ng kweba pero pinilit pa rin nitong makapasok.

Nakarating na si Lyka sa mansiyon pero narinig niyang pinapagalitan ni Ylvana ang mga tauhan niya kaya hindi na siya pumasok.

Nakita ni Lyka sina Zoe at Yanni sa likuran niya. Nilapitan ni Lyka si Zoe. Natuwa naman si Zoe dahil naramdaman niyang si Lyka ang puting lobong lumapit sa kaniya. Iminungkahi ni Yanni na bumalik na lang sila sa bahay nina Zoe at doon hintayin si Noah. Maraming tanong si Lyka pero hindi naman nila ito naririnig.

Lobo, Episode 108

Hunyo 27, 2008

Si Lyka daw ang puno’t dulo ng lahat ng mga nangyayaring ito, siya rin ang makakapasok, sabi ni Gabby. Hindi man alam ni Gabby kung naiintindihan siya ni Lyka, sinabi pa rin nito na hindi pa niya alam kung paano niya madadala doon sina Lady Elle at Noah dahil ang alam ni Anton ay kakampi siya nito.

Lobo, Episode 107

Hunyo 26, 2008

Nakarating na sa simbahan sina Noah, Annie at Tikboy pero hindi na nila naabutan si Trixie doon.

Samanatalang nagdadalawang isip naman si Gabby sa pagsali sa panig ni Anton. Naisip niya si Noah at ang mga paghihirap niya kaya pumayag na rin siya. Tinawagan niya ang contact niya sa Luna.

Lobo, Episode 105

Hunyo 24, 2008

Sinabi ni Anton kay Lyka na hindi siya makakaalis doon hangga’t hindi siya ito natututuhang mahalin. Sinubukan niyang umalis pero nasaktan ito ng husto. BUmalik si Anton at pinagalitan ito bakit raw niya sinasaktan ang sarili niya. Tanggapin na lang daw niyang wala na siyang magagawa.

Nalaman ni Gabby na galing sa area ng mansiyon ni Lady Elle ang isa sa mga tawag sa cellphone ng sniper. Biglang pumasok si Alec na gamit ang susi ni Gabby (na pinagamit niya dito noong nagkinuman sila at bumili ng beer si Alec). Sinabi ni Alec na matalas ang pandinig ng mga taong lobo at narinig niya ang sinabi ni Gabby habang nasa cellphone ito.

Lobo, Episode 104

Hunyo 23, 2008

Pumunta si Gabby sa mansiyon para sabihin kina Noah na nasalisihan siya at ngayon ay patay na ang sniper. Nagtalo sila ni Noah dahil sa tingin ni Gabby lobo ang may kagagawan noon at sinabi niyang hindi raw sila dapat magtiwala sa mga ito. SInabi ni Noah na hindi parin nagiging tao si Lyka at biktima rin siya ng kaguluhang iyon. Iniwan na nila ito para puntahan si Nana Sela.

Naabutan ni Lady Elle na umiiyak si Nessa sa labas ng kwarto ni Manolo. Patay na ito. (BAKETTTT NIYO PINATAY SI MANOLO MGA BWISET! Hindi naman crucial sa story kung mamamatay siya o mabubuhay! Mga bwiset!)