Lobo, Episode 82

by

Nabigla si Noah sa nalaman na lobo si Alec, naalala niya noong niyakap ni Lyka si Alec sa fashion show. Sinabi ni Silva na kahit na inalis siya sa Luna, ipinagpatuloy pa rin niya pag-i-imbestiga. Sinabi nitong isa sa mga pinakamalakas na lobo.

Gusto ni Silva na sundan nila si Alec. Huwag daw nila ito huhulihin hangga’t hindi dumating ang pulang buwan. Itinanong ni Choy kung ano ang pulang buwan at sinabi ni Silva na ayon daw sa nabihag niyang taong lobo dati, iyon daw ang kung kailan nagtitipon-tipon ang mga taong lobo. Doon daw pumatay si Noah hangga’t gusto niya.

Awkward naman sina Lyka at Alec sa isa’t isa. Tinanong ni Alec kung sigurado si Lyka na kailangan nilang gawin ito dahil kinakabahan siya sa ikatlong signos. Matigas ang ulo ni Lyka, gusto daw niyang gawin iyon dahil may mga itim na lobo na pumapatay kapag bumilog na ang buwan.


Ikinulong naman ni Clara si Anton sa kulungan nito dahil bilog na ang buwan. Sinabi ni Anton na kapag hindi siya naging lobo, ibig sabihin mabisa ang gamot. Itinurok ni Anton ang gamot sa kanya.

Sinabi ni Nana Sela marami na ang nalilihis ng landas, kahit ang huling bantay ay nasa kadiliman din, paano daw nito maililigtas ang mga buhay na mamamatay ngayong gabi.

Nasaktan na ang lahat ng mga taong lobo at nagkaroon na sila ng mga marka. Nagtransform pa rin sa pagiging lobo si Anton, pero agad din itong nagkatawang tao.

In pursuit naman sina Noah at Gabby sa mga taong lobo. Gayundin sina Lyka at Alec. Pati na sina Ylvana.

Ipinaalala ni Gabby kay Noah na huwag nitong sasabihin kay Lyka na iniimbestigahan nila si Alec. Nakarinig sila ng sigaw ng isang babae at nakita nilang nilalapa ito ng itim na lobo. Hinabol ni Noah ang itim na lobo.

Pinatay naman nina Ylvana ang itim na lobo

Kinakausap ni Silva si Leon at sinasabi niya na sa kanya na nakikinig si Noah.

Naamoy ni Lyka ang itim na lobo. Naglaban sila at ibinuhos lahat ni Lyka ang galit niya. Pilit nitong tinatanong sino ang pumatay kay Gen. Cristobal.

Pinagbabaril ni Noah ang isang itim na lobo. Noong nagkatawang tao ito, itinanong niya kung sino ang pumatay sa daddy niya. Natigilan si Noah dahil naalala niya si Lyka pati na ang daddy niya. Namatay na ang taong lobo.

Nakaupo sa harap ng gate nina Noah si Lyka. Doon niya naalala noong biglang dumating ang anak na babae ng taong lobong sinaktan niya at umiiyak ang bata. Sinabi nitong huwag niyang sasaktan ang mama niya.

Dumating si Noah at nagyakap sila. Sinabi ni Lyka na ayaw na niyang magalit kay Noah. Sinabi ni Noah na huwag siyang bibitawan ni Lyka. Hindi pa rin sinabi ni Noah na nakapatay siya ng taong lobo, sa halip niyakap niya ng mahigpit si Lyka.

Ikinulong naman nina Lady Elle ang babaeng muntik ng mapatay ni Lyka pati na ang anak nito. Sinabi ni Elle na huwag silang matakot sa kanya pero sinabi ni Alec na hindi nila sila masisisi kung takot sila. (Baka naman makita nina Ylvana iyan, ano ba diyan pa niyo ikinulong).

Ibinalita nina Manolo na apat na itim na lobo ang napatay nina Ylvana at 6 naman ang napatay ng mga Luna (4 na itim, 2 puti).

Naging superman namang bigla si Anton. Naging malakas at malakas ang mga senses niya. Hinaluan daw kasi niya ng dugo ng itim na lobo ang gamot na ibinigay ni Dr. Lee (ibig sabihin hindi ang gamot ni Emil ang ginamit niya?) kaya nalipat sa kanya ang kung ano mang kapangyarihang mayroon ang taong lobong iyon.

Hindi niya alam naka-video sila courtesy of Silva’s tauhan.

Nakausap ni Lyka ang taong lobong inatake niya. Nalaman niyang naging itim na lobo lang ito noong sinugod sila ng mga itim at ipinagtanggol niya ang anak niya. Sinabi nitong hindi ito pumapatay ng tao, ikinukulong nito ang sarili niya at noon lamang siya nakatakas. Naiyak si Lyka, narealize niyang mali siya. Tumakbo ito papaalis.

Samantala, natakot naman si Lara sa House of Elle doon sa painting na parang optical illusion sa opisina ni Lady Elle. Naging prominent and shape ng lobo at nagliliyab ang mga mata nito. Tumakbo ito papaalis at nagisisigaw.

Nakikinig si Nessa sa sa bangayan nina Ylvana at Lady Elle. Naiiyak na ito sa naririnig tunkol sa condemnation nila sa mga itim na lobo. Nakita siya ni Manolo at itinanong kung ano ang nangyayari sa kanya. Sinabi ni Nessa na magulo na ang lahat at nagpapatayan na sila. Sinabi ni Manolo na huwag siyang mag-alala at maaayos din ni Elle ang lahat. Ang pagtuunan na lang daw ng pansin nito ang ang role niya bilang ina ng unang bantay. Sa kanya daw huhugot ng lakas si Lyka kung kaya’t maging malakas daw ito para sa kanya.

Muntik ng mahuli ni Alec si Noah na naglalagay ng device sa sasakyan nito. Pag-alis ni Alec, sinabi ni Noah kay Lyka na layuan nito si Alec dahil mapanganib siya, isa siyang taong lobo.

Pinapanood ni Silva ang video ni Anton. Tuwang-tuwa ito sa napanood. Kita mo raw at ordinaryong lobo lamang pero nagkaroon siya ng lakas ng isang Waya. In a sing-song voice sinabi nitong kapag malakas na siya makikita nilang lahat.

Ipinagtatanggol ni Lyka si Alec kay Noah. Sinabi ni Noah na marami ng siyang napatay na tao. Huwag daw mag-alala si Lyka dahil si Noah mismo ang mag-aalis ng mga panganib sa paligid niya. Sinabi ni Noah na susundan muna nila si Alec for now.

Pinipigilan naman ni Clara si Anton na lumabas dahil hindi pa raw nila ganap na alam kung ano ang epekto ng gamot sa kanya. Gustong puntahan ni Anton si Lyka para sabihing hindi na siya takot na kahit na ipaalam nito ang totoong nararamdaman nito sa kanya dahil malaya na siya sa takot at kaba.

Noong nasa parking lot si Anton, nasense niya na may nagmamasid sa kanya at nilabanan niya ang mga lalaking gustong humuli sa kanya (mukha silang mga army sa Star Wars). Hindi narealize ni Anton na may tranquilizers na nabaril sa kanya at nawalan ito ng malay.

PUmunta si Nessa sa taguan ng mga itim na lobo. Nakita niyang tinutulungan nila ang duguan nilang kasama na tinugis noong nakaraang gabi. Paano raw makakatulong si Nessa sa kanila?

Sinabi ni Rodolfo na dalhin niya doon ang anak niya. Deny to death naman si Nessa na si Lyka ang huling bantay. Biglang dumating si Raul at nalaman ni Nessa na magkapatid sina Rodolfo at Raul.

Na kay Nessa raw ang kapagnyarihan para mailigtas ang mga itim. Kapag nasa kanila daw ang huling bantay, hindi na sila magagalaw ng mga itim. Sinabi ni Rodolfo na kagatin daw ni Nessa si Lyka.

Teasers:

Nakulong si Anton.

Iniisip ni Nessa ang sinabi ni Rodolfo.

Hinahabol nina Gabby si Alec.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: