Archive for the ‘Bali-balita’ Category

Mariel Rodriguez as Varga

Hunyo 17, 2008

Si Mariel daw ang gaganap bilang Varga, ang susunod na ipapalabas sa Mars Ravelo’s Komiks Presents.

Si Varga daw ay creation ni Mars Ravelo noong 1947 for Bulaklak Magazine (and later on nag-evolve siya as “Darna” noong lumipat si Mars Ravelo sa Pilipino Komiks noong 1949).

Thoughts?

Source: ABS-CBN Global (Credit for the image from the same source).

Si Greta na naman

Hunyo 17, 2008

Chismis #1: Nagdinner daw sa Dusit Hotel sa Makati sina Gretchen kasama ang kapatid na si Marjorie Barretto at mga friends na sina Pops Fernandez, Ruffa Guttierez at isang nangangalang Josie. Nadecline daw ang credit card ni Greta at ilang ulit din niyang pina-swipe ulit sa server nila just to make sure. Wala, decline pa rin for a dinner worth Php 4,300.00. Ruffa ended up paying for the dinner. Later that night, nag-away daw sina Tony Boy Cojuangco at Greta on the same hotel dahil sa nangyari. Nagkatampuhan pa raw sila ng mga friends niya dahil idinawit niya pati ang mga pangalan nila sa awayan nila ni Tony Boy.

Chismis #2: Kinikindatan daw ni Greta si Bong Revilla sa wake ni Rudy Fernandez kahit nandoon din si Lani Mercado.

Si Gretchen talaga masyadong kontrobersiyal. Pero totoo naman kaya ang mga ito? Between the two, I think the second one is the least likely.

Source: PEP.

24th Star Awards for Movies Nominees

Hunyo 17, 2008

Nominees:

Best Actor:

Paolo Contis (Banal)

John Lloyd Cruz (One More Chance)

Ryan Eigenmann (Baliw)

Sid Lucero (Selda)

Aga Muhlach (A Love Story)

Piolo Pascual (Paano Kita Iibigin?)

Best Actress:

Ai-Ai delas Alas (Ang Cute ng Ina Mo)

Bea Alonzo (One More Chance)

Cherry Pie Picache (Foster Child)

Judy Ann Santos (Sakal, Sakali, Saklolo)

Maricel Soriano (A Love Story)

Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)

Sinong bet niyo?

Source: Philippine Enterntainment Portal (PEP).

Hanggang Dito Na Lang: The story behind the music.

Hunyo 16, 2008

Oo eto iyong kanta sa background noong nag-pair up ang mga loveteams sa Lobo bago dumating ang pulang buwan. Si Rita Avila (isa sa mga pinakamagaling na aktres, sa opinyon ko) ang gumawa ng lyrics ng kantang ito para sa kanyang anak na si Elia Jesu na namatay noong sanggol pa lamang ito. Si Rita Avila pala ay asawa ni FM Reyes, ang isa sa mga direktor ng Lobo.

Ito ay kinanta ni OJ Mariano (Awit Awards’ Best New Male Recording Artist of 2006) at nilapatan ng musika ni Paulo Zarate.

Source: Lobo the Series.

Bye, Bye Patrick?

Hunyo 16, 2008

Umalis na si Patrick Garcia pabalik ng states. Well, ayon sa nabasa ko papaalis pa lang siya pero it was posted the day before kaya umalis na siya. I remember noong sikat na sikat siya, di ba siya ang original na Am-Boy? Lagi ko siyang pinapanood noon sa Tabing Ilog. Ah, those were the days.

Anyway, hindi ako masyadong updated sa detalye ng paghihiwalay nila ni Jennylyn Mercado pero ang alam ko masalimuot ang relation nilang dalawa mula noong mabuntis si Jennylyn. Isa pa raw ito sa mga rason kung bakit aalis muna si Patrick.

Thoughts?

Angel Locsin, 4th placer na lang sa FHM?

Hunyo 16, 2008

Nakita ko to sa site ni Duchess:


Click niyo na lang DITO para sa buong image ng diyaryo.

If this were true, I can see why people who continuously supported their favourite to be upset. Sinuportahan mo ng todo-todo ang “manok” mo tapos malalaman mo ganito pala ang labanan? Not fair.

On the other hand, kapag ba #4 ka lang hindi ka na sexy? Maraming sexy sa mundo, hindi kakasya lahat sa #1. Don’t get me wrong, I’d vote for Angel Locins before I vote for Marian Rivera. I think Angel has this certain je nais se quoi that not a lot people have.