Imbakan ng Awtor

LOBO – Episode 96

Hunyo 11, 2008

Hindi nakayanan ni Silva ang matinding sakit kaya’t naihagis nya ang bato at iyon ay sinalo ni Lyka. Kitang kita nang mga tao at taong lobo ang “pagtatalo” nang pulang buwan at nang bato nang remus. Natakot ang mga Luna na gustong humuli kay Noah kaya iniwan nalang nila ito. Pilit na inaagaw ni Silva kay Lyka ang bato pero sinisiko sya ni Lyka kaya nilabas nalang ni Silva ang patalim at sinaksak nya nang paulit-ulit si Lyka; pero ganon paman ay hindi binibitawan ni Lyka ang bato. Dumating si Noah at binaril nya si Silva. Nakita ni Noah na nanghihina si Lyka kaya tinulungan nya ito at pilit na itinatayo para labanan ang pulang buwan.

Natuwa si Lady Elle nang makita nyang unti-unting natatalo nang bato ang pulang buwan, pero sandali lang at natalo na naman ang bato. Nag-alala ang lahat, pati na si Nana Sela na “nakikita” ang mga nangyayari – sinasabi nya na kayanin nito ang pulang buwan.

Habang tinutulungan ni Noah si Lyka ay sinabi nya na nandoon lang sya para kay Lyka. Konting konti nalang at talo na ang bato. Biglang bumangon si Silva at umalis. Lahat nang mga tao at taong lobo ay kinakabahan sa nakikita. Biglang natalo nang pulang buwan ang bato at bumagsak si Lyka, ganon din si Noah. Biglang sumakit ang dibdib nang mga taong lobo at parang “nagbaga”, nagtaka sila Choi at Gaby sa nakita. Ganon din ang naramdaman ni Annie na syang kinagulat ni Tikboy kaya tinawag nya si Trixie. Sumakit ang kamay ni Annie at may lumabas na signos sa iba’t ibang parte nang katawan nya, sumisigaw sa sakit si Annie, hindi naman alam ni Trixie ang gagawin.

(more…)

MALIGNO – Episode 20 (Finale)

Mayo 23, 2008

“ANG ALAY NG INA”

Nalaman ni Angela na lahat nang nakilala nya ay parte nang araw na itinakda. Kinuha ni yaya si Angelo pero hindi pumayag si Angela at pilit nyang kinukuha and kanyang anak. Dumating si Hector, gustong magpaliwanag pero galit sa kanya si Angela at ayaw maniwala. Gusto sanang ilayo ni Hector si Angela pero biglang dumating si Joaquin (kasama si Elaiza) at pinukpok sya sa likod. Pinapasama na nila Joaquin si Angela sa kanila pero humadlang si yaya, kaya pinukpok sya ni Joaquin sa may ulo. Gustong isama ni Angela ang anak, sinasabihan sya nila Elaiza na anak ito nang demonyo. Ayaw sumama ni Angelo sa ina.

Sinabi ni Angela na papatayin si Angelo para masakop nang kasamaan ang buong mundo, at hindi daw nya hahayaan mangyari iyon dahil mahal na mahal nya ang anak. Tumakas na sila kasama si Angelo at sumakay sa kotse. Nagkamalay si Hector at tinatawag si Angela. Pinapaandar ni Joaquin ang kotse pero ayaw nitong mag-start. Lumabas si Joaquin para ayusin ang makina nang kotse. Pagbaba nang hood, si Dumlao na ang nakita nila, wala na si Joaquin.

(more…)

MALIGNO – Episode 19

Mayo 22, 2008

“TAKAS NA ANGELA!”

Nag-iiyakan ang mga miyembro nang kulto dahil sa pagkamatay ni Lucas. Habang iniiyakan ang bangkay ni Lucas ay sinasabi naman ni Dumlao sa mga kasapi na mabubuhay si Lucas, kasama nang ilan nilang kasapi na namatay, at iyon ay sa kaarawan ni Angelo. Sa araw na iyon ay magiging kanila din ang daigdig. Nandoon si Rio Locsin at nakikiusisa. Nang makita nya ang bangkay ni Lucas, napansin nya ang birthmark sa may wrist nito. Nag flashback kay Rio Locsin kung ano ang nangyari sa kanya – nahuli sya nang mga kasapi sa kulto, at habang nakatali sya sa isang puno ay tinatanong sya kung saan nya itinago ang kanyang anak (si Angela.) Ayaw sabihin ni Rio Locsin, kahit patayin pa daw sya. Pinarusahan sya at tinatakan ang kanyang mukha (kaya may peklat sya sa may pisngi) ~ end of flashback.

Nagsisisigaw si Rio Locsin at hinablot ni Dumlao ang kanyang buhok at sinabing may darating na kaparusahan sa kanya sa araw nang kadiliman. Sinasabihan ni Rio Locsin ang mga kasapi na umalis na sila. Nakatakas sya sa pagkakahawak kay Dumlao. Sinisiguro ni Dumlao na mapaparusahan si Rio Locsin sa pagdating nang kadiliman.

(more…)

MALIGNO – Episode 18

Mayo 21, 2008

“MAMAHALIN O PAPATAYIN?”

Pag gising ni Angela ay nandoon na si Angelo sa kwarto nila, naka-ready na to go to school. Humingi nang sorry si Angela dahil hindi sya nagising nang maaga. Dumating si Hector at sinabing si yaya nalang daw ang maghahatid kay Angelo sa school. Meron na din daw tinawagan si Hector para may makasama si Angela sa bahay – si Charlie. Sinabi ni Charlie na tinawagan daw sya ni Hector para may makasama si Angela, nag-leave daw sya sa work for one week.

Nagising si Joaquin (nag-stay sya sa condo ni Elaiza) dahil ginising sya ni Elaiza. Umiiyak parin si Elaiza at tinanong sya ni Joaquin kung ayaw ba nitong magsumbong sa pulis? Umiiyak na sinabi ni Elaiza na kung nakita lang daw ni Joaquin ang nagtangkang pumatay sa kanya, hindi sya pupunta sa pulis kundi sa simbahan.

(more…)

MALIGNO – Episode 17

Mayo 20, 2008

“ELAIZA, KATAPUSAN MO NA!”

Na-shock si Joaquin sa nakita sa screen nang camera. Napansin nila na parang may problema, tinanong nang fan kung sira ang camera. Humingi naman nang sorry si Joaquin at pinagpatuloy ang pag-take nang picture. Nang umalis na ang fan, napansin ni Elaiza na balisa parin ito, tinanong nya kung ok si Joaquin. Sinabi ni Joaquin na parang may nakita sya.

Hinatid ulit ni Joaquin si Elaiza sa office. Tinanong nya si Elaiza kung sigurado ba itong ayaw pa nitong umuwi. Inalok ni Joaquin na sasamahan nalang nya si Elaiza, pero tumanggi ito at sinabing mas makakapag-trabaho sya kung mag-isa lang sya. Tinanong ni Joaquin why is Elaiza pushing him away? Sinabi ni Joaquin nung umalis daw si Angela ay ok na ok sila, tapos bigla-biglang naging cold daw si Elaiza sa kanya. Medyo nairita si Elaiza kay Joaquin. Hinulaan ni Joaquin na baka daw hindi pa tinitigil ni Elaiza ang kaso ni Angela. Hindi sumagot si Elaiza. Akala daw ni Joaquin ay titigilan na ni Elaiza si Angela.

(more…)

MALIGNO – Episode 16

Mayo 19, 2008

“SA PILING NG MGA KAMPON”

Naglakad lang pauwi si Angela at napansin nyang puros naka-puti ang mga tao doon. At sa tuwing dadaan sya ay humihinto ang mga tao para yumuko sa kanya. Medyo kinakabahan si Angela sa mga kinikilos na kakaiba nang mga tao. Pag daan nya ay nakita sya ni Rio Locsin; tinawag nya si Angela. Kapansin-pansin na hindi makalapit sa lupain ni Rio Locsin ang kampon ni Lucas.

Hinatak ni Rio Locsin si Angela kung saan safe sila. Sinabi ni Rio Locsin kay Angela na magdidilim na at pina-aalis nya ito sa lugar na iyon. Sinabi ni Angela na doon sya nakatira. Maniwala daw sa kanya si Angela at pinipilit nyang umalis si Angela doon. Biglang umihip ang malakas na hangin at natakot si Rio Locsin kaya umalis agad ito at iniwan na si Angela. May mga taong nanonood sa kanila (mga kampon ni Lucas), nagtanong si Angela kung sino daw ang babaeng iyon, pero hindi sya pinansin o kinausap man lang at biglang nag-alisan ang lahat.

(more…)