MALIGNO – Episode 15

by

“MAHAL KONG TRAYDOR”

Hinatid na ni Joaquin sa bahay si Elaiza pero napansin nya na tahimik ito. Tinanong ni Joaquin kung bakit, huwag daw sabihin ni Elaiza na nalulungkot sya dahil aalis na si Angela? Ayaw ba daw ni Elaiza iyon, wala nang magte-terrorize sa kanya. Medyo wala sa mood si Elaiza kaya nagpaalam na kay Joaquin. Pinigilan ni Joaquin na bumaba nang kotse si Elaiza at nag-alok na tutulungan nyang maglipat si Elaiza sa bagong titirhan dahil bukas na sya lilipat. Hindi tinanggap ni Elaiza ang offer, bad trip kasi sya. Pag pasok ni Elaiza sa kwarto ay sumigaw ito at nag-iiiyak. Galit na galit sya dahil masaya si Angela at hindi daw sya makakapayag. Nagwawala at pinagtatanggal ni Elaiza ang mga clippings sa wall nya at may nakita syang isang article at medyo natigilan sya. Iyon ay ang article tungkol sa kanyang inang nagpakamatay dahil daw ito ay isang mangkukulam. Sinabi ni Elaiza na hindi nya bibitiwan ang pangako sa kanyang ina at maghihiganti parin sya.

Dumating na sila Hector at iba pa sa probinsya. Kaya lang, nakita nila na may isang grupong naka-puti at nakaharang sa daan. Binusinahan ni Hector ang mga ito pero ayaw tumabi. Bumaba si Angelo at sumunod na din sila Angela.

Nang makita nang mga taong naka-puti si Angelo ay bigla silang lumuhod at nagbigay pugay sa bata. Nagtaka naman si Angela sa mga kinilos nila. Pagkatapos magbigay-pugay ay tumayo na ang mga ito at umalis na parang walang nangyari. Tinanong ni Angela si Hector kung bakit sila lumuhod? Hindi din alam ni Hector kung bakit. Isinawalang-bahala nalang nila ang nangyari pero na-weirdohan si Angela.

Dumating na sila sa bagong bahay at naunang bumaba si Angelo at pumasok agad sa bahay, hinabol sya nang yaya. Nagpasalamat si Angela kay Hector at sinabi ni Hector na “anything for my wife and my son” at nagyakapan ang dalawa. Maganda at malaki ang bahay, may swimming pool pa. Nagandahan si Angela. Kumpleto na din ang mga gamit. Sinabi ni Hector na bago nya tinanggap ang offer ay kinumpleto na din nya ang mga gamit at siniguro din nya na may school na malapit para kay Angelo. Excited na gustong ipakita ni Hector kay Angela ang master’s bedroom (uhuuumm…)

Pinuntahan nila ang magiging bagong school ni Angelo. Kapansin-pansin na ang mga tao doon ay nakaputi at tuwing makikita nila si Angelo ay lumuluhod din sila, nagbibigay-pugay. Napansin iyon ni Angela, medyo kinakabahan sya, tinanong nya si Hector. Sinabi ni Hector na ganon daw ang mga tao doon kapag hindi sila sanay sa bagong bisita. Lumabas ang principal at nagpakilala, sinabi na kanina pa sila hinihintay. Lumuhod din ang principal.

Nasa kwarto ni Angelo ang ina at si Hector. Sinabi ni Angelo na gusto nya ang kanyang bagong school at gusto nya doon sa lugar na iyon. Napansin ni Angelo na parang hindi masaya si Angela, tinanong nya ang ina kung hindi ba nito gusto doon. Sinabi ni Angela na syempre daw gusto din nya. Pinatutulog na ni Angela ang anak at nag-goodnight din si Hector, nag-goodnight din si Angelo sa kanyang tito Hector. Sinabi ni Hector na pwede syang tawaging daddy ni Angelo. Sumagot si Angelo na tito nalang daw dahil baka magalit pa ang kanyang totoong daddy. Gusto sanang pagalitan ni Angela ang anak pero pinigilan na sya agad ni Hector. Sinabi ni Hector kay Angelo na ok lang daw kung tito nalang ang itatawag nito sa kanya.

Habang nasa kwarto na ang mag-asawa at maglo-loving-loving, bakas sa mukha ni Angela ang pagkailang pero pinilit nyang alisin iyon alang-ala kay Hector. Kaya lang pagmulat nya nang kanyang mga mata, nagulat sya dahil ang nakita nya ay si Lucas at naitulak nya si Hector. Traumatized parin si Angela hanggang ngayon. Nagsorry sya kay Hector pero naiintindihan naman ni Hector ang asawa. Lumabas nalang si Hector sa garden at pumunta sa may pool area. Biglang lumitaw si Lucas (across the pool) at sinabi kay Hector na talagang mahihirapan na si Angelang kalimutan sya. Biglang lumitaw si Lucas sa tabi ni Hector at sinabing nagtagumpay daw ito dahil nadala nya sila Angela. Pero marami pa itong dapat gawin para sa samahan. Sinabi ni Hector na ipag-utos lang daw ni Lucas at susunod sya. Biglang lumabas si Angela, nagulat naman si Hector at luminga-linga dahil baka makita ni Angela si Lucas. Tinanong ni Angela kung ano ang ginagawa nya sa labas. Sabi ni Hector na hindi daw kasi sya makatulog. Binanggit ni Angela ang tungkol sa nangyari kanina, sinabi nya na hindi lang ito dahil biktima sya nang rape. Ang rape daw na iyon ay ang pinakamalaking trauma nang buhay nya. Naiiyak si Angela habang kinukuwento iyon. Kahit na noong bata pa sya ay may trauma na sya sa daddy nya dahil hindi daw sya nito minahal, kasi hindi naman sya tunay na anak. Nung nag teenager na daw sya nagkaroon sya nang boyfriend, niloko lang daw sya, pinagtaksilan. Lahat daw nang mga lalaking naging bahagi nang buhay nya, niloko lang sya, sinaktan. Medyo nagi-guilty si Hector. Pinunasan ni Hector ang luha ni Angela at sinabing hindi na mauulit iyon, at ipinangako nya. Nakita ni Lucas ang pangyayaring iyon at tuwang tuwa sya dahil sa magaling na arte ni Hector.

Kinabukasan, pag gising ni Angela ay niyakap nya si Hector at hinalikan. Bumangon na sya para maghanda nang breakfast. Gising na si yaya at gumagawa na nang breakfast, tinanong sya ni Angela kung ano ang ginagawang breakfast nito. Sinabi ni yaya na merong hotdog, bacon, ham at pancake. Tinanong ni Angela kung madali lang ba daw iyon? At kung pwedeng sya nalang daw ang magluto? Sinabi ni yaya na sya nalang daw tutal ay tulog pa naman daw ang alaga nya. Pinilit ni Angela na sya nalang daw ang magluto para sa pamilya nya. Natuwa naman si yaya at nag-offer nalang na tutulungan nya si Angela. Pumayag si Angela dahil baka masunog nga daw nya. Tinuruan sya ni yaya magluto. Pagkatapos magluto ay hinanda na ni Angela ang table. Habang kumakain, nagustuhan ni Hector ang bacon dahil sunog na sunog, biglang sinabi ni yaya na luto iyon nang kanyang misis. Iniba ni Hector ang kanyang sinabi at nakuha daw ni Angela ang gusto nyang pagkaluto – yung medyo tostado. Medyo na-bad trip si Angela dahil ang sinabi daw ni Hector ay sunog. Biglang tinanong ni Hector si yaya (humanap nang kakampi) at iisa lang daw ang ibig sabihin nang sunog at tostado? Umoo naman si yaya. So medyo gumaan na ang loob ni Angela at gustong ngumiti pero pinipigil. Biglang sinabi ni Angelo sa ina na sa susunod ay huwag lahat sunog. Sinabi ni Angela na pinagtutulungan daw sya nang dalawa at medyo nagtampo at sinabing hindi na sya magluluto next time. Inamo sya agad ni Hector. Since mamaya pa ang pasok ni Hector sa hospital, nag-offer sya na ihahatid nalang nya sina Angelo sa school.

Pag dating nila sa school, pagbaba ni Angelo sa kotse ay nagbigay-pugay na naman ang mga tao doon. Sinabi ni Angela na magpaalam na si Angelo sa dad (Hector) nya. Nag-bye si Angelo pero tito Hector ang tinawag nya dito. Humingi nang dispensa si Angela kay Hector, sinabi nito na ok lang daw. Magpapaiwan si Angela sa school ni Angelo pero magluluto daw sya for dinner. Biniro ni Hector ang asawa at sinabing baka naman daw sumakit ang tyan nila. Nagtawanan sila. Nagpaalam na si Hector at iniwan na si Angela.

Nag-o-observe si Angela sa class ni Angelo at ang tinuturo nang teacher ay about eclipse. Sinabi nang principal kay Angela na sila na ang bahala sa anak nito.

Habang naglalakad ay ikinuwento ni Angela ang pangyayari sa dating school ni Angelo. Siniguro nang principal kay Angela na walang ganong mangyayari sa school nila. Nag-aalala at ninenerbyos parin daw si Angela. Muli ay siniguro sya nang principal na walang mangyayari kay Angelo.

Patuloy parin ang topic tungkol sa different kinds of eclipse. Tinanong nang teacher kung alam ba nang class kung kailan ang susunod na lunar eclipse. Sumagot ang mga students at sinabi nila sa susunod na birthday nang kanilang “munting panginoon.” Sinabi nang teacher na tama sila, next week daw ay birthday na nang “panginoon” (nila.) Tatakpan daw nang anino ang daigdig ang liwanag nang buwan, hudyat iyon nang simula nang walang hanggang kadiliman. Nakikinig mabuti si Angelo.

“Submit youselves, then, to God. Resist the devil, and he will flee from you.” – James 4:7

Teasers:

– Tinanong ni Angela ang isang teacher dahil bakit daw ang mga tao doon pag dumadaan sila ni Angelo ay parating nakatungo at parang ayaw makipag-usap sa kanila. Sumagot ang teacher na tanda lang iyon nang paggalang nila kay Angela at sa kanyang anak.

– Naglibot si Angela sa lugar at napansin nya na ang mga tao doon ay halos naka-puti at nagbibigay-pugay sa kanya. Kinakabahan si Angela.

– Tinanong ni Angelo ang ina kung may plano na ito sa birthday nya. Tinanong ni Angela ang anak kung ano ang gusto nito. Sinabi ni Angelo na eksaktong lunar eclipse ang birthday nya at gusto nya nang party sa gabi. Nagtaka naman si Angela sa gustong party nang anak dahil gabi ito. Sinabi ni Angelo sa ina na hindi na daw kasi sya bata at magiging hari na sya. Hindi naman pinansin or napansin iyon ni Angela. Kaya nag-agree sya na hari nga daw ni Angela ang anak.

– Sa paglilibot ay nakita ni Rio Locsin si Angela at hinatak nya ito kung saan safe sila. Pinaaalis ni Rio Locsin si Angela sa lugar na iyon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: