Lobo, Episode 86

by

Pumasok na ang bato ng Remus sa katawan ni Lyka. Nag-float si Lyka at nagshine siya (lliterally). Namangha naman ang lahat ng mga nakasaksi. Lumuhod si Lady Elle Naiintindihan na raw ni Lyka,ang pagtanggap sa sarili ay kasama ang pagtanggap sa lahat at iyon ang kundisyo.

Nag-voice over si Nana Sela, sinabi niyang maliagayang pagdating, iisa na raw si Lyka at ang kapangyarihan ng bato. Pero may naghahangad na kalaban raw (yeah, thanks to you, Nana Sela).

Sinabi ni Lyka na sa mga oras na iyon iisa lang sila, walang puti at walang itim (ngayon ko lang nakitang ngumiti si Ylvana). Itinayo ni Lady Elle si Lyka at sinabi niyang siya man ang huling bantay pero si Lady Elle pa rin ang pinakamalakas na lobo. Sinabi ni Lady Elle na ang sabi nila siya ang pinakamalakas pero wala pa raw siya sa kalingkingan ng huling bantay. Narinig ng lahat na mag-lola silang dalawa.

Ano raw ang maipaglilingkod niya sa huling bantay. Gusto ni Lyka na buksan ni Lady Elle ang tahanan niya para sa lahat at alagaan ang mga ito kagaya ng pag-aalaga nito sa kanya. Nagyakap ang maglola.

Responsibilidad daw niya ang lahat ng mga lobo — kasama na doon si Alec. Sinabi niya sa Lola na kailangan niyang hanapin si Alec. Naglakad na si Lyka papalayo at sinabi ng nakatanaw na si Lady Elle kay Nessa na hanggang sa huli ay ginawa ni Nessa ang tama, kahit siya ay isang itim na lobo. Napatunayan daw nitong siya ang ina ng huling bantay.

Patuloy pa rin sa paghahanap kay Alec nina Gabby at Noah.

Samantalang nakikiusap naman si Alec kay Anton na tulungan niya itong makatakas. Paano raw nila gagawin iyon sabi ni Anton, nanghihina si Alec at hindi na malakas si Anton? Tinanong ni Anton kung sino raw ba talaga ang sinasabi nilang huling bantay.

Nagwawala naman si Silva dahil hindi pala si Alec ang huling bantay. Narealize ni Silva na si Noah na lang ang pag-asa niya.

Sinabi ni Alec na siya pa rin ang huling bantay. Alam ni Anton na hindi ito nagsasabi ng totoo at may pinoprotektahan lang siya. Naalala niya ang Mama niya at sana raw hindi ito masyadong nag-aalala.

Napatingin si Alec sa kanya. Sinabi ni Anton sigurado raw na sinugod na ni Mama niya si Lyka, iyong designer sa House of Elle, sa pag-aalala nito, pinsan daw kasi niya iyon. Hindi sila magkadugo, pero sabay daw kasi silang lumaki. Sana makita pa raw niya ulit ang Mama niya at si Lyka.

Ayaw namang maniwala ng pulis na kausap ni Clara sa Cellphone na halimaw ang mga kumuha sa anak niya. Minamanmanan siya ni Ness at pagkakita sa kapatid ay tinawagan niya si Lyka, na papunta naman kina Noah, sa phone at ibinalitang wala pa ring balita kay Anton (uy, may cell na si Nessa).

Nagpakita si Nessa sa kapatid. Sinabi nitong gusto lang niyag makatulong at huwag na raw silang magkunwari pa dahil kailangan nilang magtulungan para hanapin si Anton. At sila ni Lyka ang makakatulong kay Clara sa paghahanap kay Anton.

Nagpalit ng balat si Nessa sa harap ni Clara. Nagkatawang tao ulit ito at ipinaliwanag niya kay Clara na iyon ang dahilan kung bakit siya lumayo noon. Kahit daw noong buhay pa ang Mama nila ay ganoon na siya. Ang papa daw nila ang may lahing taong lobo kaya hindi naging taong lobo si Clara. Sinabi na rin niya na kapatid ni Lady Elle ang ama nila.

Humingi ng tawad si Nessa sa kapatid. Niyakap siya ni Clara at ibinalot ang shawl nito sa kapatid. (Natouch ako… .)

Nararamdaman na ni Lyka ang epekto ng bigat ng bato ng Remus sa katawan niya.

Nakikinig naman si Lyka sa usapan nina Gabby, Choy at Noah. Narinig niyang hindi nila alam kung nasaan si Alec at hawak siya ni Silva.

Biglang nag-iba ng anyo ang kamay ni Lyka at nagkabalahibo ito. Nakita ni Tikboy sa nangyari.

Sinabi ni Tikboy kay Noah na naroroon si Lyka pero hindi ito nagpakita kasi hindi pa raw handa si Noah. Saan daw handa, tanong ni Noah pero hindi alam ni Tikbo ang isasagot.

Nag-iba ang kulay ng buhok ni Lyka, naging puti ito at humaba, pati na ang mga mata niya, pumuti na rin (kamukha na siya ni Nana Sela, hehehe). Bigla siyang nagka-vision, nakita niya si Remus na itinapat ang bato sa pulang buwan at nakita niya si Alec na suot-suot ang kwintas at namatay or nawalan siya ng malay. Nanumbalik sa dati niyang anyo si Lyka.

Kinonsulta ni Lady Elle si Nana Sela. Sinabi ni Nana Sela na nakuha man ng huling bantay ang bato, hindi ibig sabihin ay magiging madali ang mga susunod na araw para dito. Masyadong malakas ang bato ng Remus at maaring ikamatay ng huling bantay ang lakas nito. Sinabi ni Nana Sela na nakagawa ng isang sisidlan si Remus (ang galing naman ni Remus, idol ko na siya) para ilagay doon ang bato habang hindi pa duamrating ang pulang buwan pero mag-ingat daw ito dahil kahit sino ay pwedeng humawak sa bato habang ito ay nasa sisidlan.

Naamoy ni Lady Elle si Alfredo de la Rama (naroroon si Silva), isang Waya na pinatay nila dahil sa kasamaan nito. Sinabi ni Nana Sela na patay na nga siya pero ang dugo nito ng kasamaan at kasakiman ay buhay na buhay.

Matamlay naman si Lyka (dahil nasa loob pa nga ng katawan niya ang bato ni Remus) habang ibinabalita ni Nessa na pinatawad na siya ni Clara, pero hindi pa niya sinasabi dito na sya ang dahilan kung bakit naging itim na lobo si Anton. Sinabi ni Lyka na may pag-asang magkaayos muli ang pamilya nila.

Nag-iba na naman ang kamay ni Lyka pero sandali lang. Ayaw ipasabi ni Lyka kay Lady Elle ang nararamdaman niya. Narealize ni Lyka na may koneksiyon ang pagsasabi niya kay Noah ng totoo dahil noong naroroon siya sa bahay nina Noah ay nagpapalit siya ng balat kahit ayaw niya. Parang pahiwatig daw iyon na magpakatotoo siya. Siya raw ang tinitingala ng mga taong lobo na mamumuno sa kanila, pero paano daw niya magagawa iyon kung siya ay nabubuhay sa kasinungalingan.

Naiintindihan ni Nessa ang gustong mangyari ng anak, pero natatakot siya sa maaring maging reaksiyon ni Noah. Sinabi ni Lyka na may tiwala siyang hindi siya sasaktan ni Noah. Nag-ring ang phone ni Lyka at si Noah ang tumawag. Tinanong ni Noah kung bakit hindi raw ito nagpakita sa kanya noong nagpunta siya. Tinanong ni Lyka kay Noah kug pwede silang magkita.

May hinahack na laptop si Gabby habang nagbabantay naman si Noah.

Pinipigilan naman ni Anton si Silva sa ginagawa nito kay Alec (tine-taser niya ito). Sinabi ni Silva na sila ni Anton ang magkakampi, huwag daw itong kaampi kay Alec. Dahil sa pamamagitan daw ni Silva niya malalasap ang tunay na kapangyarihan ng isang itim na lobo. Ano naman daw klaseng kapangyarihan iyon, ang manakit ng mga tao? Mas gugustuhin na raw ni Anton na maging ordinaryong itim na lobo. Sinabi ni Silva na kapag nakuha na ni Anton ang kapangyarihan ng isang itim na lobo, maipagtatanggol na raw niya ang mga mahal nito sa buhay, halimbawa daw si Mama niya o si Lyka.

Pero binawi ni Silva ang pagsabi niya sa pangalan ni Lyka, kaaway daw nila iyon dahil masyado siyang malapit sa mga kaaway. Nagpalit ng mata si Anton at sinabi nitong huwag gagalawin ni Silva si Lyka.

Napanood ni Noah ang video na kinuha ng palihim ng staff ni Silva sa bahay nina Anton noong ipinapakita niya kay Clara ang lakas nito.

Ibinigay ni Lady Elle kay Lyka ang kwintas na siyang sisidlan ng bato ni Remus, sinabi na rin nito sa kanya na ingatan niya iyon dahil kahit sino ay pwedeng hawakan iyon. Habang nasa loob daw ng kwintas ang bato ay natutulog iyon kaya pwede daw i-reserve ni Lyka ang lakas niya sa paghahanda ng pulang buwan. Pumasok na sa loob ng kwintas ang bato. Sinabi na ni Lyka ang plano nito sa lola na pagsasabi niya kay Noah ng totoo. Sinabi ni Lady Elle na may tiwala ito sa desisyon ng apo. Nakikinig si Rodolfo sa usapan ng mag-lola.

Sa loob ng simbahan nakipagkita si Lyka kay Noah at nagdarasal si Lyka habang hinihitay niya si Noah. Patakbong dumating si Noah at sinabi nito kay Lyka na layuan niya ang pinsan nyang si Anton dahil isa itong taong lobo (hindi mo naisip Noah na kung magpinsan sila…). Nagtalo na naman sila, sinabi ni Lyka na pinapalayo siya ni Noah sa isang taong mahal niya. Pilit na ipinapangako ni Noah kay Lyka na lalayuan niya si Anton.

Biglang dumating si Rodolfo at inihagis si Noah. Biglang inilabas ni Noah ang baril niya. Nagtalo naman sina Rodolfo at Lyka, sinundan niya si Lyka dahil wala siyang tiwala kay Noah. Pinaalis siya ni Lyka at sinabing kaya niyang protektahan ang sarili niya.

Sinasabi na nga raw ba ni Noah at nalason na rin pati ang isip ni Lyka.

Sinabi ni Lyka na tatapusin na niya lahat ng pagpapanggap niya, sa harap ng Diyos, idinadalangin niya na sana maintindihan siya nito.

Tandaan daw ni Noah na mahal na mahal siya ni Lyka

Nagpalit ng balat si Lyka sa harapan ni Noah…

Oh, my GOD!

Teaser:

Nagwawala si Noah sa kwarto niya.

Naiyak ako kahit teaser lang.😦

You can watch the episode HERE.

Mga Marka: ,

3 Tugon to “Lobo, Episode 86”

  1. batangsutil Says:

    Thank thank you for the recaps!

  2. annedito Says:

    OHMYGAWD!!! on a brighter note, masaya ako at hindi bad si nessa…hehe…she really worried me no. baka tutulungan na ni anton si alec kasi magkapatid sila…este, threat kasi si silva kay lyka.

  3. NoCar Says:

    “ang bato ng remus…” pag nasa lalagyan nya pwedeng hawakan ng kahit na sino? ….ay patay, si silva na yon sigurado nanakawin nya para “mawalang ng lakas ang huling bantay”. “”mag-ingat!!!! mag-ingat!!! panganib ang nakikita ko”. (… hindi ko kayang i-immitate si nana sela. nana sela nga ba yon?)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: