Lobo, Episode 88

by

Pinagalitan ni Silva ang mga tauhan niya dahil sa pagkakatakas ni Anton. Nalaman din niyang si Noah ang head ng team na sumugod sa bahay nina Noah.

Nag-aalala ngayon si Silva dahil baka magpatayan sina Anton at Noah dahil kailangan na niyang pareho ang dalawa para makuha ang kapangyarihan ni Lyka (HUH?! Bakit mo alam? Baka ibinulong ni Clara noong nag-agawan sila ng baril…hehe)

Maglilipat ng hideout sina Silva.

Nanaginip na naman si Lyka. Sinabi nito kay Elle na iba ang may hawak ng bato, minsan si Remus pero minsan iba. Itim raw ang amoy ng bato sa panaginip niya. Napanaginipan din niya si Alec na nag-aagaw buhay at ginamit niya ang bato ng Remus para iligtas siya. Hindi maintindihan ni Lyka ang nangyayari. Sinabi ni Elle na mahalaga ang bato sa kanila at ito siguro ang sinasabi ni Nana Sela na mahalaga sa kanila.

Dumating si Trixie para sabihin ang masamang balita.

Nagpunta sa morgue sina Lady Elle, Nessa at Lyka. Dumating si Noah at walang emosyon na ibinigay ang preliminary report ng militar. Sinabi nitong pumunta sila doon para hulihin si Anton dahil suspect siya for terrorist activities at unang nagpaputok ng baril si Clara. Galit na galit na pinaghahampas ni Nessa si Noah. Pinigilan ni Elle si Nessa, sinabi ni Elle kay Noah na huwag sila nitong insultuhin, alam nilang lahat kung bakit nangyari ito, dahil sa walang awang konsensiya ni Noah.

Sinabi ni Lyka kay Noah na tignan ni Noah si Clara, hindi raw siya halimaw. Galit na galit na hinila ni Lyka si Noah, si Clara daw ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata at kagabi lamang daw ay niyakap siya nito. Hindi raw kriminal ang Mama Clara niya.

Dumating si Anton at galit na galit ito kay Noah. Pinagtutulak niya si Noah. Dinukot ni Noah ang baril niya at itinutok kay Anton. Sinabi ni Lady Elle kay Noah na ipagkakait raw ba niya kay Clara ang huling pagkakataon na mayakap siya ng anak niya, ganoon na raw ba katigas ang puso niya?

Walang ginawa si Noah pero nakatutok pa rin ang baril niya. Niyakap na ni Anton ang ina. Sinabi ni Lyka na dahil sa kahibangan ni NOah nagbukas na naman ito ng panibagong gulo. Sana raw maisip niya ito.

Umalis na si Noah.

Tinitignan ni Noah ang pangalan ni Leon na nakalista sa mga napatay ng mga taong lobo. Sinabi nito sa ama na hindi niya sinasadya ang mga pangyayari, pakiramdam daw niya ay siya ang halimaw. Tama raw si Lyka. Pero hindi pa rin daw niya matanggap si Lyka sa puso niya ng buong-buo. Dahil itinago niya ang lahat, dahil na kakampi nito ang mga pumatay sa kanya. Tama na nga raw ang sinasabi ng mga Luna na sila ang kaaway niya.

Sinabi ni Anton kay Lyka ang mga nangyari sa lab kasama si Alec. Nakiusap si Anton kay Lyka na huwag siyang magpunta doon dahil mapanganib. Nawala na nga raw ang ina nito sa kanya, baka pati siya mawala. Nagyakap sila pero na-carried away si Anton at sinubukan niyang haikan sa labi si Lyka. Nabigla si Lyka. Ipinagtapat na ni Anton ang nararamdaman niya kay Lyka.

Sinabi ni Lyka na mahal na mahal niya si Anton, pero bilang isang kapatid. Nakiusap si Lyka kay Anton na huwag siyang mawawala sa buhay niya. Nangako si Anton.

Nagyakap silang muli at itinanong ni Anton ka Lyka kung mahal pa nito si Noah. Dahil kung sinabi daw ni Lyka na hindi na niya mahal si Noah, magiging madali daw ang gagawin niya kay Noah.

Sinabi ni Anton na kailangan siyang tulungan ni Lyka dahil malakas ito at kilala niya ang mga taong lobo. Hindi pumayag si Lyka. Ayaw raw nito ng gulo at hindi raw kagaya si Anton ng mga Luna o ng ibang mga itim na lobo na nananakit. Ayaw raw niya ng gulo or dahil daw kay Noah kaya ayaw niyang tumulong?

Sinisisi ni Noah ang sarili sa mga nangyari. Nalaman ni Noah na iniutos ni Silva na bantayan ang bahay ni Noah (within 2-block radius) in case maghiganti si Anton.

Sinabi ni Elle kay Nessa na hindi man lang niya nakilala si Clara. Kapatid siya ni Nessa at itinuring siyang anak ni Lorenzo and that makes her family daw. Sinabi ni Nessa na matagal na silang hindi magkasundo, noong nagkaayos na sila saka naman siya kinuha sa kanya.

Dumating si Lyka at ibinalita na itim na lobo si Silva at alam na ni Lyka kung saan itinatago si Alec. Nabigla si Lady Elle. Gustong magpunta doon ni Lyka pero pinigilan siya ni Lady Elle, responsibilidad daw niya si Lyka pati na ang mga umaasang mailigtas ng bato ng Remus. Aalamin daw muna nito kung anong klaseng kalaban si Silva. Pero magpapadala din daw siya ng mga tao sa pinagtataguan ni Silva.

Sinabi na ni Nessa kay Anton na siya ang nagpadala ng mga gamot kay Anton. Sana raw noong pa sinabi ni Nessa sa kanya. Sinabi ni Nessa na kahit daw noong ay itinatago niya ang pagiging itim na lobo niya kay Lyka. Alam na ni Anton na masama ang tingin ng mga taong lobo sa mga itim. Sinabi naman ni Nessa na unti-unti ng nagbabago iyon. Tutulungan daw ni Nessa si Anton na malaman pa ang mga bagay tungkol sa mga taong lobo.

Sinabi ni Anton na gusto pa rin niyang kumpletuhin ang gamot at kailangan na lang niya ng isa pang pagsubok. Humingi ito ng dugo ni Nessa. Dahil si Nessa raw nasa dugo niya ang pagiging lobo, samantalang siya nakagat lang ng walang pusong lobo. Kailangan daw niyang gawin iyon…iyon ang gustong mangyari ng ama.

Ginamit ni Anton ang dugo ni Nessa para makuha nito ang lakas. Kinagat niya si Noah pero nabaril siya ni Gabby kasama si Choy. Nabigla si Anton dahil naglaho ang kagat niya kay Noah (gusto rin niyang maging itim na lobo si Noah para maranasan niya ang paghihirap nito). Kahit sugatan ay tawa ng tawa si Anton dahil pumapatay daw sila ng mga lobo pero ang pinuno nila ay lobo din. Ayaw maniwala nina Gabby.

Iniligtas ni Silva si Anton. Sinabi nitong magkakampi sila. Nanghihina si Anton pero ang sabi ni Silva, iniipon lang nito ang lakas niya para maghilom ang sugat niya. Sinabi ni Silva na hindi tinatablan ng kagat ng lobo si Noah pero kung magsasama sila makakahanap sila ng paraan.

Ibinalita ni Manolo kay Elle na walang tao sa itinuro ni Anton na hideout ni Silva. Narinig ni Lyka na ang pangalang Alfredo de la Rama at sinabi niya na iyon ang pangalang nakalagay sa isang puntod sa isang museleo kung saan pingsususpetsahan ni Noah na lugar na pinagdukutankay Leon.

Sinabi ni Manolo na may anak si Alfredo de la Rama, si Alberto de la Rama at ang huling balita ay sumali ito sa militar. Malaki ang suspetsa ni Manolo na si Alberto at si Silva ay iisa.

Kinagat ni Silva ang isa sa mga bumaril kay Clara at pinalapa niya ito kay Anton. Ngayon daw maiintindihan na ni Anton ang mga sinasabi niya tungkol sa kapangyarihang nararamdaman kapag nakakain ng laman ng tao. Malaya na raw si Anton, tunay na malaya na siya para maging siya (No! Anton! Nooooooooooo!). Iniwan na siya ni Silva doon, hahayaan daw muna niya itong magpakaligaya per magkikita silang muli.

Sumugod si Lyka sa hideout ni Silva (may kausap ito sa phone pero hindi ko alam kung sino). Binaril ni Silva si Alec sa may hita na gamit ang isang bala na may dugo ng taong hindi tinatablan ng kagat ng lobo. Unti-unting nalalason ang buong katawan ni Alec.

Nagtuos na sina Lyka at Silva. Hindi raw maintindihan ni Silva kung bakit ang isang walang kwentang babae ang huling bantay. Naglaban sila pero natalo si Silva.

Pinakawalan ni Lyka si Alec at ginamit ang bato ni Remus (na-activate sa luha ni Lyka) para pagalingin ito.

Nagising si Alec at binalewala na lamang ni Lyka ang kwintas (excited lang siguro, LOL) at nahulog ito sa tabi ni Silva. Nagising si Silva at kinuha niya ang kwintas at tumakbo ito.

Teaser:

Nalaman ni Elle na na kay Silva ang kwintas.

Mga Marka: ,

7 Tugon to “Lobo, Episode 88”

  1. Leah Says:

    exciting…thanks for this. Lagi ko binabasa ang updates mo miski napanood ko na. Pero this time, di ko panapapanood. Excited lanfg talaga ako malaman ang mangyayari.

  2. annedito Says:

    that was stupid. for the writers to work so hard to showcase ang galing ng huling bantay, that was stupid. ganun-ganun lang nakuha ni silva yung kwinta? hay nako, kaya pala 8 lang ang grade ng episode…hehe

  3. Ann Says:

    agree ako. nagmukhang gaga tuloy ang huling bantay!

  4. ligaya Says:

    Hindi ko naiintindihan kung bakit sumugod sila Noah sa bahay ni Clara to find Anton di ba nga nakay Silva sya? How lame naman ang pagkakapatay kay Clara there are better ways. She deserved a better plot….It feels like minamadali nila ang plot ng Lobo. Especially for Lyka who has a lot of power.. We have a lot of fine actors & actresses in Lobo. Let them shine… come on storywriters give us a better plot. It seems like theres more loop hole in your story. I love Lobo Pls DON’t RUSH the story. Thank you.

  5. ptvj Says:

    leah, walang anuman.🙂

    annedito, i was gonna give it a 7 if weren’t for the heavy drama sa morgue at saka dun sa revelation ni anton na mahal niya si lyka in a different way hehehe.

    ann, ako din naiinis. pero i want to think na they’re just showing the clumsy-side of lyka noon. at saka maybe she was just overwhelmed sa pagkakakita niya kay alec. but i’m just trying to make my self feel better. hehehe.

    ligaya, i don’t think alam nina noah na na kay silva si anton. i agree with you, clara suffered enough even noong bago pa malaman ni nessa na lobo siya, tapos ganoon lang nila tatapusin ang role niya? they would’ve given her a dramatic burial or something. hopefully by the next episode bumawi sila.

  6. lobo-fan Says:

    korek…clara deserves a really good ending…ang galing niya kayang umarte. si lyka naman para sandali lang iwan si alec di nagawa ayan tuloy nakuha yung kwintas…kainis naman ang director..

  7. blade Says:

    kuh! kalokohan nyo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: