Lobo, Episode 84

by

Hindi makapaniwala si Lyka sa nasaksihan. Ipinaliwanag ni Nessa na noog tinurukan siya ng gamot ni Emil, naging mabangis ito at nakakagat ng tao. Akala ni Lyka naka patay ng tao ang ina. Doon niya nalaman na si Anton ang nakagat nito.

Sinabi ni Nessa na hindi na niya mababago kung sino siya. Hindi na raw niya daragdagan pa ang paghihirap ni Lyka, sasama na lang daw siya sa mga kauri niya.

Naglakad na papalayo si Nessa, tinawag siya ni Lyka at nagyakap silang mag-ina.

Tinalian nina Noah at Choy ang walang malay na si Alec.

Nagpasalamat si Nessa sa anak. Sinabi ni Lyka na nanay niya ito at kahit anong kulay pa nito mahal niya ito. Pero sinabi rin niyang hangga’t hindi pa naaayos ang lahat, hindi pa nila sasabihin ang tungkol sa pagiging itim na lobo ng ina. Nalaman din ni Lyka ang tungkol kay Raul at Rodolfo.


Sinabi ni Nessa na katulad din nila itong desperado at takot na takot. Gusto ni Nessa na tulungan din sila.

Sinabi rin ni Nessa na gusto ng mga itim na lobo na kagatin si Lyka dahil kailangan nila ng proteksiyon laban sa mga Waya pero hindi raw ito magagawa ni Nessa. Gusto ni Nessa na makipagkita na lang si Lyka sa kanila pero walang tiwala si Lyka at buo pa rin ang paniniwala niyang sila ang pumatay kay Leon.

Hindi raw sila ang pumatay kay Leon, sabi ni Nessa. Sang-ayon daw sila sa plano nina Elle at Leon, paano raw nila ito papatayin? Gusto ni Nessa na makilala ng anak ang mga itim bilang mga tao at hindi mga halimaw kagaya ng nakatatak sa utak niya.

Inatake ng isang puting lobo si Gabby noong papalabas ito ng building para kunin ang sasakyan. Dumating sina Noah at Choy at pinagbabaril ni Noah ang puting lobo — si Raul. Bago ito nalagutan ng hininga, humingi siya ng tawad. Kilala daw niya si Leon at katulad nila, ang gusto din nito ng kapayapaan pero ngayon, sira na ang lahat. Napaupo na lamang si Noah doon. (Kawawa naman si Raul😦 .)

Pagbalik nina Nessa at Lyka sa bahay, sinalubong sila ng nag-aalalang Elle, Trixie at Manolo. Sinabi na nilang si Raul ang traydor at nawawala si Alec. Hindi raw nila ito ma-contact. Parehong ipinahahanap ni Manolo sa mga Waya sina Raul at Alec.

Naluluhang sinisisi ni Lyka si Alec dahil alam naman daw nitong kaya naman niyang protektahan ang sarili niya, masyado daw siyang bilib sa sarili. Sinabi ni Trixie na nawawala na nga raw si Alec, sinisisi pa niya ito. Alam daw ni Alec ang panganib pero ayaw nitong magpapigil dahil mahal na mahal niya si Lyka at gagawin niya ang lahat para maprotektahan siya. Natigilan si Lyka.

Pagdating nina Noah kasama si Alec sa headquarters nila may mga sundalong sumalubong sa kanila para kunin si Alec, utos daw iyong ni Silva. Walang nagawa si Noah.

Nakarating sa empty building sina Lyka, Nessa, Manolo at Lady Elle kung saan nahuli si Alec. Nakita ni Lyka ang video na kinuha ni Alec habang tinutugis siya nina Noah. Itinago ni Lyka mula sa mga kasama niyang naghahanap kay Alec ang nabatid sa cellphone.

Iniiyakan ni Rodolfo ang bangkay ng kapatid. Nalaman niya mula sa kasama na si Noah ang pumatay sa kapatid. Sinabi nitong humanda na sila at ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kapatid, susugod na raw sila. Para matikman daw nila ang batas ng mga taong lobo.

Galit na galit na hinarap ni Noah si Silva. Sinabi ni Silva na gusto lang daw nitong protektahan si Alec. Tapos na raw ang participation ni Noah sa operation. Malaki ang duda ni Noah na may gagawin na naman si Silva kay Alec, kagaya ng ginawa nito sa kanya. Ipinaalala ni Silva na superior siya ni Noah at huwag nitong kukwestiyonin ang mga desisyon niya. Nag-walk out si Noah. (As usual, nakatayo lang doon si Gabby.)

Ipinakita ni Lyka sa ina ang video. Sinabi ni Nessa na kailangan nila itong ipakita kay Elle pero ayaw ni Lyka dahil baka ano raw ang gawin ng mga Waya kay Noah kailangan daw niya itong protektahan. Papaano naman daw si Alec, tanong ni Nessa. Naalala ni Lyka ang sinabi ni Trixie na mahal siya ni Alec.

Sinabi ni Lyka na kasalanan niya kung bakit nangyari iyon kaya siya ang maghahanap kay Alec. Kahitna ang ibig sabihin pa noon ay ang pagsasabi niya kay Noah na taong lobo din siya, gagawin niya para lang mailigtas si Alec.

Dinala ni Silva si Alec sa kung saan niya ikinulong si Anton. Nakilala ni Anton si Alec (na kapatid niya? Bwahahaha). Sinabi ni Silva na si Alec ang Huling Bantay, ang pinakamalakas na lobo. Gusto ni Silva na kunin nito ang lakas niya. Sinabi ni Anton na ikakamatay ni Alec kung kukunin nito ang lahat ng dugo niya. Wala namang pakialam si Silva (what, hindi ka na maghihitay for the pulang buwan?).

Sinabi ni Noah kay Gabby na malaki pa rin ang hinala niyang may ginagawa na naman si Silva na hindi nila alam. Sinabi ni Gabby na may hinala din siya pero mas gusto niyang paniwalaan na kakampi pa rin nila si Silva. Kahit na ang pagpatay nito kay Dr. Lee ay para sa kabutihan ng lahat.

Naalala ni Noah ang mga huling salita ni Raul. Napansin ni Gabby na nag-iba ang mood ni Noah at tinanong nito kung okay lang siya since ilang gabi pa lang niyang ginagawa iyon.

Hindi rin maintindihan ni Noah ang sarili. Itinatago nga raw niya kina Zoe at Lyka ang ginagawa niya. Bakit daw siya nakokonsesiya ngayong mga taong lobo ang mga pinapatay niya?

Hinawakan ni Gabby ang kamay ni Noah, pero agad din niya itong bumawi at umalis.

Pinag-uusapan naman nina Zoe at Tikboy ang pag-alis ni Yani papuntang San Adoldo habang kumakain. Narinig nila ang alulong ng mga itim na taong lobo. Hinanap ni Zoe kung saan nagmula iyon kahit na takot na takot na pinipigilan ni Tikboy.

Nagpakita na si Rodolfo at takot na takot na tumakbo ang dalawa. Tinawagan ni Zoe si Noah habang nagpupumilit si Rodolfo na buksan ang pintuan. Ikinandado ni Zoe ang pintuan ng kwarto niya at nagtago sila ni Tikboy sa closet niya.

Nagmamadali namang nagmaneho si Noah papauwi.

Naamoy ni Rodolfo kung saan sila nagtatago.

Nagpunta naman si Lyka kina Noah. Bumaba ito ng taxi sa tapat ng gate nila.

Noong wala ng naririnig sina Tikboy at Zoe, binuksan nila ang pintuan. Naroroon pa rin si Rodolfo at nagtatago (ano ba iyan, hindi ba kayo nakapanood ng mga horror movies, pag tahimik mas mapanganib). Sinakal ni Rodolfo si Zoe at tinanong kung nasaan si Noah para maramdaman niya kung paano mawalan ng kapatid.

Narinig ni Lyka ang sigawan mula sa itass ng bahay nina Zoe, nagjump ito over the bakod at nilabanan ang mga itim na lobo na nagbabantay sa labas ng bahay.

Nakarating na si Lyka sa kwarto ni Zoe. Sinabi nito kay Rodolfo na bitawan niya si Zoe. Sinabi ni Rodolfo kay Lyka na siya ang may kasalanan dahil sinundan siya ni Raul para mailigtas silang lahat. Pero pinatay si Raul ni Noah.

Sinabi ni Lyka na walang kasalanan si Zoe. Sinabi ni Rodolfo na tutal halimaw naman daw ang tingin nila sa kanila, magiging halimaw na rin daw siya. Sinabi naman ni Lyka na ipakita niyang may puso sila. Maawa daw ito kay Zoe.

Sinabi ni Rodolfo na sila raw ba ay naawa sa kanila? Tinanggal na raw sa kanila ang lahat, katahimikan at dignidad. Naawa raw na sila kay Raul? Paghihiganti na lang daw ang natitira sa kanila.

Nakarating na si Noah sa bahay nila. Nakita niyang nakahandusay ang kasama ni Rodolfo sa labas ng bahay.

Inihiga ni Lyka si Zoe sa kama nito (wala siyang malay). Sinabi ni Rodolfo na patayin na siya ni Lyka kung gusto niya. Sinabi ni Lyka na hindi niya ito papatayin dahil “nakikita na niya… .”

Hindi natuloy ang sasabihin ni Lyka dahil nakita niyang dumating si Noah na may dalang baril. Sumigaw si Lyka kaya naka-iwas si Rodolfo at nakatakas. Galit na tinanong ni Noah kung bakit ginawa iyon ni Lyka…

Teasers:

Tino-torture ni Silva si Alec.

Nasa ospital si Zoe. Iniisip ni Noah na kailangan nilang makuha si Alec para sa mga kasagutan.

Nalaman ni Ylvana na itim na lobo si Nessa.

Dinala ni Nessa sa taguan ng mga itim na lobo ang mag-ina na nasa kulungan nila dati.

Sumugod ang mga Waya Council kina Rodolfo.

Mga Marka: ,

7 Tugon to “Lobo, Episode 84”

  1. No Car Says:

    I admired alec for sacrificing his life for lyka. para tuloy masgusto ko na siya for lyka. hehehe!!! sana naman hindi siya mamatay. ….
    …..kung ayaw ni lyka kay alec…. AKIN NA LANG SYA!!!

  2. lobo-fan Says:

    gigil na gigil ako kagabi…as in…eh kc naman saan ka naman nakakita na pinagtataguan na nga nina Tikboy at Zoe yung itim na lobo tapos ang lakas pa ng loob na lumabas para icheck kung wala na nga…hello!? di ba nila alam kung anong panganib ang nagaantay sa kanila sa labas bakit kaya di na lnag sila nagantay sa loob ng closet hanggang sa dumating si Noah.. at saka sakal sakal na nga ng itim na lobo si Zoe todo drama pa si Lyka eh pwede niya naman hampasin muna yun at saka kaya sila magusap at least ok na Zoe hindi yung aantayin pang malagutan ng hininga and lastly papatayin na nga ng itim na lobo si Zoe si Lyka imbes na tumakbo naglakad lang at inayos pa ang hair ha pakatapos patulugin yung itim na lobo sa baba ng bahay nina Noah…hay! pasensiya na kayo ha..di ko lang nagustuhan yung mga episodes kagabi..pero dont worry love na love ko pa rin ang Lobo at di ko ipagpapalit sa number 1 “kuno” diyan…hmp..

  3. ptvj Says:

    tama ka!!! hindi ba sila nanonood ng mga horror movies na kapag tumahimik tapos iyong mga nagbukas ng pintuan dedbol na in 2 minutes? hay naku. tapos nga ang kawawang si zoe, kinailangan pang mag-emote nina rodolfo at lyka bago siya binitawan lol.

  4. lobonatik Says:

    pero infairnes nagulat talga ako dun sa biglang pagsilip ni rodolfo sa glass door!! hahahah kudos to lobo🙂

  5. safiya Says:

    tagal akong hindi nakanood ng Lobo pero sa nabasa ko puro action na pala, ito kse ang hinihintay ko eh, makabalik nga sa panonood kahit marami na akong namiss, mahalaga ay action filled more than drama.

  6. dumbako Says:

    shighe lhang, okhe lhang sha akhen. enjhoy pha rhen khamhe! hic… hic… hic…

  7. annedito Says:

    ako rin nocar! masgusto ko na si alec para kay lyka ngayon. kasi even though walang feeling si lyka para sa kanya, he’ll do anything to protect her. either that or gusto ko lang mapunta sa’kin si noah…hehe…nag-chansing (tama ba spelling?) si gabby kay noah. di ba type na niya si alec? lol…pero ang ganda na ng lobo. pero nainis din ako ng konti sa emote nila lyka at rodolfo. masyadong anti-climatic no. dapat hinampas na niya si rodolfor or naging lobo nalang siya para mas mabilis siyang nakarating kay zoe. pero utos yun ng director eh para may-suspense naman. and siguro do’n din natauhan si lyka tungkol sa mga itim na lobo. matatapos na ata ng june eh so mag-kakagulo na lahat…hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: