Lobo, Episode 78

by

Tumakbo si Zoe papalabas at hahabulin sana siya ni Lyka pero pinigilan siya ni Alec dahil sinabi nitong mas importanteng malaman ni Lady Elle ang nangyari.

Nabigla man si Lady Elle sa nangyari ay kampante pa rin sila ni Manolo na protektado pa rin ang mga puting lobo mula sa mga luna. Itinanong ni Nessa kung pati rin ba ang mga itim na lobo ay ligtas pero wala pa silang maisagot sa kanya tungkol doon.

Galit na galit si ZOe, wala raw bang napapansin ang Kuya niya na namamagitan kina Alec at Lyka? Dumating si Lyka at galit na galit na hinarap siya ni Zoe. Inatake ng hika si Zoe.

Pag-uwi ni Lyka, sinabi niya sa ina na ang malas niya dahil sasabihin na sana niya kay Noah ang sikreto niya pero nangyari iyon. Paano pa raw siya paniniwalaan ni Noah? Sabi ni Nessa, kilala niya si Noah at marami na silang pinagdaanan ni Lyka at hindi naman siguro sila magkakasira dahil sa isang maling paniniwala.

Nagwawala naman si Silva sa bahay niya at sinabing hindi niya papayagang magtagumpay si Leon.

Pag-uwi ni Leon, sinabi ni Noah na alam niyang nag-usap sila ni Manolo dahil naroroon ito sa fashion show. Bago pa nakapagpaliwanag si Leon tungkol doon, sinabi na ni Noah na naroroon si Silva at alam nito ang bawat galaw ni Noah.

Huwag daw mag-alala ang ama, hindi natatakot si Noah sa kanya. Alam na nito ang dapat niyang gawin para hindi siya makalapit at hindi niya masaktan ang mahal niya sa buhay.

Nasa labas naman ng bahay nina Leon si Silva habang kausap ni Leon ang isa sa mga kasama niya sa Luna na nilalapitan niya para sa pag-uusap nina Lady Elle. Hindi clear kung may bionic ears din si Silva or nasa isip lang talaga niyang hind niya papayagan si Leon sa plano niya. Nag-umpisa na siyang maglakad papunta sa bahay.

Nasa gate na si Silva, habang may mga nakumbinse na si Leon sa mga kasamahan niya tungkol sa mga puting lobo. Pero kailangan muna nilang isikreto ang mga pangyayari dahil

Pinuntahan ni Lyka si Noah at sinabi niyang walang ibig sabihin ang nakita ni Zoe. Nagbibihis lang daw sila after ng fashion show at kilala naman daw siguro siya ni Noah. Sinabi ni Noah na “Tama na”

Lyka started to ramble ang said na hindi lang siya basta basta susuko, na kung pwede lang niyang ipaalam sa kanila ang lahat, etc. etc. Biglang hinawakan ni Noah ang mukha nito at siniil niya ito ng halik (yummy…). Natawa na naiyak si Lyka, akala daw nito galit si Noah.

Sinabi ni Noah kinailangan lang niyang dalhin si ZOe sa ospital kaya hindi sila agad nakapag-usap. Sa umpisa pa lang daw ng pagmamahalan nila marami ng humahadlang.

Sigurado na raw si Noah na si Lyka ang gusto niyang makasama habang buhay. E si Lyka raw ba sigurado na? “Pakasalan mo ako Miss Lyka Raymundo,” buong pagmamahal na sambit ni Noah. (Waaaaaaaahhh!)

Iyong nakita daw ni Noah last night, halimbawa lang daw iyon. Nagdilim daw ang paningin ni Noah dahil akala niya mawawala si Lyka sa kanya. Buong-buo daw ang tiwala niya kay Lyka pero nasaktan din siya. Ayaw daw niyang walang si Lyka sa paningin niya, gusto lang daw niyang makasiguro na wala ng gumulo sa kanila. Natatakot lang daw siya na isang araw, sa kung ano mang dahilan, bigla na lang lumayo si Lyka sa kanya.

Handa naman daw sa resonsibilidad si Noah. Sinabi nitong sa una uupa sila ng apartment, at kapag nakapag-ipon na sila, magpapagawa daw sila ng bahay, pero dapat iyong malaki para magkasya sila at ang 6 nilang magiging anak (o tuta? hehehe). Magtutulungan daw sila sa pag-aalaga ng mga bata para makapag-design si Lyka. Magpapatayo daw siya ng sarili niyang clinic para solo niya ang oras niya para maalagaan nila ang pamilya nila.

“Pakakasalan kita Noah Ortega,” ang sabi naman ni Lyka (Naiiyak ako! Wahhhh!). Nagyakap sila. “Salamat” daw sabi ni Noah (your welcome, ay teka hindi ka pala sa akin nagpropose). Bigla siyang binuhat ni Noah at napatili si Lyka.

Narinig ni Leon ang sigaw ni Lyka kaya dali-dali itong tumakbo sa loob ng bahay. Pati si Zoe ay pumunta doon.

Masayang ibinalita ni Noah na magpapakasal na sila ni Lyka. Blangko ang ekspresiyon sa mukha ni Leon kaya worried na worried si Lyka, pero maya-maya ay ngumiti na ito at niyakap niya ang dalawa. Welcome to the family sabi niya kay Lyka. Niyakap niya si Lyka at paulit-ulit na nagpapasalamat si Lyka. Niyakap na rin siya ni Zoe, nagpasorry ito sa inasal niya kinagabihan. Sinabi nitong ipinaliwanag na ni Noah sa kanya ang lahat. Sinabi daw ng kuya niya kailangan daw isipin nito ang pagkakakilala niya kay Lyka bago pa ito manghusga. Happy daw siya dahil siya ang bago niyang ate. Nagyakap ulit sila. Mag-celebrate daw sila sabi ni Leon.

Galit na galit si Ylvana kay Elle sa pulong ng mga Waya. Bakit daw ito nakipagkasundo sa mga Luna without consulting to them first. Sinabi ni Elle na kinailangan niyang kumilos kaagad at walan ng oras pa magpulong pa sila . Sinabi na rin ni Ylvana na alam nilang inatake si Alec ng mga itim na lobo at hindi man niya nalabanan ang mga ito (pero hindi niyo alam na tinulungan siya ni Lyka?). Huling bantay man daw si Alec o hindi, hindi lilitaw ang bato ng Remus kung hindi sila makikipagkasundo sa mga kaaway, ang sabi ni Elle.

Sinabi ni Elle na wala naman siyang impormasyon na ibinigay kay Leon na ikakapahamak ng ibang taong lobo. Buhay lang naman daw niya ang nanganganib and that’s the risk that she is willing to take. Chance na raw nila itong mamuhay ng walang takot laban sa mga Luna. Nagmamakaawa si Elle, hinihingi nito ang suporta nila. Nag-agree naman si Raul at wala namang nag-object.

Kabado naman si Lyka na sabihin sa ina ang engagement nila ni Noah dahil baka mabigla raw ito (wala ba siyang engagement ring, sabagay kung ako si Lyka hindi ako maagalit basta ba laking naka intertwine ang mga fingers namin ni Noah. Hehehehe) dahil baka mabigla raw ito. Nakalimutan ata ni Lyka na taong lobo ang nanay niya, biglang sumulpot si Nessa at itinanong kung saan raw ba siya mabibigla.

Sinabi ni Noah na magpapakasal na sila ni Lyka. Sinabi ni Lyka na sigurado na raw sila ni Noah. Kung iyon daw ang desisyon nila sabi naman ni Nessa. Niyakap ni Lyka ang ina. Nagpasalamat si Nessa sa pagmamahal ni Noah kay Lyka, kung daw nabubuhay si Emil ipagmamalaki daw niya si Noah.

Sinabi ni Noah na pag marami silang oras na magkasama, gusto raw sana niyang marinig ang mga kwento ni Nessa sa tatay niya (Sigurado ka Noah?). Huwag daw itong mag-alala ikunkwento niya ang lahat. Basta isa lang daw ang masasabi niya, walang kasing-bait si Emil, kagaya niya. Nagyakap silang tatlo.

Sinabi na ni Raul kay Rodolfo ang nalaman niya sa pulong ng mga Waya. Pagkakataon na raw nila iyon na magkaroon ng pag-asa na hindi na kinakailangang mamuhay sa dilim. Kung may isang tao raw na magtatanggol sa kanila, si Elle iyon dahil may kapatid siyang naging itim na lobo. Ayaw pa ring maniwala ni Rodolfo, hangga’t hindi raw napapasakanya ang huling bantay hindi siya titigil.

Kinakausap naman ni Nessa si Emil. Sana raw bigyan niya ng sapat na pang-unawa si Noah para maintindihan ang lahat para hindi na maulit ang nangyari sa kanila noon. Sana raw maging maayos ang mga anak sina Ulay at JJ.

Masayang binati nina Lady Elle, Manolo at Trixie si Lyka (loko mo Lyka, bongacious ang kasal mo niyan, masaya ang fashionista mong lola). Napipilitan man si Alec, binati na rin niya ito. Sinabi ni Trixie na masaya ito para kay Lyka pero hindi niya maiiwasang mag-alala. Mas mahihirapan si Lyka na itago kay Noah ang totoo.

Maghahanda daw ng dinner si Lyka bukas at sasabihin na niya kay Noah ang lahat.

Habang nililigpit nina Noah at Zoe ang mga kalat mula sa inuman ng mag-ama, biglang may nagdoor-bell. Noong binuksan ni Leon ang gate, sulat lang ang naroroon. Kalakip ng sulat (John 1:43? hindi ako nagpepay attention) ay isang susi.

Hindi alam nina Noah at Leon kung saan tungkol iyon pero malakas ang kutob ni Noah na tungkol iyon sa mga taong lobo.

Sinabi ni Leon kay Noah na whatever happens daw, lagi lang tandaan ni Noah na mahal siya ni Lyka. Nagbiro si Noah at sinabing magdidinner lang sila at hindi sila magpapakasal. (Naku ha baka huling habilin na ni Leon! Huwag kang matetepok!)

Natataranta naman si Lyka habang inaayos niya ang dessert nila ni Noah. Sinabi ni Lady Elle (na nag-aayos ng bulaklak), na hindi raw maiaalis na sa umpisa daw ay matatakot si Noah pero mananaig pa rin ang pag-ibig nito sa kanya. Tinanong ni Lyka kung ganoon rin daw ba sa mga minahal nila?

Sinabi ni Nessa (na nagluluto), noong una raw tumakbo si Emil, pero natanggap din niya . Iyon nga lang matagal pang naghintay si Emil bago siya bumalik. Ang sabi naman ni Lola Fabulous, kaaway daw ang tingin ni Manolo sa kanya noon, pero naging magkaibigan daw silang lahat, hanggang ngayon magkaibigan pa rin sila (LANG?) dahil iisa ang nasa isip nlla: ang kapakanan ng lahat.

Huwag daw mag-alala si Lyka, sabi pa ni Elle, hindi raw kagaya nila ni Nessa, makakatuluyan daw nito ang taong mahal niya. Sisiguraduhin daw nila na magiging happy ending siya. Kung may award daw sa Best Nanay at Best Lola, ibibigay raw niya iyon.

(Pwede pa naman sina Lady Elle at Manolo ha!)

Baka raw nasa kanila ang magandang kwento na hindi nangyari sa kanila ni Emil. Sinabi ni Nessa na ipaalam na nila kay Noah ang nangyari sa kanila ni Emil, Kahit hindi pa raw ngayon, basta ipaalam daw nila kahit na lumuhod pa si Nessa sa harap ni Noah para hingin ang kapatawaran niya. Karapatan daw malaman ni Noah ang nangyari.

Tinawagan ni Manolo si Choy, naka-apat na St. John’s bank na raw siya pero walang may alam noong susi. Pinapagsearch pa niya si Choy ng iba pang mga banko na may St. John or San Juan.

Napadaan si Leon sa St. John’s Parish Church. Naroroon ang hinahanap niyang bubuksan ng susi. Ang tell-all DVD ni Dr. Lee.

Inampon daw si Vivian ni Silva noon kaya utang na loonb niya ang buhay niya sa kanya, hindi raw siya naging doktor kung hindi dahil sa kanya. BUong buhay daw niya ay inialay niya tungkol mga taong lobo. Marami siyang nalaman sa mga lobo, na may itim at puti na may iba-ibang lakas ang iba’t ibang lobo. Ang mga Level 2 daw ay mga taong kaya lobong magtransform kahit na hindi bilog ang buwan at kaya nilang magpagaling ng mga sugat nila. Nakailang breakthroughs na rin sila at naisip niya na kung pwede silang magtransform kahit na hindi bilog ang buwan, pwede nilang i-reverse ito.

Pero later on narealize niya na mas interesado si Silva sa kapangyarihan ng mga lobo kaysa sa lunas ng pagiging lobo nila. Naroroon sa DVD lahat mga projects nila at mga locations ng mga lab nila. Wala na raw siyang tiwala kay Silva, palagay daw niya ay para sa sarili niyang kapakanan ang iniisip niya (you think?!).

May tiwala daw siya kay Leon na gagawin nito ang tama. Tumawag ng back up si Leon.

Sinabi ni Choy kay Gabby (uy binibista niya) ang gagawin nila. Nakiusap si Gabby kay Choy na pakisigurong walang mangyayari kay Silva. Pagdating nina Choy doon, isang tao lang nahuli nila.

Tinawagan ni Silva si Leon at sinabi niyang susuko na siya pero siya lang mag-isa ang pupunta. Tumawag pa rin ng back-up si Leon.

Nagkita na sina Leon at Silva…

Teaser: Wahhh! Mukhang namatay si Leon😦

Mga Marka: ,

4 Tugon to “Lobo, Episode 78”

  1. lobo-fan Says:

    😦 mukha ngang namatay si Leon..at ito na ang simula ng paghihiganti ni Noah..at di na matutuloy kasal nila..:(

  2. ptvj Says:

    nakakalungkot nga, wahhhh! ayokong mamatay siya sa lunes. argh.

  3. No Car Says:

    ddont leave us leon ortega. wala ng magproprotect kay papa noah. kawawa naman naman si lykaaaaa!!!! whaaaaa!!!!!! ang tanong if ever,
    (….. mag ka mabutihan kaya sila ni alec?)

  4. Geisha Says:

    go! patayin na para gaganda ang plot ng story!😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: