Lobo, Episode 91

by

Patuloy pa rin ang ritual na isinasagawa ni Lady Elle habang nanonood ang iba. Nanghina si Lady Elle at dinala siya sa kwarto nina Alec (hay naku Rodolfo at Manolo, di ba kagagaling lang ni Alec sa sakit siya pa ang pinagbuhat niyo). Akala nila maayos na si Lyka pero nag-umpisang kumalat muli ang lason sa katawan ni Lyka, oras lang pala ang naibigay ni Lady Elle sa apo.

Sinabi ni Silva kay Gabby na isang taong lobo si Lyka. Tinutuya pa ni Silva si Gabby. Pinili pa raw na magmamahal ni Noah ng isang halimaw kaysa sa kanya. Sinakal niya si Gabby.

Nagkwentuhan sina Trixie at Tikboy (uy parehong T, baka magkamag-anak sila). Pareho pala nilang hindi kilala ang mga magulang nila. Tinirador si Tikboy ng batang babaeng nakatira doon at natawa naman si Trixie. Natigilan lang sila noong nakita nilang buhat-buhat ni Alec si Elle.

Sinabi ni Silva na hindi niya magagawang patayin si Gabby dahil anak pa rin ang turing nito sa kanya. Binitawan niya si Gabby at nawala siya ng parang bula. Tinignan ni Gabby kung okay lang si Andrew, buhay pa ito pero si Hector patay na.

Ikinuwento na ni Noah ang mga nalaman niya. Si Silva ang pumatay sa pamilya ni Leon at kay Leon at ginamit siya nito. Galit na galit na isinumbat ni Rodolfo sa kanya ang pagpatay nito sa kapatid niya. Galit ding sinabi ni Alec sa kanya na kapag may nangyari kay Lyka, papatayin niya si Noah. Pinigilan ni Lady Elle ang galit ng mga ito. Kailangan daw nilang magtulungan. Sinabi niya kay Noah na biktima rin siya kagaya ng pagiging biktima ni Lyka, kung gusto nitong makabawi, tulungan niya ang mga ito na hanapin ang bato bago maging huli ang lahat. Inutusan ni Lady Elle si Trixie na sabihin sa mga Waya ang nangyari.

Pinuntahan ni Noah si Lyka. Sinabi nitong mas nakinig siya sa galit na nararamdaman niya kaysa sa damdamin nito kay Lyka. Pero hindi raw ito tumigil ng pagmamahal kay Lyka. Sinabi ni Noah kahit sinasabi nilang siya ang nakatakdang pumatay sa kaniya, hindi niya hahayaang mamngyari iyon. Ipinangako niya dito na ililigtas niya si Lyka kahit na isakripisyo pa nito ang sarili niya bumalik lang si Lyka. Kapag magaling na raw ito hindi na siya kailangang makita ito muli. Magpapakalayo na raw si Noah, hindi na siya guguluhin nito muli. Hindi na niya hahayaan ang sarili niya na masaktan pa niya si Lyka ulit. Hinalikan niya sa noo si Lyka. Huwag daw kalimutan ni Lyka na mahal na mahala siya nito.

Kinakabahang nanonood naman sina Zoe at Yani (ang haba ng hair mo Zoe, diyan pa nakatira ang boylet mo) habang inaayos ni Noah ang baril niya. Sinabi ni Choy na magpahinga na muna si Noah dahil hindi pa magaling ang mga sugat niya. Inutusan ni Noah sina Zoe na pumunta na sa taas at noong mag-o-object sana si Zoe, tinignan lang siya ng masama ni Noah kaya wala siyang nagawa. Papaakyat na sana sila noong biglang dumating si Gabby kasama si Andrew na nanghihina.

Itinanong ni Gabby kay Noah kung totoo ngang taong lobo si Lyka.

Kausap ni Silva ang pechur ng tatay niya. Sa wakas raw maipaghihiganti na niya ito.

Ipinaliwanag ni Noah kina Choy at Gabby na isinet=up siya ni Silva para mabaril niya si Lyka dahil gusto niyang kuning ang lakas nito pati na ng iba pang mga lobong nahuhuli ng mga Luna. Iyon din siguro ang natuklasan ng daddy niya kaya siya pinatay ni Silva. Kinumusta ni Gabby si Lyka.

Sinabi ni Noah na gagawin niya ang lahat mailigtas lang si Lyka at haharapin niya si Silva kahit na gaano pa siya kalakas. Pinili pa rin nina Choy at Gabby na tulungan si Noah kahit na alam nilang taong lobo si Lyka.

Pag-alis ni Noah, itinanong ni Choy kay Gabby kung tinutulungan ba raw niya si Noah dahil naniniwala siya sa laban ni Noah o dahil mahal niya ito. Baka raw kasi dumating ang sandali na kailangan niyang mamili, ang taong lobong mahal ni Noah o ang taong lobong naging tatay-tatayan niya.

Inatake ni Silva sina Clarisse at Felix. Sinabi ni Felix na naroroon siya noong pinatay ng mga Waya ang tatay nito, na kamukha niyang demonyo. Pinatay ni Silva si Felix at sinaktan din niya si Clarisse pero hindi niya ito pinatay dahil gusto niyang iparating kay Elle ang mensahe niya na ito ang gusto niyang makaharap or else papatay siya ng mga taong lobo over and over again.

Pinuntahan ni Elle si Nana Sela kasama sina Manolo at Rodolfo. SInabi ni Nana Sela na kahit na hindi si Silva ang huling bantay, maari nitong mapasunod ang bato sa kaniya at kapag nangyari iyon sa halip na ikabubuti ng mga taong lobo ang bato ng Remus ay baka maging itim na rin ang bato kagaya ng budhi ni Alberto. Mag-ingat daw sila. Sinabi ni Nana Sela na kahit na itinakda ay nababago pa rin ng tao ito sa bawat galaw at desisyon niya. Sinabi na rin niya na hindi na manunumbalik kay Lady Elle ang isinakripisyo niyang lakas kay Lyka. Hindi raw ang bato ang magiging kaligtasan ni Lyka (baka si Noah!).

Sinabi Lady Elle na babaguhin daw niya ang nakatakda at ililigtas niya ang apo.

Nakapalibot ang mga Waya sa katawan ni Felix. Sinabi ni Clarisse na si Elle ang gustong patayin ni Siva. Sinabi ni Elle na haharapin niya si Silva ng mag-isa pero ayaw pumayag nina Manolo, sinabi ni Nessa na tama si Manolo. Sinabi ni Alec na siya ang haharap kay Silva, sinabi ni Rodolfo na siya man ay haharapin si Silva. Sinabi ni Ylavana na maasahan ni Elle ang suporta nilang mga Waya.

Sayang daw at napatay ni Silva ang tauhan niyang si Hector e di sana raw ay nadala nila ito sa mga Luna para maging pruweba nila.

Sinabi na ni Gabby na mahal niya si Noah, kahit noon pa man. Mas madali raw kay Noah na siya na lang ang mahalin niya kaysa kay Lyka na isang halimaw. Tahimik lang si Noah. Sinabi ni Gabby na ngayon alam na niya kung bakit niya tinutulungan si Noah: Dahil mahal ni Noah si Lyka at dahil mahal niya si Noah.

Naguguluhan na si Zoe sa mga pangyayari. Sinabi ni Tikboy na natutulog lang si Lyka. Sinabi niya na papatayin ng masamang lobo si Noah kaya umatake si Lyka. Sakto bumaril si Noah at si Lyka ang natamaan. Hindi naman daw namatay si LYka, natutulog lang siya. Gusto pa ring makita ni Zoe si Lyka kahit na nalaman nitong taong lobo siya.

Nagpaplano sina Rodolfo at Alec kung paano nila aatekihin si Silva. Sinabi ni Nessa na nawawalan na sila ng oras. Sinabi ni Alec na labag man sa loob niya, tama si Lady Elle, kailangan nila ang tulong ni Noah.

Pinuntahan nina Noah at Gabby ang mga Luna para sabihin ang masamang balita. Biglang lumitaw si Silva at tinutukan siya ng baril nina NOah at Gabby. Tinutukan sila ng baril ng mga Luna.

Teasers:

Nag-tuos na sina Lady Elle at Silva.

Nalaman na ni Anton na si Lyka ang Huling Bantay.

May mga militar na sumusugod sa mansiyon nina Lady Elle (wahhhh! Baka kunin nila si Lyka).

Mga Marka: ,

9 Tugon to “Lobo, Episode 91”

  1. moonie sky Says:

    i can’t wait sa next episode.. panu na mabubuhay si lyka? patindi ng patindi ang lobo!

  2. No Car Says:

    naku ha! lahat sila tulong tulong na. si noah, rodolfo, alec, mga waya gabby, andrew, choy, manolo lady elle etc (kung meron pa akong hindi nabanggit) pag ba naman hindi pa na huli itong pangit na silva ito. ako na ang dadagok sa kanya. kepangit pangit lang napaka-importante pa. bwisiiit!!!

  3. dumbako Says:

    baka kailangan ni Lyka ang dugo ni Noah para gumaling! itransfuse kaya nila si Lyka with Noah’s blood? hekhekhek. kabakaba na ako!!!!!!!ngiiiiiiiii!!!!!!

  4. No Car Says:

    ano ng kaya ang magpapagalin ng lason na kumakalat kay lyka? sabi hindi na daw ang bato ng remus. eh ano? bakanga ang dugo ni noah.

  5. No Car Says:

    parang na awa ko kay gabby. nawala ang inis ko sa kanya. aba mahirap nga naman yon mahal nya noon noon pa tapos hindi sya mahal then may mahal na iba. ahwwweee yon sa heart. ganon din si alec diba. feeling nya dapat sila ni lyka kasi mag ka uri sila. pero ayaw ni lyka. dibale alec nandito naman ako kagatin mo nalang ako para maging lobo ako. (kung sa bagay lobo na pala ako “lumolobo”)

  6. annedito Says:

    lol no car. i’m behind and haven’t seen the shows this week. nakakainis nga eh pero salamat at nandiyan si ptvj for the updates. i’ll catch up this wknd nalang.

  7. dumbako Says:

    no car, tama tayo! sinalinan ng dugo ni Noah si Lyka! hekhekhek. siguro binasa nila itong mga comments natin! hekhekhek

  8. No Car Says:

    dumbako, siguro hindi natin alam baka silent script writter tayong lahat dito. siguro nga nagbabasa sila ng PTVJ.
    dati rin sabi ko makikipag joint force si anton kay silva kasi nakita niya na sila noah ang pumatay ka clara.
    okay ano, director script writter at love team maker ang mga taga PTVJ. 🙂

  9. thess Says:

    i have a feeling na magiging powerful c silva at marerecruit niya ang ibang waya like rodolfo, ylvanna dahil wala ng silbi ang HB.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: