Lobo, Episode 97

by

“Mahal kita.
Kahit paulit-ulit pa akong mamatay,
mabuhay, dumating ang pulang buwan
ikaw pa rin ang pipiliin ko
ikaw lang ang mamahalin ko.”

(Note: 9 lang sana ang ibibigay kong rating pero… . Ah, basta basahin niyo na lang kung bakit.) Nag-aagaw buhay si Silva sa mesa ni Anton. Tinutuya pa niya ito, kung naghintay pa ito ng matagal-tagal makukuha nito ang lakas ng pulang bato. Ang pinakamalaking pagkakamali daw nito ay ang saktan ang babaeng pinakamamahal niya. Pinagsasaksak ni Anton si Silva. Gagamit ni Anton ang dugo ni Silva para sa formula na ginawa niya n magbibigay sa kanya ng lakas.

Nagising si Lyka sa isang kwarto na puno ng candles at rose petals. Nakita niyang nakatayo sa bintana si Noah. Sinabi ni Noah na tumawag na siya kina Elle, bilin daw ng lola niya huwag muna niya itong iuwi sa kanila dahil marami pang nanggugulo sa kana doon. Sila na raw ang bahala sa lahat ng dapat ayusin. Magpahinga raw muna ito hanggang kailan niya gusto (kunsintindora ang lola!).

Narealize ni Lyka na tapos na ang lahat. Nailigtas na niya ang mga taong lobo, sabi ni Noah. Sagot naman ni Lyka, iniligtas naman siya ni Noah.

Sinabi ni Noah na noong nabaril niya si Lyka para daw siyang namatay. Humingi siya ng tawad kay Lyka.

Hindi na raw niya kailangang humingi ng tawad, kahit paulit-ulit daw siyang mamatay at mabuhay at dumating ang pulang buwan siya pa rin ang pipiliin at mamahalin niya.

Gusto raw makita ni Noah kung sino at ano si Lyka.

(Excuses! Excuses! Gusto mo lang siyang makitang walang damit after. Naku ha, you got her in bed already! Chenes!)

Nagpalit ng balat si Lyka. Tinanong ni Noah kung matatanggap ba ni Lyka ang isang halimaw na katulad niya.

Nag-anyong tao ang umiiyak na si Lyka. Hinubad ni Noah ang t-shirt niya at ibinigay niya kay Lyka.

(Charing! May kumot naman kaya dun. Gusto mo lang magpakita ng abs habang nakahubad si Lyka! Not that I’m complaining.)

Nilapitan ni Noah si Lyka hinawakan niya anga muka nito. SInabi niyang mahal niya si Lyka.

Tapos umikot ikot ang camera habang kumakanta sina Agot at Martin. Habang wala silang parehong damit!

WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! I’m too young to see this. Hahahaha!

Ayan na po ang pinakahihintay nating eksena…

Pagkatapos nilang mag-chuc-chac-chenes, nakahiga si Lyka sa bisig ni Noah. Nagpasalamat si Noah sa pagmamahal ni Lyka. Sinabi ni Lyka na tapos na ang problema nila — ang pulang buwan, ang pagkakasundo ng mga itim at puting lobo. Sabi ni Noah na susuportahan daw niya si Lyka sa role nito bilang huling bantay.

Matamlay naman si Lady Elle dahil sa mga nasugatan at namatay na mga taong lobo dahil sa pulang buwan. Problemado din siya dahil nawawala pa si Silva at hindi makita ang bato. Sinabi naman ng mga taong lobo na babalik din naman ang bato sa pinagtataguan niya para hintayin ang susunod na huling bantay.

Nagmamadaling pinuntahan nina Lyka at Noah si Lady Elle dahil akala nila may malaking problema noong ipinatawag nila ito (naku ha inistorbo niyo sila). Iyon pala ploy lang ng lola niya iyon para sorpresahin si Lyka. Sa hardin naroon lahat ng mga taong lobo pati na sina Gabby. (Mabuhay ang Huling Bantay! sabi ni Nessa at sumunod naman sila. Sinigaw ni Alec, mabuhay daw ang trainer ng huling bantay, siya. LOL)

Nag-speech si Lyka (nagpasalamat siya sa tulong ng lahat, sana raw patuloy silang magkasundo-sundo, etc etc). Noong pinapalakpakan nila ito, may ibinulong si Alec kay Gabby, something about ready na raw ba ang puso niya (maybe for Alec).

Tumawag ng pulong si Lady Elle at doon na niya in-announce ang retirement niya at ipinasa niya kay Lyka ang pwesto niya. Poor Ylvana, buong akala niya siya na ang tatawagin ni Lady Elle. Tinanggap ni Lyka ang pagiging pinuno niya at isinali niya sina Alec, Rodolfo at Nessa sa Waya Council (itim na Waya sina Rodolfo at Nessa). Pero ipinapangako muna ni Lyka kay Rodolfo na hindi na sila gagalaw ng mga Luna.

Isinalin naman ni Anton ang dugo ni Silva sa kaniya. Lahat yata isinalin na niya.

Ini-report naman ni Andrew kina Noah, Gabby at Choy na nagsisimula ng magkawatak-watak ang mga Luna. Iniimbestigahan din sila ng militar sa mismanagement of funds. Inisip naman ni Noah na baka raw nagla-lie low lang ang mga Luna. Ang main objective daw nila ngayon ay hanapin si Silva (at protektahan ang mga taong lobo para makabawi na rin sa mga kasalanan nila).

Ayaw naman ni Ylvana na tanggapin si Rodolfo at first pero wala na rin siyang nagawa. Sinabi ni Lyka na priority nila ay hanapin si Silva.

Niregaluhan nina Lyka si Lady Elle ng plane ticket, trip for 2 sa Paris. Akala ni Elle si Nessa ang kasama niya, si Tito Lolo Manolo pala (uyyy…). Alam daw in Lyka na pabalik balik na ang lola niya sa Paris pero sana raw this time mag-enjoy naman siya na sarili lang niya ang iniisip. Niyakap ni Lady Elle sina Nessa at Lyka.

Galit na pinasok ni Nessa si Lyka. Nasaan raw si Noah. Magdamag daw silang magkasama ni Lyka, isinuko na raw niya ang bandila ng mga Blancaflor (Siyempre madir! Araw ng Kalayaan…). Nasaan raw si Noah, pagbabayaran daw niya lahat ng iyon. Pagalit pa rin niyang sinabi na gusto niya ng maraming apo. Ngumiti na si Nessa at niyakap niya ang ina.

Hindi na raw yata posibleng mas magiging masaya pa siya kaysa sa nararamadaman niya. Tanggap na raw kasi ni Noah ang buo niyang pagkatao. Ipinaalala ni Nessa na hindi pa alam ni Noah ang lahat. Sinabi niya na kung hindi raw matatanggap ni Noah, siya raw (Nessa) ang mananagot. Naalala ni Nessa si Anton, huli raw niyang nakita ito ay noong bago magpulang buwan, nagpaalam raw ba ito kay Lyka?

Kinausap naman ni Noah ang pamilya (asawa at nanay) ng isang taong lobong napatay niya dati at humingi ito ng tawad. Sinabi ng ina na kung maipapangako ni Noah na hindi na siya mananakit ng ibang taong lobo, nasa kanya raw ang kapatawaran niya.

Nagpunta sina Noah at Choy sa isang abandoned building dahil doon daw makikipagkita si Rodolfo sa kanila. Kinakabahan na raw si Choy bakit doon pa siya nakipagkita. DUmating si Rodolfo na nanlilisik ang mga mata. Kama pa niya ang ibang itim na lobo.

Akala raw ni Noah bayad na siya sa mga kasalanan niya. Pinagbubugbog siya ni Rodolfo, dudurugin daw nito ang lahat ng mga buto sa katawan niya. Hindi naman nanlaban si Noah.

Ini-interrogate ni Trixie si Lyka sa kung akong ginawa nila ni Noah noong sila lang ang magkasama. Tinutukso niya ito.

Sinabi ni Trixie na proud na proud ito sa friend niya dahil ito ang huling bantay. Sinabi ni Lyka na mahal niya ang kaibigan. Niyakap ni Lyka si Trixie, pumuti ulit ang mata ni Trixie. Sinabi niyang nakita niya si Lyka sa isang madilim na lugar at hinahanap nila itong lahat, pati na si Noah hinahanap din siya nito. Sinabi ni Trixie na magulo lang ang isip niya lately. Baka raw stres lang iyon, sabi ni Lyka. Nagplano silang lumabas na silang dalawa lang. MUkhang bahala pa rin si Trixie noong umalis na si Lyka.

Dumating naman si Alec habang sinasakal ni Rodolfo si Noah. May atraso din daw si Noah sa kanya. Hindi naman makapaniwala si Choy dahil akala niya “bok” na niya si Alec. Sinabi ni Noah na kung hindi nila ito mapapatawad wala siyang magagawa pero nangangako siyang ang laban nila ang laban na rin niya.

Nagtawanan sina Rodolfo at Alec. Sinisiguro lang daw ni Rodolfo si Noah. Buhay daw ng huling bantay ang nakasalalay, baka raw bumunot na naman ng baril si Noah. Medyo napikon si Choy kaya pinagtawanan din nila ito.

Nagkamay sina Noah at Alec at Rodolfo.

Pinuntahan ni Lyka si Anton. Nakita niyang medyo magulo sa lab. May nakita siyang umiilaw sa may drawer pero bago niya ito nabuksan dumating si Anton.

Sinadya ni Noah sina Lady Elle at Nessa. Akala ni Lady Elle napano si Noah dahil sa pasa nito sa mukha. Gusto daw silang maka-usap ni Noah. Hinihingi nito ang kamay ni Lyka sa kanila. Sinabi ni Lady Elle na ang kasiyahan ni Lyka ay kasiyahan din niya and he has her blessings. Pero si Nessa daw ang ina at dito raw siya magpaalam. Iniwan na sila ni Lady Elle para makapag-usap.

Hindi raw papayag si Nessa na makasal sina Noah at Lyka hangga’t hindi nito alam ang buong katotohanan. Sana raw kung mamuhi siya dito, huwag na niyang idamay si Lyka. Sinabi na ni Nessa ang totoong nangyari noong gabing namatay si Emil…

Teasers:

Nagpropose si Noah kay Lyka.

May nangyayaring masama kay Annie pati na sa ibang mga batang taong lobo.

Naghahasik na ng lagim si Anton.

Screenshots from: LOBO.

Mga Marka: ,

23 Tugon to “Lobo, Episode 97”

  1. dumbako Says:

    ptvj, tama ang rate mo na 10! una, nangyari ang pinakakahintay nating rated R scene nina Noah at lyka, hekhekhek. pangalawa pinagsaksak ni Anton si Silva! sana tinorture n’ya talaga si Silva no, tulad ba sa movie na Saw or The Hostel! hekhekhek

  2. Ann Says:

    ano bang ibig sabihin nang “bok”?

  3. tikgirl Says:

    Ann, ang “bok” daw eh tawagan sa military

  4. tikgirl Says:

    ptvj, agree ako sa lahat ng side comments mo, hehehe… so c trixie nga ang apo ni lola sela. all along akala natin isa lang syang tagapangalaga ni lyka… hehehe… bakit yung teaser nung isang gabi hindi pinakita kabagi? parang inedit out na or mamya pa yun mangyayari?

  5. tikgirl Says:

    grabee, super bad na ni anton… kung si silva dati eh mukha lang ulol na aso, si anton eh talagang devil… mas nakakatakot!!! bagay na bagay sa kanya yung role…

  6. ptvj Says:

    dumbako, heheh. nag-aalinlangan ako kanina pero tama ka marami ring key events, unang-una ang ang pinakahihintay ng lahat, alam na nating lahat kung ano iyon. tapos ang pag-iintroduce ng bagong members ng waya council pati na ang retirement ni lady elle at pagpalit ni lyka sa pwesto niya; pati na ang ginawa nina rodolfo at alec kina noah.

    ann, tama si tikgirl.

    tikgirl, mukha ngang demonyo si antonπŸ˜‰

  7. macky Says:

    wahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!…….. diko napanood kagabi yung Rated X.. hehe
    buti ng lang my picture….

  8. dogyot Says:

    ptvj.. wala ka bang preview sa mga teleserya ng channel 7?

  9. ptvj Says:

    macky, naku the whole time na pinapanood ko nakangiti ako. ini-imagine ko na lang ako si angel. bwahahaha!

    dogyot, wala e. sorry. hayaan mo maghahanap ako ng gumagawa ng updates ng gma.

  10. dogyot Says:

    hehe.. wag na po.. ok.. d naman ako kapuso e.. natanong ko lang..

  11. tikgirl Says:

    macky, bawas-bawasan mo kasi gimik mo para makauwi k ng maaga at ng di mo mamiss ang bawat eksena!!!

  12. macky Says:

    tikgirl….. ok lang naman diko mapanood noh!!!!!!!!!! may preview naman ssi ptvj…adik ka siguro sa lobo….

  13. nawawala Says:

    uy! may love scene?!??! mapanood nga mamaya… bweheheh!!

  14. NoCar Says:

    natatawa lang ako kay noah sabi nya kay lyka “gusto ko uling makita ka, kung sino ka talaga” (something like that) di pa nya dineretcho na “gusto ko uling makita kang _________!” tapos na labing labing sila. noah ha style mo! hehehe 😈

  15. dogyot Says:

    ptvj.. wat time ka natutulog.. nasasagot mo pa mga comment namin..

  16. dino Says:

    ptvj… wow nag-iimprove n preview mo.. hehe.. my pic na.. baka 2m..video na.. hehehe..

  17. tikgirl Says:

    dogyot, feeling ko naman natutulog pa c ptvj…. hehehe…

  18. lobo-fan Says:

    pare pareho tayo ng nahalata…hahahaha! kunwari gustong makita ni noah si lyka bilang isang lobo pero yun pala gusto niyang mag”churnick” sila…hahahaha! can’t believe! pero kinilig ako grabe..i agree sa rating mo ptvj na 10!πŸ™‚

  19. dark angel Says:

    anung nangyayari kay trixie??? hmmmm….

  20. dumbako Says:

    lobo-fan: i like your term “churnick” hekhekhek. kinopya ko ang episode na to, ‘yong bandang rated RXPG lang! hekhekhek. gusto ko ring makapagchurnik! hekhekhek.hello ms. no car namiss kita, hekhekhek.

  21. geraldine cruz Says:

    grabe kmi mga ofw baliw s lobo super bili ng isang set ng lobo para continue mapanood.Halos ayaw ma2log wag lang maunahan s CD.hdi iniintidi n may work pa he he he grabe k baliw ANG ACHIEVER GIRLS d2 s taiwan s mga teleserya ng pilipino sana ma post 2.galing ni angel tlaga.

  22. Christian Velasco Says:

    galing ni angel talga.Ito lang libangan nmin nga ofw d2 s taiwan ang manood ng teleserya.Antay lang kmi ng mga bagong teleserya ng pinoy tapos kmi c bili nmn kaagad para hindi gano n homesick nakakalibang rin tlga.I love u GHIEPOT,

  23. Christian Velasco Says:

    i love u GHIEPOT.n sobrang bc s lobo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: