Lobo, Episode 87

by

Hindi pa rin inaalis ni Noah ang pagkakatutok niya ng baril kahit na noong nagkatawang tao na si Lyka at tumayo sa harap niya (uy, walang damit si Lyka!). Sinabi ni Noah na hindi siya si Lyka. Sinabi ni Lyka na siya pa rin ang babaeng nagmamahal sa kanya, siya pa rin si Ulay.

Huwag daw lalapit si Lyka kay Noah. Tinanong ni Lyka kung babarilin daw ba siya ni Noah?

Ginawa daw tanga ni Lyka si Noah. Hindi raw nito alam kung ano ang totoo sa mga ipinakita niya. Ano raw ang kinalaman ni Lyka sa pagkamatay ng daddy niya. Sinabi na ni Lyka na alam ni Leon ang tungkol sa kanya, sa kanila, pero tinanggap pa rin sila nito.

Ayaw maniwala ni Noah. Sinabi ni Lyka na wala pa siyang napatay, halimaw raw ba siya? E si Noah daw ilan na ang napatay niya sa mga kauri niya, inalam ba raw niya kung may kasalanan sila or wala? Iyon daw ang itinuturo ng mga Luna sa kanya, hindi ba?

Pinuntahan ni Silva si Clara. May proposal ito, aalamin ni Clara kung sino ang huling bantay at palalayain niya si Anton. Sinakal niya ito at sinabing babailkan niya ito sa loob ng isang araw kaya kumilos na siya. (Naiisip na ni Silva na si Lyka ang huling bantay dahil siya ang nasa sentro ng lahat ng mga nangyayari.)

Minahal daw ni Noah si Lyka at tinalikuran niya buong buhay niya para lang dito. Sinabi ni Lyka na matagal na niyang gustong sabihin pero natatakot siya. Pinaalis na ni Noah si Lyka bago pa siya may magawa dito. Umiiyak na umalis si Lyka. Napaupo naman si Noah at umiiyak na naiwan sa loob ng simbahan at nagsisigaw ito (ayoko iyong music).

Naghahanda ng pagkain sina Zoe at Yani. Nakita nila ang drawing ni Tikboy na isang lobo, tinanong ni Zoe kung iyon raw ba ang lobong umatake sa kanila? Sinabi ni Tikboy na si Lyka daw iyon. Minsan daw kasi napapanaginipan niya si Lyka kasama ang nanay niya, lola niya, pati na ang tiya niya. Bakit daw ganoon ang itsura ni Lyka, tanong ni Zoe? Sinabi ni Yani na balewalain na lang daw nito ang imagination ni Tikboy, paano raw niya malalamang pamilya nga niya ang nasa panaginip niya kung hindi naman niya kilala ang nanay niya? (Wahhh! Lobo din si Tikboy? Sino kaya ang parents ni Tikboy, baka si Rodolfo hehehe)

Dumating si Noah at hindi niya pinansin ang pagbati ni Zoe. Dirediretso ito sa kwarto niya. Akala ni Zoe nag-away lang sila ni Lyka kaya binalewala niya iyon.

Hindi naman mapakali si Lady Elle mula noong naamoy niya si Alfredo de la Rama. Pakiramdam daw niya ay ma kinalaman ito sa lahat ng mga nangyayari. Pati na sa pagkawala nina Alec at Anton. Ipapa-imbestiga ni Manolo ang tungkol dito, baka raw may natitira itong kamag-anak or anak. Nakita ni Lady Elle si Lyka pero dire-diretso lang ito.

Pagpasok naman ni Noah sa kwarto niya naalala niya noong nasa beach sila ni Lyka, noong pinagbubugbog siya ng Luna, noong sinabi ni Lyka na mahal na mahal niya ito, noong sinabi ni Lyka na pakakasalan niya si Noah at noong namatay si Leon.

Pagpasok ni Lyka sa kwarto, naroroon si Nessa at naghihintay sa kanya. Isinara ni Lyka ang pintuan at napaupo sa dalamhating nararamdaman ng puso niya. Umiyak siya sa bisig ng ina.

Nagwawala na rin si Noah sa kwarto niya. Pinaghahagis niya lahat ng mga naroroon at sumigaw ito. Dali-daling umakyat sin Zoe, Yani at Tikboy. Pagbukas ng pintuan nakita nila ang kalagayan ng kwarto ni Noah. Sinabi ni Tikboy na “alam na niya” pero hindi alam ni Zoe kung ano ang ibig niyang sabihin. Nakita nila itong naghahanda ng baril at sinabing aais siya pero magbabantay si Choy sa bahay nila. Habang wala daw siya, huwag silang magbubukas ng pinto sa kung sino-sino.

Sa mansiyon nina Elle pumunta si Noah. Nasa labas ng bahay sina Elle at Manolo at nakita nilang dumating si Noah. Tinutukan sila ng baril ni Noah at sinabing matagal na nilang pinaghihinalaan si Lady Elle na lobo, at kinukupkop nila si Lyka, iisa lang ang ibig sabihin noon.

Umamin si Lady Elle at sinabing taong lobo siya pero wala silang kinalaman sa pagmakatay ni Leon. Ally daw nila si Leon at pareho lang nilang gusto na ibahin ang pagtingin ng mundo sa mga taong lobo.

Sinigawan ni Noah si Elle, sabihin daw nito kung sino ang pumatay sa tatay niya. Biglang dumating si Lyka at tumayo sa harap ng Lola. Sinabi niya na huwag niyang sasaktan ang lola niya. Sinabi rin niyang pati si Nessa ay lobo din. At sila rin ang mga taong kumukop kay Noah sa bahay na iyon. (Dumating na rin si Nessa.)

Kapag pumatay daw si Noah ng mga walang kasalanan, palalakihin lang daw niya ang galit at ang gulo.

Ano raw ang gustong gawin ni Lyka ang tumahimik na lang si Noah? Gusto lang daw nitong protektahan ang mga mahal niya sa buhay kaya siya naging isang Luna. Gusto lang daw niyang protektahan si Lyka. Ngayon pala raw sa kanya daw pala ito dapat nag-iingat, siya raw pala ang dapat niyang ilayo sa kapatid niya at mga inosenteng tao.

Mga tao lang sila, sabi ni Lyka, lumalaban kapag sinasaktan. At kung mayroon mang nakakapatay, at para protetkahan ang mga sarili. At iyon daw ang gustong baguhin ni Leon, ang walang aktapusang gantihan at patayan.

Ayaw na raw makinig ni Noah sa kanya Mula raw noon pinuputol na iya ang ano mang koneksiyon niya dito at sa pamilya niya. IPagdasal na lang daw nila na huwag magkukrus ang mga landas nila.

Sumakay na ng kotse si Noah (na noong nakalayo ay doon lang ibinaba ang baril). Umiyak ng umiyak si Lyka at niyakap siya ng ina at lola.

Pinuntahan ni Gabby si Noah sa kwarto nito (hoy anong ginagawa mo diyan?!). Nakaupo lang si Noah doon. Sinabi ni Gabby na naghahanda na sila for the 2nd full moon, tatlong beses daw bibilog ang buwan ngayong buwan, ang pulang buwan ayon kay Silva. Sinabi ni Noah na iwan muna siya ni Gabby. Umalis na si Gabby pero sinabi niyang kung kailangan lang ni Noah ng kausap, naroroon siya para sa kanya.

Sinabi ni Gabby kay Choy ang current mood ni Noah pero sinabi ni Choy na baka delayed reaction lang iyon sa pagkamatay ni Leon dahil hindi naman talaga nagluksa si Noah noon. Hindi naman kumbinsido si Gabby.

Nagpunta si Clara kina Nessa. Nagpapasalamat siya sa pagtulong nina Nessa sa paghahanap nlla kay Anton. Umaasa pa rin daw siya na babalik na lang bigla si Anton sa kanya at pagbalik niya ay gusto niyang maging handa ito. Gusto raw niyang malaman ang lahat tungkol sa mga taong lobo.

Dinala ni Nessa si Clara sa kwarto ni Lyka at nagyakap ang magtiyahin. Humingi ng tawad si Clara kay Lyka pero sinabi ni Lyka na huwag na niyang alalahanin ang nakaraan.

Kagagaling lang daw ni Lyka sa meeting ng Waya Council (namiss ko tuloy si Ylvana). Priority daw nila ang paghahanap kay Anton. Ipinaliwanag ni Lyka kung ano ang Waya Council (narealize na ni Clara na kasama si Lyka sa kanila). Sinabi rin ni Nessa na gusto man daw nyang isipin na dapat nilang ipagmalaki si Lyka dahil siya ang tinatawag nilang huling bantay. Pero malaki ang responsibilidad nito. Siya raw ang magliligtas sa kanila pagdating ng pulang buwan. Niyakap ni Clara ang pamangkin.

Pinakain naman ni Silva si Anton sa dining room. Narealize daw kasi ni Silva na dapat niyang tratuhin si Anton bilang bisita dahil kakampi niya ito. Sinabi ni Anton na hindi niya ito kinakampi. Sa ngayon daw sabi ni Silva, pero once na naexperience ni Anton ang kapangyarihan ng isang itim na lobo, kapag nagawa niya ang mga ipinagbabawal ng mga pinuno ng mga lobo kagaya ng pagpatay ng tao at kapwa lobo, magiging kakampi din daw niya si Anton. Ibinulsa ni Anton ang tinidor niya.

Nag-re-ready na for operation sina Gabby at Choy para sugurin ang bahay nina Anton noong biglang dumating si Noah. Siya ang magli-lead ng assault.

Hindi naman mapakali si Clara. Sigurado raw siyang may masamang balak ang lalaking iyon sa huling bantay. Kung sinabi raw niya kung sino ang huling bantay, mapapahamak ang pamangkin niya. Kung hindi naman niya sinabi, mamamatay ang anak niya. Kinuha nito ang isang baril sa drawer at tinawagan si Silva. Magkikita raw sila. (Argh! Sana sinabi na lang ni Clara kina Lyka ang tungkol kina Silva.)

Bago umalis si Silva, ipinasok muna niya si Anton sa selda nito pero nangagako siya na pagbalik niya sa guest room na niya ito ilalagay.

Pag-alis ni Silva, sinubukang buksan ni Anton ang padlock ng selda niya pero hindi niya ito mabuksan. Inipon niya ang lakas niya at sinira niya ang selda na siya naman niyang nagawa. Inalis na rin niya ang mga posas ni Alec. Nilabanan ni Anton ang isa sa mga sundalo ni Silva. Nanghihina pa si Alec kaya sinabi nito kay Anton na umalis na siya dahil nakakabagal lang siya. Pero sinabi nitong kailangan niyang sabihin lahat ng nangyari kina Lady Elle at Lyka dahil mga taong lobo rin sila (mukhang hindi naman nabigla si Anton).

Sinabi ni Noah sa mga kasama na ang goal nila ay i-capture si Anton, unless naging threat daw ito.

Dumating si Silva sa bahay nina Clara. Tinutukan siya ng baril ni Clara.

Dumating na rin ang mga Luna sa bahay nina Clara.

Inagawan ni Silva ng baril si Clara at pumutok ito. Pinagbabaril ng mga kasamang Luna ni Noah ang bahay nina Clara at iniharang ni Silva si Clara sa sarili.

Namatay si Clara😦 . (Wahhh! Ano ba yan ngayon lang sila nagkasundo, ano ba! At saka sana doon sa mansiyon na lang nila pinatira si Clara dahil baka manganib din ang buhay niya.)

Galit na galit si Noah sa mga kasama. Pumasok sila sa bahay nina Clara at nakita niyang patay na si Clara. Ipinakita ni Gabby ang picture nina Clara, Anton at Lyka.

Nasa itaas ng bakuran nila si Anton at nakita niyang inilabas ang bangkay ng ina sa isang strecther (hindi man lang tinakpan!). Nakita niyang kasunod na lumabas ni Gabby si Noah…

Teasers:

Nagkaka-visions si Lyka. Minsan daw si Remus ang humahawak ng pulan buwan, minsan daw ibang tao (Silva).

Alam na nina Manolo na may anak si Alfredo de la Rama, si Alberto de la Rama. At malakas ang kutob nilang si Silva nga iyon.

Mga Marka: ,

7 Tugon to “Lobo, Episode 87”

  1. annedito Says:

    wow…ang dami ulit twist. galing! with all the plots and twist, meron pang good story lines to last us until july…yey!

  2. NoCar Says:

    naku si anton, magagalit na siya kay noah. baka akalain nya si noah ang pumatay sa nanay niya. delicado baka makijoint force na siya kay silva para maging malakas na itim na lobo.

  3. Richmond Says:

    Grabe! Gumaganda talaga yung mjga eksena. Sabi na nga ba magiging evil si Anton.

  4. dumbako Says:

    grabe! superb ang acting ni pplo dito!!!!!! sana dahil sa ganda nitong lobo, gawin na lang kaya nilang movie? [Lobo- the Movie], hekhekhek

  5. ptvj Says:

    richmond, wahhh ayokong maging evil si anton.😦

    dumbako, oo nga e nafeel ko talaga ang acting niya parang gusto ko siyang i-comfort😉

  6. annedito Says:

    oo nga feel ko ang acting ni piolo pero nainis ako sa kanya. hindi niya love si lyka if he can’t accept her. masgusto ko tuloy si alec for lyka ngayon. i understand kung galit siya no, pero sana naman binigyan niya ng damit si lyka. yun tuloy tumakbong hubad. baka type lang niyang tingnan na hubad…hehe…pero sana naman binigay niya yung polo niya kay lyka or something. parang hinayaan nalang niya si lyka…inis na inis ako…hehe

  7. annedito Says:

    ps…ayaw ko rin maging bad si anton. hindi pa naman nasabi ni clara kay silva na si lyka ang huling bantay, diba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: