Lobo, Episode 80

by

Na-shock sina Lady Elle sa ibinalita ni Lyka na pagkamatay ni Leon. Sinabi na rin niya na puting lobo ang nasa video pero sigurado siyang tinakot lamang ito ng mga itim na lobo para sumunod sa gusto nila. At ngayong itim na rin ang puting lobo dahil nakatikim na ito ng dugo ng tao. Ngayon, galit na galit na si Noah sa lahat ng mga taong lobo. Sinisisi ni Lyka ang lahat ng mga nangyari sa mga itim na lobo dahil nawala na ang kakarampot na pag-asa niyang matanggap siya ni Noah.

Binabangungot naman si Zoe. Pinuntahan ito ni Noah inalo niya ang iyak ng iyak na kapatid. Nangako si Noah na pupurotektahan niya ang kapatid.

Tuwang-tuwa naman si Silva (Sino ba tong artistang ito, para siyang tumutula). Nararamdaman raw niya ang galit sa dibdib ni Noah. Ito raw ang magdadala sa tagumpay niya laban sa huling bantay.

Umiiyak din si Lyka sa ina. Sinabi nitong napakabait ni Leon kahit na noong una akala nito halimaw siya pero natanggap pa rin siya nito. Sinira na raw ng mga itim na lobo ang pag-asa niya.

Problemado naman si Elle. Sa pagkamatay ni Leon, nawalan na sila ng pag-asa na makipagkasundo sa mga kaaway. Paano na raw ang pulang buwan, paano lilitaw ang bato (Hay naku, makinig ka kasi sa akin Eleonora, ang mga itim na lobo ang tinutukoy na kalaban ni Nanay Sela, makipagkasundo na kayo). Sinabi ni Manolo na magiging mas matindi ang pag-atake sa kanila ng mga Luna kaya dapat silang maghanda ng depensa.

Galit na galit na sinugod ni Nessa ang mga kuta ng mga itim na lobo (naks baka magkatuluyan kayo ni Rodolfo, ha Nessa). Nilabanan siya ng ibang itim na lobo pero wala silang panama sa lakas ni Nessa. Sinakal ni Nessa si Rodolfo, sino raw ang pumatay sa taong magbibigay sa kanya ng katahimikan at magbibigay ng pagkakaton na matatanggap silang mga itim. Bakit daw niya pinatay si Leon?

Sinabi ni Rodolfo na hindi nila kilala ang lahat ng mga itim na lobo (bahag ang buntot ni Rodolfo, ngayon palang under na siya kay Nessa), at hindi sila gagamit ng puting lobo para lang pumatay ng tao.

Habang sakal-sakal pa rin ni Nessa si Rodolfo, sinabi nito na bakit niya papatayin ang taong magbibigay sa kanila ng sinasabing pag-asa ni Nessa (oooh, I can feel the sexual tension between them LOL). Ayaw maniwala ni Nessa.

Maswerte daw si Nessa dahil hindi pa alam ang tungkol sa kanya. Sinabi ni Nessa na hindi raw siya tatalikuran ng pamilya niya. Sinabi ni Rodolfo na tumingin raw si Nessa sa paligid niya, lahat daw sila tinalikuran ng mga pamilya nila. Alam daw nito kung saan sila hahanapin kung nagbago na ito ng isip.

Sa pulong ng mga Waya, nababahala ang mga miyembro sa mga ibinigay na impormasyon ni Elle kay Leon baka raw nasa kamay na ito ng mga Luna. Sinabi ni Elle na wala raw na ibinigay na info si Elle na babalik sa kanila. Sinisisi siya ni Ylvana. Huwag na raw silang magsisihan, sabi ni Elle. Pinagkatiwalaan daw niya si Leon at hindi siya nagsisisi sa ginawa, pero may isang walang pusong lobo ang umatake dito. Kailangan raw nilang maghanda ng depensa.

Naroroon sina Tikboy at Yani sa bahay nina Zoe para makiramay. Nagpasalamat si Noah sa kanila. Sinabi ni Tikboy na nasa Mindanao na si Father Ben (naku wala ng role si Father Ben), pero nakikiramay daw ito. Dumating si Gabby at tsinansingan si Noah, este, niyakap niya si Noah at umiiyak ito at nakiramay.

Pagkatapos ng libing, nagpa-iwan si Noah sa puntod ng ama. Nagpasorry ito sa ama, nangangako ito na dadalhin niya sa hustisya ang may gawa nito. Nangako raw ito na hindi na siya makakalimot.

Noong papaalis na sila, dumating si Manolo at nakiramay ito kay Noah. Suntok naman sa mukha ang isinalubong ni Noah sa kanya. Ito raw ang nagdala sa daddy niya sa mga taong lobo. Sinabi ni Manolo na wala itong kinalaman at kaibigan niya si Leon at hindi niya ito magagawang saktan. Sumumpa si Noah na kapag nanaptunayan niyang may kinalaman si Manolo sa pagkamatay ni Leon, hahanapin niy ito saan mang sulok ng mundo siya magtago.

Umalis na si Noah. Sinabi ni Manolo na okay lang daw, naiintindihan nito ang galit sa puso ni Noah. Sinundan na ni Lyka si Noah. Nasa kotse naman si Lady Elle at pinapanood ang mga pangyayari. Inutusan niya si Alec na mag-imbestiga sa mga nangyari kay Leon.

Nalaman na ng mga Luna ang paghihikayat ni Leon sa ilang mga kasamahan nila para makipagsundo sa mga taong lobo. Nagtalo sila tungkol sa pagpapaalis nila kay Silva. Biglang dumating si Silva at sinabing hindi pa huli ang lahat para itama ang mga kapalpakan ng mga Luna. Uubusin daw nila ang mga lobo at iisahin daw nila ang mga ito. Welcome back daw at pinalakpakan nila ang declamation ni Silva.

Habang pinag-uusapan nina Nessa at Elle ang impact ng pagkamatay ni Leon kay Lyka, dumating si Raul para ibalita na sina Ylvana at ang iba pa nilang mga kasama ay nagdeklara ng giyera laban sa mga itim na lobo.

Nagpasalamat naman si Noah kay Lyka sa suportang ipinapakita nito sa kanya. Sinabi ni Lyka na naroroon lang daw siya. Hindi raw matahimik si Noah dahil hindi niya makalimutan ang nangyari. Gusto daw nitong mahanap ang hayop na pumatay sa daddy niya para iparamdam ang kahayupang ginawa nito sa kanya.

Sinabi ni Lyka na hindi siya mamamatay tao. Kung ganoon raw, kung bakit iyon ang nasa puso ni Noah?

Sa punch bag ibinuhos ni Lyka ang frustrations niya. Pinigilan siya ni Alec at umiyak na si Lyka. Nararamdaman daw niya ang galit ni Noah sa puso niya. Natatakot siya, hindi na raw siya matatanggap ni Noah.

Pumunta naman si Silva sa bahay nina Noah para makiramay. Siempre galit si Noah.

Nagtatalo naman sina Ylvana at Elle. Hindi raw karahasan ang sagot sa problema nila, hanapin daw nila ang taong pumatay kay Leon at siya ang parusahan, hindi lahat. Sinabi ni Ylvana na patay na raw ang kapatid niyang itim na lobo, hindi na raw niya kailangang maging malambot sa mga itim. Huwag daw niyang idamay ang si Lorenzo, sabi naman ni Elle.

TUmayo ang isa sa mga Waya at pinatigil ang dalawa. Sinabi rin niya kay Elle na sinuportahan nila si Elle sa mga naging desisyon niya kaya sana rin ay respetuhin ni Elle ang desisyon ng majority.

Kinakausap na naman ni Nessa si Emil. Akala daw niya ay maginging maayos na ang lahat pero gumuguho na ang lahat. Tinutugis na raw sila, hanggang kailan pa siya pwedeng magtago.

Nasa Luna Headquarters si Noah kasama si Silva. Ipinakita ni Silva na nasa listahan na ng mga biktima ng lobo si Leon. Noong paalis na si Noah, itinanong ni Silva kung bakit ayaw pa rin daw nitong sumali sa kanila. Kung si Silva rin daw ang tatanggap sa kaniya, hindi na raw bale. Sino pa raw ang hihitayin nitong mamatay, si Zoe?

Galit na galit si Noah. Sinabi ni Silva na hindi mamamatay si Zoe kung sasali si Noah at lalabanan niya ang mga lobong pumapatay sa mga tao. Sasali daw ito sa Luna, sabi n Silva. Wala namang nagawa si Choy.

Sinusubukan namang i-cheer up ni Yani si Zoe (nag-stay muna doon sina Yani at Tikboy). Namimiss na raw niya ang daddy niya, ito raw ang nagturo sa kaniya kung paano maging matapang. Hinawakan ni Yani ang kamay nito. Make him proud daw.

Habang ipinaghahanda ni Lyka si Noah ng pagkain, sinabi ni Noah na pinuntahan siya ni Silva. Nagtalo sila dahil nakukumbinse na si Noah na sumali sa kanila. Ipinaalala ni Lyka na si Leon ay hindi naniniwala na lahat ng mga taong lobo ay masasama. Wala raw mangyaari kung magpapatalo si Noah sa nararamdaman niya.

Sinabi ni Lyka na marami raw masasaktan. Hindi naman daw siya papatay ng tao, sabi ni Noah. Paano daw nakakasiguro si Noah na halimaw ang mga taong lobo? Paano raw kung nakakita siya ng batang lobo papatayin raw ba niya ito? ng isang ina? ama? kapatid? lolo? lola?

Paano raw kung isa siyang lobo, papatayin rin daw ba siya nito?

Teasers:

Sinabi ni Lyka na sasama siya sa imbestigasyon ni Alec tungkol sa pagkamatay ni Leon.

Sinabi ni Elle na kailangan ng lumayo ni Lyka kay Noah.

Mukhang sasali na si Noah sa Luna.

Galit na galit si Lyka sa mga itim na lobo.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: