Lobo, Episode 92

by

Ayaw maniwala ng mga Luna na taong lobo din si Silva at ito pumatay kay Leon. Ipinakita ni Noah ang singsing at locket ni Leon na nakita niya sa hideout nito pero sinabi ni Silva na may nag-plant lang ng evidence. Papatunayan sana ito Noah sa pamamagitan ng pagbaril kay Silva para pagalingin nito ang sarili pero hinuli siya at si Gabby ng mga LUna.

Nakita ni Choy na itina-transport sina Noah at Gabby ng mga militar. May tao pala sa likod niya — si Alec.

Pinapasok ni Annie (iyong batang taong lobo, may pangalan pala siya hehehe) sina Tikboy, Zoe at Yanni sa loob ng mansiyon para makita si Lyka.

Inireport na ng doctor (Therese ba ang pangalan niya?) kay Lady Elle na tinest na nila ang bala at may substance ito (poison) pero hindi nila alam kung ano iyon.

Sinabi ni Nessa na baka makatulong si Anton pero ilang araw na niya itong tinatawagan pero hindi niya ito ma-contact.

Habang may ginagawa si Anton sa lab niya, naisip niya noong binabasa ni Silva ang libro ng ama tungkol sa bato ng Remus at ang paghawak dito kahit na hindi siya ang huling bantay. Binuksan ni Anton ang drawer (more of he broke in) binasa ang libro. Nalaman niyang kahit na pagkatapos ng pulang buwan ay may taglay pa ring kapangyarihan ang bato na maaring magamit ng kung sino mang makakahawak ng bato. Narealize ni Anton na maraming itinatago sa kanya si Silva.

Iniligtas nina Alec at Choy sina Noah at Gabby.

Nalaman ni Silva mula sa kausap niya sa cellphone na nakatakas sina Noah. Inutusan niya ang mga ito na gawin na ang Plan B (Operation Mansion).

Noong pumasok si Nessa sa kung saan nakahiga si Lyka, nasense nyang may ibang tao doon. Nagpakita sina Tikboy, Annie, Zoe at Yanni. Nagpakilala si Yanni at ipinakilala niya ang umiiyak na si Zoe. Sinabi ni Zoe na alam niya ang nangyari kaya natatakot siyang hindi siya papapasukin para makita si Lyka dahil doon. Sinabi ni Nessa na hindi nila kailangang magtago. Ipanalangin na lang daw nilang lahat na hindi pa sila iiwan ni Lyka.

Nagpunta naman si Samuel (isa sa mga Waya Council) sa isang bakanteng bodega (ano ba iyan, namatay na nga si Felix, naglalakad ka pang mag-isa mo, medyo pogi ka pa naman). Nagpakita si Silva at pinatay niya si Samuel (šŸ˜¦ Sayang bagay pa naman kayo ni Clarisse).

Ginamit ni Silva ang dugo ni Samuel para isulat ang mensahe niya sa pader para kay Elle: HANAPIN MO AKO KUNG SA’N MAKIKITA NIYA ANG LAHAT.

Ipinakita ni Rodolfo kay Lady Elle ang picture ng mensahe na iyon mula sa isa sa mga reporter. Sinabi rin niyang dugo ni Samuel ang ginamit ni Silva (Si Ylvana ang nagpunta para kunin ang katawan ni Samuel). Nagpasiya si Lady Elle na makikipagkita siya kay Silva pero pinigilan siya ni Rodolfo dahil hindi na siya malakas at napag-usapan na nilang hindi nito haharapin si Silva ng mag-isa. Humingi ng tawad si Lady Elle kay Rodolfo and then she hit him in the neck para mawalan ito ng malay.

Kahit na ayaw ni Anton, dalawang beses niyang tinurukan si Silva ng dugo ni Lyka dahil na rin sa utos nito. Sinabi ni Silva na maghuhumiyaw at magmamakaawa si Elle sa sakit hanngang siya na mismo ang humiling ng kamatayan niya.

Pagdating nina Alec, Gabby, Choy at Noah sa mansiyon, sinalubong sila ni Nessa at ng mga bata. Itinanong ni Noah kung ano ang ginagawa ng kapatid doon at sinabi ni ZOe na binisita lang niya si Lyka.

Sinabi ni Nessa na huwag siyang mag-alala at okay lang naman ang mga bata doon. Pinapunta niya ang mga bata kay Trixie para mag-meryienda pati na ang mga bagong dating. Nagpa-iwan si Noah para kausapin si Nessa. Humingi ng tawad si Noah sa lahat ng mga nagawa niya, at gagawin daw niya ang lahat para maitama lang ang mga ito. Sinabi ni Nessa na lahat naman sila ay nagkakamali. Sasabihin na sana ni Nessa ang tungkol sa pagkamatay ni Emil noong dumating si Rodolfo para ibalita na umalis si Lady Elle para makipagkita kay Alberto/Silva.

Nakarating na sa museleo ni Alfredo de la Rama si Elle. Sinabi ni Elle na tapusin na nila ang lahat ng ito. Sinabi rin niya na masyadong masama ang ama ni Alfredo kaya kahit hindi niya ginusto ay nagpasiya siyang patayin nila ito. Pareho lang naman daw sila ng kapalaran dahil namatay din ang kapatid niyang si Lorenzo. Ayaw makinig ni Silva at sinabi niyang siya na ang pinuno ng mga Waya. Ang kailangan lang daw niyang gawin ay isalin ang dugo ni Lyka sa kanya. Ipinakita na ni Silva na suot niya ang kwintas. Nakikinig si Anton sa kanilang dalawa at narinig niya si Lyka ang Huling Bantay.

Problemado ang mga tao sa mansiyon pero nadecipher nila ang riddle ni Silva. Inutusan ni Ylvana sina Alec, Noah at Rodolfo para puntahan si Elle. Isinama ni Noah si Gabby.

Nag-umpisa ng magtuos sina Silva at Elle. Sinabi ni Silva na ayon kay Nana Sela na itinakdang papatyin ni Noah si Lyka, mapapasa-kanya ang bato at ngayong gabi ay papatayin ni Silva si Elle.

Nakarating na ng sementeryo sina Noah. Sina Noah, Rodolfo at Alec ang sumugod pero binigyan niya ng baril si Gabby para sa kung sakaling makatakas si Silva ay babarilin niya ito (eto pang may mixed feelings kay Silva ang inutusan niya).

Naglalaban pa rin sina Silva at Elle. Sinabi na ni Silva kay Elle na sa mga oras na iyon ay sinusugod na ng mga Luna ang mansiyon niya at with an order na patayin lahat ng mga humihinga doon. Umalis si Anton noong marinig niya ito at marealize niyang nasa panganib sina Lyka at Nessa.

Nakapasok na sa gate ang mga Luna. Pumunta sa loob ng bahay ang mga itim na lobo at sinabi ng isa sa kanila (iyong nanay ni Annie) kay Ylvana na may paparating na mga Luna. Sinabi ni Ylvana na lalaban sila. Ipinatago nila kay Trixie ang mga bata (paano si Manolo, don’t forget walang super powers `yan). Nilabanan ng lahat ng mga taong lobo sa loob ng mansiyon ang mga Luna. Muntik ng mabaril si Clarisse pero nabaril ni Choy ang babaril dito (uy, bagong love team, hehehe).

Naglalaban pa rin sina Elle at Silva. Sinabi ni Elle na huwag ng ulitin ni Silva ang kwento ng ama niya. Sinabi naman ni Silva na this time daw isang de la Rama ang magwawagi. Buong-bilis na pumunta si Silva sa likdo si Elle at sinaksak niya ito.

(Wahhhhhhhhhhhhhhhhh! Don’t die Lady Elle!!!!!!!!!)

Teasers:

Nakarating na sina Noah sa museleo.

Sinabi na ni Anton sa kanila na dugo ni Noah ang lason sa katawan ni Lyka.

Sasalinan nila ng dugo ni Noah si Lyka.

Isinisigaw ni Nessa ang pangalan ni Lyka. Naglakad naman papalayo si Noah from Lyka.

(Wahhh! Nasaan si Lady Elle? I think makakarecover na si Lyka at kaya umalis si Noah at dahil sinabi niya noon na pag natapos na ang lahat lalayo na siya kay Lyka at hindi na niya ito guguluhin pa.)

Mga Marka: ,

8 Tugon to “Lobo, Episode 92”

  1. moonie sky Says:

    ang galing-galing! pero bakit kelangan bigyan ule ng dugo ni noah si lyka? e diba nga lason yun para sa mga lobo?

  2. ptvj Says:

    moonie sky, i think they used the same principle in treating snake bites, they put small amount of venom in the person para magkaroon ng antibodies against the poison…or something like that.

  3. mitzi Says:

    sana wag naman mamatay si lady elle!

  4. dumbako Says:

    wow, hindi ko pa napanood ang episode na to, pero sinunod nila ang sinabi ko na salinan ng dugo ni Noah si Lyka! hekhekhek

  5. annedito Says:

    lol ptvj, lagi kang may bagong loveteam. pero gusto ko talagang mag-double wedding si elle/manolo and nessa/rodolfo…lol…hindi pa ako sure if i want noah for lyka. galit pa rin ako sa kanya for not accepting her right away and pinabayaan umuwi ng hubad.

    ptvj, galing mo naman, naging vet ka pa ngayon. puwede mo ng palitan si kuya kim sa matanglawin…hehe

  6. No Car Says:

    bravo talaga ang lobo. bwisit talaga si silva. ang galing ng team work ng mga waya, itim na lobo, at nila choy and gabby.

    aayaw ko rin mamatay si lady elle!!! si ylvana na lang.

    ptvj ang dami mo ng love team ha!

    thanks sa update with matching side comments, na lalong nagpapa excite sa story. šŸ˜‰

  7. ===== Says:

    Hay, pwede ba ako sasali? Kasi galit ako kay Silva. Dapat natin sila tulungan. He, he joke lang. Gi-off ko ang tv nang nag-away sina Silva at Lady Elle. Di ko gustong makita na matalo si Lady Elle!

  8. ptvj Says:

    = = = = =, pinahirapan mo ako sa pagtatype ng pangalan mo. lol. welcome sa ptvj!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: