Lobo, Episode 95

by

Nag-re-ready pareho ang mga Luna at mga taong Lobo sa bundok.

Paparating na ang pulang buwan.

(Grabe ang ganda ni Lady Elle!)

Iniscout nina Rodolfo at Alec ang buong lugar at bumalik silang may dalang isang kasamahang sugatan. May mga pasa rin si Rodolfo at sinabi niyang napapaligiran na ng mga Luna ang buong lugar kaya nagbago sila ng plano. (Sosyal ang mapa nila ha, parang official business talaga.)

Narating na ni Silva ang itaas ng bundok. Pagod na pagod na ito pero tuwang-tuwa siya dahil nakikita niyang malapit na ang pulang buwan at siya na raw ang magiging pinakamalakas.

Sinabi ni Lyka na may problema sa strategy nila, nasa itaas ang mga Luna at madali silang makita ng mga ito. Sumang-ayon naman si Noah, malaki daw ang sucess rate ng plano nila pero mababa ang survival rate, marami raw buhay na mabubuwis kapag ginawa nila ang plano.

Papaalis naman si Anton para pumunta rin kung nasaan ang bato ni Remus. Nakita siya ni Annie at sinabi nito sa bata na huwag daw nitong ipagsabi na umalis siya dahi may sorpresa siya kay Lyka.

Itinanong ni Noah kung handa raw ba ang mga taong lobo na magbuwis ng mga buhay nila para sa misyon? Unang umoo si Lady Elle, kasunod si Nessa para raw sa mga taong lobo. Sinabi ni Rodolfo na malaki ang utang na loob nilang mga itim kya Lyka, panahon na para magbayad (uuuy, nagpapalapad ng papel sa future step-daughter). Sinabi ni Ylvana na para kay Felix at Samuel (paano si Raul?), para naman daw sa lahat ng mga mahal nila sa buhay sabi ni Manolo. Ikinasa ni Choy ang baril niya at sinabing para sa rock and roll at ngumiti ito. Sinabi ni Gabby, ano pa raw ang hinihintay nila (in a nice way naman).

Natouch si Lyka at nagpasalamat siya.

Oras na para lumaban.

Paparating na ang pulang buwan. Hinawakan ni Silva ang bato pero nasasaktan siya. Itinurok niya ang huling supply ng dugo ni Lyka.

Patuloy na nakikipaglaban ang mga taong lobo at mga Luna. Nawalan ng malay si Clarisse.

Nasasaktan na ang mga taong lobo dahil malapit ng mabuo ang pulang buwan. Nagliliyab na ang mga marka nila sa katawan.

Sinubukang hawakan ni Silva ang plang buwan muli. This time nahawakan niya ang bato without pain.

Kahit na nasasaktan si Lyka, ipinagpatuloy pa rin nila ang paglalakbay. Nasense ni Lyka ang panganib at itinulak niya si Noah sa kaligtasan. Pinagbabaril ng mga Luna ang kanilang kinaroroonan.

Sa panig naman nina Alec, may granadang inihagis ang mga Luna pero mabilis itong dinampot ni Choy at inihagis papabalik. (Comedy ito ha, hindi ba once na nagka-impact ang granada sa ground, sasabog to? O baka defective? Hehe)

Nakita ni Lily (Annie’s Mom) na may babaril kay Lady Elle at humarang ito sa kanya. Nabaril si Lily. (Wahhh!)

Sinabi ni Noah na babarilin nila ang mga Luna to create a diversion para makatakas si Lyka. Ayaw pumayag ni Lyka. Pero sinabi ni Noah na isipin niya na mas importante ang mga taong lobo kaysa sa kanya kaya pumunta na ito sa itaas ng bundok at kunin ang bato kay Silva. Bago umalis si Lyka, ipinapangako niya kay Noah na mabubuhay ito at magpapakasal sila at magkakaroon ng maraming maraming anak. Umoo si Noah.

(Teka, kapag ba buntis ang mga taong lobo tapos nagpalit sila ng balat nagiging tuta din ba ang bata? Just asking.)

Umiiyak na nilapitan ni Nessa si Lily. Inihabilin ni Lily kay Nessa at sa iba si Annie. Alam daw nitong magiging mabuting tao ang anak niya sa pangangalaga nila. Nagpasalamat din ito kay Lyka at sa pulong nila. Iyon lang at namatay na ito.

Galit na galit na si Nessa at ayaw na nitong umurong sa laban (na gagawin sana nila dahil mahina na sila), pinipigilan siya ng mga kasama niya pero sumunod na sila dito para lumaban.

Inihaharap na ni Silva ang bato sa pulang buwan pero biglang lumitaw si Lyka. Nabigla si Silva dahil akala niya patay na si Lyka. Sinabi ni Lyka na hindi siya ganoon kahirap patayin.

Tuloy na ang rumble sa pagitan ng mga Luna at mga taong lobo.

Patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Noah sa mga Luna.

Naglaban sina Silva at Lyka. Nawalan ng malay si Silva, pero nagkunwari lang pala ito para lapitan siya ni Lyka. Sinakal ni Silva si Lyka.

Nabaril si Noah! Pero may bullet proof vest siya.

Patuloy na sinasakal ni Silva si Lyka. Nakita ni Lyka ang pulang buwan. Binitawan ni Silva si Lyka at kinuha ang bato.

Nahuli ng mga Luna si NOah.

Kinuha ni Silva ang bato at hinabol siya ni Noah. Nagliyab ang bato sa kanyang mga kamay. Nagpakita si Remus kay Silva at sinabing hindi siya nakapasa sa pagsubok.

Paulit-ulit nitong sinasabing hind siya papayag. Nabitawan niya bato at sinalo ito ni Lyka.

Hinawakan nito ang bato at iniharap sa pulang buwan kahit na nasasaktan ito.

Nakita ng kampo nina Lady Elle from afar ang nangyayari.

Umurong ang mga Luna noong nakita nila ang pulang buwang at umalis na. (Um, hello? Where the hell are you going?)

Pilit na kinukuha ni Silva kay Lyka ang bato. Pinagsasaksak niya si Lyka sa lower back. Pero pilit pa ring itinataas ni Lyka ang bato.

Dumating si Noah at pinagbabaril niya si Silva. Pinuntahan ni Noah si Lyka at itinayo ito at itinaas ang kamay ni Lyka para maipagpatuloy ang paghaharap ng bato sa pulang buwan.

Teasers:

Nasasaktan si Annie at nagkaroon din ito ng marka.

Nawalan ng malay si Lyka.

(Hindi ko masyadong makita dahil malabo ang video, pero nakuha yata ni Silva ang bato. Titignan ko na lang mamaya sa TV.)

Mga Marka: ,

15 Tugon to “Lobo, Episode 95”

  1. batangsutil Says:

    Oh my gulay…so exciting!!!

    Naku…siguro ito si Anton…naku…ano kaya gagawin ni Anton?

  2. moonie sky Says:

    nakakatense naman! kahit nagbabasa lang ako, grabe yung impact!

  3. ptvj Says:

    batangsutil, baka susubukan niyang kunin ang bato as if naman na lyka won’t be able to kick his ass. lol.

    moonie sky, naku panoorin mo! masyadong nakakatense ang mga pangyayari!

  4. moonie sky Says:

    ptvj, nagbabasa lang ako dito sa site mo, tas pinagkakalat ko sa opis. (me updates na yung lobo..!)

    OnT: baka yung nakapulot ng bato si anton.. tas isasagawa nya yung ritwal.. wahehehe!

  5. annedito Says:

    hehe…hinihintay na ako ng auditor dito sa office. kaya lang i had to finish reading and commenting…lol…so i guess hindi lobo si tikboy since wala siyang marka. siguro nga tagapagbantay siya like trixie. kawawa naman si lily (may pangalan pala siya…hehe). di bale, mag-love team nalang sila ni raul sa kabilang buhay.

  6. No Car Says:

    I knew it!!!! si Anton ang siguro ang susunod na kontra bida. dahil love na love niya si lyka kaya gusto rin niya ng “kapangyarihan”.

    cant wait for tonight gusto ko pa rin mapanood kahit nabasa ko na.

  7. macky Says:

    magiging kontra-bida na si anton.. lagi naman kontra-bida yun e.. walang ng bago

  8. dark angel Says:

    naku si anton ang magiging kalaban ni lyka, sense ko lng

  9. pokwang Says:

    ptvj, san k nanonood ng lobo? d kami intresado sa lobo, sayo kami intresado.hehehe…

  10. anne Says:

    baka mahati ang power nila lyka at noah… baka huling bantay is union of them both… wala lang weird thought hehe

  11. dumbako Says:

    oo nga no? di ba noong maliliit pa sila di ba may tig-isang kalahati sila na kwentas? maybe it has to be joined together coz if am not mistaken ‘yong kwentas na yon parang symbolizes the moon din eh. maybe they can use it when the red moon comes and when it will be joined as one, makuha na talaga nila ang power ng bato ng remus. nagmunimuni lang, kasi di ko akalain na ang inisip kong isasalin ang dugo ni Noah kay Lyka noon ginawa nila! hekhekhek.

  12. annedito Says:

    meron lang akong isang complain dito sa episode na’to. why was it so easy for silva to choke lyka? i mean mas malakas pa rin si lyka kay sylva no. pero parang muntikan ng mamatay si lyka. yun lang, other than that, great episode!

  13. annedito Says:

    ooops, 2 complains pala ako. bakit yung mga lalaki lang ang meron baril? sa mga babae si gabby lang ang nakita kong meron baril. si alec at rodolfo meron mga armas. napaka-sexist naman no’n…hehe…yun lang, promise.

  14. dumbako Says:

    tama ka annedito!hekhekhek. siguro dahil tumaas ang presyo ng gasoline mahal na din ang toy guns na ginagamit nila,hekhekhek, yong walang baril makipagsabunutan na lang sa mga kontra, hekhekhek….

  15. ptvj Says:

    moonie sky, ang galing pala ikaw ang tagabalita nila. ikumusta mo na lang ako sa kanila. heheheh.

    dark angel, nakakaawa naman si anton, wala naman siyang kasalanan talaga dati di ba tapos nagkandaloko-loko lang ang buhay niya dahil naging taong lobo din siya. tapos ngayon kalaban na siya. wahhh!

    pokwang, naku ha, sino sino kayo lol. sa tfc ako nanonood pero kapag hindi na ako makapaghintay naghahanap ako sa youtube.

    anne, masyadong magkadikit ang buhay nila no?

    annedito, napansin ko choking ang favourite attack ng mga lobo tapos hindi sila nakakagalaw. hindi ko napansin iyong mga baril, hehehe.

    dumbako, lol.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: