White Lady (2006)

by

Note: This kicks off the start of my movie “reviews.” Marami na rin akong napanood na mga Pinoy movies –new and old ones– at susubukan kong i-review (ptvj-style siempre) silang lahat. For more movie reviews, visit one of my favourite bloggers, Willow on her Kabaduyan Blog. (Willow, if you ever stumble on this blog, namimiss ko na ang mga reviews mo, magparamdam ka na sana ulit!)

Cast:

Boots Anson-Roa
Pauleen Luna
JC de Vera
Angelica Panganiban

Hino-haunt si Pearl (Pauleen Luna) na isang freshman sa isang unibersidad sa Maynila ng isang white lady. Nacurious siya sa storya ng isang babaeng nag-ngangalang Christina (Angelica Panganiban) na biktima ng kalokohan nina Mimi (Iwa Moto), ang sosyalerang campus bully. Dahil sa ginawa nila hindi na nagpakita si Christina sa iskwelahan.

Noong mag-umpisang “maghiganti” si Christina kina Mimi doon natuklasan ni Pearl ang isang malagim na katotohanan (naks).

Gusto niyong malaman ang ending? Click niyo after the jump.

Well, dedo na pala si Christina kahit na kinakausap at ipinaghahain pa siya ng pagkain ng Lola niya (Boots Anson Roa). Ang ginawa nina Mimi, ikinulong nila sa isang tool shed si Christina as a prank pero iyon lang ang ginawa nila. Namatay si Christina dahil sinunog ni Robbie (JC de Vera), ang mayamang ex-boyfriend ni Christina na pinaglalawayan naman ni Mimi, dahil psychotic ito at nakipag-break sa kanya si Christina. Naghiganti si Christina sa mga nagkulong sa kanya (using their phobias), dahil they had a hand in her death.

Nagkaroon lang ng katahimikan ang kaluluwa ni Christina noong nalaman na ng mga tao ang katotohanan. Kinaibigan ni Pearl ang Lola ni Christina (na kapwa niya Ilonga).

Verdict:

Well, muntik ng mabagok ang ulo ko sa OA na acting ni Iwa Moto (at nadistract din ako sa buhok niyang mukhang dry na dry). But I digress.

Okay naman ang istorya and it would’ve been a better horror movie kung magagaling ang mga artistang nagsiganap at kung na-polish pa ng husto ang story. Nagtataka lang ako, bakita parang nasa liblib na lugar ang campus dorm nina Pearl? Kasi kapag naglalakad siya papunta sa school, parang sa gubat pa siya dumadaan.

And tell me (dahil hindi ako nag-college sa Pilipinas), accurate ba ang portrayal ng university classroom
sa pelikula? Bakit may nagbabatuhan ng mga nilukot na papel? Parang Isku Bukol days pa iyon, ah.

Tapos wala man atang dalawang sentences ang dialogue ni Angelica Panganiban dito. Expect ko pa naman nasa top bill siya tapos ganoon lang ang role niya. Unless, pipi si Christina dito. Lol.

Pero ang ganda ni Pauleen Luna at okay naman ang portrayal niya sa Pearl.

Image from: Regal Multimedia

Mga Marka: , , , , ,

3 Tugon to “White Lady (2006)”

  1. dumbako Says:

    ptvj, i saw that movie sa CO. it’s a typical rural public elementary and highschool! usually ang nagbabatuhan ng papel ay typical ugali ng city students. ang mga students of the above ay takot sa mga teachers! always pag gumawa sila ng horror, wala talagang dialog ang nananakot kuno.hekhekhek. i would like to invite you ptvj pag-uwi ko sa august, ako tour guide mo. ipasyal kitasa university where i graduated[magdala ka ng wetsuit para makapagscuba or snorkelling tayo mismo sa beach ng university namin] or ipasyal kita sa University of Black Magic and Witchcraft[totoo ito]. both universities are kind of tourist spots na kasi,hekhekhek

  2. dumbako Says:

    nakalimutan ko ptvj, my university pala famous ng our own ‘white lady’, nagpapakita ito sa mga mababait na students sa dormitories,hekhekhek

  3. No Car Says:

    stop doing horror teleserye. hindi ko ma take ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: