Lobo, Episode 102

by

Nairita si Ylvana noong pati siya pinadaan sa metal detector. Noong si Anton na ang padaan, kunwari nabigla ito, bakit pati raw siya na kuya ni Lyka kailangang i-check kaya pinadaan na siya ni Rodolfo kahit hindi ito dumaan sa detector.

Naloloka naman si Elton dahil gusto niyang maging perfect ang kasal ng apo ng pinakamagaling na dsigner sa Pilipinas.

Dumating na si Father Ben. Nagpasalamat si Noah dahil kahit short notice, pumayag si Father Ben na mag-officiate ng kasal. Sinabi naman ni Father Ben na magtatampo naman siya kung hindi nila ito kinuha. Ipapanalangin daw niya na maging mapayapa at maganda ang pagsasama nila ni Lyka.

Kinausap ni Manolo si Noah. Tinanong ni Manolo kung handa na nga ba talaga si Noah dahil once na sumumpa ito sa harap ng Diyos, na mamahalin niya si Lyka habang buhay at the same time, puprotektahan niya din nito ang lahi ng mga taong lobo. Sinabi ni Noah na mahirap daw tanggapin ang lahat pero nangako itong susubukan niya.

Mga Marka: ,


%d bloggers like this: