Lobo, Episode 94

by

Sinabi na ni Anton sa kanila na ang gamot na ibinigay ni Nessa ang nakapagbigay ng lakas kay Silva. Kung alam lang daw nito na gagamitin iyon ni Silva para saktan si Lyka, hindi na raw sana niya iyon ginawa kahit na binantaan pa siya ng kamatayan ni Silva. (Chenes! Nagpapalapad ka ng papel Anton, hindi ikaw ang binantaan, nanay mo!) Sinabi ni Lyka na walang kasalanan si Anton.

Pinapagalitan ni Silva ang bato ng Remus dahil dahil ayaw nitong lumabas. Pinag-aapak niya iyon, wala daw itong silbi.

Nag-aalala ang mga taong lobo dahil malapit na ang pulang buwan at kailangan nilang mabawi kay Silva ang bato. At baka raw maging itim na ang bato.

Bukas na ang pulang buwan. Sinasabing ang bato raw ang magsasabi kung saan dapat pumunta ang huling bantay. Noah raised a good question, kanino raw ito magpapakita, kay Lyka o kay Silva?

Habang umiiyak si Silva, nag-activate ang bato (baka naman gusto ng bato umiyak na lang kayo hehehe). Hinawakan iyon ni Silva at nasaktan siya. Naapektuhan din si Lyka, naging puti ang mga mata nito at nakakaramdam din siya ng sakit.


Nagpakita si Remus kay Silva. Handa na raw ba si Alberto na iligtas ang mga taong lobo sa tiyak na kamatayan? Nakakasigurado na raw ba ito sa taglay niyang lakas para iharap ang bato sa pulang buwan. Umoo si Silva, pero itinama siya ni Remus, opo daw hindi oo. Sinabi ni Remus na pagkakalooban ng lakas at kapangyarihan si Silva pagkatapos ng pulang buwan. Tuwang-tuwa naman si Silva, dahil sinabi ni Remus na kung iyon ang nais niya, iyon ang ibibigay sa kanya.

Nag-iba naman ang boses ni Lyka at sinabing “Handa ka na ba sa pagdating ng pulang buwan bukas?”

Nagpakita si Remus sa kanya. Itinanong din niya kung sigurado na raw ba ito sa taglay niyang lakas? Sinabi ni Lyka na hindi, dahil naagaw sa kanya ang bato pero gagawin niya ang lahat para mabawi iyon. Sinabi rin ni Remus na kapag naiharap niya ang bato sa pulang buwan, pagkakalooban siya ng kapangyarihan at lakas ng bato pagkatapos noon. Sinabi ni Lyka na hindiy niya kailangan ng kapangyarihan, ang gusto lang daw niya ay buhay at kapayapaan para sa mga taong lobo. Sinabi ni Remus na maililigtas ni Lyka ang mga taong lobo at mabibigyan niya ang mga ito ng pagkakataon para mamuhay ng tahimik kapag naiharap niya ang bato sa pulang buwan.

(Para beauty contest ito, ah!)

Nagkamarka si Silva sa katawan. Kagaya rin ng kay LYka (sa likod nga lang ang kanya, hehehe). Nagliliyab na mapa ang nasa mga katawan nila. Itinuturo nito kung saan makikita ang bato. Iginuhit ni Nessa ang nasa likod ng anak. Suspetsa din nila na may mapa rin si Silva.

Tuwang-tuwa naman si Silva. Hinawakan ulit ni Silva ang bato pero nagliyab ang kamay nito kaya binitawan niya ulit. Tinurukan niya ang sarili ng dugo ni Lyka at gumaling ang kamay niya. Nag-aalala na siya dahil malapit ng maubos ang dugo ni Lyka. Kailanga daw huwag na siyang pumalpak this time.

Habang nasa balkonahe si Noah nilapitan siya ni Alec. Ipinaliwanag niya na ang nasaksihan ni Noah kanina ang halimbawa lang iyon ng responsibilidad ni Lyka. Hindi siya ordinaryong lobo at marami itong responsibilidad. Handa raw ba si Noah to stand behind Lyka habang ginagawa ni Lyka ang mga iyon? Sinabi ni Noah na mahal niya si Lyka at tanggap niya lahat ng may kinalaman kay Lyka. Basta huwag lang daw niyang sasaktan ulit si Lyka, sabi ni Alec kay Noah. Iyon lang at umalis na si Alec.
(Good sport talaga si Alec, mag-move on ka na kay Trixie ka na lang…or akin ka na lang…hehe)

Gustong makuha ni Anton ang kapangyarihan at lakas na ipinapangako ni Remus para raw mapasakanya si Lyka. Naputol ang pagmumuni-muni niya noong dumating si Nessa sa kwarto niya para kumustahin siya. Sinabi ni Nessa na nag-iisip sila ng kung ano ang gagawin bukas. Sinabi ni Anton na wala naman daw siyang magagawa dahil hindi siya malakas kagaya nila. Sinabi ni Nessa na ang lakas ni Anton ay nasa pag-iisip niya, kung hindi dahil sa kanya hindi maliligtas ni Noah si Lyka.

Sinabi ni Anton na sana alam din ni Lyka iyon. Hindi naman na-gets ni Nessa na iba ang ibig nitong sabihin kaya sinabi niyang naroroon lang sila ni Lyka para sa kaniya dahil pamilya sila. Niyakap niya si Anton.

Sinabi ni Lyka na hindi na siguro nila makikita si Silva hangga’t hindi dumarating ang pulang buwan. Hindi raw alam ni Silva na ibinigay din sa kanya ang mapa kaya sosorpresahin nila ito para makuha ang bato.

Masyado raw mapanganib iyon sabi ni Manolo pero nag-agree naman si Elle sa apo.

Sa pulong ng mga Luna (suot-suot ni Silva ang kwintas) sinabi ni Silva na susugod sila sa mga taong lobo sa pagpupulong nila sa tuktok ng isang bundok. Susubukan daw kasing iligtas ng mga taong lobo ang mga sarili nila mula sa pulang buwan. (Ang tanga naman ng mga Luna, bakit hindi nila itinanong kung bakit). Kapag nagawa daw nila iyon ubos na ang lahi ng mga lobo.

Nakita ni Alec si Gabby sa isang bar. Sinabi ni Alec na bilib siya kay Gabby dahil itinataya nito ang buhay niya para kay Noah (Luna pa rin ang tawag ni Alec sa kanya). Obvious daw kasi siya, ang laban ni Noah, laban din niya. Kung makapagsalita daw si Alec para kilala siya nito, sagot ni Gabby. Sabihin na lang daw ni Gabby na pareho silang miyembro ng Lonely Hearts’ Club. Narealize ni Gabby na in-love ito kay Lyka. (Kayo na lang!)

Nagpulong ang mga Waya pati na ang mga itim, sinabi niyang hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila bukas kaya maghanda na sila para pagdating ng pulang buwan wala na silang pasanin.

Magkayakap sina Noah at Lyka sa balkonahe. Paano raw kung hindi nila makuha ang bato? Huwag daw niyang isipin iyon sabi ni Noah. Sinabi ni Lyka na kung may mangyari sa kaniya bukas, gusto daw niyang umalis si Noah kaagad. Kung magkakatotoo daw ang sinabi ni Nana Sela na bakit maging itim din ang bato, umalis na raw si Noah dahil baka maging panganib sila sa kanya. Hindi raw mawawala si Noah, kahit kailan.

Sinabi ni Lyka na kung makukuha man nila ang bato, hindi siya sigurado kung malalampasan niya iyon ng buhay. Kung sakaling mawala man daw siya bukas, naging kompleto ang buhay niya dahil nakasama, nakilala, minamahal niya si Noah. Sinabi ni Noah na hindi raw mangyayari iyon, hindi niya hahayaang mangyari iyon, hindi hahayaan ng tadhana.

And they kissed. (Awww…)

Magkasama pa rin sa bar sina Alec at Gabby. Umiiyak si Gabby. Naks, mukhang nagkakamabutihan na sila.

Aha! Sabi na nga ba type ni Choy si Gabby, Tinitignan nito ang picture ni Gabby habang nakaupo ito kama niya.

Malungkot namang pinagmamasdan ni Lady Elle ang buwan at nilapitan siya ni Manolo na may dala-dalang red wine para sa kanya. (Sosyal talaga ang dalawang ito, LOL)

Pinagmamasdan naman ni Nessa ang picture ni Emil. Naalala niya noong masaya pa silang dalawa. Nilapitan siya ni Rodolfo at inakbayan ito. (Wahhhhhhhhhhhhhh! Naks!)

Pnagmamasdan naman ni Trixie si Tikboy habang nagdadasal ito bago matulog. Pagkatapos magdasal ni Tikboy, nginitian niya si Trixie.

Magkayakap naman si Annie at ang ina niya.

Sinuutan ni Yanni ng kwintas si Zoe at nagyakap sila. (Walang bantay si Zoe, hahahaha!)

Naghahanda na ang mga Luna. Wala daw silang palalampasin lalo na sina Gabby, Noah at Choy sabi ni Silva.

Tuwang-tuwa si Silva pag-alis ng mgaito.

Umiiyak si Annie habang nagpapaalam ang ina sa kanya. Inihabilin ng ina si Annie kay Trixie.

Si Noah ang nagbigay ng briefing sa mga taong lobo at kung sinu-sino ang magkakasama. Sigurado raw na on full force ang mga Luna para suportahan si Silva sa mga kasinungalinan nila. Si Manolo ang general ng command centre.

Nagpunta na ang mga Luna sa bundok.

Nakarating na sina Lady Elle and company sa bundok.

Paparating na ang pulang buwan.

Teasers:

Naghalo na ang balat sa tinalupan: Luna VS. Mga taong lobo.

Nanganganib si Rodolfo (uy huwag niyo naman siyang patayin, kawawa naman si Nessa).

Nabaril si Silva.

Nagtutuos sina Lyka at Silva.

Mga Marka: ,

19 Tugon to “Lobo, Episode 94”

  1. Alepin Says:

    Thanks ptvj! Nakakakilig naman sina Nessa at Rodolfo, sana sila na.

  2. macky Says:

    kaano-ano ni dimple si nash.?

  3. macky Says:

    ptvj… bkit wala k s mood mag-side comment ngaun.. seryoso kb?

  4. ptvj Says:

    alepin, oo nga. sana naman hindi mamatay si rodolfo, kawawa naman si nessa. ilang beses na siyang nawalan ng minamahal dahil sa pagiging taong lobo niya.

    macky, hindi pa pinapakita kung may ugnayan sila pero pareho silang hindi kilala kung sino ang mga magulang nila. inampon si trixie, si tikboy lumaki kay father ben. tapos si tikboy, naiintindihan niya si lyka kahit na noong nagpalit pa siya ng balat. it’s either taong lobo din si tikboy or tagapangalaga siya. my best bet is tagapangalaga si tikboy kagaya ni trixie.

  5. pokwang Says:

    bkit mali orasan nyo? nkakalito..

  6. ptvj Says:

    pokwang, in this end of the world (canada) tama ang oras ko.

  7. jipsy Says:

    ptvj, sa abs-cbn kb nag-wowork? lobo lng ba gingwan mo ng preview?

  8. ptvj Says:

    jipsy, i just watch an obscene amount of tv. i don’t think abs cbn will even hire me sa dami ng pang-o-okray ko sa ibang shows nila. heeh. marami na rin akong nagawang text update sa past shows, if you wanna check them out nasa sidebar sila dun sa category section. sa ngayon lobo lang at short summary ng my girl pero who knows sa susunod.

  9. No Car Says:

    ptvj,
    mukhang nagkakatotoo ang mga love teams mo. hehe. I really love this episode naglabasan ang mga tinutukso tukso natin. May love triangle pa si alec,gabby, and choy. Sana naisip ni choy si clarise available pa siya. hehe

  10. ptvj Says:

    no car, oo nga sana marealize ni choy nandun pa si clarisse. hehehe. sabi ko nga ba type ni choy si gabby.

  11. ptvj Says:

    macky, hindi ko nakita iyong second comment mo hehehe. may konting side comment naman kahit papaano. wala kasi akong internet kanina tapos nung ginawa ko minadali ko na lang.

  12. dino Says:

    mas kilig ako s love teams ng iba s lobo kesa love team nina lyka at noah.. hehehe

  13. macky Says:

    ok.. hehehe.. natawa naman ako sa comments mo e.. konti nga lng.. hehe
    may balita s dyaryo… pinagtatawanan nga nila e,, my part daw n nagtransform c nessa na lobo kaso mukha syang lalaki.. nakita mo b yun? ako hindi…

  14. ptvj Says:

    lalaking lobo? parang nakita ko na iyon one time na nagpalit ng balat si nessa tapos parang lalaki iyong aso na ginamit nila. hindi ko alam kung namamalikmata lang ako. lol. pero matagal na iyon.

  15. ptvj Says:

    dino, oo nga e. hehehe mas kinilig ako dun kina lady elle at manolo at rodolfo and nessa. i gues sanay na kasi tayo sa dalawa. hindi ko inexpect na kiligin ng husto this episode. lol.

  16. anne Says:

    ptvj, thanks for the update..

  17. annedito Says:

    ang cute ni nessa at rodolfo!!! meron pang stolen glances si rodolfo kay nessa while they were in a conference. sayang wala na si raul at bagay sila ng mama ni annie…hehe…pero mas bagay si gabby kay alec. is it me or nag-improve na sa pagsasalita si shaina? hindi na siya gaanong puro hininga when delivering her lines…hehe…

    sana naman magkatuluyan na si elle at manolo. kawawa naman si general at ang tagal ng naghintay for elle. a-aliw ako kay lady elle kasi ang-seksi naman ng suot niya para makipag-laban…hehe…kaya in-love si manolo eh. kilig din ako sa preview when nessa called for rodolfo. sana nga hindi mamatay si rodolfo.

  18. dumbako Says:

    curious ulit ako, or dahil wala lang magawa, hekhekhek. bakit pareho ang face icons nina macky at pokwang. does it mean iisa lang ang e-mail ad nila? sorry, it’s none of my businessno! hekhekhek

  19. macky Says:

    dumbako… malamang hahaha..wala ka ngang magwa… hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: