LOBO – Episode 96

by

Hindi nakayanan ni Silva ang matinding sakit kaya’t naihagis nya ang bato at iyon ay sinalo ni Lyka. Kitang kita nang mga tao at taong lobo ang “pagtatalo” nang pulang buwan at nang bato nang remus. Natakot ang mga Luna na gustong humuli kay Noah kaya iniwan nalang nila ito. Pilit na inaagaw ni Silva kay Lyka ang bato pero sinisiko sya ni Lyka kaya nilabas nalang ni Silva ang patalim at sinaksak nya nang paulit-ulit si Lyka; pero ganon paman ay hindi binibitawan ni Lyka ang bato. Dumating si Noah at binaril nya si Silva. Nakita ni Noah na nanghihina si Lyka kaya tinulungan nya ito at pilit na itinatayo para labanan ang pulang buwan.

Natuwa si Lady Elle nang makita nyang unti-unting natatalo nang bato ang pulang buwan, pero sandali lang at natalo na naman ang bato. Nag-alala ang lahat, pati na si Nana Sela na “nakikita” ang mga nangyayari – sinasabi nya na kayanin nito ang pulang buwan.

Habang tinutulungan ni Noah si Lyka ay sinabi nya na nandoon lang sya para kay Lyka. Konting konti nalang at talo na ang bato. Biglang bumangon si Silva at umalis. Lahat nang mga tao at taong lobo ay kinakabahan sa nakikita. Biglang natalo nang pulang buwan ang bato at bumagsak si Lyka, ganon din si Noah. Biglang sumakit ang dibdib nang mga taong lobo at parang “nagbaga”, nagtaka sila Choi at Gaby sa nakita. Ganon din ang naramdaman ni Annie na syang kinagulat ni Tikboy kaya tinawag nya si Trixie. Sumakit ang kamay ni Annie at may lumabas na signos sa iba’t ibang parte nang katawan nya, sumisigaw sa sakit si Annie, hindi naman alam ni Trixie ang gagawin.

Nag-aalala si Zoe, lumapit sa kanya si Yani at nagdasal ito nang “The Lord’s Prayer/ Our Father”, sumama ding nagdasal si Zoe. At habang nagdadasal sila ay pinapakita ang mga taong lobo na dinapuan nang mga signos at namimilipit sa sakit. Unang nagkamalay si Noah at nakita nyang nagpalit si Lyka bilang lobo, at nagpalit ulit ito bilang tao. (*syempre nakahubad si Lyka at nakita ni papa Noah ang lahat, pero hindi importante iyon sa ngayon…) Pinakukuha ni Noah kay Lyka ang bato. Pagkuha ni Lyka sa bato ay binuhat syang muli ni Noah at hinihintay ni Lyka na “mag-apoy” ang bato pero hindi ito nangyari.

Naiiyak si Lyka at sinigaw na sya ang huling bantay at inuutusan nya ang bato na iligtas ang lahi nya. Biglang “nag-apoy” muli ang bato at sumanib kay Lyka. Nagsisisigaw si Lyka sa sakit at naiiyak. Biglang nabitawan ni Noah si Lyka dahil napaso at nasilaw sya kay Lyka. Biglang nagliyab (nang puti) ang buong katawan ni Lyka (para syang phoenix na puti) at nilabanan ang rays nang pulang buwan. Biglang nag-float si Lyka at nakita iyon ni Noah kahit na silaw na silaw sya. Nagsisisigaw si Lyka at habang lumulutang sa ere. Tinatawag naman ni Noah si Lyka dahil sa pag-aalala. Biglang may isang malakas na ray ang tumama sa pulang buwan at nagkaroon nang “explosion.” Natalo ni Lyka + bato nang remus ang pulang buwan. Nakita iyon nila Lady Elle. Pagkatapos nang lahat ay nawalan nang malay si Lyka, bumagsak sya at nabitiwan nya ang bato nang remus. Nandodoon pala si Anton at nakita nya kung saan bumagsak ang bato. Pinuntahan agad ni Noah si Lyka at alalang-alala.

Kinapa naman nila Lady Elle ang mga signos sa kanilang katawan at nalamang nawala na ang mga ito. Tuwang tuwa si Lady Elle at sinabing nagtagumpay si Lyka. Ganon din ang tuwa nang mga ibang pang taong lobo. Habang dinadamayan nila Trixie at Tikboy si Annie ay nakita nilang wala na ang signos sa katawan nito; lahat nang mga signos ay nawala sa mga taong lobo. Alalang-alala parin si Noah kay Lyka dahil hindi pa ito nagkakamalay, naiiyak na si Noah habang yakap-yakap si Lyka.

Nananaginip si Lyka at nakita nya si Remus. Sinabi ni Remus na pinagpupugay daw nya si Lyka (na nagkatawang puting lobo) dahil nailigtas nito ang lahi nya at nagtagumpay muli sila. Pero madami daw nagawang pagkakamali, mga pagkakamaling hindi sinasadya ni Lyka at hindi napigilan. Ito daw ang magdadala nang kaguluhan na mas malagim pa sa pulang buwan. Mas matapang daw si Lyka sa tadhana, mas malakas ang pagmamahal – isang babala ni Remus sa huling bantay.

Habang kalong-kalong ni Noah si Lyka ay nagkamalay na ito at natuwa si Noah. Sinabi ni Noah na nagawa daw ni Lyka at naiyak silang pareho.

May narinig na kaluskos si Gaby sa may damuhan at nakita nya si Silva, tinutukan nya ito agad nang baril. Humingi naman nang tulong si Silva at tinatawag nyang anak si Gaby. Naantig naman ang puso ni Gaby kaya’t nung papalapit sa kanya si Silva ay hindi nya naiputok ang baril, at sya namang ginamit ni Silva ang pagkakataon para hampasin si Gaby, sabay takbo (ala lobo style) nang mabilis. Walang nagawa si Gaby.

Hinihintay lang ni Anton ang perfect timing na umalis sila Noah at Lyka para makuha ang bato at sinabi sa sarili na sya na ang huling bantay pagkatapos nang pulang buwan. Nang buhatin na ni Noah si Lyka at umalis, biglang tumakbo si Anton para kunin ang bato nang remus. Nagliliyab pa ito nang konti at hindi agad nya ito nahawakan. Hanggang sa humupa ang pagliyab at kinuha ni Anton, this time ay nahawakan na nya at napansin nyang kalahati nang bato ay puti, at ang kalahati ay itim. Binulsa agad ni Anton ang bato saka umalis.

Bumalik na sa bahay si Lady Elle at tinanong nya si Grace (yung doktorang gumamot kay Lyka) at tinanong kung ano na ang nangyari kay Selena dahil hindi na nya nakita ito mula noon. Sinabi ni Grace that she just got the report na maraming namatay nung nasinagan nang pulang buwan, hindi nila nakayanan, at isa na doon si Selena. Tinanong ni Manolo kung nasaan si Lyka, sinabi ni Grace na nasa loob na, kaya pinuntahan nila ito.

Si Annie naman ay iyak nang iyak at nakayakap kay Trixie dahil nalaman nyang namatay na ang kanyang ina. Inaalo naman sya nila Trixie at Tikboy. Sinabi ni Tikboy na huwag daw mag-aalala si Annie dahil nandoon daw sila para sa kanya. Yumakap si Annie kay Tikboy. Biglang sumakit ang ulo ni Trixie at hindi napansin nang 2 bata ang pagputi nang mata ni Trixie. Bigla itong naging masungit at sinigawan ang 2 bata at sinabing huwag na daw silang uulit at aalis na silang dalawa lang. Nagtaka naman si Tikboy sa kinilos ni Trixie, ganon din ang naramdaman ni Trixie.

Pinuntahan nila Lady Elle at Manolo si Lyka sa may “hospital” room nang bahay, nakabantay si Nessa sa anak. Nandoon din si Noah at ginagamot, at ang iba pa nilang kasamahan na may sugat at mahina. Kinamusta ni Lady Elle ang apo, sinabi ni Nessa na hindi pa ito gumigising. Biglang nagkamalay si Lyka at sinabi nyang nandoon daw si Remus at yung bato na parang….hindi nya naituloy ang sasabihin. Tinanong ni Lyka si Noah. Sinabi ni Lady Elle at Nessa na magpahinga nalang ito. Itinuro ni Nessa sa kabilang kama si Noah. Naiyak si Lyka nang makita si Noah, iyak na nagpapasalamat dahil ok sila.

Si Nana Sela naman ay nakatanggap nang bisita, isang babaeng nakatalikod. Nag-atubili (hesitate) ang babaeng tumuloy sa bahay, pero sinabihan sya ni Nana Sela na kailangan nitong maging handa at kailangan nitong mahanap dahil sya lang ang makakatulong sa kanila laban sa isang mas malaking kaaway.

Sa “hospital” room sa bahay ni Lady Elle, nakita ni Choi si Alec at biniro nya ito na pagkatapos nang lahat nang iyon ay gwaping (gwapo) parin ito. Natawa naman si Alec at nagpasalamat sya kay Choi sa ginawa nito. Habang nag-uusap ang dalawa ay nakatingin si Gaby sa kawalan. Inalok ni Choi nang inumin (alak sa flask) si Alec at sinabing mag-re-restroom lang daw sya. Pag-alis ni Choi ay kinausap ni Alec si Gaby at sinabing huwag nitong intindihin si Silva dahi mahahanap din daw nila ito. Naiiyak si Gaby at nakatingin parin ito sa kawalan. Tiningnan ni Alec kung ano ang tinitingnan ni Gaby, hindi pala ito nakatingin sa kawalan, kundi nakatingin ito kay Noah.

Tumayo si Nana Sela at lumapit sa may pintuan. Sinabi nya na maaaring tapos na ang pulang buwan pero nababago nang galaw nang lahat ang tadhana at may paparating na mas malakas, mas mapanganib, kadilimang walang hanggan. Sa mga kamay na daw “nito” (referring to a person) nakasalalay ang lahat at gagabay para maitama ang mga mali. At kung matatama pa daw ang mga ito, sa tulong nito ay malalampasan nila ang kadilimang naghihintay. Kailangan na daw magtagpo sila nang kanyang apo.

Si Anton ay busy sa lab at binabasa ang libro ni Silva. Biglang dumating si Silva na duguan at humihingi nang tulong kay Anton. Hinang hina na si Silva, sinabi na gaganti sya at nangako na ibibigay nya kay Anton si Noah. Tumayo si Anton at kinuha ang syringe. Bigla at mabilis na itinurok ni Anton kay Silva ang potion (pero kulay yellow, hindi pula.) Bumagsak si Silva at namatay.

Teasers:

– Kinakausap ni Anton ang sarili sa salamin at sinasabi nya na sya ang nararapat kay Lyka at hindi si Noah dahil sya ang nagmamahal kay Lyka nang totoo. Hindi daw nya muna sasaktan si Noah, hindi daw sya katulad ni Silva na nabulag lang sa paghihiganti kaya hindi nakuha ang gusto nito. Kaya daw nyang maghintay. Marami pa daw magbabayad sa kasalanan nila sa kanya.

– Inaabangan ni Anton ang bawat kilos ni Noah.

– Nakita ni Choi si Anton, at nagkita sila.

Mga Marka: ,

39 Tugon to “LOBO – Episode 96”

  1. annedito Says:

    baka matuluyan ng mamatay si choy. papatayin siguro siya ni anton dahil ma-discover niya ang pagaabang ni anton kay noah. sino kaya yung babaeng kausap ni nana sela? don’t tell me magiging bad din si trixie.

  2. moonie sky Says:

    ang tindi! dami pa pwedeng mangyari.. sakto nga lang talaga yung natitirang 4 weeks.. akalain mo hindi lang pala sa pulang buwan iikot yung buhay ng mga taong lobo.. patay na ba talaga si silva / de la rama? in fairness mamimiss ko sya! nyahahhaha! aabangan ko yung bagong role ni trixie.. kadami-dami twist..!

  3. dumbako Says:

    ptvj, bakit unrated itong episode 96? hekhekhek

  4. batangsutil Says:

    yehey….pero I hope si Trixie wont be bad.

  5. ptvj Says:

    guys courtesy ni miss ara ang text update ngayon. busy lang ako hindi ko pa napanood kaya wala pang rating. mamya na ako magcomment. ingats!

    thank you miss ara, sa uulitin!

  6. ara418 Says:

    you’re welcome ptvj, anytime.

    alam mo may hula ako….baka si trixie ang apo ni nana sela dahil naging puti din ang mga mata nya. just don’t count on this, hula ko lang naman🙂

  7. no car Says:

    bravo talaga. nakaka excite ang mga unexpected na nagaganap.

  8. no car Says:

    I knew it. mamamtay itong silvang pangit na ito. para iba naman ang maging kontra bida. si anton? o si trixie?

  9. batangsutil Says:

    Ms. Ara..thank you very much!

  10. jas ko Says:

    jas ko mate ko sa suspense nito. sana po wag naman maging bad si trixie. kung sabagay para nga naman mag ka trill and acting life niya dito sa lobo. hahaha.
    salamat po sa update.

  11. dumbako Says:

    miss ara thanks sa update. ok lang kahit hindi hula pwede ka namang maging isa sa mga scriptwriters, hekhekhek. ptvj, ok lang kung very busy ka, h’wag ka lang magkasakit uli. enjoy at ingat ka lagi, namimiss kita at worried ako pag tahimik ka!hekhekhek

  12. ptvj Says:

    annedito, i hope hindi magiging bad si trixie. at saka kasi sabi ni nana sela parang siya ang magiging instrumento laban sa magiging kalaban ng mga taong lobo in the future?

    moonie sky, ako din akala ko center plot ang pulang buwan and finale ang pagkakabaril ni noah kay lyka. pero kita mo ilang linggo na lang may pasabog pa sila. lol.

    batangsutil, ako rin!

    miss ara, hindi kita matawag na ara lang. hehehe. sa uulitin ha? hehe. siguro nga lola ni trixie si nana sela tapos tita ni tikboy si trixie.

  13. ptvj Says:

    no car, oo nga patapos na pero andami pang twists! siguro si anton na lang ang magiging kontrabida kasi ayokong maging kontra si trixie. hehe.

    jas ko, wala atang gustong maging kontra si trixie. hehe.

    dumbako, heheh. busy lang ako, nagbaby sit ako ng pamangkin today. wala na akong sakit, medyo paos pa rin pero okay lang, para sexy naman ang voice ko. hahahah! alam mo ba hindi lang ikaw ang worried kapag tahimik ako pati ang mga taong kakilala ko personally, akala nila may sakit ako. lol.

  14. ptvj Says:

    anywayyyyy comment ko lang sa “pagkamatay” ni selina, para namang masyadong walang kwenta. yeah, minor cast lang siya pero she played a very important part sa pagkakakilala ng mag-lola at pagdedetermine kung sino ang huling bantay! hmnp. 9.5 lang sana ang ibibigay kong rating today kaya lang wala akong 9.5 na ginawa hahaha. joke lang. pero namatay na si silva kaya 10 at saka may initroduce silang twist, kaya 10 na.

  15. macky Says:

    ptvj.. sa palagay mo anak ni nana sela si trixie?

  16. macky Says:

    ptvj… halatang hindi ikaw gumawa…. hehehe

  17. lobonatik Says:

    i think apo nga ni nana sela c trixie tapos kadugo din nila c tikboy kasi parang may pagka mahuhula din cya.. heheh ganda talga ng lobo!!🙂

  18. boy tanong Says:

    tanong po:
    bakit nahawakan ni antos ang bato ng remus?
    diba, wala dapat makakahawak nito liban sa huling bantay at mahahawakan lang ito kung nasa sisidlan cya at natutulog – at mabubuhay lang muli kung tawagin ng huling bantay.

    isa pang matagal ko nang tanong.
    di po ba magkaedad halos sina Nessa (agot) , Emil (Bobby) at Leon (Christian). bakit po sa tagal ng panahon na lumipas eh parang si Leon (na naging si Dante) lang ang tumanda samantalang si Nessa ay nanatiling si agot pa rin?

  19. boy tanong Says:

    di po ba parang O.A. naman yata ang reaksyon ni anton sa pangyayari na kailanganin pa nyang maging bagong kontrabida?
    i know na mahal nya si Lyka at may galit pa rin cya kay Noah… pero common guys… parang OA pa rin. to think na isa rin cya sa nakinabang sa kabayanihan ni Lyka sa tulong ni Noah… ganon ba kabigat ang reasons nya na kailanganin pa nyang manggulo at idamay ang ibang mga lobo.
    Di kaya pinahahaba lang ito? para k’seng di reasonable yung kay Anton.

    Dont get me wrong coz sinusubaybayin ko rin ito.
    inaanalize ko lang naman ang mga napapanood – di lang ako yung tipong tanggap lang ng tanggap at todo sampalataya.
    sometimes maganda rin diba yung may oposition para maganda ang kwentuhan dito.

  20. RAIN Says:

    namatay na si silva hindi man lang inamin na sya pumatay s nanay n anton

  21. RAIN Says:

    mas ok na c anton ang kontrabida kc convincing talaga sya…. c silva kasi nakatakot lang ang itsura, hehehe…

  22. dino Says:

    hahaha… kung apo ni nana sela si trixie.. malamang pagtanda ni trixie.. mukhang nana sela na…

  23. lobo-fan Says:

    daming comments🙂 lahat excited …nasabi ng lahat ng gusto kong sabihin eh..miss you guys!

  24. mikmik Says:

    kung apo si trixie eh bat parang bad sya?

  25. mikmik Says:

    boy tanong, as far asi know six months talaga magra run ang “lobo” so sa tingin ko hindi sya pinapahaba. kung 4 weeks n lang ang lobo ibig sabihin kulang p ang 6 months n target nila?

  26. dino Says:

    boy tanong…actually… naisip ko n rin yun… kaso.. antayin na lng natin ang kwento… hehe….wala pang mkakasagot niyan.. kung meron.. mag-comment kayo ha.

  27. dino Says:

    rain.. natakot ka ba sa itsura ni silva? hehehe.. sabagay.. katakot nga

  28. ptvj Says:

    macky, baka apo niya si trixie.

    lobonatik, i wonder kung kaano-ano ni tikboy si trixie.

    boy tanong, marami ka ngang tanong. hehe. biro lang. okay lang kahit hindi ka agree sa mga pangyayari sa lobo at kahit sa mga ibang comments (pati na ang mga comments ko). tama ka maganda iyong may opposition.

    naisip ko dati baka kasi bitter si leon ay dahil character lang niya ang tumanda. hehehe. at saka silva shouldn’t be that old di ba dahil teenager na siya noong nag-umpisang mamuno si elle. dapat mas matanda pa rin si elle sa kanya. not that i’m complaining dahil parehong convincing ang mga characters nila.

    naguguluhan din ako sa batong iyan. baka dahil napagod din ang bato pagkatapos? hehe. or baka naman this time nag-a-activate lang ang bato kapag tinawag siya ng huling bantay.

    iyong kay anton siguro dahil na rin sa akala niya pinatay ni noah si clara? kasi dati di ba magboyfriend naman sina lyka at noah pero hindi naman siya ganoon? at saka inintroduce na kasi siya ni silva sa dark side kaya masyado na siyang vindictive ngayon.

    mikmik, oo nga kulang nga sila ng 6 months pero according sa wikipedia 120 episodes lang siya talaga.

    rain, kakatakot nga si silva. sana naman malaman ni anton at the end na hindi si noah ang pumatay kay clara.

    dino, lol. siguro naman mas fashionable si trixie kay nana sela. after all sa fashion house siya nagwowork.

  29. mikmik Says:

    boy tanong, baka s pagiging nanay ng huling bantay kaya d tumatanda c nessa, hehehe!!!

  30. dino Says:

    ptvj sino po si ara

  31. tikgirl Says:

    Hindi naman ako masyagong adik sa lobo. Sa katunayan wala pa akong nami miss n episode, hehehe. Everyday nagbabasa me ng ptvj at plano ko pang bumili ng dvd, hehehe!!!

  32. ptvj Says:

    mikmik, baka ang mga lobo hindi masyadong tumatanda ehehe.

    dino, si miss ara ay isang friend na nameet ko sa isang forum (hindi na nage-exist ang forum ngayon). contributor siya dito, kapag hindi ako nakakagawa ng text update, siya muna ang gumagawa or si neneng, another contributor dito. kung sino ang hindi rin busy sa kanila, siya na muna ang gumagawa.

    tikgirl, ako ring gusto kong bumili ng dvd kaso the last time i checked sold out siya.😦

  33. anne Says:

    ang liit kaya ng batong bignoy (ay sa marina pala yun)… ang liit ng bato at ang layo ni Anton… how come alam niya na nahulog ang bato?? hhhmmmmm

  34. dino Says:

    anne… hehe.. alamin natin…baka my telescope c anton…d lng natin napansin.. hehe

  35. lobonatik Says:

    mikmik Says:
    June 12, 2008 at 12:19 am
    kung apo si trixie eh bat parang bad sya?

    >>> diba mukanng mataray magsalita si nana sela laging naksigaw din hehehe.. baka ganun talga un.. it runs in the blood.. lol :))

  36. annedito Says:

    yung bato it should be active all the time diba? mabigat pa nga siya eh which is why remus made the kwintas dormant. (i sound like heart tuloy…LOL). anyway, bakit ang bilis nakuha ni anton? dapat nag-aapoy yon kasi wala siya sa casing niya.

    and yes, agree ako na hindi tumanda si nessa. kasi that was my complaint when the series started. si nessa at clara yun pa rin yung ginamit na artista. granted na magaling si agot kasi talagang teenager siya while she was with emil. pero naman kung si lola beauty nagawang tumanda, siya pa kaya.

    i don’t think medyo OA si anton kasi he’d always loved lyka. kahit noon bata pa sila, pinunit pa niya yung drawing ni ulay kasi nagselos siya kay jayjay. so all his life parang kaagaw na niya si noah kay lyka. so now he feels na he has a chance to win her over kaya sobrang pagka-OA niya…LOL…noon bata pa naman siya medyo evil na siya dahil sa selos niya kay noah. ayaw niyang makipag-laro sa kanila…hehe…gusto niya si sharlene san pedro lang kasama niya.

  37. ptvj Says:

    anne, baka malinaw din ang paningin ni anton kagaya ng mga ibang lobo.

    dino, lol.

    lobonatik, di ba parang oracle si nana sela, bakit hindi niya alam kung nasaan ang apo niya?

    annedito, nakakalito nga ang batong iyan. pero baka dahil sa “pagkakamaling” sinasabi ni remus kaya it’s acting weird?

  38. dumbako Says:

    ptvj, may tanong lang ako, di ba si Remus ay si Geoff din? dalawa ang role n’ya! mas pogi si Geoff as Remus than as Alec. vry clean cut kasi si Remus

  39. ptvj Says:

    dumbako, oo siya un. kasi halata pa rin ang mga tattoo ni geoff na tinakpan nila. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: