Lobo, Episode 93

by

Noah: Patawarin mo ako, hindi ako karapatdapat sa iyo.

Lyka: (Hinawakan ang pisngi ni Noah). Ako lang ang makakapagsabi niyan…ako lang.

*****

Naghuhumiyaw sa sakit si Lady Elle sa pagakasaksak ni Silva sa kanya. Patuloy pa rin sa litanya niya si Silva tungkol sa paghihiganti niya para sa ama (kawawa ka Silva, mas pogi naman ang tatay mo sa iyo). Paulit-ulit na pinagtatadyak ni Silva ang patalim na nakasaksak kay Elle habang hawak hawak niya ang picture ng ama.

Samantalang nilabanan naman nina Trixie ang kids ang sundalo na nakapasok sa pinagtataguan nila througn the window.

Nakarating na sina Rodolfo, Noah at Alec sa kung nasaan sina Silva at Elle. Sinubukan nilang labanan si Silva pero masyado itong malakas para sa kanila.

Sinusubukan naman ni Gabby na magka-clear shot kay Silva pero hindi nito magawa, nalabanan ni Silva sina Rodolfo at Alec na humahawak kay Silva. Noong naglalaban sina Noah at Silva doon nabaril ni Gabby ang itinuring na ama (Flashback: Noong kinupkop ni Silva si Gabby). Iyak ng iyak si Gabby.

(Dapat iyong poisonous bullet ang ginamit niyo!!!)

Itinayo na nina Rodolfo at Alec si Lady Elle at itinanong niya kung nasaan ang bato. Ibinigay ni Noah ang kwintas na suot-suot ni Silva pero wala ang bato sa loob nito. (What the hell, akala ko ba iyon lang ang lalagyan ng bato? Para bang mantika kung matulog ang bato na ito kahit ilipat pwede? Sabagay hindi pa siya tinawag ng huling bantay. Whatever.)

Pinag-uusapan nina Ylvana, Nessa at Manolo na sa susunod ay siguradong mas paghahandaan ng mga Luna ang paglusob nila. Naalala nila sina Alec at kung natagpuan na nila si Lady Elle. May naamoy si Ylvana na hindi pamilyar at itinanong niya kung sino ang nagbabantay kay Lyka. Dali-dali nila itong pinuntahan.

Hysterical naman si Lady Elle dahil wala ang bato, tawa naman ng tawa si Silva. Nanumbalik ang lakas ni Silva at nakatakas siya.

Pagdating nina Nessa sa kwarto ni Lyka, nakita niyang walang malay ang doctor. Si Anton ang naroroon, umiiyak ito at sinabing hindi niya alam. Ipinaliwanag ni Nessa ang nangyari at sinabi rin niyang ilang araw na niyang tinatawgan si Anton.

Hindi nahanap nina Alec si Silva. Alalang-alala pa rin si Lady Elle, paano na raw si Lyka ngayon. Nakahanap ng pagtataguan si Silva at kinuha niya ang isa pang syringe at iniject niya ang dugo ni Lyka para gumaling ang mga sugat niya. Hindi raw siya talunan at hindi pa iyon ang katapusan ng lahat.

Nakarating na sa bahay sina Lady Elle (ang tibay naman ni Lady Elle) at nalaman nina Nessa na hindi nila nakuha ang bato. Biglang lumala ang kalagayan ni Lyka (kaya iniwan na nilang duguan si Lady Elle dun sa kabilang bed? Lol). Sinabi ng doktor na wala na ang bisa ng ibingay na lakas ni Lady Elle kay Lyka. In despair naman si Lady Elle dahil wala na siyang maibigay na lakas sa apo.

Umiiyak na si Nessa. Sinabi ng doktor na gumawa siya ng antidote pero wala itong bisa. Sinabi ni Anton na dugo ni Noah ang sangkap ng lason. Naisip ng doktor na isalin ang dugo ni Noah kay Lyka. Ayaw namang pumayag ni Anton dahil pure poison ang dugo ni Noah at ikamamatay ni Lyka iyon. Kailangan daw nilang gumawa ng formula. Habang nagtatalo sila kinuha ni Noah ang tube for blood transfusion (aba, may medical background ka ba hijo?) at sinabi niyang kung wala silang gagawin mamamatay si Lyka.

Isinalin na ni Noah ang dugo at hinalikan niya ang mga kamay ni Lyka.

Nag-flatline si Lyka at sinugod ni Anton si Noah. Nag-umpisa ng umiyak si Nessa. Maya-maya ay nagka-vital signals ito. Idinilat ni Lyka ang kanyang mga mata. Tuwang-tuwa ang lahat. Umalis na si Gabby (siguro hindi niya ma-take ang love na sa mga mata ni Noah para kay Lyka. Take note, sa mga mata pa lang niya galing ang pagmamahal na iyon. What more if…hehe).

Sinasabi na nga raw ba ni Alec at magiging okay si Raymundo, masamang damo raw kasi siya. Tahimik na umalis si Noah.

Galit na galit naman si Silva noong nakarating siya sa lab at nadiskubre niyang nilayasan siya ni Anton.

Tinanong ni Gabby si Noah kung ano ang ginagawa niya sa labas. Dapat raw kasama nila itong nagsasaya, dahil siya ang nagligtas dito. Sinabi ni Noah na hindi siya karapat-dapat (hoy Gabby, huwag mo ngang titignan ng ganyan si Noah, may hope ka pa sa mga mata mo, tse!), malaman niyang ligtas na si Lyka ay okay na sa kanya. DUmating na sina Choy, Zoe, Yanni at Tikboy at nag-ready na silang umalis.

Nagising si Lyka at itinanong sa ina kung nananaginip lang ba siya o naroroon talaga si Noah. Sinabi ng ina na naroroon nga ito at ito ang nagligtas sa kaniya. Nagpumilit na tumayo si Lyka at hinabol si Noah (buti na lang hindi pa nakakaalis ng gate si Noah).

Tinanong ni Lyka kung saan ito pupunta at bakit ito umaalis? Sa malayo daw pupunta si Noah, kung saan hindi na niya masasaktan ito, kung saan hindi niya masasaktan ang isa sa kanila.

Sinabi ni Lyka na namatay siya at akala niya hindi na siya makakaalis sa lugar na iyon. Akala niya hindi na niya makikita ang mga mahal niya sa buhay — hindi na niya makikita si Noah. Ano raw ang pinagka-iba noon sa pinanggalingan niya kung wala rin ito sa buhay niya?

Noah: Patawarin mo ako, hindi ako karapatdapat sa iyo.
Lyka: (Hinawakan ang pisngi ni Noah). Ako lang ang makakapagsabi niyan…ako lang.

Naghalikan na sila at kumanta na si Martin Nievera. (Wahhhhhhhh!!!)

Paano raw kung masaktan niya ito muli, wala na raw tiwala si Noah sa sarili niya. Sinabi ni Lyka na mas masasaktan daw siya kung mawawala ito sa buhay niya. Nagyakap silang muli.

Nakita ni Anton ang mga pangyayari at padabog itong umalis at nakasalubong niya ang nagtatakang si Alec na nakita din ang yakapang nangyayari (feeling ko mas accepted na ni Alec ang defeat niya over Noah). Pati si Gabby nakatitig lang sa dalawa natauhan lang siya noong tinanong ni Choy kung okay lang siya. Doon lang siya pumasok ulit sa kotse.

Nangako ang dalawa na wala ng makakahadlang sa kanila. Wala na raw silang dapat ikatakot. Ipinangako ni Noah na araw-araw kukunin niya ang pagkakataon para makabawi si Noah sa mga kasalanan nito sa kanya at sa pamilya niya.

Nagyakap silang muli.

(Naku andaming langgam sa sobrang sweetness…)

Teaser:

Sinabi ni Alec na huwag ng sasaktan ulit ni Noah si Lyka.

Pinoproblema nina Lyka kung paano babawiin ang bato (e di tawagin mo, kung dati nga nakapagtravel pa ang bato from House of Elle papunta sementeryo).

May sinister plan si Anton.

Yay, Buhay si Lady Elle!!!

Mga Marka: ,

17 Tugon to “Lobo, Episode 93”

  1. moonie sky Says:

    ang saya-saya! napakaaga pa nga para mamatay si silva.. aheheheh! apat na linggo na lang..

  2. batangsutil Says:

    weeeeee…buhay si Lady Elle!!!!

  3. annedito Says:

    HAY SALAMAT AT BUHAY SI LADY ELLE!!! is it bad na mas-worried pa ako kay lady elle keysa kay lyka? hehe…kawawa naman si alec. kung gusto niya puntahan ako…hehe…ako accept ko siya whether itim or puti siya.

  4. ptvj Says:

    naku alam ba ninyo napanaginipan ko pa iyon. kagabi kasi i was thinking kung buhay pa si lady elle, iyon muna ang ipopost ko habang ginagawa ko iyong text update. iyon mismo ang napanaginipan ko pero nagturn into sand muna si lady elle bago siya nabuhay. wahaahahha!

  5. dumbako Says:

    wow, ptvj! galing-galing! nagflatline din ako, bumalik lang ang heartbeat ko nang maghalikan sila [while Martin’s song was playing!] hekhekhek.ang cute naman ng icon smiley sa baba ng update mo, cheer leader ka rin ba ptvj? hekhekhek

  6. ptvj Says:

    dumbako, lol. cheer leader? waahaha kung cheerleader ako ako lang ang cheerleader na hindi nagbibigay ng cheer. hehehe.

  7. SuE Says:

    kawawa naman si alec..pwede na ren si alec tsaka si gabby..lol..or si choy tsaka ung isang waya si dion dba my tinginan effect pa sila..heheh

  8. ptvj Says:

    sue, hehe. si clarisse iyong waya. bagay sila ni samuel (the waya that died in episode 92), kaso nadedo na iyon so kay choy na lang siya. wahahahah!

  9. NoCar Says:

    lahat ata tayo nag worry talaga kay lady elle bka kasi mamatay. buti hindi sabi nga ni alec masamang damo matagal mamatay. hehe pero kay lyka nya sinabi yon. hindi tayo nag worry na baka mamatay si lyka dahil alam natin na hindi siya mamamtay kasi sya ang bida. lol!
    ptvj bigyan din natin credit ang acting ni Gen. Silva. kahit hindi siya masyadong sikat na artista bravo sa acting siya dito sa lobo. yung pangisi-ngisi at at tawa-tawa nya na parang muret pag may naiisip siyang evil plan and pag nag turok siya ng dugo ni lyka, natutuwa lang ako sa kanya. ang pangit lang nya pero sa kanya naka center ang attention kasi siya lang ang kontra bida. pa mystery effect pa siya noon una hindi natin alam kung tao o lobo ba sya.hindi rin pinakikita ang face nya. kaya pala kasi may malaking peklat sa mukha. but all in all hindi natin mapagkakaila magaling siya.😈

  10. ptvj Says:

    nocar, bwahahha kapampangan ka talaga. pero oo tama ka effective na kontrabida ang bwisit na silva na yan.

    by the way, noong naghalikan sina noah at lyka…nagtoothbrush na ba siya? hehehe.

  11. dumbako Says:

    ptvj,sorry, this is not about lobo, curious lang ako kasi bakit iba na ang face icon ni no car? sa ysabella final thoughts parang sun/star and orange color, ngayon greenish na at octagon ba ?hekhekhek is it because of lobo rehab?

  12. ptvj Says:

    dumbako, nagpalit kasi siya ng email address. kasi iyong mga icons niyo, generated iyon with the e-adds that you provided. kaya kung mag-iiba ka ng email add, mag-iiba din ang icon mo. ang galing ha, di ko napansin iyon.

  13. Mums Says:

    ptvj, curious lang po ako sa tignin nyo sino pa ang mga mamamatay dito sa lobo within remaining 4weeks? syempre bukod kay silva. hindi siya mamatay kung makakaroon ng book2. pero kung wala patayin na ang suwanget na yan!! 😈

  14. No Car Says:

    off toic lang ha!
    uuyy……dumbako talaga naman ha. close na close tayo. parang kilalang kilala mo na ako. (takot tuloy ako) hehe. joke. i love you dumbako!

  15. dumbako Says:

    no car…… same here, hekhekhek. kasi vry intriguing kasi ‘yong name mo! gusto ko rin ‘yong name nina batangsutil, nawawala. kaya nga dumbako rin, hekhekhek. sorry again ptvj, wala sa topic uli. sana talaga may chat side tayo no? hekhekhek

  16. ruvi Says:

    pwedi mo ba matransfer sa windows media player ang LOBO kasi wala na dito sa saudi VEOH eh di ko na tuloy napapanood kasi alam mo kahit na papanood ko sya every night inuulit ko sya kinabukasan kasi maganda eh nakak addick…Please help….

  17. annedito Says:

    about the kwintas, sabi ni silva kanila lady elle na hindi raw iyon ang totoong kwintas. gumawa lang siya ng pirated na kwintas para gaguhin sina lady elle. sabi ng mommy ko na alec has the batong remus now. pero hindi ko na-catch yon. mag-rewind sana ako pero i had a busy weekend eh.

    and yes, ang galing ni silva. may pagka-manyak pa yung tawa niya na labas yung tongue. he looks gross!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: