Lobo, Episode 90

by

Ipinakita ni Elle kay Manolo ang mga ebidensiya na nakuha nila kay Alfredo de la Rama. Kasama na doon ang mga libro kung saan nakasulat ang mga ritual na matagal ng ibinaon ng mga ninuno ni Lady Elle dahil binubuhay nito ang patay na.

Baka raw kasi may makita silang mga clues para malaman kung nasaan si Silva.

Manolo pointed out na ang gagawa ng ritual na ito ay mamatay kapalit ng pagbibigay buhay.

Dumating si Rodolfo para ibalitang pati si Noah ay nawawala na rin. Naisip ni Nessa na baka may kinalaman ang pagkawala ni Noah sa pagkawala ni Lyka.

Sinabi ni Andrew kina Gabby at Choy na nalaman nilang si Silva ang pumatay kay Leon at alam din ito ni Noah. Sumama si Gabby kay Andrew para i-interrogate si Hector (ang captured na tauhan ni Silva) at si Choy naman ay bumalik na kina Zoe para magbantay.

Nabaril na ni Noah si Lyka at nagkatawang tao na si Lyka.

Binaril ni Silva si Noah.

Nagtago si Tikboy sa backseat ng kotse ni Noah. Lumabas ito at tumakbo papunta sa kung nasaan sina Noah. Narinig niya ang mga putok ng baril. Hindi alam ni Tikboy ang gagawin, paano raw kung may kalaban. Ano raw ang gagawin ng Kung Fu Kids pag ganito? (LOL)

(Hindi ko alam kung umiiyak si Noah sa sobrang sakit o dahil nakikita niyang nakahubad si Silva.)

Sinabi ni Silva na itinakda na papatayin ni Noah si Lyka para makuha ni Silva ang kapangyarihan nito para matupad ang kanyang pangarap.

Doon lang narealize ni Noah na si Lyka ang nabaril niya. SInubukan niyang tumayo pero binaril siya ulit ni Silva.

Kumuha si Silva ng dugo ni Lyka at umalis na ito.

Gumapang si Noah papalapit kay Lyka. Umiiyak si Noah at paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya sinasadya. Binuksan ni Lyka ang mga mata nito at umiiyak na sinasabi kay Noah na mahal niya ito. Isinara na niya ulit ang mga mata nila.

Flashbacks (habang kumakanta sina Martin at Agot, si Agot iyong kaduet niya di ba?): Noong nag-kiss accidentally sina Ulay at JJ; noong sinabi ni Lyka na taong lobo siya; noong inaalagaan siya ni Lyka noong on the run sila; mga moments nila sa House of Elle.

Patuloy sa pagsisigaw si Noah habang karga-karga niya si Lyka (na ngayon ay binalutan niya ng suot niya, pero hindi pa nakalitaw ang abs niya dahil naka-black siyang tshirt). Dumating si Tikboy at nagtulong sila na dalhin si Lyka.

Habang nagpaplano sina Lady Elle na bumalik ang ilan sa kanila sa bahay ni Noah at baka sakaling may mahanap sila para maliwangan tungkol sa pagkawala ng dalawa at habang nagpupumilit sumama si Alec kahit na ayaw ni Lady Elle dahil mahina pa ito, dumating si Noah na panay na busina sa sasakyan.

Bumaba ito at sinabing tulungan nila si Lyka at nawalan na ito ng malay. Lahat ay nagpunta sa kabilang side ng sasakyan para kunin si Lyka. Binuhat ni Alec si Lyka, pinasan naman ni Rodolfo si Noah. Dinala nila ang mga ito sa loob ng mansion dahil naroroon ang mga doktor na kasama ni Selina (very convenient na nag-set up ng lab doon si Selina, no?)

Kausap ni Anton ang picture ng ina at sinabi niyang habang ayaw niyang maging kalaban ni Lyka. At habang kumakampi si Lyka kay Noah, hindi muna siya magpapakita dito pati na kay Nessa. Kahit daw wala siyang tiwala kay Silva, naroroon siya dahil matutulungan siya nitong maghiganti.

Masayang dumating si Silva dala ang dugo ng huling bantay.

Kumakalat na ang lason kay Lyka at hindi nila alam ang antidote. Baka raw wala na silang oras para mafigure out ito, sabi ng doktor.

Itinurok na ni Anton ang dugo at gamot sa kay Silva. Noong una parang naka-seizures si Silva pero lumakas itong bigla.

Nagka-flatline si Lyka. Kinakailangan niyang i-defibrilator ito (that’s what it’s called, right? At saka dapat di ba skin contact iyon, hay naku bakit may kumot pa si Lyka).

Nagkamalay na si Noah (ang galing buhay pa siya!) at hinahanap si Lyka. Nagpumilit itong tumayo kahit na ayaw ng doktor.

Nagising na si Silva at malakas na ito. Itinulak niya ng buong lakas si Anton. Tuwang-tuwa ang pangit sa lakas niya. Hiniwa niya ang sarili niyang kamay braso pero gumaling din ito, the same thing happened nong sinunog niya ang sarili.

Sa sobrang lakas ni Silva, lumabas ang maraming dugo sa bibig ni Anton pero buhay pa ito. Gusto nito na pag-aralan pa ni Anton ang lakas ng huling bantay. Sinabi ni Anton na oras lang daw ang bibilangin sa lakas niya at mawawala rin ito. Sinabi ni Silva na may sapat na dugo na siya hanggang sa pagdating ng pulang buwan. Gusto ni Anton na lumakas din pero ayaw siyang bigyan ni Silva, pinatay na raw niya si Noah.

Nagalit si Anton. Ano naman daw ang diperensiya, sabi ni Silva kung siya o ito ang pumatay? Gusto pa rin ni Anton ang kapangyarihan na ipinagako niya. Sinabi ni Silva na pagkatapos ng pulang buwan, ibibigay niya ang gusto ni Anton. Hayaan daw muna siya ni Anton sa kapangyarihan niiya at isusubok daw niya ito sa mga kaaway.

Dinala nina Andrew at Gabby si Hector sa kung saan iniligtas ni Lyka si Alec. Nakita ni Gabby ang picture ni Alfredo de la Rama doon. Nakatanggap ng tawag si Gabby kay Choy at ibinalita nitong ligtas na si Noah.

Papaalis na sila pero biglang dumating si Silva. Inihagis niya si Andrew at pinatay si Hector. Bumunot naman ng baril si Gabby.

Naabutan ni Noah na nakatayo ang lahat sa tabi ng pintuan ng kwarto kung nasaan si Lyka. Nakita siya ni Alec at galit na galit ito pero pinigilan siya ni Manolo.

Lumabas ang doctor para ibalitang humihinga si Lyka pero kumalat na ang lason sa puso niya at hindi na siya magtagagal. Sinigawan ni Noah ang doctor at sinabing gumawa siya ng paraan. Iyak ng iyak si Nessa (uyyy, kino-comfort siya ni Rodolfo).

Naalala ni Lady Elle ang pinag-uusapan nila ni Manolo tungkol sa ritual ng pagkabuhay. Pumasok ito sa kwarto at inilock iyon para isagawa ang ritual.

Kahit anong pakiusap nina Manolo kay Lady Elle ay ayaw nitong buksan ang pinto (at this pointa nasabi na ni Manolo sa kanila na ikamamatay ni Lady Elle ang gagawin niya). Wala na silang nagawa kung hindi manood.

Hindi raw hahayaan ni Lady Elle na mamatay ang apo. Hinalikan niya ito sa noo at isinagawa ang ritual…

(Huwag kang mamamatay Lady Elle!!!)

Teaser:

Nagpaplano sina Rodolfo at Alec na sugurin si Silva. Labag man sa kalooban ni Alec, hihingi sila ng tulong kay Noah (sabi niya “Tama si Lady Elle, kailangan natin ang tulong ni Noah…” that means buhay pa siya di ba?).

Wala pa ring malay si Lyka.

Mga Marka: ,

11 Tugon to “Lobo, Episode 90”

  1. dumbako Says:

    m just curious ptvj, malapit na rin bang matapos itong lobo? thanks

  2. annedito Says:

    AYAW KONG MAMATAY SI LADY ELLE!!!!!!!!!!!! si ylvana nalang ang pagawin nilang ritual…hehe…kawawa naman si manolo at baka hindi pa sila nagkaskasan ni lady elle…lol
    uyyy…si nessa, may bagong bf…hehe…sabi na mas-hero ko pa ngayon si rodolfo at alec eh. talagang naiinis na ako kay noah. kung hindi lang siya guwapo hate ko na…hehe
    ano kaya ugnayan ni tikboy sa lahat ng ito?

  3. mitzi Says:

    piolo guested on the buzz last sunday…sabi nya last 5 weeks na daw ng lobo.

  4. No Car Says:

    mitzi, 5weeks na lang? okay lang kung matatapos na. pero gaya mo annnedito ayaw ko rin mamatay si lady elle. bakit kailangan pang patayin yung matitinong bida gaya ni lady elle, leon, nanay ni anton. sana pinapatay na lang ni yung medyo walang sense na character gaya ni ylvana si nana sela okay lang patayin na siya tutal nagawa na niya ang purpose niya. baka si alec patayin din. hay naku! sana wala ng mamamatay except kay Silva!!!

  5. moonie sky Says:

    waaah! yoko din mamatay si lady elle! napanood ko din sa ads ng kapamilya sabi last 5 weeks na nga daw so early july matatapos na nga sya.. naisip ko lang naghalo na yung dugo ng huling bantay saka yung dugo ni noah hindi kaya paggaling nya mas lalo pang lumakas si lyka..

  6. ptvj Says:

    yep tama kayo mga kapatid, 5 weeks na lang ang lobo. wahhhh. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko after that. LOL.

    ang ayoko ring mamatay si lady elle! argh.

  7. mitzi Says:

    sana nga wag mamatay si lady elle! i was just wondering, i wasnt able to watch the earlier episodes of lobo, nasa cast si cris villanueva?? anong naging role nya???
    nakakalungkot matatapos na yung lobo, i think this the most engaging and interesting teleserye that abs has ever produced.

  8. ptvj Says:

    mitizi, siya minyong ang alaga ni father ben na mentally handicapped. siya iyong nakasaksi sa pagkamatay ni emil pero hindi siya pinaniniwalaan ng mga tao na may taong lobong gumagala sa paligid nila. i didn’t even notice na nasa credits pa siya. lol. last appearance niya noong tumakas si noah sa militar at hinanap niya si lyka sa san adolfo with father ben and then nahuli siya (noah) ni gabby pero biglang nag-appear si minyong kaya nabigla si gabby at nakatakas si noah.

  9. annedito Says:

    i dont think they edit the credits much ptvj. sa banyera, ang tagal bago tinanggal si oyo at angelika…hehe…

    kapalit ata ng lobo ay dyosa so at least we’ll have something to look forward to. i can’t wait to see manzano and anne curtis together again. i loved them on kampanerang kuba and all about love.

  10. ruvi Says:

    grabe talaga ang ganda ganda ng lobo sa totoo lang ito ang pinakamaganda sa lahat ng teleserye na nagawa ng kapamilya dahil maliit pa lang ako kapamilya na ako superb ang pag kakagawa parang ayaw mong matapos ang episode gusto mo tuloy tuloy talagang magaling na si angel sa acting kasi dati nakita ko ung majika nya hindi pa sya magaling doon unlike dito sa lobo srap na manood…

  11. ptvj Says:

    mitzi, if you want to watch the back episodes eto: http://www.network54.com/Forum/589568/thread/1202109119/last-1212588681/LOBO+Episodes

    annedito, really? ang tamad naman hehehe. hindi ko napanood ang kampanerang kuba. sayang.

    ruvi, agree ako sa iyo ito na ata ang pinakamagandang telesrye na napanood ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: