MALIGNO – Episode 17

by

“ELAIZA, KATAPUSAN MO NA!”

Na-shock si Joaquin sa nakita sa screen nang camera. Napansin nila na parang may problema, tinanong nang fan kung sira ang camera. Humingi naman nang sorry si Joaquin at pinagpatuloy ang pag-take nang picture. Nang umalis na ang fan, napansin ni Elaiza na balisa parin ito, tinanong nya kung ok si Joaquin. Sinabi ni Joaquin na parang may nakita sya.

Hinatid ulit ni Joaquin si Elaiza sa office. Tinanong nya si Elaiza kung sigurado ba itong ayaw pa nitong umuwi. Inalok ni Joaquin na sasamahan nalang nya si Elaiza, pero tumanggi ito at sinabing mas makakapag-trabaho sya kung mag-isa lang sya. Tinanong ni Joaquin why is Elaiza pushing him away? Sinabi ni Joaquin nung umalis daw si Angela ay ok na ok sila, tapos bigla-biglang naging cold daw si Elaiza sa kanya. Medyo nairita si Elaiza kay Joaquin. Hinulaan ni Joaquin na baka daw hindi pa tinitigil ni Elaiza ang kaso ni Angela. Hindi sumagot si Elaiza. Akala daw ni Joaquin ay titigilan na ni Elaiza si Angela.

Gusto sanang sumagot ni Elaiza, pero sarcastic na nag-goodnight nalang sya kay Joaquin, sabay alis. Pag-akyat ni Elaiza, may aksidenteng bumangga kay Joaquin – isang lalaking naka-black jacket. Habang papunta naman sa office si Elaiza ay parang na-sense nyang sumusunod sa kanya. Nagtago si Elaiza at hinanda ang maliit nyang knife. Papalapit na ang lalaki at nakita nya si Elaiza. Sumigaw si Elaiza na hawak ang maliit na knife. Nahimasmasan ito dahil ang sumusunod pala sa kanya ay yung hired investigator nya para sa kaso ni Angela. Binigay nang lalaki kay Elaiza ang video surveillance ni Lucas sa mental hospital. Binayaran agad sya ni Elaiza. Nagtanong ang lalaki kung bakit kailangan iyon ni Elaiza, nainis na sinagot sya ni Elaiza na binayaran nya ito para sa video hindi para magtanong.

Habang nasa video room, pinapanood ni Elaiza ang video ni Lucas, ninerbyos ito dahil tumingin sa kanya si Lucas na parang alam nyang pinapanood sya (samantalang past na iyon.) Pinatay na ni Elaiza ang video, nagulat sya dahil biglang may humawak sa balikat nya – si Joaquin lang pala. Nagalit si Joaquin dahil hindi pa daw tumitigil si Elaiza samantalang nasa kanya na ang lahat. Sinabi ni Elaiza na gusto nyang magdusa si Angela at ayaw nyang maging masaya ito. Sabi ni Joaquin na sarili lang daw ni Elaiza ang pinaparusahan. Mahal na mahal daw nya si Elaiza at alam daw nya na kaya syang mahalin nito kung tatanggalin lang ni Elaiza ang galit sa puso nya. Hindi sya sinagot ni Elaiza at kinuha na ang mga gamit at nagpaalam na kay Joaquin. Pag-alis ni Elaiza, binuksan ni Joaquin ang video at nakalimutan pala ni Elaiza kunin iyon. Naisip ni Joaquin si Hector habang hawak ang video.

Papaalis na sila Hector at Angela, nagtataka si Angela kung bakit daw sya gustong siraan ni Elaiza. Sinabi ni Hector na si Elaiza lang daw ang makakasagot nito at papunta na si Dumlao para hulihin si Elaiza. Nagtataka talaga si Angela dahil wala naman daw syang nagawa kay Elaiza para pagtangkaan nito ang buhay ni Angelo. Ang first attempt daw nang pag-kidnap kay Angelo ay nine years ago at bata pa si Elaiza noon, at wala pa ito sa network. Sinabi ni Hector na may hinala sya na may kamag-anak si Elaiza na gumawa noon at pinagpapatuloy lang nya ngayon. Hindi na kumibo si Angela.

Pumunta si Dumlao sa condo ni Elaiza at may dalang search warrant. Natakot si Elaiza at tinanong kung bakit may search warrant sya. Sinabi ni Dumlao na under suspicion daw sya sa attempt nang buhay ni Angelo. Ninerbyos si Elaiza at tinanong kung sino naman daw ang nag-imbento nun. Isasara sana ni Elaiza ang pintuan, kaya lang ay biglang tinulak pabukas iyon ni Angela (kasama si Hector.) Mas lalong kinabahan si Elaiza.

Nagsimula na ang pag-search sa bahay ni Elaiza. May nakita silang mga files tungkol kay Angela, pinagbintangan nilang stalker nga si Elaiza. Pinapaamin ni Dumlao si Elaiza na sya nga ang pumunta dati sa school ni Angelo at nag-iinterview sa mga estudyante tungkol kay Angelo. Tinanong ni Angela kung bakit iyon ginagawa ni Elaiza. May nahanap pang isang box na mga clippings at report tungkol kay Angela, may cd ding nakuha at tinanong ni Angela kung paano iyon nakuha ni Elaiza.

Pinanood nila ang cd at iyon ay tungkol sa report ni Angela tungkol sa nagpakamatay na mangkukulam. Nahulaan ni Angela na nanay ni Elaiza ang mangkukulam. Umiiyak na sinabi ni Elaiza na dahil daw sa ratings, hindi alam ni Angela na nakakasira na sya nang buhay nang iba. Naluha din si Angela at sinabi kay Elaiza na kahit galit sya ngayon ay ayaw nyang isipin na pinagtangkaan ni Elaiza ang buhay ni Angelo. Inamin ni Elaiza na kung may kasalanan man sya ay yun ang gusto nyang sirain ang buhay ni Angela. At hinding hindi daw sya titigil hangga’t hindi nya nagagawa iyon. Buo na daw ang report nya at ikakalat nya sa lahat na demonyo ang nang rape sa kanya at totoo ang binibintang nang mga tao na demonyo si Angelo. Nagalit si Angela at paano daw mapapaniwala ni Elaiza ang mga tao sa kabaliwan nya? Sinagot sya ni Elaiza na kung paano daw nagawa ni Angela na mapaniwala ang mga taong mangkukulam ang nanay nya – ganon din daw ang gagawin nya. Sinabi ni Angela na huwag sirain ni Elaiza ang buhay nya. Sumagot si Elaiza na matagal nang sira ang buhay nya, pinagbintangan ang nanay nya na mangkukulam dahil kay Angela, at namatay ang nanay nya dahil daw kay Angela. Galit na galit si Elaiza at sinabing mas masama pa daw si Angela sa anak nyang demonyo. Nag flashback kay Elaiza ang nangyari sa ina nung hinahabol sya nang mga tao at sinasaktan. Tinanong ni Angela kung ano ang pinagkaiba ni Elaiza ngayon sa kanya, sa mga pinaggagagawa nito ngayon? At saang parte daw nang puso nya ang nagsasabing tama sya at nananalo sya? Walang nasabi si Elaiza, umalis na sila Angela. Pag-alis nila ay nagwala si Elaiza sa galit at nag-iiiyak.

Sa kwarto naman ni Angela ay pinanood nya ang report nya na ginawa tungkol sa pagkamatay nang mangkukulam. Nagflashback sa kanya na nakita nyang nagbigti ang mangkukulam at may nakalagay na paskil na “mangkukulam ako.” Pumasok sa kwarto si Hector at nakitang umiiyak si Angela. Inamo nya ang asawa.

Sa kwarto naman ni Elaiza ay patuloy parin sya sa pag-iyak sa galit. Biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw at natakot sya. Bumaba sya nang living room at nakita nyang bukas ang pintuan nang condo nya. May naramdaman syang kumilos sa loob nang bahay at nakita nyang natumba ang isang silya at may rope (noose) na nakasabit. Nagulat sya dahil lumabas ang maligno at napaatras sya. Umeksakto sya sa rope, kusang humigpit at inangat sya, binibigti si Elaiza. Dumating si Joaquin sa condo ni Elaiza, since bukas ang pintuan, pumasok si Joaquin at nagulat sya sa nakita dahil nakabigti si Elaiza. Mabuti nalang at hindi pa patay si Elaiza.

Nag-report si Dumlao kay Lucas at sinabing iisipin daw nang lahat na nagpakamatay si Elaiza. Makukumbinsi daw si Angela na ito ang may kasalanan nang lahat at matitigil na sa pag-iimbestiga tungkol kay David. Sinabi ni Lucas na meron pang kailangang mamatay para matahimik si Angela. Nagtaka naman at tinanong ni Dumlao kung sino. Sinabi ni Lucas na sya daw, at magkikita nalang daw silang muli ni Dumlao sa kaarawan ni Angelo. Nagulat si Dumlao nang magbaril sa sarili si Lucas sa harapan nya mismo nang walang pasabi-sabi.

“The God of peace will soon crush Satan under your feet. May the grace of the Lord Jesus be with you.” – Romans 16:20

Teasers:

– Nagagalit si Charlie kay Angela dahil pinaglapas lang daw ni Angela si Elaiza nang ganon ganon lang daw at wala daw kasalanan si Angela sa mga nangyari sa nanay ni Elaiza. Sinabi ni Angela na meron daw, kung hindi nya ginawa ang report.

– Humarang si Rio Locsin sa padaang kotse ni Hector. Bumaba si Hector at nagalit kay Rio Locsin. Kalmadong sinabi ni Rio Locsin na umalis na ito bago pa magdilim. Pag-alis ni Rio Locsin ay lumingon si Hector at malapit lang pala sya sa simbahan.

– Pag-uwi ni Hector ay kumakain si Angelo. Tinanong ni Angelo si Hector kung nanggaling ito sa simbahan, sabay tinitigan nang masama ni Angelo si Hector.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: