Lobo, Episode 99

by

Pagdating nina Noah at Lyka sa mansiyon, nakasalubong nila sina Lady Elle at Manolo. Binati sila ng mga ito at itinanong nila kung kailan ang kasal. Sa isang linggo na raw dahil hindi na sila makapaghintay (sa honeymoon, wahahaha!). Papaalis na papuntang Paris sina Lady Elle at Manolo pero babalik sila in time for their wedding.

(Nauna ng mag-honeymoon sina Lady Elle at Manolo…wahahaha!)

Pagpasok nina Lyka at Noah, naiinip na naghihintay sina Nessa at Trixie sa kanila. Masaya rin silang binati ng mga ito.

Namuti ang mga mata ni Trixie at sinambit niya ang pangalan ni Annie. Biglang dumating sina Yanni at Zoe dahil may nangyayari daw kay Annie. Nakatanggap ng tawag si Trixie at nalaman nilang maraming mga batang taong lobo ang nakaka-symptoms ng pagpapalit ng balat kahit iyong mga 1-year-olds.

Hindi malaman ni Lyka kung ano ang gagawin niya, Iyong na raw siguro ang sinasabi ni Remus noon na mangyayari. Siya na ang Punong Bantay pero hindi niya alam ang gagawin. Sinabi ni Noah na tutulungan niyang malaman ni Lyka kung ano man iyon at nagyakap sila. Dumating si Alec at nakita niyang magkayakap ang dalawa.

Sinabi ni Alec na totoo nga raw pala ang balita na ikakasal na siya. Nakipagkamay si Noah sa kanya at sinabi niyang utang nito ang buhay ni Lyka sa kanya. Malungkot na inabot naman ni Alec ang kamay niya at sinabihan ng goodluck si Noah. Bago panakapag-react ng husto si Lyka sa biro ni Alec, dumating ang mga bata at sinabing ayos na si Annie.

Habang nagpaplano sina Lyka sa magiging approach nila sa mga nangyayaring kaguluhan, namuti na naman ang mata ni Trixie at hindi nito malaman kung ano nangyayari sa kanya. Napansin din nina Nessa ang pagiging balisa ni Trixie. Bigla na lang daw natulala si Trixie, okay lang ba raw siya? (I guess hindi nila nakikita ang pamumuti ng mga mata ni Trixie?)

Pagggising ni Gabby, nakita niya ang note ni ALec sa kanya sa dining table: “Ikaw talaga kwento ng kwento tinulugan mo ako. Dapat sa susuno wala ng tulugan ha? Thanks! Alec.” Medyo nangiti ng konti si Gabby.

Sinabi ni Lyka na ipagpaliban raw muna ni Nessa ang pagsasabi niya kay Anton na ito ang nakakagat sa kaniya noon (ang ganda ni Nessa, nagpapacute kay Rodolfo!). Galit pa raw kasi si Anton. Baka nga raw kapag nalaman nitong magpapakasal na sila ni Noah, magalit ito. Bigla namang pumasok si Anton at narinig niya iyon.

Pagalit (kunwari) na binukan ni Gabby ang pinto noong may narinig siyang kumakatok at sinabing makulit ito. Si Noah pala ang nasa pinto at natigilan si Gabby. May daang pagkain si Noah. Noong nakita niyang may dalawang wine glass sa mesa, tinignan niya ng makabuluhan si Gabby.

Binati din ni Anton si Lyka. Masaya raw ito para sa kaniya. Niyakap ni Lyka ang “kuya” niya ang hindi niya alam nagbabaga ang mga mata ng kuya.

MUkha raw na it was a long night sabi ni Noah. Sinabi ni Gabby na may nag-stay lang na kaibigan. Sinabi na ni Noah na ikakasal na sila ni Lyka in one week kaya magcecelebrate sila (Naku Noah, sana naman may konting sensitivity noong sinabi mo kay Gabby. Sinabihan ka palang ng tao na mahal ka niya. Mahahalikan kita sa inis, ano ba!). Sinabi ni Gabby na totoo pala ang sinabi ni Choy.

Nag-ring ang telepono pagkatapos i-open ni Noah ang tungkol sa “kanila” ni Gabby. May bagong findings daw sa pagkamatay ni Clara at mukhang may kinalaman si Silva. Tinawagan ni Gabby si Choy. Naputol ang moment nila. Hindi sumasagot si Choy, baka raw may hangover pa ito.

Ibinigay ni Noah kina Nessa, Lyka at Anton ang report na ipinuslit ni Andrew ang tungkol sa pagkakamatay ni Clara. Asphyxiation daw ang cause of death at patay na ito bago pa tumama ang baril ng mga Luna sa kaniya. Natagpuan daw nafingerprints sa leeg ni Clara matching to those of Silva’s. Galit pa rin si Anton. KUng sa tingin daw nito na maaabswelto sina NOah sa sinabi niyang iyon, nagkakamali daw siya. Alam naman daw ni Noah iyon at humihingi siya ng dispensa sa nangyari. Gusto lang daw niyag magkaayos sila dahil ikakasal na sila ni Lyka.

Nakatanggap ng tawag si Noah, natagpuang patay si Choy😦 . Naabutan nina Noah, Lyka, Ylvana at Anton si Gabby na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Choy. Duguan ito at may marka ito sa noo. Iniisip nilang si Silva ang may gawa noon.

Pumasok si Anton at sinabing hindi si Silva ang may gawa noon. Sinundan nila si Anton at nakita nilang naroroon ang bangkay ni Silva. Mukha pa raw naunang namatay si Silva kay sa kaibigan nila. May marka din siya sa balat. Galit na tinanong ni Gabby kung kailan titigil sina Lyka sa kakapatay.

Plano ni Anton na pag-awayin lalo ang mga taong lobo at mga tao para malayo sina Lyka at Noah sa isa’t isa. Para siya ang dadamay kay Lyka.

Namamasyal sina Zoe, Yanni, Tikboy at Annie. Iniisip ni Zoe na isang linggo na lang daw at ikakasal na sina Noah at Lyka pero parang walang nagpaplano. Kung daw siya ang mapaplano, lahat ng mga bridesmaids nakapink, nakaputi si Lyka pero may ribbong din daw itong pink at pati mga flowers pink. Sabi ni Yanni matanda na raw si Lyka para sa ganoon, sa kasal na lang daw nila. (BWahaha! Ang haba ng hair ni Zoe.)

Nakarating sa isang balkonahe sina Tikboy at Annie. Naging pamilyar kay Tikboy ang lugar, parang nakapunta na raw siya noon. Niyaya pa ni Tikboy si Annie to walk further.

Pinuntahan ni Anton si Nana Sela. Alam ni Nana Sela na si Anton ang pumatay kay Alberto/Silva. Gustong malaman ni Anton kung paano mapupunta sa kaniya ang kapangyarihan ng bato. Huwag raw magkakamaling magsinungaling si Nana Sela (sinakal niya ito) at hindi raw ito mag-aatubiling patayin ito.

Sinabi ni Nana Sela na sa unang gabi na walang buwan sa kalangitan, maghahanap daw ito ng mapagtataguan hanggang sa pagdating ng susunod na huling bantay in 500 years. Tinanong ni Anton kung paano raw niya makukuha ang kapangyarihan nito.

Inaakusahan ni Ylvana si Rodolfo sa pagkatamay ni Choy. Baka raw may kinalaman ito. Nagalit si Rodolfo dahil kaibigan daw niya si Choy. Sinabi ni Lyka na huwag silang magpadala sa galit. Nakatanggap ng tawag si Alec, may isa raw pamilya na inaatake ng mga LUna.

Dumating sina Lyka, Noah, Alec at Gabby. Humarang si Lyka sa pagitan ng mga Luna at mga taong lobo. Pinaputok ng LUna ang baril pero sinalo lang nito ang bala. Sinuntok sila ni Lyka.

Sinabi ni Lyka sa mga taong lobo na huwag nilang sasaktan ang mga Luna at ipakita sa kanila na hindi sila halimaw.

Napalayo na sina Tikboy at Annie dahil ayaw magpapigil ni Tikboy. Dahil daw sa napanaginipan niya doon niya makikita ang lola niya.

Papalabas naman ng bahay ni Nana Sela si Anton (aba, nag-iba ng location ang bahay ni Nana Sela di ba dati para itong isang squatter’s area?) at may naamoy ito. Nagpalit siya ng balat at nakasalubong niya sina Tikboy at Annie.

Sinabi ng ina na mga taong lobo na hindi raw mangyayari ang gusto ni Lyka dahil hindi magbabago ang mga Luna. At hindi raw ito mag-aatubiling patayin ang mga ito sa susunod na sinugod sila para ipagtanggol ang pamilya niya.

Kinakausap ni Annie ang itim na lobo, pinigilan siya ni Tikboy pero sinabi ni Annie na mabait daw iyon kagaya ng nanay niya. Hindi raw iyon mabait, galit daw iyon sabi ni Tikboy. Tinirador ni Tikboy si Anton at umalis si Anton. Nagsaya ang dalawang bata. Pero hindi na napilit ni Tikboy si Annie na pumunta pa sa bahay ni Nana Sela dahil baka raw nagagalit na sina Zoe at Yanni sa paghahanap sa kanila. Kahit naglakakad papalayo, hindi pa rin maalis ni Tikboy ang tingin niya sa bahay.

Unang gabi na walang buwan sa langit itinaas na ni Anton ang bato sa langit. Nagliyab ang bato.

Sinadya nina Lyka at Noah si Nana Sela. Namangha si Noah dahil biglang nagsalita si Nana Sela at pinapasok niya ang huling bantay. Ipinagbabawal daw ng tadhana na mag-isang dibdib sila. Dahil ang pagsasama daw nila ay magpapanganak ng bagong kasamaan. Aabot ang dugo at lilipat ang kapangyarihan sa nilalang na tatapos sa kanilang lahat.

Nagliyab na ang buong katawan ni Anton…

Teasers:

Gusto ng makipaghiwalay ni Lyka kay Noah.

Sinabi nina Tikboy na may nakita silang itim na lobo.

Malakas na si Anton.

BUmalik si Lyka kay Nana Sela. Mauuwi lang daw sa hindi magadandang katapusan ang pagmamahal ng isang taong lobo sa tao.

Hinawakan ni Trixie ang wedding gown ni Lyka, napaso si Trixie at nagliyab ang gown.

(Nakainis lang na mukhang hindi na naman nila i-e-emote ng husto ang pagkamatay ni Choy.)

2 Tugon to “Lobo, Episode 99”

  1. Trilixia Says:

    Sino kaya ang apo ni nana sela? si tikboy or si trixie? hhmm….

  2. ptvj Says:

    trilixia, baka pareho. malay mo pati si noah, kamag-anak din nila kasi hindi ba wala naman tayong alam sa mother side ni noah?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: