My Girl, Episode 02

by

Walang nangyari sa lead na pinuntahan nina Julian sa China. Gusto lang ng babae ang makuha ang reward.

Kinidnap nga mga tauhan ni Asyong si Chito.

Hinahabol ng mga tauhan ni Asyong si Jasmine kaya noong muntik na siyang mabundol ng kotseng minamaneho ni Julian (na nagmamadali dahil inatake na naman ang Lolo niya) ay nagkunwari siyang nabundol nito. Dinala ni Julian at ng secretary niya si Jasmine sa ospital.

Nalaman ni Jasmine mula sa business card na iniwan ni Julian para sa kanya na mayaman siya. Sinadya niya ito para magbakasaling makahiram ng pera at nagkunwaring may masakit pa sa pagkakabundol nito sa kanya. Nakita ni Julian ang result ng mga tests ni Jasmine kaya alam nitong wala talagang masakit kay Jasmine.

Nakilala na rin niya si Jasmine bilang ang babaeng nanggulo sa eroplano.

Noong paaalis na si Jasmine nakita ni Julian na magkahawig ang tita niya at si Jasmine.

Hinawakan ni Julian ang mukha ni Jasmine habang dala-dala ang framed picture ng tita niya…

Mga Marka: ,

9 Tugon to “My Girl, Episode 02”

  1. No Car Says:

    funny pala itong My Girl. Mukha papanuorin ko ito. Medyo asiwa pa ako sa comedy style ni Kime Chu, mas sanay ako na drama sya. Hindi ako maka Kim Chu pero sige pagtiatiagaan ko na lang ito. (no choice pa ako ngayon)

  2. nawawala Says:

    alam mo ako rin naasiwa!! ang OA ng comedy acting ni kim.. sumobra eh! medyo borderline annoying na… pano na kung tumagal…? sana hindi!

  3. ptvj Says:

    hehehe, actually kuhang-kuha niya iyong lead actress ng original…baka kay kim lang kayo naiinis😈

    ay teka hindi ko pa pala nagagawa ang episode 03…oops.

  4. dumbako Says:

    mas gusto ko si kim dito kaysa role n’ya sa [Aalog Alog] hekhekhek

  5. annedito Says:

    mas gusto ko si kim dito. hindi ko napanood ang aalog-alog eh. para sa’kin medyo ipit pa yung acting niya sa drama sa sana maulit muli.

  6. nawawala Says:

    hindi ko napanood yung original na My Girl…
    Yung Aalog-alog naman di ko pinapanood dati.

    siguro nga di ko talaga gusto si kim. bwehehehe…

  7. dumbako Says:

    kidding aside, gusto ko si kim dahil kamukha talaga s’ya ng pamangkin ko. mas matangkad at malaman lang ang pamangkin ko, hekhekhek

  8. ptvj Says:

    annedito, hindi ko rin napanood iyong aalog-alog, hindi pa ako adik sa tfc nun e hehehe.

    nawawala, maganda iyong original na my girl pero napanood ko iyong hindi dubbed, puro subtitles lang hehehe. cute siya.

    dumbako, ay ako rin, kasing katawan ko si kim…10 years ago.😈

  9. dumbako Says:

    hahaha, ptvj, 12 years old pa lang ang niece ko ngayon, 5ft 6inches na s’ya! pwede kayang mangarap na idevelop ko s’ya para sa beauty pageant?hekhekhek

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: