Maligno, Episode 13

by

“PAG-IBIG O PAGHIHIGANTI?”

Nag-iimpake ang yaya ni Angelo nang kanyang mga gamit habang si Angela ay nasa phone. Tinawagan ni Angela si Charlie para ipasabi na hindi sya matutuloy sa taping at ipack-up na daw.

Sinabi agad ni Charlie sa supervisor nila na hindi makakarating si Angela. Nagalit ang supervisor dahil kung hindi matutuloy ang taping, wala silang ipapalabas next week. Nag suggest naman ang isang staff na mag-replay nalang sila. Hindi nag-agree ang supervisor, wrong move daw iyon dahil ngayon pa gagawin iyon kung kailan mataas ang ratings nila. Baka daw bumitaw ang mga audience nila dahil lang sa isang replay.

Nag suggest ulit ang staff at sinabing si Elaiza nalang daw ang mag-interview sa mga guests at i-edit nila na at isingit si Angela ang kunyari ay nagtatanong din sa mga guests. Lahat iyon ay naririnig ni Joaquin. Nang may matanggap na phone call ang supervisor galing sa boss nila, binati agad ni Joaquin si Elaiza dahil ito na daw ang hinihintay nyang break. Pag hung up nang phone nang supervisor, sinabihan agad nya ang mga staff na tuloy ang taping at sinabihan nya si Elaiza na sya ang isasalang. Inutusan nang supervisor si Charlie na mag-make up kay Elaiza, nung una ay nagreklamo si Charlie pero nung huli ay wala din syang nagawa kundi ang sumunod.Paalis na sila Angela at pinagalitan nya ang mga katulong at security guards. Sasagot sana ang isang security guard na wala naman daw talagang nakapasok, pero nagalit si Angela. Tinanong ni Angelo kung saan sila pupunta. Hindi agad sinagot ni Angela ang anak, pero tinanong nya ito kung may alam daw ito kung paano napunta ang kwintas sa kwarto nya, sinagot sya ni Angelo na wala. Sumakay na sila nang kotse para umalis.

Si Elaiza naman ay nagta-taping na at ang topic nang kanilang show ay tungkol sa pag-ibig nang mga bulag. Inspired at gandang ganda si Joaquin kay Elaiza habang kinukunan nya ito.

Pumunta sila Angela sa ospital at dinalaw si Hector. Nagulat si Hector dahil biglaan ang pagpunta nila doon. Tinanong ni Angela si Hector kung pwedeng doon muna sila. Hindi naman tumanggi si Hector.

After nang taping, tuwang tuwa ang supervisor kay Elaiza at pinupuri nya ito at sinabi na din sa boss (Mam Celeste) kung gaano ito kagaling. Tuwang tuwa naman si Elaiza, pero si Charlie ay hindi.

Ipinakita ni Angela ang kwintas kay Hector at sinabing nakapasok daw si Lucas sa kwarto ni Angelo. Hindi na daw alam ni Angela ang gagawin, lahat daw ay ginawa na nya para protektahan si Angelo pero she feels helpless dahil walang nangyayari. Sinabi ni Hector na nandoon lang daw sya para sa kanya. Nahiya naman si Angela dahil kahit alam daw nyang hindi pa magaling si Hector ay doon sila pumunta, dahil doon ay feel nyang ligtas sila ni Angelo. Tinanong ni Hector kung tatanggapin na ba daw ni Angela ang alok nya, hindi agad sumagot si Angela kaya tinawag ni Hector si Angelo. Tinanong ni Hector si Angelo kung ok lang ba daw na sya ang magiging daddy nito dahil papakasalan nya ang mommy nito.

Pumasok si Elaiza sa office ni Angela at feeling sya na ang papalit sa pwesto nito. Feel na feel nya ang pag-upo doon, kinalikot na din ang mga gamit ni Angela. Nakita ni Elaiza ang files/documents tungkol kina David. Habang naglalakad sa hallway, nakabangga nya si Joaquin at nahulog ang mga dala nya – ang mga files/documents nila David. Napansin ni Joaquin na may pictures, tinanong nya si Elaiza tungkol doon. Sinabi ni Elaiza na iyon daw ang susunod nyang ire-report. Nakalusot naman sya kay Joaquin. Nagtaka naman si Joaquin dahil bakit hindi pa daw umuuwi si Elaiza. Sinabi ni Elaiza na may gagawin pa sya at ipapa-xerox (copy) pa nya ang mga “report.” Humanga si Joaquin sa kasipagan ni Elaiza kaya nag-offer ito na tutulungan nyang mag-copy si Elaiza, pero tumanggi agad ito. Nag-offer nalang si Joaquin na ihatid nya si Elaiza dahil gabi na at baka delikado. Hindi na nakatanggi si Elaiza at sinabihan nya si Joaquin na hintayin nalang sya sa lounge.

Katabi ni Hector si Angela sa hospital bed matulog, habang si yaya ay sa sofa at si Angelo was provided a small bed. Habang natutulog si Angela at nakayakap kay Hector, sinabi ni Hector (sa isip) na sya daw ang magpro-protekta kina Angela.

Hinatid na ni Joaquin sa boarding house si Elaiza, biniro nya pa ito na siguro daw sa susunod ay sa condo na nya ito ihahatid. Sinabi ni Elaiza na hindi na mangyayari iyon dahil daw siguro by that time ay may kotse na din daw sya. Nag goodnight na sila pareho, pero si Joaquin ay parang may hinihintay na goodnight kiss pero hindi iyon nangyari. Pumasok na si Elaiza sa kwarto nya. Pagpasok naman ni Joaquin sa kotse ay nakita nyang naiwan ni Elaiza ang cellphone nya kaya pumasok sya sa boarding house. Sa kwarto naman ni Elaiza ay nakadikit sa wall ang mga reports and articles tungkol kay Angela. Si Joaquin naman ay tinanong kung saan ang kwarto ni Elaiza dahil naiwan nito ang cellphone. Dinagdag ni Elaiza sa wall ang mga nakuha nyang documents kina David. Hindi pala masyadong nakasara ang kwarto ni Elaiza, kaya nang mahanap ni Joaquin ang kwarto nya, narinig nito ang balak na paghihiganti ni Elaiza kay Angela. Tinawag sya ni Joaquin at nakita din nito ang mga reports and articles na nakadikit sa wall nang kwarto ni Elaiza. Tinanong sya ni Joaquin kung ano ang mga iyon, at si Angela ba daw ang sinisisi ni Elaiza sa pagkamatay nang ina nya? Sinabi ni Elaiza na ilalabas daw nya sa buong mundo ang iniisip nang mga tao tungkol kay Angelo. Sinabihan sya ni Joaquin na mali ang gagawin nya. Sinabi at ipinakita ni Elaiza kay Joaquin ang tungkol sa paintings na ginawa ni Lucas – ang lalaking nang-rape kay Angela at sinabing nakatakda daw sila para isilang si Angelo. Ang mga paintings daw ay naglalarawan na ang anak nila ay anak nang demonyo. Sa school daw ni Angelo ay may nangyaring mga aksidente at si Angelo ang itinuturong may gawa. Tinanong ni Joaquin kung sino ang maniniwala kay Elaiza? Naiiyak na sinabi ni Elaiza na hindi naman din daw totoo na mangkukulam ang nanay nya. At dahil daw sa report ni Angela ay naniwala ang mga tao at hinusgahan ang nanay nya. Kahit ano pa daw ang paliwanag ni Elaiza, hindi parin daw tama ang gagawin nito. Hindi daw kasi alam ni Joaquin kung ano ang nararamdaman nya (Elaiza) at nang nanay nya. Sinabi ni Joaquin na hindi na mababalik ang buhay nang nanay nya kahit na sirain nya ang buhay ni Angela. Ang gusto ni Elaiza ay ipatikim kay Angela ang lahat nang sakit na idinulot nya. Sinabi ni Joaquin na hindi sya ang Elaizang mahal nya. Natahimik si Elaiza dahil lumabas kay Joaquin na mahal sya nito. Bago umalis ay ibinigay ni Joaquin ang cellphone ni Elaiza.

Bumalik na sa office si Angela at kausap nya si Charlie. Pinag-uusapan nila ang nakuhang memo ni Angela mula sa kanilang producer. Tinanong ni Charlie kung pupuntahan ni Angela ito at sasabihin na babawi sya. Sabi ni Angela na kakausapin nya at hihingi sya nang leave. Alam daw ni Charlie na mas priority ni Angela si Angelo. Nagulat si Charlie nang sabihin ni Angela na inalok na daw sya nang kasal ni Hector. Tama daw si Charlie nang sabihin nito na kalaban lang nya ang sarili nya, pinigilan nya ang sarili kahit mahal nya si Hector. Mahal daw ni Hector si Angelo at alam nyang magiging masaya lang sila kapag nagsama sama na sila bilang isang pamilya. Malungkot na sinabi ni Charlie na masaya sya para kay Angela. Napansin naman ni Angela na malungkot si Charlie. Sinabi ni Charlie na parang iiwan na daw kasi ni Angela ang lahat. Sinabi ni Angela na sooner or later she has to make a choice. Hindi nila alam na nakikinig si Elaiza sa may labas nang office ni Angela at narinig ang mga iyon.

Nang makita ni Elaiza si Joaquin, gusto sanang umiwas nito pero kinausap sya ni Elaiza. Pinakiusapan sya na ilihim ang mga nalaman nya tungkol kay Elaiza. Nakiusap din si Joaquin na itigil na daw ni Elaiza ang planong pagsira nito sa buhay ni Angela at anak nito dahil sisirain din ni Elaiza ang sarili. Hindi na daw mababago ni Elaiza ang nakaraan, pero binago nya ang kanyang future, meron daw syang great career as a journalist. At kung nabubuhay lang daw ang nanay ni Elaiza, sasabihin nito na kalimutan na ang paghihiganti. Alam daw ni Joaquin na proud na proud daw ang nanay ni Elaiza sa mga achivements nito at hindi sa paghihiganti nya. Bago mag-walk out ay sinabi ni Elaiza na laban nya iyon. HInawakan sya ni Joaquin at sinabi nyang laban din nya iyon dahil ipinaglalaban nya ang babaeng mahal nya, ipinaglalaban nya na gawin nito ang tama. Nag I love you si Joaquin kay Elaiza, at hindi daw nya hahayaang mawala si Elaiza sa kanya dahil may galit sa puso nito. Naiyak na yumakap si Elaiza kay Joaquin. Ang hindi alam ni Joaquin ay matindi parin ang pagnanasa ni Elaiza na gumanti.

“…for whoever is desiring to save his soul-life shall ruin it, but whoever will pass a sentence of death upon his soul-lif for my sake, shall find it…” – Matthew 16:25

Teasers:
– Lumipat na sila Angela sa mas malaking bahay at maraming security cameras. Wala nang ganang lumabas si Angela mula nang mangyari ang kidnapping kay Angelo. Gusto nalang daw nya ay kasama palagi ang anak.

– Inalok ni Hector si Angela nang kasal at tinanggap naman nya ito.

– Sa engagement party, sinabi ni Elaiza kay Angela na mami-miss nya ito. Sarcastic na tinanong ni Angela kung talaga daw bang mami-miss sya ni Elaiza. Hindi sya nakakibo.

– Naiinggit si Joaquin kina Angela at Hector at sinabi nya iyon kay Elaiza. Sagutin na daw sya kasi ni Elaiza para maging ganon din daw sila. Pataray na sinabi ni Elaiza na hindi sya naiinggit.

– Kausap ni Angelo si Lucas at natutuwa syang malaman na titira na sila sa ama at doon daw sya magse-celebrate nang ika 9th birthday nya. Pumasok sa kwarto si Angela at tinanong ang anak kung sino ang kausap nito.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: