Lobo, Episode 89

by

Note: Hindi nakita ni Lyka na kinuha ni Silva ang kwintas. Kasi di ba nakaharap siya kay Alec at nasa bandang likuran naman ni si Silva. Kung nakita niya si Silva, dapat lumingon para siya — unless may mata siya sa likod. Hehehe. At least hindi na masyadong engot si Lyka. Medyo engot pa rin, nonetheless. Hehehe.

Ayaw maniwala nina Choy at Gabby na taong lobo si Silva pero kumbinsido si Noah dahil ngaon daw ang mga kutob niya dati ay may sense na ngayon. Sinabi ni Noah na papatunayan niya ang sikreto ni Silva at kung hindi siya tutulungan ng mga ito, siyang mag-isa na lang. Nakatanggap ng tawag si Noah mula kay Andrew.

Dinala naman ni Silva si Anton sa dati nito laboratoryo at kampante itong hindi pupunta doon sina Noah kahit na alam na nila ang lugar na iyon. May pinapagawa itong gamot kay Anton.

Ginamot ni Selina si Alec at sinabi niyang makaka-recover ito pero it wil take time. Sinabi na ni Lyka na may lason ang bala ng baril na ibinaril kay Alec at nakita niyang mabilis na kumalat ang lason. Na nakaligtas lang si Alec sa lason dahil ginamit ni Lyka ang Bato ng Remus kagaya ng panaginip niya. Sinabi na rin niyang nakuha na ni Silva ang bato.

Problemado ang mga taong lobo sa bahay nina Elle dahil na kay Silva ang bato. Sinabi ni Nessa na tatanungin niya si Rodolfo pero hindi rin kilala ni Rodolfo lahat ng mga taong lobo (uuuy, may namumuong pag-ibig ata dito). Sinabi ni Lyka na hindi naman mahahawakan ni Silva ang bato dahil nanatulog lang ito unless tinawag ito ni Lyka (e di tawagin mo!).

Normal na bato na lang bato ng Remus noong buksan ito ni Silva. Inis na inis ito (sabi ni Anton, ano raw ang gagawin niya sa bato, lulunukin raw ba ni Silva. LOL).

Sinabi ni Elle na iba ang habol ni Silva ito ay ang kapangyarihan ng huling bantay dahil kahit noon pa man iyon na ang habol na ama nito. Ipinaalala ni Trixie na kailangan ni Lyka ang bato para iharap sa pulang buwan. Mag-iimbestiga pa raw si Manolo. Sinabi naman ni Selina na kailangan niyang mag-set up ng lab sa bahay ni Elle para mapag-aralan ang lason at makagawa ng antidote. Baka raw iyon na kasi ang laman ng lahat ng bala ng mga Luna. Sinabi ni Elle na iisa lang ang gusto ni Silva, ang maghiganti.

Pinuntahan ni Silva si Nana Sela kasama si Anton. Sinabi ni Nana Sela na wala raw sa kanya ang kapangyarihan para hawakan ang bato. Masyado raw kasing nagmamadali si Silva. Mapapasakanya raw ang kapangyarihan pero hindi ito makakalapit sa huling bantay dahil malakas pa sa ngayon ang huling bantay at isang pitik lang nito ay magagapi niya si Silva. Sinabi ni Silva na hindi siya, kung hindi ang pinakamahalagang tao sa buhay ng huling bantay ang tatalo sa kanya.

Biglang tinignan ni Nana Sela si Anton. Na siya namang ikinabigla nito.

Nagkita sina Andrew at Noah. Ibinalita ni Andrew na ang isang Alfredo de la Rama ang nasa museleo kung saan namatay si Leon. At lahat daw ng ari-arian ng lalakeng ito ay napunta na kay Silva. Tinanong ni Andrew kung alam nina Choy at Gabby. Sinabi ni Noah na sarili raw niyang lakad iyon dahil hindi naman sila naniniwala sa kanya. Hindi makapaniwala si Andrew na isang taong lobo si Lyka.

Guilty pa rin si Lyka sa nangyari kay Alec. Bakita ganoon daw, kahit anong gawin niyang laban, pahirap ng pahirap. Si Noah nga raw kalaban na siya.

Sinabi ni Andrew na naiindintihan daw niya kung bakit nagsinungaling si Lyka kay Noah dahil kung siya man ay matatakot na sabihin iyon (I love you, Andrew!). At hindi raw ba sinabi ni Leon na baka hindi lahat ng mga taong lobo ay masasama? Hindi raw ba naisip ni Noah na she’s one of the good guys?

Hindi raw madali kay Noah iyon, masakit raw napakasakit. Pero sa kabila ng kung ano pa si Lyka, siya lang ang babaeng minahal niya ng ganoon. Masakit lang na isa siyang halimaw kagaya ng mga pumatay sa daddy niya.

Sinabi ni Andrew na may isang tao si Silva na bumabalik sa isa sa mga headquarters nito, aabangan daw nila ito.

Sinabi ni Trixie kay Lyka na ginagamit lang daw ni Silva si Noah. Sinabi naman ni Lyka na may tiwala pa rin daw ito kay Noah na hindi pa nawawala ang pagmamahal nito sa kanya kahit na taong lobo siya. Lahat daw pinaglalaruan nila ni Silva, kapag nagkita daw silang ulit hindi na niya pakakawalan pa ito.

Nakakuha ng idea si Silva mula sa libro ng mga pag-aaral ng ama niya tungkol sa pagkuha ng kapangyarihan ng huling bantay.

Walang gana sa pagkain si Lyka (pinapanood lang niya ang batang anak ng itim na lobo na naglalakad lakad sa loob ng bahay na may hula-hoop). Sinabi ni Nessa na wala siyang kasalan at hindi niya sinasadya. Sinabi ni Lyka na marami siyang nagawang mali, at siya ang babawi sa bato ng Remus. Sinabi ni Nessa na babalik sa kanya ang bato dahil siya ang huling bantay, isa raw ito sa mga pagsubok sa kanya. Umalis na si Nessa para ipaghanda ng pagkain ang anak.

Tinawagan ni Silva si Lyka sa phone at nakipagkita ito sa kanya.

Ininterrogate naman nina Noah at Andrew ang isa sa mga tauhan ni Siva (tinorture pa nila). Mula dito nalaman nilang gustong makuha ni Silva ang lahat ng kapangyarihan ng mga taong lobo dahil isa na itong taong lobo. At pinag-e-eksperimentuhan niya ang mga taong lobong nahuhuli ng mga Luna. Binaril din daw niya si Alec gamit ang baril na puwedeng pumatay sa pinakamalakas na lobo.

Tinawagan ni Silva ang tauhan (lol, pareho pa kami ng phone) para sabihing magdala na baril sa coordinates na sasabihin niya. Tinutukan ng baril ni Noah sa dibdib ang lalaki para sumagot ito ng maayos.

Hawak-hawak na ni Noah ang baril.

Sinabi ni Andrew na dinala na niya sa mga awtoridad sa militar ang nahuli nila at magbubukas na raw sila ng inquest para sa imbestigasyon ni Silva. May ipinakita si Andrew kay Noah (locket ata ni Leon), nagwala ito at kahit anong pigil ni Andrew ay wala itong nagawa, papatayin daw niya si Silva.

Kausap ni Lyka ang painting ni Remus, alam daw nitong baka set-up lang ito ni Silva (naalala niya noong nakita niyang in-captive pa si Alec at noong namatay si Leon) pero kukunin na niya ang chance na iyon. Ito raw ang nagpapahirap sa mga taong mahal niya, haharapin daw niya ito ng mag-isa. Narinig ng batang babae (iyong anak ng itim na lobo) ang sinabi ni Lyka.

Narinig ni Lyka na may mga kausap sa telepono si Lady Elle para masigurado ang kaligtasan ng mga taong lobo. Tinawagan din ni Nessa si Anton para siguraduhing okay lang ito. Hinimok niyang doon muna tumira si Anton pero sinabi nitong okay lang siya. Sinabi ni Lyka na nasa kwarto lang siya kung kailangan nila ito.

Nakaupo si Noah sa dining table hawak ang baril. Naalala niya noong tinorture siya; noong namatay ang si Emil; noong namatay si Leon; noong nakita niyang puting lobo ang pumatay kay Leon; noong sinabi ni Leon na nakatakda siyang maging Luna at sabay nilang ipaghihiganti ang pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay.

Sinabi ni Noah sa sarili na nakatakda nga siguro na pumtay siya ng taong lobo. Nilagyan niya ng bala ang baril at kinuha nito ang kwintas niya. Naroroon pa rin ang moonstone niya at ang singsing ng mga Luna. Sinabi niyang tatapusin na niya ang laban na ito para kay Lyka at sa daddy niya.

“Tatapusin ko na laban na ito, Lyka…para sa iyo…”

Pinapanood at pinapakinggan siya ni Tikboy. Pinuntahan niya si Noah pero sinabi nito na bumalik na siya sa kwarto niya. Sa halip na umakyat si Tikboy, tumakbo ito papalabas.

Nawawala si Lyka. Hindi nila ito macontact sa cellphone. Sinabi ni Rodolfo na si Lyka ang huling bantay at magtiwala na lang sila sa kakayahan nito. Humingi ng permission si Rodolfo na sundan niya si Silva dahil hindi siya kilala nito at maaamoy niya ito at masusundan.

Nakarating si Lyka sa isang gubat(?). Sinisigaw ni Lyka ang pangalan ni Silva.

Nag-aalala si Zoe, saan daw nagpunta sina Noah at Tikboy. Dumating sina Choy at Gabby at ibinalita ito ni Zoe sa kanila.

Dumating si Noah sa liblib na lugar kung nasaan si Lyka (paano niya alam na dapat siyang pumunta doon?).

Nag-aalala na sina Choy at Gabby baka raw sinugod na ni Noah na mag-isa si Silva. Naroroon si Rodolfo at sinundan niya ang dalawa.

Naamoy ni Lyka si Noah. Naging itim na lobo si Silva (hindi ko masyadong makita, that should be him, right?).

Nakita ni Lyka na hinahabol ni Noah ang itim na lobo.

Nagpalit ng balt si Lyka.

Binaril ni Noah ang itim na lobo na dadamba sana sa kanya. Pero nabaril niya si Lyka…

OH MY GOD!!!

Teasers:

Kausap ni Anton ang picture ng ina. Sinabi niyang ayaw niyang maging kalaban si Lyka pero hangga’t kumakampi raw siya kay Noah at kahit wala siyang tiwala kay Silva, gusto niyang ipaghiganti ang kamatayan nito.

May itinurok na gamot si Anton kay Silva at biglang lumakas si Silva.

Mga Marka: ,

8 Tugon to “Lobo, Episode 89”

  1. annedito Says:

    OMG! sabi ni piolo sa buzz na this week na raw makikita yung teaser na binaril niya si angel. yes, wala akong magawa this wknd so pati buzz napanood ko…lol…nakakainis si ruffa!

    out of topic na naman, i also watched an old movie of sharon and gabby kasi nga wala akong magawa…lol…gosh, I HATE GABBY talaga! ok, not hate pero talagang ayaw ko sa kanya. bagay yung mga jerk na role sa kanya at sinampal pa niya si ate shawie. pero watching si sharon during her early days reminded me of KC. talagang yung boses nila at mannerism parehong-pareho. so i think talagang malaki ang possibility na KC will become a great actress. anyway, back to lob…hehe

    oo nga, parang si rodolfo at nessa my MU…lol…i like rodolfo na ngayon naman eh. parang nagiging hero na siya ni nessa. binabantayan pa ang future stepdaughter niya…hehe

  2. No Car Says:

    lol, annedito, ang galing mo naman gumawa ng love team sa lobo pati si nessa and rodolfo ini-intriga mo. ikaw din ba ang nag pair kanila gabby and alec?

  3. annedito Says:

    lol no car, si ptvj ang nagumpisang mag-intriga kay nessa at rodolfo. si gabby naman, i-pair na kahit kanino para tumigil na sa pananantsing kay papa p…hehe

  4. dumbako Says:

    no car and annedito, out of topic ako ngayon hekhekhek, i just wondered bakit tahimik ngayon si ptvj[mysterious!] nagpopost lang siya! baka nagsusunog ng kilay for something else hekhekhek. i miss you ptvj!!!!!

  5. ptvj Says:

    hehe. nagpapamiss lang ako. actually may sakit ako kaya tahimik ako. pero i’m feeling better na.

  6. annedito Says:

    sorry to hear that ptvj. akala ko pa naman may date ka lagi kay monching…lol

  7. ptvj Says:

    hahahaha. wala akong date sabi kong magtrabaho siya ng mabuti para ako sitting pretty na lang. lol.

  8. No Car Says:

    uuuy…. ptvj, ano work niya doctor? lawyer? malakas ba siya kumita o baka macho dancer? joke only. papatawa lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: