MALIGNO – Episode 16

by

“SA PILING NG MGA KAMPON”

Naglakad lang pauwi si Angela at napansin nyang puros naka-puti ang mga tao doon. At sa tuwing dadaan sya ay humihinto ang mga tao para yumuko sa kanya. Medyo kinakabahan si Angela sa mga kinikilos na kakaiba nang mga tao. Pag daan nya ay nakita sya ni Rio Locsin; tinawag nya si Angela. Kapansin-pansin na hindi makalapit sa lupain ni Rio Locsin ang kampon ni Lucas.

Hinatak ni Rio Locsin si Angela kung saan safe sila. Sinabi ni Rio Locsin kay Angela na magdidilim na at pina-aalis nya ito sa lugar na iyon. Sinabi ni Angela na doon sya nakatira. Maniwala daw sa kanya si Angela at pinipilit nyang umalis si Angela doon. Biglang umihip ang malakas na hangin at natakot si Rio Locsin kaya umalis agad ito at iniwan na si Angela. May mga taong nanonood sa kanila (mga kampon ni Lucas), nagtanong si Angela kung sino daw ang babaeng iyon, pero hindi sya pinansin o kinausap man lang at biglang nag-alisan ang lahat.

Bumalik sa school si Angela at habang hinihintay si Angelo, may nakita syang isang babaeng nakatayo at kinausap nya ito. Nagpakilala sya at sinabi nang babae na kilala na daw nya si Angela. Tinanong ni Angela ang pangalan nang babae – Teresa ang pangalan nya. Natanong ni Angela si Teresa na napapansin daw nya ang mga tao doon ay parating nakatungo at parang ayaw silang kausapin. Sinabi ni Teresa na hindi sila nahihiya kina Angela, tanda lang daw iyon nang paggalang sa kanila.

Nagtaka naman si Angela sa sinabing “paggalang.” Nagpalusot si Teresa at sinabing kilalang tao daw sila, kaya ganon lang daw iyon. Sinabi ni Angela na hindi na daw sya si “Angela Cortez” at ngayon daw ay Mrs. Salcedo na sya at simpleng maybahay, pwede ding tawagin nalang syang Angela. Tinanong din ni Angela ang tungkol sa nag-iisa nilang simbahan at bakit daw walang nag-aayos doon, saan daw sila nagsisimba? Saved by the bell si Teresa dahil naglabasan na nang mga bata. Lumabas na si Angelo at niyaya na syang umuwi ni Angela. Kapansin-pansin ang pagyuko nang mga tao sa pag-alis nila Angela.

Nanonood si Angela nang tv at pinapanood nya si Elaiza. Nabanggit ni Elaiza sa show na sa susunod na linggo, Sept. 9 at 9pm ay magkakaroon sila nang live coverage para sa magaganap na lunar eclipse. Sa ibang bansa daw ay partial lang ang lunar eclipse pero sa Pilipinas ay total lunar eclipse ang masasaksihan nang lahat. Kumatok at pumasok si Angelo sa kwarto ni Angela at tinanong kung may plano na ito sa birthday nya. Tinanong ni Angela kung ano ang gusto nang anak. Sinabi ni Angelo na big party daw at invited ang buong school at buong town, natawa si Angela. Akala ni Angela ay nagbibiro ang anak, pero mukhang seryoso si Angelo sa paghingi nang malaking party. Tinanong sya ni Angela kung bakit ito ang gusto nang anak. Sinagot ni Angelo ang ina na sabay daw sa lunar eclipse ang birthday nya. Naintindihan ni Angela ang gusto nang anak, kaya naitanong din nya kung sa gabi ang gusto nitong party. Nang tumango si Angelo, nagtaka naman si Angela at napatanong na bakit? Sinagot sya ni Angelo na hindi na daw kasi sya bata, at magiging hari na daw sya. Natuwa si Angela sa sinabi nang anak at iba ang naisip nyang interpretation doon – hari si Angelo sa buhay nya (hindi alam ni Angela na magiging hari nang kadiliman si Angelo.)

Habang tinitingnan ni Angela ang picture ni Lucas sa kanyang laptop (same picture doon sa may guard post sa dating school ni Angelo), pati na din ang iba’t ibang paintings na ginuhit ni Lucas, nakaramdam sya nang takot at naalala ang sinabi sa kanya ni Lucas bago sya gahasain – na sila daw ni Lucas ay nakatakda sa isa’t isa para buuin ang sanggol nang kadiliman. Naalala din nya ang sinabi nang ina ni Michael na si Angelo ay anak nang demonyo; pati na din ang sinabi ni Rio Locsin na kailangan nyang umalis sa lugar na iyon; ang sinabi ni Elaiza sa nalalapit na total lunar eclipse; ang hinihinging party ni Angelo sa gabi; pati na din ang mga tao sa lugar nila na parating yumuyuko pag tuwing dumadaan sila. Nakaramdam nang takot si Angela at pag tingin nya sa likod ay nandodoon ang mga kampon ni Lucas at masama ang tingin sa kanya, sumigaw si Angela at nagising – nananaginip lang pala sya. Tiningnan nya agad sa kanyang likuran kung may tao, pero wala naman. Biglang lumabas si yaya (at dahil nakaputi ito) ay nagulat si Angela at napasigaw, ganon din si yaya. Gustong itanong ni yaya kung saan daw nya ilalagay ang (isang box) mga natitirang gamit. Sinabi ni Angela na sya nalang daw ang magliligpit. Binuksan ni Angela ang box at nakita nya ang 2 puting kandila na ginamit sa binyag/baptism ni Angelo, meron ding mga pictures nung binyag. Napansin ni Angela na si David ang pari that time. Naiyak si Angela at tinawag si yaya. Ipinakita ni Angela ang picture kay yaya at naiiyak na sinabi na yung pari ay sya din yung kidnapper ni Angelo. Pinakita ni Angela kay yaya ang pictures nang mahuli sila David, pati na din yung picture na kuha sa morgue. Litong lito si Angela.

Tinawagan ni Angela si Dumlao kaya pumunta ito sa bahay nila Angela. Ipinakita ni Angela ang mga pictures nung binyag ni Angelo kay Dumlao. Nag-research na din si Angela at sinabi nyang tumawag sya sa simbahan at nalaman nyang on the same day na bibinyagan si Angelo ay may pumatay sa pari na dapat ay magbibinyag dito, at yung nagbinyag kay Angelo ay sya yung kidnapper. Naguguluhan si Angela. Tinanong nya si Dumlao kung si David din ba ang pumatay sa pari at bakit gusto nilang patayin si Angelo? Kung may nag-uutos daw sa kanila ay sino? Sinabi ni Dumlao na hindi sya titigil hangga’t hindi nya nalulutas iyon. Utang daw ni Angela kay Dumlao ang buhay nang kanyang anak, pati ang buhay nya, pero hangga’t walang kasagutan sa lahat nang nangyayari sa buhay nya, hindi alam ni Angela ang gagawin. Pinapa-kalma ni Hector si Angela, pero hindi mapigilan si Angela dahil hindi pa daw nahahanap si Lucas. Sinabi ni Hector na sa lugar na iyon ay ligtas sila ni Angelo. Sabi ni Angela na hangga’t hindi nya nasasagot ang lahat nang iyon, hindi mapapanatag ang loob nya.

Busy si Elaiza sa trabaho nya at nakakatanggap na din sya nang mga fan mails. Nilabas ni Elaiza ang mga mails sa loob nang brown envelope at masayang binasa ni Elaiza ang isang fan mail. Nang ibalik nya sa loob nang envelope ang mga mails, may isa pala syang hindi nakita – hindi fan mail kundi love letter na galing kay Joaquin. Binasa nya iyon at natuwa si Elaiza.

Nag-usap usap sila Hector, Dumlao at Lucas. Sinabi ni Lucas na isang linggo nalang at dapat ay matigil na sa pagdududa si Angela. Sinabi ni Hector na hindi nya hahayaang makaalis si Angela sa lugar na iyon. Dapat daw ay makasiguro sila, sabi ni Lucas. Ipinaalala ni Dumlao kay Hector na reporter si Angela at kapag may butas ay hindi iyon titigil hangga’t hindi nito natatakpan, at kung katanungan ay hindi ito titigil hangga’t hindi nalalaman ang kasagutan. Tinanong ni Hector kung ano ang dapat nilang gawin. Sinabi ni Lucas na dapat may isakripisyo para lumabas na sya ang nagpautos para ipapatay si Angelo. Akala ni Hector ay isa sa kanilang kasapi, pero sinabi ni Lucas na merong isang tao na ayon kay Dumlao ay malaki ang interesado sa buhay ni Angela. Gusto daw nitong sirain si Angela at pwede nilang palabasin na may malaki itong motibo para ipapatay si Angelo. Tinanong ni Hector kung ano ang balak nilang gawin. Biglang tinawagan ni Dumlao si Angela.

Nag-date sila Elaiza at Joaquin, famous na si Elaiza dahil may nakakakilala na sa kanya at binabati sya nang mga tao. Sinabi ni Joaquin na parang nag-iba na daw si Elaiza sa dati nyang kilala nung college at kasama nya sa training. Sinabi ni Elaiza na sya din daw ay parang nabibilisan sa pangyayari, at madami pa daw syang dapat gawin – kailangan pa nyang pag-aralan ang script nya, i-e-edit pa nya yung mga nakuha nilang features, at hindi pa daw nya nalilipat ang mga gamit nya sa bago nyang condo (medyo nalulungkot si Joaquin.) Sabi ni Elaiza na parang nahihilo na nga daw sya sa dami nang ginagawa nya. Sinagot sya ni Joaquin na sa tingin nya ay hindi dahil parang prepared na prepared si Elaiza sa lahat nang nangyari sa kanya. Kunsabagay daw ay iyon naman daw ang gusto ni Elaiza at plinano nito ang lahat. Medyo nagalit si Elaiza at tinanong kung ano ang gusto ni Joaquin. Tinanong ni Joaquin si Elaiza kung kasali parin ba daw sya sa mga plano nito. Ayaw pag-usapan ni Elaiza ang tungkol sa kanila dahil madami pa daw syang ginagawa. Pero ang gusto lang ni Joaquin ay kung aasa pa sya kay Elaiza. Hindi agad nasagot ni Elaiza at biglang may isang fan na lumapit sa table nila at gustong magpa-picture, inutusan pa si Joaquin na kumuha para sa kanila. Kinuha ni Joaquin ang camera at pagtingin nito sa screen ay nakita nya na may katabing maligno si Elaiza, ang malignong bantay ni Angelo. Nagulat at natakot si Joaquin sa nakita.

“But the Lord is faithful; He will strengthen you and guard you from the evil one.” – Thessalonians 3:3

Teasers:

– Hinuli ni Dumlao si Elaiza. Binigay ni Dumlao kay Angela ang ebidensya na gumagawa nang report (palihim) si Elaiza tungkol sa buhay ni Angela.

– Inamin ni Elaiza na kung may kasalanan man sya kay Angela ay iyon ang pagtatakang sirain ang buhay nya. At ilalabas daw ni Elaiza ang report tungkol sa anak ni Angela, at ikakalat nito sa lahat na ni-rape sya nang demonyo at isang anak nang demonyo si Angelo.

– Galit na galit si Elaiza kay Angela at sinabing mas masahol pa daw si Angela sa anak nitong si Angelo.

– Habang ginagawa ni Elaiza ang report, nakita nya sa monitor na nakatingin si Lucas sa kanya. At habang nasa condo si Elaiza, biglang nawalan nang kuryente at may nakita syang rope (noose) na nasa ceiling. Biglang lumabas ang maligno sa likod nya, kaya napasigaw sa takot si Elaiza.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: