Imbakan ng Awtor

Walang Kapalit (June 08, 2007)

Hunyo 8, 2007

Ang nangyari:

(Paumanhin lang po at hindi ko naumpisahan).

Tumawag si Noel kay Melanie para ipaalam na ikakasal na ito kay Cynthia. Binati ni Melanie si Noel, pero siempre umiyak siya.

Ikinasal na nga si Noel at si Cynthia.

Habang si Melanie ay subsob na subsob sa trabaho, ito namang si Ronald at patuloy paring walang ginagawa kung hindi maging isang PAL[amunin] sa bahay. Panay ang inom nito labas kasama ang barkada.

Samantalang sa Australia, nahihirapan naman si Noel sa pagmemaintain ng negosyo niya.

Tinawagan ni Ronald si Melanie para sabihing umuwi na ito dahil wala siyang kasabay kumain. Hindi pa rin makauwi si Melanie dahil may tinatapos pa siyang trabaho, kinailangan niyang babaan ng telepono si Ronald dahil inaaaway siya nito at may kausap pa siyang mahalagang tao.

Pag-uwi ni Melanie, pananakit ang sumalubong sa kanya sa pinto. Sinaktan siya ni Ronald hanggang sa magising si Ceding at pinanlabanan si Ronald. Finally nagising na rin lahat ng mga tao sa bahay nila…

Ang sa ganang akin:

Ang sarap talagang sapakin ng Ronald na iyon. Grrr. Anyway, I agree with Nawawala doon sa comment niya na nasaktan nga siguro talaga si Claudine sa eksenang iyon. Grabe. Pero napaka-compelling talaga ng acting nila. Nakuha kong mamuhi kay Bobby Andrews.

Feeling ko malalaglag iyong baby ni Melanie…

At saka ano ba ang ginagawa ni Noel sa Australia? Hindi ba share sila ni Melanie doon sa mana, e di dapat pareho sila ng company na pinapasukan. Namiss ko ba ang mga eskenang ito o hindi na lang talaga inisplika sa tao kung bakit?

Maria Flordeluna (June 08, 2007)

Hunyo 8, 2007

Ang nangyari:

Galit na galit si Gary kay Leo dahil akala nito ay siya ang nagbigay sa media ng footage nung binaril ni Gary si Leo at ang tatay nila. Pinapatutok niya ang baril niya habang kausap niya si Leo para akalain ni Leo na binaril niya si Flor.

Ikinulong na ulit nina Gary sina Flor, Jo, at Brigida sa kwarto, doon mismo ay naalis na sa pagkatulala niya si Jo. Pero iyak pa rin ito ng iyak. Pinatahan siya nina Flor at Brigida (may mother, daughter, and step-lola “moment” sila ulit dito). Later on, nagplano si Brigida at Flor kung paano malulusutan ang mga gwardiya.

Patuloy parin ang paghahanap ngayon kay Gary na siya ng wanted sa mga kinauukulan. Pero hindi pa rin tuluyang nalilinis ang pangalan ni Leo kaya pati siya wanted pa rin hanggang sa mapatunayang wala talaga siyang kasalanan sa mga smuggling charges na laban sa kanya.

Sinundan ni Leo si Castro para malaman kung saan nagtatago sina Gary. Nacorner niya ito sa kotse…

Nakapuslit naman si Flor sa mga gwardiya (courtesy of Brigida), muntik na siyang mahuli ni Gary, pero may humila sa kanya– si Jo.

Ang sa ganang akin:

Akala ko talaga last week na ng show na ito ngayon.

May Minamahal, Episode 5

Hunyo 8, 2007

Ang nangyari:

Tinanong ni Monica si Carlitos kung mag-ano ba talaga sila…kaya ayun, naging sila na. Ang sweet nga e, walang paligoy-ligoy.

Magdedate sana sina Monica at Carlitos kaya lang may family obligation na naman siyang gagawin so had to cancel. Iyong second date naman nila, kasama nila si Pinky kasi nakapangako na pala ito sa kanya beforehand na manonood sila ng sine that day. Pero hindi sila nanonood ng sine nagwindow shopping lang sila, kasi sabi ni Monica wala daw magandang palabas. Nainis tuloy ang bata.

Ano pa ba ang nangyari? Halos iyon lang…

Ang sa ganang akin:

Kawawang Carlitos talaga, lagi na lang siyang pinapakonsensiya ng mga kapatid at nanay niya. Imbyerna lang talaga ako sa mga babaeng hindi kayang alagaan ang mga sarili nila at panay lang ang asa sa iba.

Pero maganda ang previewfor next week, lalabas sina Monica at ang mga babae sa buhay ni Carlitos. Hmnn…

Maria Flordeluna: Hindi pa tapos?

Hunyo 8, 2007

Ha? Akala ko ba ngayon matatapos to?

Hindi na ba babalik si Kris sa The Buzz?

Hunyo 8, 2007

Pumirma na daw ng one year contract sa The Buzz si Ruffa . So does that mean na hindi na talaga babalik si Kris sa The Buzz? And ibig sabihin ba non babalik na siya sa Game K N B? Kasi napanood ko siya dati sabi niya 2 daw sa 3 shows niya ang babalikan niya.

Ay, ayoko niyan. Huwag niyo ng paalisin si Edu sa Game K N B. For me, mas suitable siya sa paghohost ng show na iyun. Kasi si Kris she’s so mean to the contestants.

At maiba ako, sino ba ang nagpa-uso na dapat nakagown ang mga hosts ng mga games shows? Para sa akin hindi bagay.

Anyway, hindi ko rin naman type si Ruffa na pumalit kay Kris sa The Buzz. She’s so arte kasi at sa ganang akin, si Kris Aquino lang ang may karapatang mag-inarte ng ganoon. And I meant that as a compliment, ha! I am not a big fan of Kris, pero I think she’s a big loss for that show.

Walang Kapalit (June 07, 2007)

Hunyo 7, 2007

Pinuntahan ni Ronald sa opisina si Melanie para dalhan ng stuffed toy at mga bulaklak. Pero nagalit lang ito kay Melanie ng sinabi niyang kapag nanganak na siya ay siya naman dapat ang magtrabaho.

Itinulak na naman ni Vanessa si Miguel sa pool, pero this time hindi na siya natawa dahil nakita niyang maganda pala ang katawan nito. Pwedeng i-cast sa 300 ang batang `to, Kinilig tuloy ang bruha. Later on muntik na silang maghalikan, pero nahuli sila ni Ceding, napagalitan tuloy si Miguel. Wa epek naman ang panunuyo ng boyfriend ni Vanessa sa kanya.

Si Moody naman may crush na security guard.

Tumawag si Noel kay Ceding para sabihing liligawan na niya si Cynthia. Itinanong naman ni Ceding kung hindi na ba niya mahal si Melanie, sabi nito magugulo lang kung patuloy pa rin niyang mamahalin si Melanie. Kung saan daw siya maligaya sabi ni Ceding, doon siya.

Delikado ang pregnancy ni Melanie, pinayuhan daw siya ng doktor na magpahinga na muna dahil mahina ang kapit ng bata.

Nagpaalam si Noel kay Brian na gusto niyang pakasalan si Cynthia. Basta sabi niya huwag daw niyang sasaktan si Cynthia. Nagproprose na ito sa kanya.

Ang sa ganang akin:

Ipinakita bang naging sila ni Cynthia? Hindi ko nakita iyon ha. Kawawa naman si Melanie. Tsk. Kaya nga dapat huwag magpakasal ng padalos-dalos.