LOBO Episode 79

by

Nakatutok ang baril ni Gen. Leon Cristobal sa dating kasamahan sa LUNA organization na si Gen. Silva. Ipinagtapat ni Gen. Silva na siya ang nagpadala ng “susi” sa bahay ni Gen. Cristobal. Sa pag-uusap ng dalawang heneral ay nalaman ni Gen. Cristobal ang totoong pagkatao ni Gen. Silva.

Aligaga sa pag-aasikaso si Lyka sa kasintahan para sa kanilang “espesyal na hapunan”. Binigyan ni Noah si Lyka ng “paunang engagement ring”, pinapagawa pa kasi ng tatay ni Noah ang singsing. Napaiyak si Lyka sa sobrang kaligayahan.

May ipinakitang kwintas/medalyon si Gen. Silva kay Gen. Leon. Nakilala ni Gen. Leon ang medalyon ng nasawing asawa, binaril ni Gen. Leon si Gen Silva nang napagtanto na may nalalaman ito sa pagkamatay ng asawa – hindi tinamaan si Silva, mabilis itong nakaiwas.

Luhaang sinimulang ipagtapat ni Lyka ang kanyang “tunay na katauhan” sa katipan.

Nag-gigirian pa rin ang dalawang matandang heneral. Nagulat si Gen. Leon nang binanggit ni Gen. Silva ang tungkol sa “lihim” niyang pakikipag-usap kay Lady Elle na pinuno ng mga Waya.

Tumayo si Lyka upang ipakita ang pagiging taong lobo sa kasintahan.

Nang itanong ni Gen. Leon kung papaano nalaman ni Silva ang pakikipag-usap niya kay Lady Elle. Sinabi ni Gewn. Silva na naroon siya, “isang anino, isang aninong itim na nakakaalam ng lahat ng sekreto”. Tinanggal ni Gen. Silva ang sumbrero at salamin, upang ilantad ang tunay na katauhan.

Lyka : Noah, huwag kang matatakot ha. Kung anuman iyong makita mo Noah, ako pa rin iyon. Noah huwag mong kakalimutan iyon ha.

Nasaksihan ni Gen. Leon ang pagpalit ng balat ng dating pinuno ng mga Luna – isang itim na taong lobo si Gen. Silva. Binaril ni Gen. Leon ang kaharap na lobong itim, sinalakay ng lobo ang tatay ni Noah.

Tamang tama naman sa pagsisimula ng pagpapalit ng balat ni Lyka, ay nag-ring ang telepono ni Noah – si Gen. Silva ang nasa kabilang linya, ipinarinig ang naghihirap na boses ni Gen. Leon. Hindi natuloy ang pagpapalit ng balat ni Lyka kasi tumakbo si Noah upang puntahan ang ama, sumunod si Lyka.

Hindi nadatnan ng grupo ni Choy si Gen. Cristobal. Tinawagan ni Choy ang heneral, sinundan nila ang pinagmumulan ng nagriring na phone ni Gen. Crsitobal. Kinaladkad ni Gen. Silva ang duguang si Gen. Leon Cristobal. (Grabee! papaano nangyari na nakadamit kaagad si Gen. silva pagkatapos niyang magpalit ng balat, with matching sumbrero pa man din).

Ayon sa heneral na lobong itim ay kukumpletuhin niya ang “kanyang palabas” upang masiguro na pagkatapos gabing iyon ay magiging LUNA na si Noah para siya na lang ang maging pinakamalakas na lobong matitira. Nagmamakaawa si Leon nahuwag idamay si Noah. Dumating ang magkahawak kamay na sina Noah at Lyka, nang makita ni Silva ang pagdating ni Noah ay kaagad itong nagpalit ng balat, upang masaksihan ni Noah ang pagpaslang ng taong lobo sa kanyang ama. Hinabol ni Noah ang lobo, pero kaagad itong bumalik upang puntahan ang duguang ama. Hinabol ni Lyka ang lobong itim pero narinig niya ang pagsigaw ni Noah, kaya bumalik ito sa kinaroroonan nina Noah – dumating si Gabby, labis ang pagtangis ng dalagita ng makita ang bangkay ng ama.

Ginamot ni Gen. Silva ang mga sugat sa katawan dulot ng pagbaril ni Gen. Leon. May bihag na isang lalaki si Gen. Silva, sinakal ng heneral ang lalaking bihag.

Labis ang pagdadalamhati ni Noah sa sinapit ng ama – naalala niya ang malulungkot at masasayang tagpo na kasama ang ama-amahan na si Gen. Leon Cristobal. Nilapitan ni Lyka ang kasintahan, sinabi ni Lyka kayNoah na napatulog na niya si Zoey. Ipinaalala ni Lyka kay Noah na hindi ito nag-iisa at nandun lamang sila nina Zoey. Sinabi ni Noah kay Lyka na “taong lobo” ang tawag sa pumatay sa ama niya. Habang ipinagtatapat ng luhaang si Noah sa luhaan ring kasintahan ang tungkol sa mga taong lobo ay bakas ang takot sa mukha ng babae, takot na paano pag nalaman na ni Noah, na siya ay kalahi ng mga pumaslang sa dalawa nitong ama (Dr. Emil at Gen. Leon).

Ipinakita ni Noah ang video ng “kahayupan” na ginawa kay Gen. Cristobal – makikita sa video ang lalaking “bihag” ni Gen. Silva, nagpalit nag balat ang lalaki – isang puting lobo, lumapit ang lobo sa katawan ni Gen. Cristobal. Nahintakutan si Lyka ng makita ang nasa video na puting lobo ang pumaslang sa ama ng katipan.

Ipinakita sa video na puting lobo ang pumatay kay Gen. Cristobal upang mabuo sa isip ni Noah na lahat ng lobo ay masama, puti man o itim.

Teaser :
Binigwasan ni Noah si Don Manolo.
Sumugod si Nessa sa lungga ng mga itim na lobo.
Nakabalik sa puwesto si Gen. Silva bilang pinuno ng Luna.
Nagmamagaling na naman si Ylvana, na kesyo mali ang ginawa ni Lady Elle na pakikipag-usap sa Luna.

Mga Marka: ,

18 Tugon to “LOBO Episode 79”

  1. No Car Says:

    omg, panibagong chapter na naman sa buhay ng mga lobo…..
    awwwwhhhoooooooo!!!!!!

  2. dumbako Says:

    grabe, very exciting naman ang episode na to. kabakaba tuloy ang dibdib ko. condolonce noah……..hehehe

  3. ptvj Says:

    saan nanggaling si zoe bakit bigla na lang siyang napunta dun sa kung saan namatay si leon? ang bilis naman niya.

    pero sad talaga ako, umpisa na ng panibagong kalbaryo ni lyka to. agh.

  4. lobonatik Says:

    panalo ang lobo kagabi!! napaka intense… natawa lng ako nung commercial gap, inilipat ko sa sirenang may tuhod, hahah parang gumigiling lang sa ibabaw ng kariton para masabing lumalangoy with matching bubbles to say na may tubig!!! hehehe :))

  5. Grace Says:

    ang haba! kung may kapamilya channel lang kami😦

  6. annedito Says:

    i saw parts of it lang kagabi. kawawa naman si noah…galing talagang umiyak ng bf ko…este piolo. i’m sooo behind at hindi ko na alam ang nangyayari. sana may marathon this weekend sa kapamilya channel para naman maka-catch up ako.

    lol lobonatik, ayaw mo yung special effect nila?

  7. dumbako Says:

    annedito, may marathon every weekend! d’yan ako nakakahabol palagi, hehehe

  8. annedito Says:

    thanks dumbako! long weekend pa naman so i can catch up on my sleep AND lobo…yippee!

  9. lobonatik Says:

    annedito… heheh sobrang korni kc saka nakakabobo ung storyline nila.. may instance panga c dyesebel pinapakintab daw ung kanyang buntot tapos ung kontrabida binuhusan c dyesebel ng tubig sa mukha!! ahhaha tumbling talga ako kasi naman dba nasa ilalim ng tubig cla tapos bubuhusan ng tubig!! ahhah :))

  10. dumbako Says:

    tama ka lobonatik! bakit bubuhusan ng tubig nasa ilalim sila ng tubig? sana binuhusan na lang ng vinegar para gawing sushi or kilawin si dyesebel hekhekhek

  11. ptvj Says:

    nacurious tuloy ako, makapanood nga ng isang episode hehehe.

  12. annedito Says:

    hahaha…my friend said she tried watching dyesebel. kaya lang na-baduyan talaga siya. ngayon daw kapag naglilinis siya ng baby bottles in the middle of the night, yun pinapanood niya or hanggang makatulog siya. i tried watching gma talaga pero naiinis ako sa mga artista nila. they really can’t act. i mean don’t get me wrong, abs has ara mina and others and even jake cuenca na sobrang oa. pero hindi ko talaga ma-take yung gma. unless si richard gomez ang pinapanood ko or si eula valdez or another oldies…hehe

  13. Allie_Dimeco_2 Says:

    wow ganda talaga ng LOBO!magaling si Angel Locsin
    but I don’t like Shaina Magdayao.

  14. Allie_Dimeco_2 Says:

    #1 pa rin ang lobo!malapit na ang pulang buwan!oh no!
    So pano naging luna si Dessa(nanay ni Lyka?)kinagat ba siya.Pati sabi ni Alec na proprotectahan nya si lyka but,pinalo siya ni Raul ewan ko yung KALBO.
    yung nagbetray sa mga waya.tapos pinalo nya si alec ng baril.
    sooo….I’m watching now.I saw na pinatay nung isang waya ang tatay dati ni noah si leon.So moving on Tumalon cya kay Gabby (Shaina)and then binaril ni noah.yun.

  15. No Car Says:

    hindi ako kapuso annedito pero siguro kasi hindi natin natin kilalaang mga artista ng gma kaya feeling natin pangit sila umacting. I’m sure gayan din ang feeling ng mga kapuso fansa mga bagong kapamilya actors and actresses.
    sa palagay ko kung may power lang tayong manuod na dalawang teleserye at the same time, dahil mga adict tayo gagawin siguro natin.

  16. ptvj Says:

    no car, hindi ko rin type ang mga artista nila. hehehe. madalang lang akong makapanood ng mga shows nila pero hindi ko rin type ang acting nila.

  17. ptvj Says:

    allie, hindi Luna si Nessa isa siyang Waya na naging itim. Si Raul ang traydor sa mga Waya at ito ang pumalo kay Alec.

  18. dumbako Says:

    nocar, baka pwede mong gamitin ang multipicture features ng tv mo, hehehe, kaya lang hindi parehong oras ang mga teleserye no? dumb ko talaga, sorry no car

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: