Lobo, Episode 77

by

Siempre gets na ni Silva na si Noah ang tinutukoy ng madaldal. Binalaan na rin niya sa pagkakasundong mangyayari kaya hind magiging madali na gawin iyon. Kaya magiging magiging malapit daw si Noah sa huling bantay kung mangyayari iyon. Galit, pasakit at paghihiganti daw ang puhunan ni Silva, at kamatayan ng ilan. Mag-ingat daw si Silva dahil ang huling bantay pa rin ang susi sa kaligtasan ng lahi nila.

Mangyayari pa rin daw ang nakatakda (aba, line ni Mang Andres yan a!), subukan daw niya at lalayo sa kanya ang taong iyon.

Pagkatapos daw ng pulang buwan, magiging pinakamahina ang huling bantay. Matinding gulo daw ang kapalit ng ninanais ni Silva, magiging palagay daw ba ang loob niya kung mangyayari iyon?

Siempre okay lang kay Silva iyon. Paghihiganti daw niya iyon para sa kanya at sa kanyang ama.

Sa dry run naman ng fashion show, sinampal ni Lyka si Alec dahil nacarried away ang mokong sa pagpopose nila ng sexy ni Lyka. Nakita iyon ni Noah (ano ka ba Noah, pag ba ako hinalikan ni Alec, hindi mo rin siya susugurin?). Nagdahilan si Alec, sinabi niya na sinusunod lang niya ang sinabi ni Elton na i-feel ang init ng tag-init. Kahit reluctant, sinang-ayunan naman siya ni Elton. Pero Lyka did not buy it. Sinabi niya kay Alec na kapag inulit pa nito ang ginawa niya susunugin niya ang buntot nito. Nag-walk out si Alec.

Hihihintay ni Noah si Alec sa backstage. Sinabi ni Alec na ginagawa lang nito ang trabaho niya, huwag daw siyang insecure. Itinulak ni Noah si Alec (finally!) at natumba ito. Dumating si Lyka at pinigilan ang kung potential na gulo between them. Lumabas sina Lyka at Noah at naiwang nakatayo si Alec. Doon na-realize ni Trixie na in-love si Alec kay Lyka. Umalis lang si Alec bilang sagot sa tanong ni Trixie.

Kinakausap ni Silva ang picture ng tatay niya. Malapit na raw niya itong ma-ipaghiganti.

Flashback: May isang itim na lobong papatayin ang mga puting waya sa pamumuno Elle. Nakikiusap ang lalaki (Alfredo) na hwuag siyang patayin. Alam daw niyang bago palang na pinuno si Elle kaya sa kanya siya lumapit. Pero walang nangyari sa pakiusap niya. Nakita ni Silva lahat ng nangyari sa ama at noong sinubukan niyang pigilan iyon, kinagat siya ng ama. Bago ito namatay, ipinapangako niya sa anak na ipaghihiganti siya nito kay Elle. End of Flashback.

Sinabi ni Silva na kapag napatay na ni Noah ang huling bantay, siya na ang magiging pinakamalakas. At ihahandog daw nito ang ulo ni Elle at lahat ng waya sa kanya.

Natataranta naman si Nessa sa pag-aasikaso sa mga gagamitin ni Lyka sa fashion show. Kinakabahan nga lang daw si Lyka dahil hindi siya sanay sa pagmo-model. At kinakabahan din daw siya sa magiging resulta ng pag-uusap nina Leon at Elle.

Sinabi ng ina na kung sa tingin ni Lyka matatapilok siya, hanapin lang siya nito sa audience. Alam daw nito delikado, pero kailangan din daw na may gamapanan siyang tungkulin.

Kausap ni Leon si Manolo sa phone, gusto nitong makasiguro ang kaligtasan nila sa fashion show dahil kasama niya sina Noah at Zoe. Excited naman si Noah at nagpasalamat sa ama dahil pinaunlakan nito ang invitation ni Lyka. Sinabi ni Leon na malay daw niya na baka maging daughter-in-law niya si Lyka in the future, kailangan daw niya itong suportahan. Awww.

Kinakabahan pa rin daw si Noah dahil hindi mawala sa isip niya sa House of Elle. Sinabi naman ni Leon na naroroon naman silang dalawa at kaya nilang proteksiyonan sina Lyka.

Pinapanood naman ni Silva from afar ang mga dumarating. Una niyang nakita si Elle at pagkatapos sina Noah and company.

Habang nagme-make up si Lyka, tinabihan siya ni Trixie. Tinanong nito kung sasabihin na raw ni Lyka kay Noah ang totoo pagkatapos ng show. Biglang dumating sina Noah, Zoe at Leon to wish her luck.

Naunang umalis sina Zoe at Leon. Papasok si Anton sa dressing room na may dalang bulaklak pero umurong ito noong nakita niyang hinahalikan ni Noah si Lyka. Masama rin ang tingin ni Alec kay Noah.

Ang haba ng hair mo Lyka!

Nagtatago si Rodolfo sa dating kinatatayuan ni Silva (hindi ba sila nagkita? hehe), at nakita niang papasok si Nessa sa fashion show.

Ginawa na ni Trixie ang introduction at nagsimula na ang show. Pang-huli sina Lyka at Alec. Tuwang-tuwa naman si Noah habang pinapanood na rumampa ang syota.

Pagkatapos ng first set, nagpaalam si Leon at sinabing pupunta ito sa CR. Sumunod na rin sina Manolo at Elle.

Tinawagan ni Silva si Noah para tuyain. Nanonood daw ito ng mga walang kwentang palabas para lang mapasaya ang girlfriend niya (hindi ba niya nasesense si Lyka or hindi palang sila nagkita?), Marami daw mga tao ang pinapatay ng mga taong lobo pero wala itong ginagawa. Ipinaalala nito ang pagkamatay ni Emil. Sinabi ni Noah na kahit ano raw gawin nito hindi siya sasali sa kanila. Hihintayin pa raw ba niya na si Lyka mismo ang maging biktima bago siya kumilos. Hinahanap ni Noah si Silva among the crowd habang kausap niya ito pero siempre hindi naman niya ito makikita.

Ayaw pumayag ni Leon sa proposal ni Lady Elle na protektahan nila pati ang mga itim na lobo. Payag naman siya na huwag ng gawing target ang mga puting lobo, pero bakit daw pati ang mga halimaw kailangang protektahan? Bago mas lalong uminit at lumayo ang usapan, itinanong ni Manolo na mapapapayag ba naman ni Leon ang mga Luna sa mga pagkakasundong pinag-uusapan nila? Sinabi ni Leon na kailangan lang niya ng limang boto, hindi na raw mahirap gawin iyon. May mga naisip an raw siyang pwedeng lapitan.

Nakikinig si Silva sa usapan nila (So much for being private, no?). Kaya narinig niya na may apo si Lady Elle. Sinabi kasi ni Lady Elle na bagong mundo ang gusto niyang iharap sa apo niya. Sinabi ni Leon na bagong mundo rin ang gusto niyang iharap sa anak niya.

May nasense si Alec, iniwan niya si Lyka at sinabing bumalik na siya sa runway dahil mas ligtas siya doon. Ang sinabi lang niya basta raw naroroon “siya” at kailangan niyang hanapin ito.

Sakal ang inabot ni Rodolfo kay Nessa. Kung manggugulo raw ito, huwag na niyang isiping gawin dahil alam naman daw nitong mas malakas si Nessa sa kanya. Hindi makapaniwala si Rodolfo na kakampi si Nessa ng mga puting Waya. Nakikiusap si Nessa, may mangyayari daw sa loob na importante sa mga itim na lobo. Biglang nawala si Rodolfo noong dumating ang guard.

Pinuntahan ni Noah si Lyka sa backstage para sabihing magbihis na ito dahil kailangan na nilang umalis. Dumating sina Elton at Trixie at hinanap si Alec. Noong malaman nilang umalis ito, kinulit-kulit niya si Noah.

Ayaw ring umalis ni Lyka dahil nakataya ang pangalan niya roon. Naisip niya na mas ligtas si Lyka kung kasama niya ito runway.

LUmabas na sa stage sina Noah at Lyka.

(Let’s all take a moment of silence…and give me a minute to wipe the drool off my face.)

Nabigla man ay tuwang-tuwa si Zoe noong nakita niya ang kuya niya na rumarampa. Natigilan naman si Anton noong nakita niya si Noah (nagselos naman ito).

Hinanap naman ni Tarzan, er, Alec si Silva. Nakita niya itong nagtatago sa bintana. Bumalik na sa audience ang mga nagmeeting.

Tapos na ang fashion show. Rumampa din si Lady Elle.

Nagpalit ng balat si Silva, nagpalit na rin ng balat si Alec.

Tuwang-tuwa naman lahat especially Elton kay Noah. Hinahanap naman ni Lyka si Alec, narinig niya ang pag-aaway nina Alec at Silva. Tinulungan ni Lyka si Alec.

Habang naglalakad si Anton sa parking lot may itim na lobo na humarang sa kanya. Tinanong ni Anton kug siya raw ba ang tumutulong sa kanya? Huwag daw itong mag-alala at malapit na niyang maperperkto ang gamot. (Kawawa naman si Anton, hindi siya kasali sa after party.)

Dinumog din ng mga fans si Noah (meron bang mga common tao sa fashion show?). Habang nagpapa-autograph si Zoe, nakatanggap ng text message si Noah mula sa ama. Sinabi niyang may aayusin lang daw siya at mauna na sila ni Zoe. Niyaya na ni Noah si Zoe at hahanapin daw nila si Lyka.

Sabay na nagkatawang tao sina Lyka at Alec. Dali-dali silang naghanap ng maisusuot. Sinabi ni Alec na kailangang agad malaman ni Lay Elle ang nangyari. Hindi niya kilala kung sino iyon pero alam itong ito ang nakalaban niya noong iniligtas niya si Noah.

Pumasok sa dressing room si Zoe at kasunod nito si Noah. Nakita nilang hindi fully dressed sina Alec at Lyka…(Oh my God!!!)

Teasers:

Galit si Zoe kay Lyka ayaw nitong maniwalang nagbibihis lang sila ni Alec from the show.

Papunta si Silva sa bahay nina Leon.

May kausap na kapwa Luna si Leon, narinig niya ang sigaw ni Zoe.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: