Mga haka-haka sa LOBO (Part II)

by

Last month, isinulat ni Neneng ang mga haka-haka niya sa LOBO ngayon ay nasagot na ng ating pinakamamahal na teleserye:

1. Sino kaya ang naka-patay sa mag-ina ni Gen. Leon Cristobal? Ang lolo kaya ni Lyka na si Lorenzo Blancaflor?

Si Silva ang pumatay sa mag-ina ni Leon para magalit si Leon at sumali siya sa Luna.

2. At para saan ang gamot na lihim pinatutuklas ni Gen. Silva kay Dr. Vivian Lee? Ano kaya ang kulay ng balat ni Gen. Silva? Itim o puti?

Ang gamot na dine-develop ni Dr. Lee ay para makuha ni Gen. Silva ang lakas ng ibang mga lobo para makapaghiganti siya kay Eleonora at para siya ang maging pinakamalakas na lobo. Itim na lobo si Gen. Silva.

3. At ano ang magiging papel ni Anton Rivero, kapag may nakatuklas na sa kanyang pagiging taong lobo?

Masyadong masalimuot. Noong una mabait siya kaya nga naawa siya kay Alec at sinubukan niya itong itakas. Pero nagalit na rin siya noong inakala niyang si Noah ang pumatay sa Mama niya. Sumali siya kay Silva dahil ito ang magbibigay sa kanya ng kapangyarihan kahit na wala siyang tiwala dito. To be continued pa rin ang development ng character niya.

4. Magiging kakampi kaya ng mga lobong itim ang ina ni Lyka.

Oo. Pero magkakampi na ang mga itim at puting lobo. (At may possible love interest pa siya. LOL)

Ngayon ang mga haka-haka ko naman…

1. Mamamatay ba si Lady Elle? (Malalaman natin ang sagot in less than 24 hours)

2. Ano ang totoong katauhan ni Tikboy? Mga taong lobo din ba siya o galing siya sa lahi ng mga tagapangalaga kagaya ni Trixie? Magkamag-anak kaya sila?

3. Loveteams (Oo, mahilig ako sa love teams). Ano sa tingin niyo?

Elle – Manolo (Hopefully buhay pa si Lady Elle, kawawa naman si Manolo)

Alec – Gabby – Andrew (Love triangle hehehe)

Noah – Lyka – Alec

Choy – Clarisse

Andrew – Trixie (kahit hindi pa sila magkakilala, wahahaha)

Annie – Tikboy (Oo kahit mga bata pa sila)

Zoe – Yanni (obvious naman ito)

Rodolfo – Nessa (it’s been a while Nessa, panahon na para magmahal kang muli. LOL)

4. Bakit hindi tinatablan ng kagat ng lobo sina Noah at Emil? Sino ang ina ni Noah? Ipapaalam ba sa atin ito?

5. Ano ang magiging reaksiyon ni Noah kapag nalaman niyang si Nessa ang dahilan ng pagkamatay ni Emil? Ano ang magiging reaksiyon ni Anton kapag nalaman niyang si Nessa ang kumagat sa kanya na dahilan ng pagiging taong lobo niya?

Apat na linggo pa ito next week! Ano pa ang mga susunod na mangyayari? Since namatay si Leon super exciting na every episodes, I hope they can be able to keep the momentum.

Baka naman papatayin ang character ni Lady Elle (NOOOOOOOOOOOO!!!) tapos siempre at first at lost ang mga taong lobo dahil wala silang pinuno, tapos si Ylvana ang mamumuno. And then isa na naman iyon sa mga magpapa-alab ng puso nila sa pagtugis nila kay Silva. Gagaling na si Lyka only to find out na namatay pala ang lola niya at nilayuan na siya ni Noah (dahil nangako si Noah sa Episode 91 na kapag okay na si Lyka lalayo na siya at hindi na niya ito guguluhin pa).

Hay naku, sana bukas na. Langyang show na to…pati sa panaginip ko nag-a-appear. Iyon ngang nabasa kong comment sa youtube, napanginipan daw niya na ang aso niya ang huling bantay. LOL.

Mga Marka:

8 Tugon to “Mga haka-haka sa LOBO (Part II)”

  1. batantsutil Says:

    Just wanted to say thank you for all that you do for us who rely and look forward to your synopsis! Pati Ate ko…tatawagan ako early in the morning…Neng, ano sabi sa site…lololol.

    Thank you again, you are greatly appreciated.

  2. ptvj Says:

    batantsutil, naku walang anuman, masyado kasi akong madada at least this way kahit wala akong kausap, nakakadada ako. hehehe. sikat pala ako, paki-hello na lang kay ate mo. hehe. teka typo lang ba ang username mo o pinalitan mo na talaga?

  3. No Car Says:

    siguro nga mag kamag anak sila tikboy and trixie.
    baka mamatay si anton. kung papano ewan ko lang.

    mga love team sana lahat makatuluyan. hehehe!!!

    thanks PTVJ sa lahat. you’ve done a great job!!!

  4. moonie sky Says:

    ako laking utang na loob ko sa site na to.. mula simula talaga inabangan ko na yung lobo dito.. kudos ptvj!

  5. batangsutil Says:

    ptvj – typo lang…sabi nang Ate ko, Sutil daw ako…kaya yun, BatangSutil.

    Until next time.

  6. annedito Says:

    lol ptvj…may asawa na ata si andrew. i vaguely remember na parang may sinasabi siya kay noah noon una silang magkita sa cemetery. pero talagang boto ako kay nessa at rodolfo…hahaha…pati na rin si elle and manolo. sana mag-double wedding sila! mas-gusto ko na si alec para kay lyka…ssshhh…don’t tell papa p.

  7. dumbako Says:

    ptvj, baka isa ka sa mga scriptwriters sa Lobo ha? hekhekhek

  8. ptvj Says:

    no car, no prob😀

    moonie sky, kapag lumipat ka ng blog na binabasa sasabihan kita ng walang utang ng loob. hehehe. just kidding hindi naman ako si kuya germs.

    batangsutil. ay ako rin may tawag sila sa akin, pero hindi ko pwedeng sabihin dahil mabubuking ang personal blog ko. lol. (at no, hindi laitera, pangalawa lang iyon)

    annedito, ay sayang. type ko pa naman siya hehehe. pero titignan ko iyong episode na iyon namiss ko ata iyon part na iyon.

    dumbako, kung scriptwriter ako ng lobo, hindi lang halikan ang magaganap between noah at lyka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: