Lobo, Episode 83

by

Hindi raw magagawa ni Nessa iyon.

Sinabi ni Rodolfo na hindi na magiging sumpa ang lahi nila kung nasa kanila ang huling bantay. Lahat daw may karapatang mabuhay kahit itim na lobo. Gusto niya na dalhin ni Nessa si Lyka doon.

Bumalik ulit sa normal ang painting sa opisina ni Lady Elle.

Sinabi na ni Lyka kina Lady Elle na alam ng mga Luna na taong lobo si Alec. Ayaw magtago ni Alec, kung giyera daw ang gusto ng mga Luna giyera ang ibibigay niya. Nagalit si Lady Elle dahil puro giyera na lang daw ang nasa isip nila baka daw nakakalimutan nila ang mas malaki nilang problema, ang kamatayang hinaharap nila sa pulang buwan. Guilty naman si Lyka at sinabi niyang kasalanan niya iyon at saka ito nagwalk-out.

Nag-iisip naman si Nessa tungkol sa mga sinabi ni Rodolfo sa kanya tungkol kay Lyka.

Nagising na si Anton at nasa loob ito na isang kulungan, nakaposas pa siya. Gustong malaman ni Silva kung kaninong dugo galing ang itinurok nito sa katawan niya. Hindi alam ni Anton na lobo siya kaya sinabi nitong hindi nito alam ang magiging epekto ng gamot sa katawan ni Silva. Ayaw siyang tulungan ni Anton kaya pinagbabaril ni Silva ang cage nito para takutin si Anton.

Sinusundan naman nina Noah si Alec at pumasok sila sa isang building (Akala ko ba surveillance lang muna). Nakita nila ang bug na inilagay ni Noah sa sasakyan ni Alec sa pader ng abandoned building (ang laki naman kaya nung device, geez). Umalis si Noah para i-report sa mga Luna na alam na ni Alec na sinusundan sila nito. Naiwan doon si Gabby at nagpakita sa kanya si Alec, nagpalit ito ng mga mata habang sakal sakal si Gabby (just to keep her in place pero not too thight to kill her).

Sinabi nitong mukha raw ba siyang halimaw? Sinabi naman ni Gabby na hindi maitatago g maganda nitong mukha ang pagkahalimaw niya. Kung halimaw daw talaga siya, hihigpitan nito ang mga kamay niya sa leeg ni Gabby, sagot naman ni Alec. Pero hindi raw siya halimaw…sabihin daw nito sa mga kasama nia iyon.

Kumunsulta si Elle kay Nana Sela dahil ginawa na raw nito ang lahat para gabayan si Lyka. Sinabi ni Nana Sela na tapos na ang laban niya pero si Lyka lang ang makakapagligtas sa sarili niya.

Pinuntahan ni Lyka ang mag-inang bihag (na kumakain noong dumating si Lyka) nila at sinabi niyang pinapalabas na sila ni Lady Elle. Sinabi ng ina na ayaw na niyang lumabas, mas gusto pa niya ang naroroon dahil walang katiyakan ang mangyayari sa kanila sa labas. Galit na galit pa rin ang batang babae kay Lyka. Kapag 21 years old na raw ito magiging lobo na rin siya at baka magiging malakas pa siya sa nanay niya at lalabanan niya si Lyka kapag sinaktan pa nito ulit ang nanay niya.

Tinanong ni Lyka kung ano ba ang gusto nitong maging paglaki niya at sasabihin raw ba niya sa mga tao na taong lobo siya? Gusto raw maging presidente ng Pilipinas at ipagsasabi niya na lobo siya at sasabihin niyang masama ang manakit ng mga lobo. Kapag naging presidente na raw siya hindi na sila maaapi.

Dumating si Alec at may iniabot siyang pasalubong para sa mag-ina. Tinanong ni Lyka kung saan siya nagpunta, hindi raw ba at binilinan siya ni Lady Elle na huwag munang maglalabas. Sinabi ni Alec na nakita niya ang tracking device sa sasakyan niya at itinapon niya. Nag-iwan nga lang siya ng personal message sa babaeng laging kasama ni Noah na hindi lahat sila ay mga halimaw.

Nagalit si Lyka. Dahil siya lang daw ang sinabihan ni Noah tungkol sa pagiging taong lobo ni Alec, baka raw akalain nito na traydor siya. Sinabi ni Alec na traydor naman daw siya dahil hindi nito alam kung kanino siya kakampi: sa kanila ba o kay Noah. Sana nga raw sinabi na ni Alec na taong lobo si Lyka para matapos na ang pagtatago ni Lyka. Para matuunan na rin nito ng pansin ang trabaho niya, malapit na raw na mamatay lahat ng mga taong lobo dahil sa pulang buwan pero lahat sila naghihintay para lang maayos ni Lyka ang lovelife niya.

Pinaghahampas ni Lyka si Alec sa dibdib, hindi raw siya marunong magmahal kaya hindi nito alam ang nararamdaman niya. Sinabi niyang wala raw laman ang puso ni Alec. Sinabi ni Alec na kung alam lang daw ni Lyka ang laman ng puso niya hindi siya nito pagsasalitaan ng ganoon. Umalis na si Alec. Wala namang magawa si Trixie kung hindi panoorin ang dalawa.

Tinanong ni Lyka kay Trixie kung tama raw ba si Alec, na iniuna muna niya ang sarili niya kaysa sa responsibilidad nito? HIndi makasagot si Trixie.

Sinabi ni Lyka na overwhelmed na raw kasi siya sa mga pangyayari. Muntik nga raw siyang makapatay ng isang ina. Hindi raw niya alam kung sapat na nga ba iyon para maalis ang galit niya sa mga itim kahit na sila ang pumatay kay Leon.

Biglang dumating si Nessa at sinabi niya kay Lyka na may ipapakita itong importante sa kanya.

Galit na galit naman si Noah habang kausap si Silva. Kung alam daw nilang taong lobo talaga si Alec, kailangan nilang gumawa ng aksiyon, hindi iyong sinusundan lamang siya. Sinabi ni Silva na hindi na niya (Silva) kasalanan kung nalusutan si Noah ng target niya. Ang malaking tanong raw ay kung paano nalaman ni Alec na sinusundan siya. Wala raw ba siyang ibang pinagsabihan, kagaya ni Lyka?

Iniba ni Noah ang usapan. Mabagal daw ang taktika nila, kailangan nilang gumawa ng aksiyon. Sinabi ni Silva kung gusto talaga ni Noah, hulihin na niya si Alec ang use force if necessary.

Nag-aalala naman si Rodolfo na baka hindi magawang kagatin ni Nessa si Lyka kahit dalhin niya ito sa pinagtataguan nila. Sinabi ni Raul na siya mismo ang kakagat dito kung kinakailangan. Nagpakagat si Raul kay Rodolfo, dahil mahal daw niya ang kapatid at hindi niya ito tatalikuran. Matagal na raw siyang itim na lobo sa puso niya. Hindi naman magawa ni Rodolfo na kagatin ang kapatid, dahil baka raw hindi mapasa kanila ang mga huling bantay at baka madamay pa ang kapatid. Nagyakap sila (Awww…natouch naman ako).

Naghahanda naman ang mga Luna sa pagsugod sa mansiyon ni Lady Elle. Kukunin daw nila si Alec at kailangan daw iligtas si Lyka sabi ni Noah. Nag-alinlangan naman si Gabby (na-crush ata kay Alec…bwahahaha).

Nakita ni Alec na nasa labas ng gate si Raul at pinapanood ang pag-alis nina Nessa at Lyka. Pinipigilan ni Raul si Alec at hinampas ito sa ulot, nakita ni Trixie si Alec. Sinabi ni Alec na si Raul ang traydor ng mga Waya. Pinigilan ni Trixie si Alec na umalis dahil mapanganib sa kanya pero sinabi ni Alec na kailangan niyang tulungan si Lyka. Mahal daw niya si Lyka, hindi niya inakalang magmamahal siya ng ganoon.

Nasa mansiyon na ang mga Luna. Nagbibigay ng mga orders si Noah. Sinabi ni Noah na siya ang babaril kay Alec. Pero sinabi ni Gabby na extraction at hindi termination ang orders sa kanila. Sinabi ni Noah na masyado raw mapanganib si Alec kung susundin nila ito. Nakita nilang tumatakbo si Alec at sinundan nila ito.

Naamoy yata ni Alec na may humahabol sa kanya.

Nakarating na sa sementeryo sina Lyka. Sinabi nito sa ina na may ibang tao doon at kailangan na nilang umalis.

Humingi ng tawad si Nessa sa anak at sinabi nitong kailangan niyang gawin iyon. Dumatin si Raul at sinabi ni Nessa na kailangan muna niya ng moment alone with Lyka.

Nacorner ni Noah si Alec at nagtuos sila (uy…I bet part of it ay dahil kay Lyka, hindi dahil Luna at Lobo sila). Gusto kasi ni Noah na sumuko si Alec pero ayaw ni Alec dahil papatayin din naman siya. Dumating sina Gabby at Choy, nabaril ni Gabby si Alec ng tranquilizer gun.

Sumaklolo kay Noah sina Choy at Gabby. Habang inaasikaso ng dalawa ang si Noah, inilabas ni Alec ang cellphone niya at either pinicture-an or nag-video siya ng sarili niya bago siya nawalan ng malay.

Sinabi ni Nessa na ilang beses na raw niyang gustong sabihin kay Lyka. Patawarin daw siya nito. Nagpaltit ng balat si Nessa sa harap ng umiiyak na si Lyka…

Teasers:

Nakipaglaban si Lyka sa mga itim na lobo.

Itinago ni Silva si Alec at ayaw niyang sabihin kung nasaan si Alec.

Gusto ni Silva na kunin lahat ni Anton ng dugo ni Alec kahit ikamatay pa nito (loko mo Silva, kapatid niya yan).

Nakita ni Ylvana ang mag-inang itim na lobo at gusto niyang patayin ang mga ito. Dumating si Nessa at nagtuos sila ni Ylvana (uy maganda na ang damit ni Nessa).

Dinala ni Nessa ang mag-ina kina Rodolfo at binalaan niya ang mga ito sa pagdating ng mga Waya. Mukhang magkakalabanan na ang mga itim at Waya.

Mga Marka: ,

5 Tugon to “Lobo, Episode 83”

  1. annedito Says:

    OMG!!! ang exciting naman. sabi ko na ata magiging bad si nessa…sana hindi matauhan siya. sana si gabby at alec nalang ang magkatuluyan. para maging dugong lobo rin mga anak nila. para lahat sila may lahing lobo na…hehe

  2. ptvj Says:

    feeling ko nga magiging sina alec at gabby. exciting sa monday! waaahhh!

  3. dumbako Says:

    ptvj, thanks for the update. yeheeyy! makapanood ako sa exciting episode bukas dahil off ako! magbarbeque at maglasingan kami ng friends ko dahil memorial day. sarap manood pag lasing dahil maingay! invited ka ptvj kung gusto mong makipglasingan sa amin! hekhekhek…..hic….hic…hic..ooopppss, lashing nha ahta akhoo….

  4. ptvj Says:

    hindi siguro ako makakapunta baka tamarin ako😉

    paki-inom niyo na lang ako. hehe.

  5. No Car Says:

    grabe ptvj todo na ito! ito na ang pinaka highlight ng lobo. nakakabukingan na. sabay sabay ng umaaction ang mga bida at kontra-bida. annedito, sila alec and gabby ba kamo? uummm, oo kinikilig ako kay alec pero kay gabby hindi. naaawa lang ako sa kanya sa role niya ngayon parang hindi naman sikat ang character niya sa lobo. at least si alec pinanag hihinalaan siyang “huling batay” tapos “cute” at pwedeng maging papa. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: