My Girl, Episode 13

by

Nagplano ng event si Tess para kay Annika at sinabi nito kay Julian na magandang image sa hotel nila kung siya ang e-escort.

Ipinagawa ni Lolo Greg ng damit si Jasmine para sa event. Si Niko ang escort niya. Parehong namangha sina Julian at Nico pagbaba ni Jasmine sa hagdanan.

Matamang pinagmamasdan naman ni Tess sina Jasmine at Nico sa party.

May selos sa mga mata ni Jasmine habang isinasayaw ni Julian si Annika. Ini-imagine nitong siya ang kasayaw ni Julian. Mas lalo itong nashock noong hinalikan ni Annika sa lips si Julian. Umalis si Jasmine at nakita iyong ni Julian.

In-excuse ni Julian ang sarili niya para sundan si Jasmine (na sinundan ni Nico). Nagpasorry si Annika, nadala lang daw siya ng kanta.

Sinabi ni Jasmine kay Nico na nagutom lang daw ito kaya siya umalis at aalis sana sila para kumain pero biglang lumitaw si Julian at inalok na sa hotel na sila kumain. Ayaw ng kumain ni Jasmine, nagyaya na siyang umuwi (aba, kakastart pa lang ng party ha!).

Habang nasa kotse si Jasmine, inalis niya ang mga sapatos niya at nagrereklamo sa suot niyang heels. Akala ni Nico iyon ang dahilan kung bakit ayaw na niyang kumain. Sinabi ni Nico na may alam daw siyang take out place.

Nag-aalala naman si Julian dahil never pang tumanggi sa pagkain si Jasmine. Umuwi ito na may dalanag pagkain para dito pero naabutan niya si Jasmine na kumakain, courtesy of Nico.

Nasa kulungan pa rin si Chito at umiiyak ito.

Naluluha naman si Auntie Belle noong nanonood siya ng `Til There Was You (noong hindi ko pa type si Papa P dahil kapartner niya si Juday). Napag-usapan nila ang tungkol sa lovelife. Narinig ni John na ang type niyang lalaki, mabagal at may pagka-torpe.

Balak ni Annika na makipag-close siya kay Jasmine para lagi silang magkasama ni Julian at magkakaroon ng chance na magustuhan siyang muli ni Julian. LUmabas sila para kumain pero nahihiya si Jasmine kay Annika. Napag-usapan nila ang good qualities ni Julian at pareho silang nag-daydream. LOL.

May balak na masama si Tess para pabagsakin si Julian (related kay Jasmine).

Birthday ni “Hannah” bukas (June 21 — naku sana isinakto niyo na lang ang date), balak ni Greg na bigyan siya ng surprise party para i-introduce siya bilang apo niya.

Mga Marka: ,

8 Tugon to “My Girl, Episode 13”

  1. nawawala Says:

    bakit nga pala nakulong yung tatay ni jasmine?

    at sinong artista ba yung si annika? di ko type acting nya.. pero may itchura naman sya.. tapos yung kontrabida (tess ba yun?), nakakatakot itchura. parang napaka-taray talaga. hehe.. kaso lang, medyo parang tranny sya.. no offense.

    tapos tapos…. BAKIT GANON MAGDAMIT si enchong at si julian? i mean… pink pants?! really!>>!???! si enchong parang masyadong pretty boy dito sa palabas na ‘to.. sobrang pretty, bagay nang maging babae… may itchura pa naman!

    and this reminds me of john lloyd nung sunday sa ASAP!! tight pink pants na bitin!! nakita mo!???! di ko gets…. tumitingin ba sya sa salamin at sinasabi nyang, “hmm… okay ‘to ah! i look good on these…”!??!?!

    PS: di na ako masyadong annoyed sa acting ni kim. hehehe..

  2. ptvj Says:

    hindi ko alam kung bakit nakulong si chito, hindi ko pa napanood iyong mon-tues.

    nina jose ata ang pangalan ni annika. hindi ko rin siya type umarte. si k brosas naman si tess dating taga gma 7 siya ata. komedyante siya and i saw her twice sa wowowee nakakatuwa nga siya.

    haha i don’t think may choice sila sa mga isusuot nila, lam mo naman ang buhay showbiz. iyong role ni enchong dun sa original series, mukhang babae iyong guy. pramis pagtabihin mo siguro kami, mukha akong alalay niya. hehehe.

    nag-grow ba sa iyon si kim? hahahaha!

  3. annedito Says:

    nakulong si chito kasi talagang tang-gi siya. similar situation na nangyari kay asyong siga. meron siyang nakitang inaagawan ng bag. tinulang niya yung dalawang lalake. ngayon pala yung binato niya siya yung ninanakawan. kaya yon, nawalan ata ng 70000 pesos yung mama kaya siya ang kinulong dahil i guess law sa pinas yon na naging liable siya do’n sa pera.

    cute nga si anika, parang bata yung itsura. mukhang baby pero ang PANGIT ng dress niya do’n sa cocktail party. para siyang si kristi yamaguchi at mag-ice skate competition.

    pretty boy silang magdamit kasi they’re basing their outfits sa korean style. halos kasi ng korean and japanese ganyan magdamit eh. nakakatawa nga kapag-nakakita ako ng mga tourists. i can almost base their ethnicities sa mga suot…hehe

  4. nawawala Says:

    oo nga, wala silang choice sa My Girl… pero si john lloyd sa ASAP, meron din kaya??? pati na rin si luis!!?!

  5. ptvj Says:

    annedito, salamat. eng-eng talaga si chito. hehehe. oo nga ang pangit nung dress ni annika. re clothes, oo nga. kahit iyong mga exchange students sa school ganyan silang magdamit.

    nawawala, i think basta may public appearance sila wala silang choice kung hindi isuot ang mga pinapasuot sa kanila. di ba minsan pati haircut dapat may paalam muna?

  6. nawawala Says:

    talaga? yikes! hirap naman nun!

  7. NoCar Says:

    nawawala hindi na rin ako annoyed kay kim. hehe.. sanayan lang pala talaga. naaaliw na rin ako, kinikilig pa sometimes. I cant believed magugustohan ko sya. siguro kasi commedy. mababaw kasi ang kaligayahan ko.
    ptvj, sino si enchong doon. sya ba yung nico anak na business partner nila julian, na anak ni tess na comedian from other network? nag maygusto rin kay jasmine?

  8. nawawala Says:

    oo sya yon, nocar!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: