MALIGNO – Episode 14

by

“SA NGALAN NG INA”

Nakalabas na nang ospital si Hector at masaya silang lahat na lumipat bahay ni Hector, para silang isang buong pamilya. Inaasikaso at inaalalayan ni Angela si Hector. Excited si Angelo sa bagong bahay. Si Elaiza naman ang syang pumapalit kay Angela sa show. Si Charlie ay ayaw parin kay Angela, napipilitan lang itong maging make up artist nya. Medyo nasasaktan si Angela pag nanonood sya nang kanyang show at si Elaiza ang host. Magkasama sa kwarto ang mag-ina. Gumaling na at nagpatuloy na si Hector sa kanyang trabaho bilang doctor, si Angela naman ay pinupuntahan si Hector sa ospital para dalhan nang pagkain.

Nang bumisita si Charlie sa bahay ni Hector, pinuri ni Charlie na maganda ang bahay ni Hector at malinis pa. Sinabi nya kay Angela na bongga na daw si Elaiza ngayon, pero mas bongga parin daw si Angela. Hindi nagalit si Angela tungkol kay Elaiza, sinabihan pa nya si Charlie na Elaiza deserves it. Nagulat si Charlie, siguro epekto daw nang hindi nya paglabas nang bahay ang naging mabait ito.

Sinabi ni Angela na she feels safer sa bahay na iyon dahil maraming security camera at guards. At mula daw nang mangyari ang kidnapping ay ayaw na nyang lumabas, mas gusto na nyang palaging kasama ang anak. May prino-propose daw sa kanya si Hector dahil kinukuha daw si Hector na maging doctor sa isang hospital sa probinsya at parang kinokonsider nya iyon. Tinanong ni Charlie kung ano ba talaga ang set up nilang dalawa. Sinabi ni Angela na parang live in pero hindi naman dahil hindi naman sila natutulog sa iisang kwarto. Nagtanong naman si Charlie kung bakit pa? Ang gusto kasi ni Angela ay kasal muna. Natuwa naman si Charlie dahil magiging wedding of the year daw iyon. Ang gusto ni Angela ay civil wedding lang dahil ayaw nyang maging circus ang kasal nila. Napansin ni Charlie ang laptop ni Angela at may binabasa ito. Nakita ni Charlie ang letter na gusto palang i-pirate si Angela nang kabilang network. Nagpaalam na si Charlie dahil may taping pa sya. Pag-alis ni Charlie ay binuksan ni Angela ang file nya tungkol kay David at tiningnan nya ang picture na kuha sa morgue. Nagulat at natakot si Angela dahil biglang dumilat ang mata ni David at tumingin sa kanya (ako din nagulat!) Bigla syang may nakitang anino na may sungay at papalapit sa kanya. Yun pala ay si Angelo lang at naka-costume na batman at kasama si Hector. Ibinida ni Angelo na bigay daw iyon sa kanya nang kanyang tito Hector at tinanong ang ina kung bagay sa kanya ang costume. Umoo naman si Angela at hindi nagpahalata na natakot sya kanina.

Kausap nang supervisor si Elaiza at nabanggit nya na sinabi sa kanya ni Charlie na masaya na daw si Angela sa bagong buhay nito. Biglang napabulong si Elaiza at sinabing hindi pwedeng maging masaya si Angela. Hindi narinig masyado nang supervisor at iniba nalang ni Elaiza ang usapan. Tinanong nya kung kailan babalik si Angela. Indefinite daw ang leave ni Angela at iba daw ang glow nito parang glow daw ni Elaiza ngayon. Napadaan si Joaquin and gave Elaiza a sweet smile.

Gabi na at nasa living room si Angela, medyo hindi parin sya ok dahil sa nangyari. Pinuntahan sya ni Hector at tinanong kung ok sya. Sinabi ni Angela na ok sya, nasabi din nya kay Hector ang kanyang iniisip kung bakit daw gugustuhin nang mga kidnappers na patayin si Angelo. Kung sino man daw ang nag-utos nito dati ay hindi imposible na pagtangkaan ulit ang anak nya. Sinabi ni Hector na makakatulong daw sya sa kanila kung aalis daw sila sa lugar na iyon. Nag-propose si Hector nang kasal kay Angela at tinanggap naman iyon ni Angela, sinabi din na kahit saan magpunta si Hector ay sasama sya.

Habang naglalaro nang teddy bear si Angelo ay lumabas ang malignong bantay nya at para syang kinakausap. Natuwa si Angelo dahil nalaman nyang sasama na sya sa kanila at doon na sya magbi-birthday. Lumitaw din si Lucas sa tabi ni Angelo at sinabing magkakasama-sama na daw sila. Gustong gusto ni Angelo na sumama sa ama. Biglang dumating si Angela at tinanong ang anak kung sino ang kausap nito. Ang sagot ni Angelo ay si teddy (bear) daw. Kinausap ni Angela ang anak at may sasabihin daw sya. Hindi pa man nasasabi ni Angela ay alam na agad ni Angelo na sasama na sila kay Hector. Nagtaka si Angela kung paano nalaman nang anak pero sinabi ni Angelo na ok lang daw sa kanya iyon. Natuwa at niyakap ni Angela ang anak. Si Angelo din ay natutuwa sa mga nangyayari.

Civil wedding day na nila Angela at Hector, si Charlie parin ang nag-make up kay Angela. Akala pa naman daw ni Charlie ay bonggang wedding, pero sabi ni Angela na iyon daw ang gusto nila ni Hector. Ayaw ni Angela na maraming tao at media, gusto nya ay tahimik lang. Nagbiro si Charlie na kung gusto daw pala ni Angela nang tahimik ay sana daw sa sementeryo nalang sila magpakasal. Nagalit si Angela at sinabing si Charlie ang una nyang ililibing sa sementeryo. Biglang bumawi si Charlie at sinabing tama nga daw na dyan nalang sila sa kanto magpakasal para mas madali. Natawa na si Angela at nawala na ang galit nya kay Charlie. Napansin ni Angela na biglang tumahimik si Charlie. Tinanong ni Charlie si Angela kung talaga bang iiwan na sila nito. Hindi na sya nasagot ni Angela dahil dumating na si Hector.

Pumunta sila sa office nang judge (or mayor – hindi ko alam eh) at doon naganap ang civil wedding nila. Tanging sila yaya, Angelo at Charlie lang ang nandoon para i-witness ang kasal nila. Sa bahay ang handaan at dumating ang mga staff nang A-list, nandoon din si Dumlao. Sa pag-iikot ni Angela sa mga bisita, nadaanan nya si Elaiza. Kinausap sya ni Elaiza at tinanong kung hindi na magbabago ang isip ni Angela. Sinabi ni Angela na hindi na at gusto nya din talagang makausap si Elaiza dahil gusto nyang magsorry sa lahat nang pagpapahirap na ginawa nya dito. Humingi din nang pasensya si Elaiza sa lahat nang misunderstandings nila. Sinabi ni Angela na bakit daw humihingi nang pasensya si Elaiza sa kanya, samantalang she’s doing her job. Sinabi ni Elaiza na mamimiss nila si Angela. Biglang tinanong sya ni Angela nang “talaga? Mamimiss mo ako?” hindi nakakibo si Elaiza. Biglang tumawa si Angela at sinabi nyang biro lang iyon. Pinuri ni Angela si Elaiza at sinabing magaling sya, pero mas may igagaling pa ito, kaya she should not stop learning daw. Sumagot si Elaiza na idol daw nya kasi si Angela kaya may mas igagaling pa sya, at sigurado daw na may mararating pa sya (parang naging mayabang si Elaiza.) Naputol ang kanilang usapan dahil biglang nag-ingay nang mga baso ang mga guests at lumapit si Hector kay Angela para yakapin at halikan ang asawa. Sinabi ni Charlie kay Hector na malaki ang ginawang pagbabago ni Hector kay Angela, dahil dati daw ay parating pinapa-imbestigahan ni Angela ang mga bagay bagay, ngayon daw ay willing pa itong sumama kay Hector sa isang lugar na hindi pa nya napupuntahan. Sumabat si Dumlao at sinabi nyang sigurado daw magugustuhan iyon ni Angela dahil sya ang nagrekomenda nun kay Hector. Dagdag ni Hector na sinigurado din nya na magugustuhan ni Angela ang lugar. Naiinis si Elaiza dahil nakikita nyang masayang masaya si Angela. Pinuntahan sya ni Joaquin at sinabing nakakainggit daw sila, dapat daw kasi ay sagutin na sya ni Elaiza para maging ganon na din sila. Sinagot sya ni Elaiza na hindi sya naiinggit.

May pulong ang kulto na pinamumunuan ni Lucas, nandoon din si Dumlao. Lahat sila ay nakaputi at may isang lamb na isinakripisyo at kumuha si Lucas nang dugo nito. Sinabi nya sa mga kasamahan na bukas ay sasalubungin na daw nila ang kanyang anak. 8 years ago daw nang isinilang si Angelo para ang pangako nang kanyang “ama” (yung demonyo) ay matupad. Ilang linggo nalang daw mula ngayon ay 9th birthday na ni Angelo, kung kailang matatakpan ang anino nang daigdig ang buwan (eclipse), at iyon daw ang magiging hudyat (signal or sign) nang sakripisyo. Ininom ni Lucas ang dugo nang lamb. Sinasabi din nya na muling mabubuhay ang mga kasamahan nilang nasawi dahil sa paglingkod sa kanyang “ama” at magbubuklod ulit silang lahat. Sinabi ni Lucas na naghihintay lang sila sa impiyerno at ang dadating ang araw na ang lupa ay magiging impiyerno at ang buong mundo ay magiging kaharian nilang lahat. Pinasa-pasa ang dugo nang lamb para kanilang inumin. Buhay pa pala si Rio Locsin, ang totoong ina ni Angela.

“Blessed is the man who perseveres under trial, because when he has stood the test, he will receive the crown of life that God has promised to those who love Him.” – James 1:12

Teasers:

– Pumunta na sila sa probinsya. Nagustuhan ni Angela ang bago nilang bahay. Malaki din at maganda.

– May humarang na mga taong nakaputi (mga kasama sa kulto) at lumuhod sa harapan ni Angelo. Naguguluhan si Angela sa mga nangyayari.

– Pinuntahan din nila ang bagong magiging school ni Angelo. Nakilala nila ang principal at nang makita si Angelo ay lumuhod din ito sa kanya (kasama din pala sya sa kulto.)

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: