Lobo, Episode 85

by

Bago pa nakapagpaliwanag si Lyka tungkol sa “pagpapatakas” niya kay Rodolfo, ay narinig nila si Tikboy. Dinala nila ni Noah sina Tikboy at Zoe sa ospital.

Sumugod naman si Clara sa bahay nina Elle at sinabi niya kay Elle at Nessa na hindi ito umuwi at hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Sinabi niya kay Nessa na sa tuwing lumalapit ang anak niya kay Lyka, napapahamak siya.

Okay na sina Zoe at Tikboy. Ipinaliwanag ni Lyka na hindi niya pinatakas ang taong lobo, napasigaw lang daw siya dahil nakita niya ang baril. Nagpasorry naman si Noah tungko doon. Nagtalo pa rin sila dahil sinabi ni Noah na muntik ng patayin ng halimaw ang kapatid niya at sinabi naman ni Lyka na kinausap siya ng itim na lobo at sinabing pinatay ni Noah ang kapatid niya. Galit na galit daw ito, kagaya ni Noah pagkatapos mamatay ni Leon.

May pagkakataon daw ang itim na lobo na patayin si Zoe pero hindi nito ginawa.

Itinanong ni Lyka kung ano ang ginawa nila kay Alec. Huwag daw pumayag si Noah sa mga gustong gawin ng Luna.

Nagalit na si Noah minsan daw para gusto na niyang maniwala na nalalason na ang isip ni Lyka ng mga taong lobo sa House of Elle. Itinanong ni Lyka kung sino pa ang ibang mga lobo doon. Bago nakasagot si Noah, dumating si Gabby para kumustahin sina Zoe.

Sinasabi naman ni Silva na kapag napasakanya na ang lakas ng huling bantay, maipaghihiganti na niya ang ama kay Eleonora.

Naiisip ni Noah ang tagpo noong pinatakas ni Lyka si Rodolfo, pati na ang sinabi noon ni Silva na nilason na ng mga taong lobo ang pag-iisip ni Lyka. Huwag naman daw sana.

Sinabi ni Gabby na may apat na Luna na nagbababantay kina Zoe. Doon na lang daw sana muna sila sa ospital dahil mas safe sila doon.

Pagkatapos daw ng mga nangyari panahon na raw para makakuha sila ng mga sagot kay Alec. Hahanapin daw nila si Alec kahit ayaw iyong mangyari ni Silva.

Naalis naman ni Alec ang mga handcuffs (e anong tawag sa mga nasa paa niya, footcuff, hehehe) niya habang kinukunan siya ng dugo ni Anton. Dumating si Silva at naglaban sila. Nakapanlaban si Silva at ini-slit ang dibdib ni Alec thinking na pagagalingin nito ang sarili.

Tarantang ginamot ni Anton si Alec.

Pag-uwi ni Lyka, sinabi niya sa ina ang nangyari. Sinabi rin niyang nakausap niya si Rodolfo at pinatay ni Noah si Raul. Sinabi na rin ni Nessa sa anak na nawawala si Anton. Natatakot si Nessa dahil ibinigay nito kay Anton ang formula ng gamot na ginawa ni Emil baka iyon daw ang dahilan kung bakit siya nawawala. Isang beses na raw pinagtangkaan ng mga Luna na kidnapin si Anton pero napigilan niya.

Nakapagdesisyon na si Lyka, hahanapin niya sina Alec at Anton at tatraydurin niya si Noah kung kinakailangan.

Nagtatalo na naman sina Ylvana at Lady Elle dahil sa pagkamatay ni Raul. Alam na ni Ylvana na may itinatagong mga itim na lobo si Lady Elle. Sinabi ni Lady Elle na may puso siya, hindi kagaya nila na laging nagbibintang sa mga itim, tignan daw nila ang mga sarili nila at itanong sa mga sarili kung sino ang mga halimaw.

Biglang dumating si Manolo at may ibinulong kay Elle. Sinabi ni Elle na alam na niya kung nasaan si Alec, nakiusap ito sa mga iniwan niya na huwag silang gumawa ng mga bagay na pagbabayaran nilang lahat.

Nasa building sina Noah at Gabby kung saan tinorture si Noah baka raw naroroon si Alec. Sinundan sila ni Lyka doon.

Hindi gumagaling si Alec kaya tinanong ni Silva kung sino ang huling bantay, pero sinasabi ni Alec na siya ang huling bantay. Sinilaban pa niya ang sugat nito. Wala namang magawa ang takot na takot na si Anton.

Pumunta si Ylvana sa kulungan ng mga itim na lobo, papatawan na sana niya ng parusang kamatayan ang mga ito ng dumating si Nessa. Pinigilan niya si Ylvana at nalaman na nito na itim na lobo si Nessa (Did I miss something? Magkakilala na ba talaga sila?). Naglaban sila. Naitakas ni Nessa ang mag-ina at dinala niya kina Rodolfo.

Nalaman ng informer nina Manolo at Elle na walang nakakaalam kahit na ang mga pinakamataas na rank sa mga Luna kung nasaan si Alec. Nalaman din nilang Luna na si Noah.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Lyka habang minamatyagan niya sina Noah at Gabby. Si Nessa ang nasa kabilang linya at sinabi niyang alam na ng mga Waya na itim na lobo siya at hinahabol sila ng mga ito.

Nakarating na sina Nessa sa taguan nina Rodolfo. Akala ni Rodolfo noong una, itinuro sila ni Nessa pero sinabi ni Nessa na gustong patayin ni Ylvana ang mag-ina (hanggang ngayon ba naman sira at duguan pa ang tshirt noong nanay, sana binigyan naman sila ng bagong damit no). Sinabi ni Rodolfo sa mga kasama na hindi na sila tatakas, maglalaban na raw sila.

Nakarating na sina Ylvana. Ano raw ba ang gusto nila, tanong ni Rodolfo, hindi raw sila ang pumatay sa Luna dahil gusto rin nila ng kapayapaan. Ayaw makinig ni Ylvana. Sinasambit na ni Ylvana ang spell para patayin ang mga itim kaya lumabas si Rodolfo at sinakal si Ylvana. Sinabi nitong siya na lang ang kalabanin ni Ylvana at pabayaan na niya ang mga iba niyang kasama.

Nakapanlaban si Ylvana at itinilapon si Rodolfo at sinabing panahon na para sundan niya si Raul.

Problemado naman sina Lady Elle at Manolo tungkol sa pagiging Luna ni Noah. Dumating si Lorian para sabihing pinatakas ni Nessa ang mga itim na lobo at sinundan sila ng mga Waya. Nagmadaling umalis sina Elle at Manolo.

Pinalibutan na nina Ylvana si Rodolfo at pinapatawan na ng parusa ng biglang pumasok sa circle si Lyka.

(Nabuhay ang painting sa opisina ni Elle at bigla itong lumipad.)

Sinabi ni Ylvana na ang batas ng mga lobo ang nagsasabing patayin ang mga itim. Sinabi ni Lyka na babaguhin daw niya ang batas, lahat daw sila pantay pantay walang itim o puti.

(Lumipad na ang lobo papalabas at naging Bato ng Remus.)

Sinabihan ni Ylvana si Lyka ng sinungaling at makapal ang mukha. Sinabi ni Lyka na siya si Lyka Raymundo, anak ng itim na lobo at apo ng pinamalakas na Waya, at siya ang huling bantay.

Ayaw maniwala ni Ylvana, sinabi ni Nessa na pinapaniwala lang nila sila na si Alec ang huling bantay para maging ligtas ito. Ayaw pa ring maniwala ni Ylvana at sinabi niyang patutunayan niyang hindi si Lyka ang huling bantay.

Hinawakan ni Lyka ang kamay ni Ylvana at pinaikot ito at itinapon. Nag-landing si Ylvana sa isang puntod at nasira ang puntod.

Noong nakatayo na si Ylvana, sinabi ni Lyka na tumigil na sila, tigilan na nilang ang gulong iyon (at this point dumating na sina Elle at Manolo). Sila raw ang magkaka-uri pero bakit sila nagpapatayan. Pagdating ng pulang buwang hindi importante kung itim sila o puti. Siguro daw ang dahilan ng Bato ng Remus ay para ipalala sa kanila na pantay-pantay lamang sila walang mabait, walang magaling, walang masama. Dahil daw baka paulit-ulit na dumating ang pulang buwan para turuan sila ng leksiyon. Bakit hindi raw sila magtulungan?

(Malapit na ang Bato ng Remus)

Siya raw ang huling bantay, pero nag-iisa lamang siya. Hindi niya kayang gampanan ang responsibilidad na iyon kung wala ang tulong nila.

Paparating na ang Bato ng Remus…

Teasers:

WALANG TEASERS! WAHHHH!

Meron pala, putol lang ang video ni Dave, hehehehe. Pumasok sa lalamunan ni Lyka ang comet-like thingy (ang galing ng description ko no, lol). Kukunin na ni Lyka ang Bato ni Remus.

You can watch the video HERE.

Mga Marka: ,

13 Tugon to “Lobo, Episode 85”

  1. annedito Says:

    OMG…i can’t wait to watch this mamaya. i can’t wait to get home…hehe…sino ang mas magaling umarte sa makapatid na eigenmann? i think si geoff no?

  2. ptvj Says:

    hmn….mahirap na tanong yan…pareho kasi silang pogi. medyo clouded ng judgment ko. heheheh.

  3. No Car Says:

    super exciting ang episode na ito!!! galing galing ng mga dialog ni lyka. perfect na perfect. bakit walang teaser…. wala ba talaga? alec wag kang mamatay. akin ka na lang. (sayang sya mukha siyang delicios pa naman)

  4. annedito Says:

    exciting ata ang episode na’to. i’m usually the one excited about lobo. pero i called my mom and she didn’t want to talk kasi nanonood daw ng lobo…lol

  5. dumbako Says:

    magkakaheart attack na ako sa suspense ah. grabe ang update!

  6. Ann Says:

    Teaser:

    Tumama sa dibdib ni Lyka ang bato ng Remus. I-isa na sila.

    Nana Sela: Maligayang pagdating Huling Bantay (parang flight attendant ang boses). Magkasama na ang kapangyarihan mo at ang bato ng Remus. Handa ka nang harapin ang pulang buwan. Pero may naghahangad nang kapangyarihan mo at nang bato (ipinakita si Silva na nagwala), Huling Bantay. Maging handa ka sana (sumisilab ang mga mata ni Lyka)…

    End of teaser

  7. ptvj Says:

    maraming salamat, ann! putol lang pala iyong video hehehe. natawa naman ako dun sa sinabi mong flight attendant ang boses. lol.

  8. dumbako Says:

    wow, ganda ng episode na to, ngayon ko lang napanood! galing ni angel! ang hindi ko lang nagustuhan ay yong kulay ng dugo ni alec,hekhekhek! kulay fuschia ata! sana gumamit na lang sila ng dugo ng baboy, hekhekhek. tulad ba sa passion of christ ni mel gibson, very bloody. mahilig kasi ako sa blood and gore. hekhekhek

  9. lobo-fan Says:

    Ang galing ng Lobo! Two Thumbs up ako sa episode na ‘to! Can’t wait na mapanood mamaya kung anong mangyayari…I’m so excited!

  10. safiya Says:

    grabe ang episode na ito lalo nug confrontation nila Lyka at Ylvana,panalo si Angel sa akin dito, ya lang at wala ng iba, sya ang huling bantay…dapt lang ha at wala ng book2. hahahahahaha

  11. annedito Says:

    i finally saw it!!! galing ni angel and ylvana. hindi kaya napaos yung dalawa? lalo na si ylvana sobra sa sigaw. nainis din ako sa dugo ni alec kasi parang napaka-fake. nainis din ako kay ryan eigenmann kasi pinabayaan niya na mabugbog ang kapatid niya…hehe…pero pareho silang magaling. kitang-kita ang takot sa kamay and mga mata ni anton.

  12. kulitko Says:

    Kay Dave ka rin pala nanonood. Ako man kahit may tfc kami di ko mahintay eh kaya kay Dave ako umaasa sa umaga. Tapos inaabangan ko pa update mo dito. Nakakabitin na super ang lobo araw-araw. Super exciting na lalo!

  13. ptvj Says:

    lobo-fan, oo nga masyado ng exciting ang mga episodes. grabe ang excitement ko.

    safiya, lobo: ang pagbabalik? lol.

    annedito, ini-expect ko na kakanta na ng i love you boy si ylvana. bwahhaha!

    kulitko, oo ako rin hindi rin ako makapaghintay! paggising ko laptop na agad ang kaharap ko. hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: