Lobo, Episode 101

by

Habang nag-di-dinner sina Trixie at Lyka sinabi ni Trixie ang mga bumabagabag sa kaniya pati na ang paulit-ulit niyang napapanaginipan na nasa madilim na lugar si Lyka.

Nanaginip naman si Noah na habang naglalakad sa aisle si Lyka (ang ganda ni Lyka! Very 50’s glamour ang dating) ay nagliyab ito (not with fire but with that shining white thing).

May masama ring napanaginipan si Lyka (maybe they shared the same dream?).

Habang si Anton naman ay kampanteng matutupad na ang gusto niya later that night at mapapasakanya na si Lyka.

Akala ni Nessa nagkaka cold feet si Lyka kaya masama ang timpla nito noong dinalhan niya ng breakfast in bed ang anak. Sinabi ni Lyka na nanaginip siya na parang may pwersang plit na humihiwalay sa kanila ni Noah. Pinalakas naman ni Nessa ang loob ng anak, sinabi niyang kaya ng pag-ibig nila ang kahit na anong pagsubok. Wala raw kahit ano mang makakasira sa araw na iyon.

Pinaghanda naman ng almusal nina Zoe, Yanni at Tikboy si Noah. Dahil daw bukas si Lyka na ang gagawa noon. Sinabi naman ni Noah na ipaghahanda rin naman niya ng breakfast si Lyka. Bilib daw si Yanni kay Noah at gagayahin daw niya ito. Medyo worried naman si Zoe na baka hindi na naman matuloy ang kasal, ang dami na raw pinagdaanan nina Noah at Lyka sana raw maging okay na ang lahat. Inassure naman siya ni Noah.

Ipinakita ni Rodolfo kay Lady Elle ang laman ng diyaryo tungkol sa mga namatay na mga college students. Ayaw sanang ipakita ito ni Lady Elle sa apo pero she insisted kaya ipinakita na ni Rodolfo sa kaniya. Naisip ni Nessa na may gustong sabihin ang itim na lobo, paano raw kung sinasadya nito na pumatay sa araw ng kasal ng punong bantay. Kailangan raw nilang mag-ingat.

Nabasa rin ni Noah ang kaparehong diyaryo na binasa nina Lady Elle.

Sa pulong ng mga Waya, si Rodolfo na naman ang pinagbibintangan ni Ylvana na may kinalaman sa nangyaring pagpatay. Traydor daw ang kapatid nito kaya traydor din siya, ironic na ginawa pa siyang head of security. Sinabi ni Rodolfo na hindi niya ito papatulan. Pinaghahanap na raw nila ni Alec ang itim na lobong pumapatay pero mailap daw itong masyado.

Nabasa na rin ni Gabby ang balita kaya nagpark ito sa labas ng mansiyon pero nagpasiya rin itong umalis. Noong papasok na siya sa sasakyan niya, dumating si Alec at nagbirong huwag raw sabihin ni Gabby na namimiss na siya nito. Nakita niya ang diyaryong dala ni Gabby, sinabi niyang pinaghahanap na rin daw nila ang may gawa noon. Inisnab siya ni Gabby pero pinigilan ni Alec ang pagbukas niya ng pinto. Sinabi nito papunta nga raw sila ni Lyka sa bahay ni Gabby dahil gustong siyang kausapin ni Lyka. Paglingon ni Gabby naroroon na si Lyka.

Siguro raw iniisip na ni Gabby na eto na iyong sign (tragedy ng pagkamatay ng mga coeds) na huwag ng ituloy ang pagpapakasal. Ilang tao na raw ba ang naka-engkwentro niya? Iyong isa raw ginamit siya, iyong isa pinatay ang kaibigan niya, iyong isa inagawan siya ng taong minamahal. Hindi raw niya masisisi Gabby na isiping ang relasyon nila ni Noah ang mali sa lahat.

Hindi raw ba naisip ni Lyka na love shouldn’t be that hard? Na hindi na kailangan ipaglaban para makuha. Dahil kug totoong pagmamahal iyon, dapat madali alng ang lahat, dapat walang tumatanggi. Kung ganoon daw ang paniniwala ni Gabby, hindi siya dapat nasasaktan ng ganoon. Hindi niya ginawa at tiniis ang lahat, mapalapit lang siya sa taong mahal niya (Gabby looked away).

Ilang beses na raw bang nawala ang taong mahal niya para matagpuan lang itong muli. At doon daw niya narealize na ang pagmamahal ay sinusubok ng panahon, distansiya at tadhana para kapag natagpuan mo na wala ka ng kasing saya pa.

Ang sadya daw talaga ni Lyka kay Gabby ay para magpasalamat sa kanya for being with Noah and loving him. Nakiusap din ito na hindi magiging kumpleto ang araw ng kasal nila kung wala siya doon for Noah. Hindi man raw sa paraang gusto ni Gaby, pero mahal siya ni Noah. Umiiyak na si Gabby pero hindi siya muling humarap kay Lyka at umalis na ito.

Habang pinag-uusapan nina Nessa, Trixie, Rodolfo, Manolo at Elle ang security measures na ginagawa nila para sa kasal, nagkavision na naman si Trixie. This time parang may dugo sa abdominal area ni Elle. Tinanong ni Elle kung ano ang nangyayari sa kaniya per bigla na lang itong umalis.

Sinabi ni Alec na huwag ng malungkot si Lyka. Baka raw iwan siya sa altar ni Noah pag nakita niyang nakasimangot ito. Baka raw matupad pa ang wish niya, birong (birong totoo!) sabi pa ni Alec sa kaniya. Natawang hinampas siya ni Lyka.

Biglang dumating si Noah, sinabi ni Alec hindi raw ito makapaghintay. Sinabi naman ni Noah na baka takasan raw siya ng bride. Nalaman ni Lyka na nabasa na ni Noah ang diyaryo pero sinabi ni Noah na hindi naman daw mawawala ang problema sa buhay. Niyakap siya ng mahigpit ni Noah.

Habang naghahanda si Noah para magbihis, pumasok si Tikboy sa kwarto para ipaayos ang barong nito. Sana raw paglaki niya maging kasing pogi rin siya ni Noah at may Lyka rin siya. Sinabi ni Noah na bata pa si Tikboy para isipin iyon. Pero sabagay raw noong bata pa siya, kahit hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng pagmamahal, mahal na ni Jay Jay ang iyaking si Ulay.

Habang inaayos naman ni Lyka ang buhok ni Annie, sinabi niya na si Noah ang nagpapasaya sa kaniya kahit na noong nagkahiwalay pa sila hindi ito nawawala sa isip niya. Naniniwala daw si Lyka na may taong nakatakda para mahalin. Sinabi ni Annie na gusto pa rin niyang maging presidente para tutulungan niya sina Noah at Lyka na magkasundo ang mga tao at taong lobo. Para raw pwede ng magpakasal ang mga ito sa isa’t isa (uyyy, iniisip na niya ang future nila ni Tikboy. Wahahahah!). Sinabi ni Lyka na walang imposible sa pagmamahal.

Nabighani naman si Yanni kay Zoe noong nakita niyang naka-gown ito. Doon na siya nagkalakas loob na itanong kay Zoe kung pwede siyang manligaw sa kaniya (Hindi pa ba kayo? LOL). “Fine” lang ang sagot ng kinikilig na si Zoe. Nagpromise si Yanni na tutuparin nito ang dream wedding niya.

Speaking of nabighani…Sinabi ni Manolo kay Elle na sorry na lang si Lyka, pero magigiging mas maganda pa rin si Lady Elle sa kaniya kahit hindi pa ito nakabihis. Naiinggit daw si Manolo kay Noah, kaya kung pwede raw sa isang taon sila naman. Hindi na raw sukob iyon. Kinuha ni Manolo ang kahon na may lamang singsing. “Will you marry me, Elle?”

Poised pa rin si Lady Elle at sinabing hindi raw matanda na sila para doon (pero kilig pa rin siya)? Sinabi ni Manolo na kung siya lang ang nasunod matagal na silang naikasal, kasing tanda na raw ni Lyka sana ang mga apo nila, Pero iginalang niya ang desisyon ni Elle, dahil naiintindihan daw niya ito…dahil mahal niya ito.

Ngayon raw na malapit na ang kapayapaan sa lahi nila at sa mga tao, na ipinapakita ng kasal nina Noah at Lyka, siguro naman daw pwede na nilang pagbigyan ang kanilang mga sarili.

Hinawakan ni Elle ang mukha ni Manolo, “all these years I have never known a man as vulbnerable (o honourable?), as loving and as patient as you. Yes (sabay kuha ng singsing at sinuot niya sa finger niya — talagang take charge siya no), I am most proud to marry you.” Sagot naman ni Lolo “You just made me the happiest man alive.” Nagyakap sila. (WAHHHHHHHHHHHHHH!!! KILIG!!!)

Speaking of nabighani (part 2)…Hindi maalis ni Rodolfo ang tingin niya kay Nessa noong inaayos ni Nessa ang cuff ng barong niya. Sinabi niya na si Nessa raw ang pinakamagandang itim na nakilala niya. Bago muling nakahirit si Rodolfo, biglang dumating sina Annie at Tikboy at nagtatalo sila dahil ayaw samahan ni Annie si Tikboy. (BITIN!!!)

Speaking of nabighani (Part 3)…Nakita ni Alec si Gabby na bumaba ng sasakyan at nakagown daw ito. Sinabi ni Alec na rule#1 daw sa pag-attend ng wedding, huwag i-upstage ang bride. Hindi raw iyon ang gustong gawin ni Gabby. So inamin na rin daw niyang maganda lang daw siyang talaga, boladas naman ni Alec. Sinabi ni Gabby na kahit kailan hindi niya ma-a-upstage si Lyka. Inescortan ni Alec si Gabby at tumalima naman ito. Naglakad na sila papasok ng venue.

Habang nag-aayos naman si Anton, sinabi niyang sa pinakamasayang araw ni Lyka doon niya tatapusin si Noah. At sino raw ang dadamay kung hindi ang pinakamabait niyang kuya.

May pumalakpak sa likod ni Anton as a sign of approval sa plano niya. (Sino kaya iyon?)

Anton opened his hand at lumitaw ang markang nilalagay niya sa mga pinapatay niya. Bigla rin itong nawala…

Teasers:

Kasal na nina Noah at Lyka.

May sniper na babaril kay Noah.

Mga Marka: , ,

14 Tugon to “Lobo, Episode 101”

  1. trilixia Says:

    Ang sabi ni gabby na kung totoo raw ang pagmamahalan ni Noah at Lyka ay dapat madali ang lahat at walang tumatanggi.

    Si gabby talaga, hindi nanonood ng mga teleserye… hehe.. mabigyan nga ng TV.

    Kelan pala ang finale? Malapit na ba?

  2. tikgirl Says:

    hindi kaya si silva yung pumalakpak… kunyari lang na pinatay ni anton si silva??? hehehe… nanghula!!!

  3. tikgirl Says:

    mas kinilig ako kila nessa at rodolfo, ah!!! kahit bitin… hehe

  4. mahalo Says:

    sa palagay ko may ginawang bala si anton para malason si Noah ala Lyka style ba! para matabalan si Noah and of course sa ending si Lyka naman ang magsasave kay Noah. hay wlang katapusang bantayan ang huling bantay at ang bantay heheheheheheh…..Pero ang galing ng arte ni anton ha!!! napapagod na ako sa kakaiyak ni lyka at kakayapos ni Noah. Puro action naman heheheheh para exciting ….

  5. pokwang Says:

    whahhhhhhhhhhh.. boring n lobo ngayon.. kainis… pero katkot pa rin..
    mas gusto ko panoorin, alec-gabby, manolo-lady elle at nessa-rodolfo.. hehe.. kakilig

  6. no car Says:

    feeling ko tapos na ang pinaka highlight ng lobo.

    kung meron pang silang ipapakita kaexcite-excite bettter be real good. para naman hindi ma-disappoint ang mga viewers. todo puri pa naman tayo sa kanila the whole time. so dapat talaga super ganda ang ending. hindi yung —-ah tapos na lalang…..

  7. pokwang Says:

    tikgirl…si nana sela kaba? MANGHUHULA… hahahaha… malamang feel mong maging trixie..hehe..
    sino kaya kampon ni anton..>
    ptvj.. bat walang kang comment ha?2log knb?

  8. tikgirl Says:

    pokwang… si tata selo ako… hehehe!!!

  9. macky Says:

    ptvj.. kaw b gumawa preview?

  10. trilixia@yahoo.com Says:

    Tingin ko nga si tikboy or trixie ang apo ni nana sela…

  11. trish-y Says:

    i think lyka gets shot instead of noah……prolly an accident

  12. tikgirl Says:

    tulog pa rin ata si macky

  13. todopinay Says:

    I think the one who clapped is his mama Clara. Isn’t there a ritual where the Lobos can bring someone back alive, may kapalit, and maybe ang kapalit is Noah! At isa pa, yung comment ni Anton, na si mama is here, baka yun ang hint na binuhay ni Anton si Clara, kaya siguro hindi na-sense ni Nana Sela yung babaing pumunta sa kanya. I thought Trixie is a lobo, and I don’t get it, parang, with her eyes turning all white is not freaking them out, parang normal lang and akala ko siya ang apo ni Nana Sela, pero the way the story is going, si Tikboy ang apo! Baka magkapatid sila

  14. mums Says:

    para ngang babae ang kamay ng pumalakpak. baka nga si clara. o baka naman si gabby pero kung si gabby yun hindi niya hahayaan patayin ni anton si noah. si ylvana kaya? kasi inggit ito kay lyka. ewan. kakanda hirap pa tayo manuod na lang mamaya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: