MALIGNO – Episode 20 (Finale)

by

“ANG ALAY NG INA”

Nalaman ni Angela na lahat nang nakilala nya ay parte nang araw na itinakda. Kinuha ni yaya si Angelo pero hindi pumayag si Angela at pilit nyang kinukuha and kanyang anak. Dumating si Hector, gustong magpaliwanag pero galit sa kanya si Angela at ayaw maniwala. Gusto sanang ilayo ni Hector si Angela pero biglang dumating si Joaquin (kasama si Elaiza) at pinukpok sya sa likod. Pinapasama na nila Joaquin si Angela sa kanila pero humadlang si yaya, kaya pinukpok sya ni Joaquin sa may ulo. Gustong isama ni Angela ang anak, sinasabihan sya nila Elaiza na anak ito nang demonyo. Ayaw sumama ni Angelo sa ina.

Sinabi ni Angela na papatayin si Angelo para masakop nang kasamaan ang buong mundo, at hindi daw nya hahayaan mangyari iyon dahil mahal na mahal nya ang anak. Tumakas na sila kasama si Angelo at sumakay sa kotse. Nagkamalay si Hector at tinatawag si Angela. Pinapaandar ni Joaquin ang kotse pero ayaw nitong mag-start. Lumabas si Joaquin para ayusin ang makina nang kotse. Pagbaba nang hood, si Dumlao na ang nakita nila, wala na si Joaquin.

Hinanap ni Elaiza ang baril sa may glove compartment ang baril at tinutok iyon kay Dumlao na lumapit sa kanila. Sinasabi ni Dumlao na ililigtas daw si Elaiza nang kanilang “panginoon” para mabigyan ito nang pangalawang pagkakataon para makasama ang ina. Sinasabi naman ni Angela na iputok na ni Elaiza ang baril at huwag maniwala kay Dumlao. Kung maniniwala sila sa kanilang “panginoon”, pati daw si Joaquin ay bubuhayin nilang muli. Umiyak si Elaiza nang malaman na patay na si Joaquin. Bine-brainwash ni Dumlao si Elaiza at sinasabi na kung mahal ito nang Diyos, bakit pati si Joaquin ay kinuha. Hindi nagawang ipaputok ni Elaiza ang baril at nakuha iyon ni Dumlao. Nakita lang ni Elaiza si Hector na walang ginagawa, nakatingin lang sa kanila. Dumating pa ang ibang kasapi at kinuha si Angela.

Dinala si Angela sa lugar nang sakripisyo (naka dress na puti na si Angela.) Nakita nya sila yaya, Charlie, Angelo, Hector at Dumlao sa may “altar”, malapit sa bangkay ni Lucas. Sinimulan na ni Dumlao; nagsipag-buhay ang mga patay, bumangon sa kanilang libing; nabuhay ang mga patay, kasama na doon si Joaquin at ang ina ni Elaiza. Ipinakilala ni Dumlao ang tunay na ina ni Angela sa kanya (hawak hawak si Rio Locsin nang mga kasapi, maski si Angela.) Nang makita ni Elaiza ang ina at si Joaquin ay naiyak sya. Nagsimula nang mag-lunar eclipse at nagsipagluhod ang lahat. Biglang nabuhay at bumangon si Lucas, nagimbal si Angela.

Ibinigay ni Dumlao ang gagamiting dagger. Nagmakaawa si Angela na huwag nilang patayin si Angelo. Sinabi ni Lucas (malalim ang boses, boses demonyo) na sino daw ang nagsabing si Angelo ang papatayin? Nasa sinapupunan palang daw ito ni Angela ay immortal na ang anak nila. Biglang sinaksak ni Lucas si Angelo, nagulat at napasigaw si Angela, pero walang nangyari kay Angelo ni walang dugong lumabas. Sinabi ni Lucas na sya lang ang nakakaalam na immortal si Angelo dahil iniingatan nya ang kanyang sakripisyo – si Angela! Binuhat at dinala si Angela sa may “altar”, hiniga para gawing sakripisyo. Sinabi ni Lucas na pag hindi naisakripisyo si Angela ay magiging mortal si Angelo. Nasa dugo daw ni Angela ang simula nang kanilang buhay na walang hanggan at kapangyarihan. Binigay ni Lucas kay Hector ang dagger, patunayan daw nito ang katapatan. Sinasabihan sya ni Dumlao na simulan na; lumapit si Hector kay Angela, hawak hawak ang patalim. Nagmamakaawa sa kanya si Angela pati na din si Rio Locsin. Nagsisimula nang matakpan ang buwan…biglang sinaksak ni Hector si Lucas! Nagkagulo ang lahat at itinakas agad ni Hector sina Angela at Angelo. Sila yaya at Charlie ay hinabol sila Hector. Si Dumlao ay nakaalalay sa nasaksak na si Lucas. Biglang nagbago nang anyo si Lucas, tinubuan ito nang mga sungay at naging isang demonyo na pangit ang itsura. Panandalian lang nanghina si Lucas, pero natanggal nya ang patalim na sinaksak sa kanya at humabol kina Hector.

Nakatakas din si Rio Locsin at sinaman sila Hector, Angela, Angelo at Elaiza para pumunta sa may simbahan, kung saan ay ligtas sila. Biglang natigilan si Hector pati si Angelo dahil sila makalapit doon. Pinipilit nila si Hector dahil hindi naman sya likas na masama. Sinabi ni Rio Locsin na sya daw dapat ang makakasama ni Hector papuntang America nung bata pa sya. Naalala na Hector ang mga pangyayari nung bata pa sya, pero sinabi nya na hindi daw ito (Rio Locsin) ang tita Celia nya. Pinipilit sya ni Celia na hindi sya masamang tao at makinig daw si Hector sa kanya. Unti-unting lumapit si Hector kina Angela kahit takot na takot. Inaabot nila ang kamay kay Hector. Aabutin na ni Hector ang kamay ni Angela nang biglang may naghagis nang patalim kay Hector at tumusok iyon sa kanyang likod – walang iba kundi si Lucas, kasama ang iba pang kasapi. Naitawid ni Angela si Hector sa lupa nang kabutihan. Kinakausap ni Angela ang anak at sinasabing sumama sa kanya. Papalapit naman sila Lucas, pero alam ni Angela na hindi sila makakapasok/makakapunta doon dahil masusunog sila. Sinabi ni Lucas na hindi nga sila makakapasok pero hindi naman daw makakalabas sila Angela doon. Umiiyak na kinausap ni Angela ang anak at sinasabing naniniwala sya na kayang burahin nang kabutihan ang kasamaan sa puso’t kaluluwa nito. Sumagot si Angelo na wala syang puso at wala din syang kaluluwa. Sabi ni Angela na meron daw dahil nanggaling sa kanya si Angelo at tao sya na may puso, kaluluwa at pananalig sa Diyos. Magtiwala lang daw si Angelo sa Diyos na kilala nya. Hinihikayat nila Lucas at Angela na sumama sa kanila si Angelo. Hindi makapagdesisyon si Angelo at tinitingnan ang kanyang mga magulang na magkahiwalay nang pananampalataya. Gusto sanang sumama ni Angelo sa ina pero hindi makalapit sa kanya si Angela, kaya nagawang kunin ni Lucas ang anak. Napansin ni Elaiza na malapit nang matapos ang eclipse. Napansin din ni Angela ang patalim na nakatusok kay Hector at kinuha nya iyon. Matapang na sinugod ni Angela si Lucas at sinaksak nya ito habang nakatalikod. Biglang nagsigawan sa sakit ang mga kasapi at para silang naging usok, hanggang sa maglaho ang kanilang katawan, ganon din si Lucas. Nakahingi pa nang tawad si Hector kay Angela bago ito tuluyang namatay. Nakatingin lang si Elaiza kay Angela, pero malungkot ito sa mga nangyayari kay Angela. Tiningnan ni Angela kung buhay pa si Angelo pero hindi ito kumikilos, iyak nang iyak si Angela. Niyayaya na sya nang kanyang ina na umalis na doon. Papaalis na sana sila Angela nang biglang may liwanag na nanggaling sa itaas at tumama kay Angelo – bigla itong nabuhay. Tuwang tuwa si Angela dahil nabuhay ang kanyang anak, niyakap nya ito nang buong pagmamahal.

Pinapanood ni Elaiza sa video room ang ginawa nyang report tungkol kay Angelo na anak nang demonyo. Nakita sya ni Angela at tinanong kung ilalabas ba talaga nito ang report. Sinagot sya ni Elaiza na sigurado daw na magkakaroon sya nang award pag nilabas nya iyon. Sinabi ni Angela na nakikita nya ang kanyang sarili dati kay Elaiza. At kahit na magmakaawa, lumuhod ay hindi na nito mababago ang desisyon ni Elaiza. Biglang ineject ni Elaiza ang tape at sinira. SAbi ni Elaiza na kung ano si Angela dati ay hindi na sya ganon ngayon. Niyakap ni Angela si Elaiza at humingi nang sorry.

Nasa tapat nang simbahan si Angelo at nakatingin. Niyaya sya nila Angela, kasama ang kanyang Lola Celia na pumasok at magsimba, huwag daw syang matakot. Lumapit si Angelo sa ina at sabay silang tatlo na pumasok sa simbahan. Masaya na sa wakas si Angela.

“…that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.” – Philippians 2:10-11

Mga Marka: , , ,

3 Tugon to “MALIGNO – Episode 20 (Finale)”

  1. annedito Says:

    thanks sa update ara! nagbabasa muna ako ng update bago panoorin. that way hindi ako natatakot kasi alam ko kung kailan lalabas ang mga maligno. natatawa pa nga ako sa bantay ni angelo eh…lol…naging maypagka-comedy sa’kin. pero disappointed ako bakit natapos hindi nasagot ang one of the most important question we had even before the series began. ano yung nasa buhok ni boyfriend diether??? nasunog ba yon or what? hehe

  2. ara418 Says:

    to annedito – you’re welcome, pati na din sa mga iba pang nagbasa nang update. ay, gusto mong malaman kung ano yung nasa buhok ni diether? hindi nasunog iyon, kundi nabuhusan nang hydrogen peroxide hahaha! dahil nakaiwas agad sya, kaya doon lang sa banda doon naging puti. pwede din namang since sya si Lorenzo (yung twin brother ni Lady Elle na naging itim na lobo) ay unti-unti na syang nagiging “puting lobo” (ulit.) hahaha, joke lang! have a nice weekend!

  3. dumbako Says:

    hello guys, ithink alam ko na bakit ganon ang buhok ni diet! sinunod nila ang buhok ni johnny depp sa movie n’ya na Sweeney Todd, wavy lang ang buhok ni johnny! hekhekhek

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: