Lobo, Episode 81

by

Sinabi ni Noah na pinatay ng mga halimaw na iyon ang daddy niya at kahit anong sabihin ni Lyka hindi magbabago ang isip niya. Dumating si Zoe at naabutan niyang nagtatalo ang dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ni Noah kay Lyka. Umalis na umiiyak si Lyka.

Kinakausap ni Silva ang picture ng tatay niya. Ibinabalita niya dito na malapit na siyang magtagumpay, malapit ng sumali sa kanila si Noah. Kailangan niya si Anton para maisalin sa kanya ang lakas ng huling bantay pero hindi pa niya alam kung sino iyon. Ngunit alam niyang may isang nakakaalam: si Eleonora.


Binisita ni Nessa si Anton. Mula dito nalaman niyang nasa final stages na ang “project” ni Anton. Nagpaalam na si Nessa noong dumating si Clara, pero bago siya umalis itinanong niya sa kapatid kung hindi ba nito kukumustahin si Lyka. Sinabi nitong maraming pinagdadaanan si Lyka ngayon at kung sana buo ang pamilya nilang sumusuporta sa kanya para sa mga pagsubok na ito.

Ipina-realize ni Zoe kay Noah na hindi tama ang ginagawa niya kay Lyka. Sa lahat daw ng ginawa ni Lyka these past few days para sa kanila, pinaiyak pa niya ito.

Sinabi ni Lyka kay Trixie ang nangyari, Sinabi nitong hindi na siya matatanggap ni Noah. Dumating si Alec at sinabi ni Lyka na tutulong siya sa paghahanap sa pumatay kay Leon, baka that way mabawasan ang galit ni Noah sa kanya pag nalaman niyang taong lobo din siya. Nauna na itong umalis. Sinabi ni Trixie kay Alec na protektahan niya si Lyka. Sinabi ni Alec na alam naman ni Trixie na kahit anong mangyari puprotektahan niya si Lyka.

Sinadya ni Noah si Lyka. Sumilip ito sa gate at nakita niyang papaalis sina Lyka at Alec. Hindi na ito nagpakita, sumakay na lang siya sa kotse niya at nagmaneho papaalis.

Nasa isang liblib na lugar sina Alec at Lyka. Kausap ni Lyka si Anton at kinukumusta siya. Sinabi ni Lyka na puntahan na lang siya ni Anton sa bahay nina Lady Elle para makita naman sila. Itinanong ni Lyka kay Alec kung bakit naroroon sila, sinabi ni Alec na may namamataan daw ang mga residente doon na itim na lobo.

Baka raw ito ang pumatay kay Leon o baka kilala nito ang pumatay. Organizado din daw kasi ang mga itim at kilala nila ang isa’t isa.

Hindi maintindihan ni Lyka kung bakit pinatay si Leon samantalang kapakanan naman ng mga itim na lobo ang ipinaglalaban nito. At paano raw nalaman ng mga itim na lobo ang pag-uusap na nangyari. Sinabi ni Alec na matagal na nilang alam na may traydor sa pulong pero hindi pa nila alam kung sino. Pinasundan na ni Alec ang Waya Council pero masyado silang matinik at nalalaman nila kaagad. Pero hindi pa rin siya sumusuko, magkakamali daw sila ng galaw sooner or later.

Naglalakad si Nessa at nagpalit siya ng balat. Naamoy ni Lyka ang isang itim na lobo, nagpalit sila ng balat ni Alec (Naku, wala na naman silang damit later niyan).Nakagat ng isa sa kanila si Nessa.

Kinausap ni Lady Elle si Raul at sinabi nito sa kanya na gusto niyang sabihin nito sa kanya ang lahat ng galaw ng mga Waya laban sa mga itim na lobo. Baka makahanap daw siya ng paraan para hindi dumanak ang dugo sa lahi nila.

Nagpasalamat si Raul sa malasakit ni Elle sa mga itim na lobo. Nagpasalamat din si Elle pero itinanong niya kay Raul kung bakit may malasakit si Raul sa mga itim. Sinabi ni Raul na maraming kuwento sa pamiya at mga kamag-anak tungkol sa mga itim na lobo na hindi sinasadyang maging itim pero itinulak ng pagkakataon (Mukhang nakasense naman si Lady Elle).

Pinapabantayan naman ni Silva si Anton sa isang tauhan. Pagbaba ng telepono, may bisitang dumating.

Pag-uwi ni Lyka, nakita niyang ginagamot ni Nessa ang sugat niya. Nag-alala naman si LYka sa tungkol sa sugat ng ina. Nagdahilan si Nessa na nasagi siya ng mga alambre sa may likuran ng bahay. Sinabi na ni Lyka sa ina kung saan siya nanggaling.

Hindi na raw alam ni Lyka kung ano ang gagawin niya tungkol sa kanila ni Noah. Sinabi ni Nessa na iparamdam lang daw niya kay Noah na mahal niya ito at naroroon siya para sa kanya.

Nasa House of Elle naman sina Lady Elle at Alec at inirereport ni Alec ang nangyari. Pamilyar daw sa kanya ang amoy ng itim na lobo pero hindi iyon ang lobong nasa fashion show. Nasa isang sulok si Silva at pinapanood sila (bakit hindi nila naaamoy si Silva?). Nakita niya si Alec at naalala niya ang picture ni Remus. Akala niya si Remus ang Ikalawang Huling Bantay.

Pinuntahan ni Lyka si Noah. Nag-sorry si Noah at sinabi ni Lyka na okay lang daw. Maraming pinagdaanan si Noah at kailangan daw na nagkaroon siya ng mas mahabang pasensiya. Inamin naman ni Noah na mula noong namatay ang Daddy niya na masyado siyang nagpapadala sa galit niya.

Gumawa daw siya ng hakbang para hindi na mangyari iyon. Pumayag na raw siya na maging sundalo ni Gen. Silva. Nabitawan ni Lyka ang kamay ni Noah. Sinabi ni Noah na iyon lang daw ang dahilan para magkaroon siya ng katahimikan.

Sinabi ni Lyka na hindi dapat pagkatiwalaan si Silva. Alam daw iyon ni Noah. Paano na raw ang sinabi ni Leon na hindi lahat ng mga taong lobo masasama. Sinabi ni Noah na nakita nilang pareho ang video. Lahat daw sila mga halimaw. Sinabi ni Lyka na kahit kailan hindi raw siya magiging okay sa desisyon ni Noah.

Pag-uwi ni Lyka, sinabi Lady Elle na kailangan ng lumayo ni Lyka kay Noah dahil delikado na. Baka malaman ni Noah na taong lobo siya. Sumang-ayon naman si Alec. Ayaw pumayag ni Lyka, kaya nga raw tumutulong siya sa paghahanap sa pumatay kay Leon, para mawala daw ang galit niya. Kung kailangang isa-isahin nito ang mga itim na lobo, gagawin daw niya.

Sinabi ni Manolo na habang ginagawa ni Lyka iyon, labas masok naman si Noah sa House of Elle. Kailangan daw nila itong sisantehin. Sinabi ni Lyka na walang tiwala kay Silva si Noah at sinabi rin niya na siguradong maghihinala si Noah kung papaalisin siya dahil malaki na ang hinala niya kay Manolo at sa House of Elle. Pinababantayan naman daw siya nina Elle so malalaman nila ang bawat kilos nito. Reluctantly, sinabi rin ni Lyka na gagamitin niya ang relasyon nila para malaman ang bawat galaw ni Noah.

Kinakausap naman ni Silva ang picture ni Remus, sinabi niyang kamukhang kamukha niya si Alec. Pagkatapos daw ng pulang buwan kukunin niya ang lakas at kapangyarihan nito.

KUmatok sa pintuan si Gabby, na siya namang ikinabigla ni Silva. Sinabi ni Gabby na nagkamali siya at napatunayan iyon ng pagkamatay ni Leon. Sinabi ni Silva na kinalimutan na niya ang lahat ng iyon, akala daw niya at nag-iisa na lang siya sa laban niya. Niyakapa niya si Gabby at sinabing “Salamat, Anak.”

Sinabi ni Lyka kay Elle na babalik sila sa kung saan nila nakita ang itim na lobo. Ipinaalala ni Lady Elle na bilang huling bantay, kailangan nitong isipin ang kapakanan ng LAHAT ng mga lobo. Ipinaalala ni Elle ang sinabi ni Nana Sela na hindi lalabas ang Bato ni Remus kung hindi pa naayos ang lahat.

Sinabi ni Lyka na sinira ng mga itim na lobo ang plano niyang makasama si Noah at ang mga magiging anak nila. Kaya kung gusto daw nila ng laban, laban ang ibibigay niya sa mga itim na lobo.

Nakikinig lang si Nessa sa usapan at nilapitan niya si Lady Elle pag-alis ni Lyka.

Umiiyak na sinabi ni Elle kay Nessa na binigo niya silang lahat. Hindi raw magpapakita ang Bato ng Remus dahil may galit sa puso ni Lyka, mamamatay na ra silang lahat.

Habang nasa sasakyan sina Lyka, sinabi niya na unti-unti ng hinihugot ng mga Luna mula sa kanya si Noah. Sinabi ni Alec na hindi raw ba naisip ni Lyka na mas magiging madali kung sa kapwa lobo na lang daw siya nagkagusto (uy, nagpaparamdam). Hindi na-gets ni Lyka na seryoso si Alec.

Sinabi ni Alec na maging proactive daw si Lyka. Proactive naman daw siya, sabi ni Lyka or else nasa bahay lang siya nagmumukmok. Hindi naman daw siya umiiyak. Sinabi ni Alec na pwede siyang umiyak kaya naiyak na ito. Niyakap ni Alec si Lyka at hinalikan niya ito sa ulo. Nabigla si Lyka pati na si Alec kaya kumawala si Alec.

Ino-orient naman ni Choy si Noah tungkol sa mga taong lobo. Itinanong ni Noah kung may naka-encounter na ba silang mga lobong hindi mapanganib. Sinabi ni Choy na may isang babaeng lobo an mukhang anghel, umiyak pa ito pero pinatay din niya ang isa sa mga kasamahan nila. Iyon daw ang laging tatandaan ni Noah.

Nasabi ni Noah na iyon na nga raw ang sinasabi niya kay Lyka pero hindi nito naiintindihan.

Biglang dumating si Silva, sinabi nitong hinding-hindi nito maiiintindihan. Hindi raw ba nito naisip na maaring hindi na objective si Lyka at nilason na ng mga taong lobo ang pag-iisip niya. Sino raw ba ang pinagsu-suspetsahan nila?

Sinabi ni Silva na isa lang ang kumpirmadong lobo sa House of Elle, si Alec Aragon.

Teasers:

Sinabi ni Silva na hihitayin nila ang pulang buwang bago nila patayin si Alec.

Dumating na ang ikatlong signos.

May pinagbabaril na itim na lobo si Noah.

Mga Marka: ,

5 Tugon to “Lobo, Episode 81”

  1. annedito Says:

    quick question lang, hindi ba nagtataka si noah or the rest of his LUNA posse na may guhit (scar) si silva? do they even question kung bakit ganun yung itsura niya? kasi sa itsura palang niya mukhang lobo na kahit hindi nagpapalit ng balat eh.

  2. ptvj Says:

    hahahaha! oo nga siya lang ang pangit na taong lobo dun. lol. pero hindi ko alam ang sagot sa tanong mo😀

  3. No Car Says:

    meron lang ako napansin sa mga episode lastweek.
    noon nasa fashion show sila, tumawag si gen.silva kay noah. and noah recognized gen.silva’s voice. kasi na kwento ni noah kinabukassan kay leon na gen. silva was bothering noah over the phone during the fashoin show.
    pero noon pinapatay si leon ni gen silva, tumawag din uli siya kay noah. pero sa pagkakkausap nila hindi na nakilala ni noah ang voice ni gen. silva. Eh iyon pa naman ang importanteng tawag. dapat alam na ni noah kung sino agn pumatay kay leon.
    ano masesey niyo po doon?

  4. ptvj Says:

    no car, baka naman noong namatay is leon dinayal lang ni silva ang phone tapos ungol lang ni leon ang naririnig niya or baka naman dinisguise nito ang boses niya.

  5. No Car Says:

    ptvj, parang naaalala ko kinausap ni gen.silva si noah bago pinakausap ni silva si leon na parang naghihinalo na siya. tapos ang diaolog pa ni noah kay silva. “sino ka mapakilala ka” something like that. susubukang kong panonoorin uli. para malaman kung irregularities or inconsistent and pagkakagawa ng kwento. 😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: