Lobo, Episode 100

by

Ano raw ang kinalaman ng bagong kalaban sa narararadaman nina Noah at Lyka para sa isa’t isa? Hinawakan ng mahigpit ni Nana Sela si Lyka, nakikita daw niya ang kadiliman na hihila kay Lyka…sa mundo. Kung daw may malasakit sila, hindi nila ipagpapatuloy ang pagmamahalan nila. Or else babalik sila sa pinaggalingan nating lahat — ang kadiliman. Huwag daw nilang labanan ang tadhana.

Nagliliyab pa rin si Anton. Nagkavision ito, nakaupo ito sa trono, katabi niya si Lyka (na looking seductive) at may lobo sa right side niya.

Hindi alam nina Lyka ang gagawin lalo na at namatay si Choy. Sinabi ni Noah na kasama nila sa laban si Choy, matutuwa raw si ba si Cho kung susuko sila? Lalabanan daw nila ang tadhana, kahit sa impyerno susundan daw niya si Lyka. Naconvince naman si Lyka.

Patakbong pumasok sa mansiyon sina Tikboy at Annie at ibinalita nila ang nakita nilang itim na lobo. Galit na galit daw ang itim na lobo at para itong sasabog sa galit.

Ipinakita naman ni Noah kay Lyka ang blueprint ng plano ni Manolo na isang pamayanan para sa mga taong lobo. Matutupad na raw ang pangarap ni Lyka, sabi ni Noah, isang lugar kung saan magsasama-sama ang mga taong lobo at mamuhay ng tahimik. Magpapatayo raw sila ng bahay doon pra maprotektahan nila ang mga ito at bubuo sila ng pamilya. (Hindi kaya kayo maging easy target niyan kung sama-sama kayo?)

Humupa na ang pagliliyab ni Anton. Ilang beses itong nagpapalit-palit ng balat bago ito nakatayo. Malakas na siya.

Noon itina-tuck-in ni Trixie sina Annie at Tikboy (tabi silang matulog? LOL), sinabi ni Trixie na huwag na nilang uulitin na umalis ng hindi sinasabi kung saan pupunta. Sumama na naman ang pakiramdam ni Trixie habang nagtatalog sina Annie at Tikboy kung sino ang mas matapang sa kanilang dalawa.

Sinabi ni Lyka kay Nessa na itutuloy pa rin nila ang kasal. Pero hindi raw ba sila selfish sa ginagawa nila? Sinabi ni Nessa na mahalaga ang pagmamahalan nina Lyka at Noah. Kinuha nito mula sa closet ang wedding dress na dinesign at tinahi niya para kay Lyka (House of Nessa? Hehehe).

Sinimulan na ra niyang gawin iyon noong una pang nagpropose si Noah kay Lyka, ganoon daw kalakas ang pagtitiwala niya sa pag-iibigan nilang dalawa. OOkay lang daw kahit hindi niya isuot iyon pero gusto lang daw niyang tapusin. Touched naman si Lyka sa ina. Ito raw ang isusuot niya sa kasal.

Worried naman si Zoe dahil taong lobo ang pumatay kay Choy baka hindi na matuloy ang kasal nina Noah at Lyka. Sinabi ni Noah na natutuhan na niya ang leksiyon niya, hindi porke’t masama ang isang taong lobo, lahat na sila masama. Sinabi ni Zoe na kung naroroon lang daw ang Daddy nila magiging proud ito kay Noah. (Namiss ko tuloy si Leon!)

Habang ginagawa nina Nessa at Trixie ang finishing touches ng gown ni Lyka, sinabi ni Nessa na kailangan na nilang tapusin ang gown. In a somber tone, sabi ni Trixie dapat lang daw dahil baka dumating ang araw ng kasal ay walang maisuot ang bride. Nagtaka naman si Nessa kay Trixie.

Habang pinapanood nina Anton at Nessa na sinusukatan ng mga damit sina Tikboy, Annie at Gabby (best man si Gabby! Sabi ni Alec siya raw ang pinakamagandang Best Man. Luna pa rin ang tawag niya dito) nina Elton at Lara (namiss kita Elton!) sinabi ni Nessa na mas masaya raw sana kung naroroon si Clara siguradong gusto nitong makita si Lyka. Huwag daw mag-alala si Nessa, pakiramdam daw ni Anton ay naroroon ang ina at pinapanood sila.

Nakikipaglaban naman sina Lyka, Alec at Noah sa mga Luna.

Habang pineplay ang instrumental ng Ikaw Ang Pangarap:

*Ipinakita na nakikipag-usap sina Lyka at Noah sa isang wedding coordinator (hey, may wedding gown ka na bakit wedding gowns ang tinitignan mo?). Pinagmamasdan ni Noah si Lyka ng buong pagmamahal.

*Magkayakap silang dalawa.

Pinapanood sila ni Anton habang magkayakap.

Natutuwang pinagmamasdan ni Trixie ang naka-laid out na wedding gown ni Lyka sa kama. Hinaplos niya ito at pero nag-umpisa itong magliyab. Nagsisigaw si Trixie.

Pinuntahan ni Lyka si Nana Sela para sabihing bukas na ang kasal niya. Itinanong ni Lyka kung may nagbago raw ba. Alam naman daw ni Lyka ang kwento ng mga taong lobong nagmahal sa mga tao, lahat daw sa hindi maganda nagtapos. Ano raw ba ang mali sa pagmamahal ni Lyka sa isang taon? Sinabi ni Nana Sela na hindi na niya masasagot ang tanong ni Lyka. Ang tanging masasabi lang niya ang ang idinidikta ng tadhana.

Pumasok si Nessa sa kwarto para alamin kung ano ang nangyayari kay Trixie. Nagsisigaw pa rin si Trixie saying kailangan nilang kumuha ng tubig, pero pagtingin nila sa gown, hindi ito nasusunog.

Sinabi ni Lyka na ang nababago raw ang batas ng tadhana sa bawat galaw ng mga tao. At kung mali man daw na magmahal siya, siya na lang ang parusahan, huwag na si Noah. Hindi raw matutulad si Noah sa tatay niya, sa lolo niya at kay Tito Emil niya.

Sinabi na ni Trixie kay Nessa ang mga kakaibang nangyayari sa kaniya. Hindi naman alam ni Nessa kung paano niya matutulungan si Trixie. Dumating si Lyka pero hindi nila sinabi dito ang problema niya.

During the rehearsal dinner, nagbigay ng toast si Anton para kay Noah at Lyka. To Noah and Lyka: “I wish you all the happiness in the world.” (Magkakatabi ang mga loveteams! Wala pa sina Lady Elle?)

Hinabol ni Alec si Gabby. Baka raw bukas magsisigaw raw ito ng “Itigil ang kasal!” Hindi raw ba iyon din ang gusto niya sabi ni Gabby. Sinabi ni Alec nagkakamali daw si Gabby. Ayaw raw niyang mapawi ang ngiti sa mukha ng babaeng pinakamamahal niya, sana raw ganoon din si Gabby. Iyon lang at umalis na si Alec (Ang bait mo naman. I love you, Alec!).

Biglang sumulpot si Anton at sinabi kay Gabby na hindi raw siya agree sa sinabi ni Alec. Sa tingin daw niya tama na isigaw na itigila ng kasal. Itigil na raw nila ang kahibangang iyon, ang tao raw ay para sa tao, ang lobo ay para sa lobo. Naiwan si Gabby na nag-iisip.

Pagkatapos ng dinner naglalakad-lakad sina Noah. Bukas raw magiging Lyka Ortega na siya. Huwag na daw niyang isipin ang sinabi ni Nana Sela, isipin na lang daw niya ang magiging buhay niya as Lyka Raymundo Ortega, apo ng puti (itim din ang lolo niya no), anak ng itim, ang huling bantay, na asawa ni Noah ang bantay ng huling bantay. Napangiti naman si Lyka at niyakap niya si Noah.

Nalason na ni Anton ang isip ni Gabby. Sinabi niya kay Noah na sinisiguro lang daw niya na walang mangyayaring masama kay Noah kagaya ni Choy. May oras pa raw si Noah para umatras. Hanggang kailan raw ba magkukunwari si Noah na tama ang ginagawa niya. Sinabi ni Noah na porke’t ikakasal na siya mawawala na ito. Umurong si Gabby sa pagiging “best man” niya. Sana raw makahanap pa ito ng best man.

Sinabi ni Lyka kay Noah na naiintindihan daw niya si Gabby. Mahal raw ni Gabby si Noah kaya sinusuportahan niya ang mga ginagawa ni Noah at nagbabaka-sakaling mahalin din siya ni Noah.

Hindi raw alam ni Noah ang gagawin. Dahil ang nasa puso at kaluluwa niya ay na kay Lyka. Sinabi ni Lyka na magtiwala raw si Noah na naiintindihan din siya ni Gabby. Na darating din ang araw na maiintindihan ng lahat, pati na ng tadhana kung bakit mahal nila ang isa’t isa.

Pumatay naman ng maraming tao si Anton, bilang “regalo” sa mga magiging asawa ng kapatid niya. Inilagay niya ang mga ito sa iisang lugar at pinagpatong-patong sila.

Teasers:

Si Rodolfo na naman ang pinag-iinitan ni Ylvana sa pulong.

Kasal nina Noah at Lyka.

(Naku, kinakabahan ako sa kasal na to, ha! Baka may mangyaring masama… .)

Mga Marka: ,

8 Tugon to “Lobo, Episode 100”

  1. macky Says:

    ako din.. kinakabahn sa kasal.. katakot si anton

  2. tikgirl Says:

    feeling ko di matutuloy ang kasal…. kainis

  3. tikgirl Says:

    namiss ko ang ptvj… hehehe

  4. jas ko Says:

    ptvj, bakit po parang hindi na ako na eexcite sa kwento? namimis ko ata si gen.silva. hhaha

  5. ruvi Says:

    oo ako di na rin na excite lalo na sa mga eksina ni piolo at angel kakasawa puro na lang yakapan at halikan kaiinis wala ng trill…

  6. Sleepless_in_Wgtn Says:

    Okay si Noah, hanggang impyerno, susundan niya si Lyka.

    To those who are missing the excitement, this is ‘the calm before the storm’…

    Feeling ko rin, may masamang mangyayari sa kasal. Can’t wait for tomorrow…

  7. mums Says:

    ay… sana naman. kasi na babato na rin ako sa pa sweet ng dalawa.

    siguro mas eexcite kung dadagan pa nila ng isa pang kontra bida. si gabby kaya?

  8. mahalo Says:

    nakakainis naman si nana sela at hindi sinabi na si Anton ang pumatay kay SIlva at ang naghahasik ng lagim. Mas eksayting kung alam na nilang si anton kasi mukhang napakapowerful ni Annton. Dapat sinabi didn ni nana sela kay lyka na dapat din syang maghiwa para makuha nya ang bato…. super suspense nakakinis… sabagay 3 weeks na lang ang natitira ng lobo, Iienjoy ko na lang ang bawat episode kasi mamimiss ko si Piolo at si Alec hehehehehehehehehehehehhehe….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: