MALIGNO – Episode 18

by

“MAMAHALIN O PAPATAYIN?”

Pag gising ni Angela ay nandoon na si Angelo sa kwarto nila, naka-ready na to go to school. Humingi nang sorry si Angela dahil hindi sya nagising nang maaga. Dumating si Hector at sinabing si yaya nalang daw ang maghahatid kay Angelo sa school. Meron na din daw tinawagan si Hector para may makasama si Angela sa bahay – si Charlie. Sinabi ni Charlie na tinawagan daw sya ni Hector para may makasama si Angela, nag-leave daw sya sa work for one week.

Nagising si Joaquin (nag-stay sya sa condo ni Elaiza) dahil ginising sya ni Elaiza. Umiiyak parin si Elaiza at tinanong sya ni Joaquin kung ayaw ba nitong magsumbong sa pulis? Umiiyak na sinabi ni Elaiza na kung nakita lang daw ni Joaquin ang nagtangkang pumatay sa kanya, hindi sya pupunta sa pulis kundi sa simbahan.

Hindi naniniwala si Joaquin kay Elaiza na isang halimaw ang gustong pumatay sa kanya. Medyo nagalit si Elaiza, at kung hindi daw naniniwala si Joaquin ay makakaalis na daw ito. Nakiusap din si Elaiza kay Joaquin na hindi nya pwedeng sabihin na buhay sya, dapat daw isipin nila (yung mga gustong pumatay sa kanya) na nagtagumpay sila. Tinatanong ni Joaquin kung sinong “sila?” Sinabi ni Elaiza na may natuklasan daw syang hindi dapat malaman.

Nakipagkita si Hector kay Dumlao at pinaalam nya na nasa morgue na si Lucas. Sinabi ni Dumlao na mabubuhay ulit si Lucas sa kaarawan ni Angelo, kasama nang mga kasapi nilang namatay din. Nag-flashback kay Hector kung paano namatay ang kanyang mga magulang (sya pala ang anak nang mga dating kasapi na gustong tumakas sa kulto, sya din ang batang kasama noon ni Rio Locsin para tumakas); ang ama ay nasagasaan nang bus, at ang ina nya ay namatay dahil tumusok sa ulo ang sign sa may railroad.

Tinanong ni Dumlao kung ano ang iniisip ni Hector, sinabi nya na iniisip nya ang kanyang mga magulang. Sinabi ni Dumlao na hindi daw sila makakasama sa pagkabuhay muli dahil mga walang utang na loob daw ang mga magulang ni Hector. Ilang taon daw silang nagdasal sa Diyos para gumaling ang leukemia ni Hector, pero pinakinggan ba daw sila nang Diyos? Samantalang nung nagdasal sila sa kanilang “panginoon”, agad pinagbigyan ang kanilang dasal kaya kasama pa nila hanggang ngayon si Hector. Pero ano daw ang ginanti nila? Sinabi ni Hector na hindi dapat naging traydor ang kanyang mga magulang. Sabi ni Dumlao na hindi na dapat sila iniisip ni Hector. Ang dapat na iniisip daw ni Hector ay ang mga kasapi dahil sila na ang pamilya nya magpakailanman. Kaya nga daw tumatanaw sya nang utang na loob dahil kinupkop sya nung wala syang pamilya. Sinabihan sya ni Dumlao na habang wala si Lucas ay sila ang mangangalaga para matupad ang prophecy.

Inexplain ni Elaiza kay Joaquin ang nadiskubre nya – na sila Lucas at Angela ay itinakda para mabuo si Angelo – na anak daw nang demonyo, ang sabi ni Elaiza. Tinanong ni Joaquin kung demonyo din sila Lucas at Angela. Base sa nakuha nyang informations, sabi ni Elaiza ay totoo pala. Sinabi ni Elaiza na pinapapatay sya ni Angela sa kanyang mga alagad para maitago ang sikretong iyon. Ang pinagtataka ni Joaquin na kung gusto syang patayin ni Angela, bakit pina-pulis pa sya nito?

Sabi ni Elaiza na pag natagpuan daw sya na nagbigti, iisipin daw nang lahat na guilty sya sa mga accusations ni Angela, at para hindi na kumalat ang tungkol sa angkan nang demonyo. Biglang nilabas ni Joaquin ang cd/dvd na nakuha nya nung makalimutan ito ni Elaiza sa may video room, at sinabing kailangan nyang panoorin iyon para malaman nya ang lahat (hindi pa kasi napapanood ni Elaiza ang kabuuan nang video na iyon.)

Kinuwento ni Angela kay Charlie ang nalaman nila tungkol kay Elaiza, nagalit si Charlie dahil pinakawalan lang daw ni Angela si Elaiza nang ganon-ganon lang. Inamin daw sa kanya ni Elaiza na gusto nitong sirain ang buhay nya, pero hindi para kidnapin at ipapatay si Angelo. Hindi agree si Charlie kay Angela, baka daw kasi nagi-guilty ito doon sa ginawa nyang reports tungkol sa nanay ni Elaiza, wala naman daw itong kasalanan sa paghuhusga nang mga tao noon. Sumagot si Angela na meron, dahil kung hindi nya ginawa ang report na iyon, dapat hindi daw pinatay ang nanay ni Elaiza. Biglang dumating si Dumlao.

Sinamahan sila ni Dumlao sa morgue at pinakitang patay na si Lucas. Nagpasalamat sa Diyos si Angela. Natuwa din si Charlie dahil matatahimik na ang buhay ni Angela dahil nabuking na daw si Elaiza at patay na si Lucas. Sinabi ni Lucas na nagtataka daw sya dahil bakit hindi daw pinakulong ni Angela si Elaiza, samantalang umamin ito na may binabalak ito sa kanya. Sumagot si Angela na sa kanya ay may balak si Elaiza, pero sa kanyang anak, wala. Madali daw maniwala si Angela, sabi ni Dumlao, pero huwag daw itong mag-alala dahil takot na daw ito ngayon at hindi na sya gagambalain pa.

Nang pinanood nila Elaiza ang video, nakita nya na bumisita si Hector kay Lucas, napagtagpi-tagpi nya na magkakasabwat sila Lucas, Hector at Angela para protektahan ang anak nang demonyo. Muli ay nagtaka at nagtanong si Joaquin – kung alam daw iyon ni Angela, bakit kailangan pa syang raypin ni Lucas? Paano daw kung walang alam si Angela at sine-set up lang daw sya? At magkasabwat si Lucas at si Hector? Sabi ni Elaiza na imposible daw na walang alam si Angela. Sumagot si Joaquin na baka hindi lang si Elaiza ang biktima.

Pauwi na si Hector at humarang si Rio Locsin sa padaan nyang kotse. Binusinahan sya ni Hector para tumabi pero hindi sya gumalaw. Bumaba nang kotse si Hector at pinagalitan si Rio Locsin. Kalmadong sinabi ni Rio Locsin na kung hindi daw isa sa kanila si Hector, umalis na daw ito bago magdilim, sabay alis. Napansin ni Hector na nasa tapat pala sya nang lumang simbahan. Nag-flashback sa kanya ang pagdarasal nang kanyang mga magulang para gumaling lang sya. Napapagod na ang kanyang ama dahil matagal nang humihiling sa Diyos na sana ay gumaling na si Hector. Ang ina ni Hector ay sinasabi na kailangan nilang manalig sa Diyos dahil may awa ito. Pero ang ama nya ay puno nang pagdududa sa Diyos.

Pauwi na sila Charlie at Angela, nagkukuwentuhan sila tungkol sa magandang buhay ni Angela. Sabi ni Charlie ay kung tutuusin ay tapos na ang problema ni Angela, pero sabi ni Angela na hindi sya mapalagay. Siguro daw ay hindi sanay si Angela sa buhay na tahimik, sabi ni Charlie, at kung gusto nito nang buhay na magulo ay ibabalik nya si Angela sa Manila at bumalik daw ito sa pagiging Angela Cortez, umayaw naman si Angela. Tama daw ang naging desisyon nya na iwan ang lahat para sa asawa nya.

Pagdating ni Hector sa bahay ay kumakain na si Angelo. Tinanong agad sya ni Angelo kung pumunta sya sa simbahan, sabay tinitigan sya nang masama. Nagulat si Hector dahil alam ni Angelo. Tinanong nya kung nasaan ang mommy nito, sumagot si Angelo na pinuntahan daw ang daddy nya. Biglang dumating si Angela kasama si Charlie. Humingi nang sorry si Angela kay Hector dahil hindi daw sya nakapagpaalam.

Sa kwarto nila, bago matulog ay sinabi na ni Angela na patay na si Lucas. Matagal daw syang natakot at iniisip na baka totoo ang sinasabi sa kanya ni Lucas, pati kay Angelo. SAbi naman ni Hector na bakit pinaniniwalaan ni Angela ang isang baliw?

Umiiyak na sinasabi ni Angela na matagal daw syang nagtiis sa takot, takot na baka isang araw ay baka mawala sa kanya si Angelo. Hindi daw dapat pinapaniwalaan ni Angela ang mga ganong klaseng tao at wala na dapat itong ikatakot, sabi ni Hector. Natiis daw ni Angela ang lahat nang takot na iyon dahil nandoon daw si Hector, at dahil sa pagmamahal nito para sa kanya at kay Angelo. Buong buhay daw magpapasalamat si Angela kay Hector. Niyakap ni Hector ang asawa, at nauwi sa loving-loving (natuloy naman sa wakas – ara) Pagkatapos mag-loving loving, habang natutulog si Angela ay nakatingin sa kanya si Hector at umiiyak.

Nanaginip si Angela at nagising, kaya bumangon sya. Nagising din si Hector at nakita si Angela na umalis nang kwarto. Nagpunta si Angela sa storage at may hinanap – hinanap nya ang kwintas na bigay ni Lucas. Si Hector naman ay kinuha nya ang kanyang kwintas at pumunta sa banyo para i-flushsa toilet. Si Angela ay pumunta sa may pool side para sunugin ang kwintas.

Dinelete na ni Angela sa kanyang computer ang lahat nang files nya tungkol kina Lucas at David. Nagulat sya dahil biglang dumating si Hector sa may likuran nya. Niyaya syang matulog ni Hector, nagsorry ito dahil nagulat nya si Angela. Pag-alis nang mag-asawa ay lumabas si Angelo, may galit sa mukha nito dahil hindi nya nagugustuhan ang mga nangyayari.

“And I am convinced that nothing can ever separate us from God’s love. Neither death nor life, neither angels nor demons, neither our fears for today nor our worries about tomorrow; not even the powers of hell can separate us from God’s love.” – Romans 8:38

Teasers:

– Nakita ni Angela ang mga drawings ni Angelo, tinanong nya kung nakapunta na ba ito doon.

– Pumunta ang mga kasapi sa kulto sa bahay ni Hector at tinanong nya kung ano ang ginagawa nang mga ito doon. Dumating si Dumlao at sinabing sya ang binabantayan nila. Biglang dumating si Angelo, nagsipag-luhod ang lahat. Tinanong ni Angelo si Hector kung tapat pa ba daw ito. Sumagot si Hector na tapat parin. Tanong ni Angelo kung kanino? Sa kanya o kay Angela?

– Kausap ni Angelo ang malignong bantay habang may hawak na patalim. Sinasabi nya sa malignong bantay na baka katulad din si Hector nang kanyang mga magulang, baka traydurin din daw sila.

Mga Marka: ,

Isang Tugon to “MALIGNO – Episode 18”

  1. annedito Says:

    yey! good na ulit si boyfriend diether…hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: