Lobo, Episode 76

by

Tinanong ni Lyka kung bakit may picture si Nessa ni Emil? Siya raw ba ang isa sa mga lalaking minahal ni Nessa? Finally, tinanong ni Lyka ang pumatay sa tatay ni Noah. Umiiyak lang si Nessa.

Pilit daw binubura ni Lyka sa isip niya na kayang manakit ng ibang tao ang ina niya. Bakit raw niya nagawa iyon?

Sinabi ni Nessa na hindi niya sinadayang ito ang nagtulak sa kamatayan ni Emil. Si Emil daw ang lalaking pinakamamahal nito sa buong buhay niya. Lumuhod si Nessa at niyakap ang anak. Natatakot daw itong mawala si Lyka sa kanya at natatakot daw siyang masaktan ito at si Noah kaya niya itinago dito.

Ipinagdarasal daw ni Nessa na sana maibalik ang oras na iyon at siya na lang ang namatay at hindi ang taong mahal niya. Niyakap ni Lyka ang ina.

Naglalakad-lakad naman si Noah sa loob ng mansiyon. Parang naririnig ni Noah ang usapan nila at nasense ito ni Lyka kaya pumunta ito sa baba.

Nakita naman ni Dr. Lee na iniabot ng lalaking pinagkatiwalaan niya ng sulat para kay Leon kay Silva ang sulat.

Humingi ng paumanhin sina Lyka at Nessa. Bigla raw kasing nagkasakit si Nesa.

Nakipagkita si Manolo kay Leon. Nagalit noong una si Leon dahil hindi si Elle ang kaharap niya (bakit taype mo rin si Elle? Heheh!). Sinabi ni Manolo na siya muna ang kakausap sa kanya at mas maigi raw sigurong magtiwala muna sila sa isa’t isa. Gustong malaman ni Leon kung bakit may itim at may puti. Bilang kapalit, ipapasuspinde ni Leon lahat ng mga operations ng mga Luna pati na ang profile ng mga suspected na taong lobo. Para mailipit nina Manolo ang mga taong lobo sa malayo.

Sinabi ni Manolo kay Leon ang pag-iimbita ni Elle sa kanyasa fashion show para makapag-usap sila. Nagkamay ang dalawa bago sila nagkahiwalay.

Binaril ni Silva si Dr. Lee (Bwiset, may araw pa noong nakita mong iniabot ang sulat ngayon ka pa lang tumakas?) bago ito nakaalis ng bahay. Nakita ito ni Choy pero hindi na niya nahabol si Silva.

Narinig ni Noah ang mga orders ni Leon na hanapin si Silva. Si Leon pala ang may idea ng pakawalan si Dr. Lee para masundan nila. Ngayon nagsisisi siya dahil namatay nga ang doktora.

Problemado si Lyka, hindi nga raw niya alam kung paano niya sasabihin kay Noah ang pagiging taong lobo niya. Mas lalo na ngayong may kinalaman pala siya sa pagkamatay ng tatay ni Noah. Hindi naman niya sinisisi ang ina sa mga pangyayari. At sinabi niyang hindi niya isusuko ang pagmamahalan nila ni Noah.

Nag-aalala si Noah sa kaligtasan ng ama. Pero sinabi ni Leon na huwag itong mag-alala dahil lahat ng Luna ay target na si Silva. At sinabi na rin niya kay Noah na sa mga nakaraang araw marami na siyang nalaman at narinig na nagpapatunay na hindi halimaw ang mga taong lobo –at least not all of them. Ayaw maniwala ni Noah pero sinabi ni Leon na balang araw patutunayan niya ito kay Noah.

Skeptical naman si Selina sa pagkikita nina Leon at Elle. baka raw isang patibong ang inihanda ni Leon para sa kanila. Sinabi ni Manolo na mapagkakatiwalaan si Leon. Ilang beses na raw na nagkaroon ng pagkakataon si Leon sugurin at sopresahin sila pero hindi nito ginawa. Pero as a precaution daw, mas hihigpitan nila ang security.

Matagal na raw hinihintay ng mga taong lobo ang mamuhay ng tahimik. At pagkakaton na raw nila iyon sabi ni Lady Elle.

Kausap ni Lyka ang picture ni Emil. Sana raw hindi ito galit kay Nessa at sinabi nitong mahal na mahal niya si Noah. Kahit na anong mangyari, purprotektahan niya si Noah, hanggang humihinga siya walang mangyayaring masama kay Noah. Mag-iiba raw ang kwento nila sa kwento nina Nessa at Emil.

Akala daw ni Silva, katabi niya sina Gabby at ang dalubhasa niyang doktor. Inihagis niya ang picture frame at may nakaipit na portrait ni Remus. Iniiisip ni Silva kung sino na ang huling bantay ngayon. Type ni Silva na mapasakanya ang kapangyarihan ng huling bantay.

Ino-orient ni Alec si Lyka tungkol sa enhanced security measures ng fashion show. Gusto sana ni Lyka kasama siya sa pag-uusap nina Leon pero sinabi ni Alec na mas safe ito kung nasa runway siya.

Kausap ni Lady Elle si Nessa. Sinabi nito sa kanya na gusto niyang iparating sa Luna na ayaw niyang pataying ang mga itim na lobo. Mga kapatid daw nila ang mga ito na naligaw ng landas. Ang dapat daw niyang gawin ay tulungan silang mai-alis ang pagnanasa nila sa dugo at laman ng tao. Tinanong ni Nessa, hindi raw ba’t kaaway ang tingin nila sa mga itim na lobo? Curious si Lady Elle kung bakit tinatanong ni Nessa ang tungkol doon, dahil daw ba naging biktima siya ng mga Luna at nahihirapan siyang magtiwala sa kahit sino?

Sinabi ni Lady Elle na darating din ang panahon na kailangang tanggalin ni Nessa ang pagkatao niya ang takot dahil darating ang araw ang na hindi na sila guguluhin ng mga luna.

Hopeful naman si Lyka. Kung naging maganda raw ang usapan nina Leon, ano raw sa tingin ni Alec ang mangyayari? Sinabi ni Alec na mas marami raw lobong makakalabas para gumimik. Sinabi naman ni Lyka kapag nagpakita na ang bato ng Remus maililigtas na ang lahi nila, at magiging okay na ang lahat ang magkakaroon na sila ng chance ni Noah.

Sa sobrang tuwa ni Lyka sa mga naiisip niyakap niya si Alec. Kunwari ayaw pa ni Alec pero hindi nag-let go si Lyka, niyakap pa rin niya ito dahil hindi na niya ito makikita. Hinaplos naman ni Alec ang likod ni Lyka. Hindi agad narealize ni Lyka na naroroon si Noah at na may dala-dalang pagkain. Noong papaalis na si Noah doon niya nakita at hinabol niya ito.

Nagmamatyag naman si Nessa sa bahay nina Clara. Nagtatapon ng basura si Clara noong masayang dumating si Anton at ibinalita sa ina na nakumpleto na niya ang formula ng gamot niya sa pagiging lobo. Tuwang-tuwa naman si Clara sa narinig.

Iniisip ni Nessa na nagkamali siya, na hindi nila kalaban si Lady Elle pero kung makakatulong din ang gamot na iyon may pag-asa sila.

Pinaghanda pa rin ng pagkain ni Noah si Lyka, nakatingin lang si Lyka kay Noah. Medyo malamig ang pakikitungo ni Noah (pasimpleng selos). Sinabi ni Lyka na wala raw iyong nakita niyang pagyakap niya kay Alec. May nashare lang na good news si Lyka kay Alec tungkol sa trabaho kung kaya’t nakayakap niya ito.

Sinabi ni Noah na may tiwala ito kay Lyka. Hinalikan siya ni Lyka sa pisngi. Sinabi ni Noah na naguguwapuhan na naman ito sa kanya. Sinubuan niya si Lyka (nagmelt ang puso ko…).

Balak namang umattend ni Silva sa fashion show ng House of Elle. Magkikita pa rin daw sila ni Elle at sana raw kapag nagkita sila, katabi nito ang huling bantay. Habang nakatingin si Silva sa banner ng fashion show, nakita siya ni Noah.

Binunot ni Noah ang baril niya at sinabi niyang sumuko na si Silva. Si Leon daw ang hibang dahil inisiip niyang niya may kaluluwa ang mga lobo. Cool lang si Silva pero tinanong niya kay Noah hanggang kailan nito maitatanggi sa sarili na may kakayahan ito para lipulin ang mga lobo. Nadistract si Noah ng isang itim na lobo sa may eskinita at bigla na lang nawala si Silva.

Habang nag-aayos ng closet niya si Lyka, tinanong siya ng ina kung may gagawin sila ni Noah bukas ng gabi. Ipagluluto daw niya ng hapunan ang dalawa.

Pingalitan ni Leon si Noah dahil sa paglapit nito kay Silva. Ayaw pumayag ni Leon na gawing pain ni Noah ang sarili para makipagkita si Silva sa kanila. Mahuhuli daw ni Leon si Silva without risking Noah’s life.

Sinadya ni Silva si Nana Sela. Ayon daw kasi sa  kasulatan ng ama niya, ito ang makakasagot sa mga tanong niya. Sinab ni Nana Sela na siya si Crisostomo Silva, pero ang totoong pangalan niya ay Alberto, anak ni Alfredo de la Rama. Alam daw ni Nana Sela ang lahat ng mga nangangahas na lumapit sa kanya.

Ano raw ang nangyari sa mga lahi ng Waya ng kinabibilangan ni Silva.

Nawala nag pagkabastos ni Silva, lumuhod at nag-opo pa ito kay Nana Sela. Tama raw ito, hindi niya pakay na saktan si Nana Sela.

Maraming iniluto si Nessa para sa dinner nina Noah at Lyka. Invited si Lady Elle sa dinner. Muntik ng matawag na lola ni Lyka si Lady Elle sa harap ni Noah. Tinanong ni Noah kung nasaan si Manolo, pero marami raw siyang ginagawa. Masaya si Ganda at Pogi.

Tinanong ni Silva kung sino ang huling bantay. Ang kasagutan daw sa tanong nito ay hindi para sa kanya, sagot ni Nana Sela. Alam daw nito ang gusto ni Silva: Kapangyarihan. Matutupad daw ang gusto nito, siya ang pinakamakapangyarihan at pinakamalakas sa lahat ng mga lobo.

During dinner, ikinuwento ni Lyka kung paano nagkita sina Lyka at Nessa. Nag-volunteer si Lady Elle na siya na ang kumuha ng dessert since Nessa worked hard para magluto. Tumulong naman si Lyka.

Natutuwa si Lady Elle dahil medyo naglalapit na sila ni Nessa dahil ilang beses na niyang sinubukang maging malapit dito.

Magadang sign daw ang pagkakasundo ng lahat, sabi ni Lyka. Sinabi niya sa lola niya na pagkatapos ng fashion show at ng pag-uusap nila ni Leon, sasabihin na niya kay Noah ang totoo. Mukhang worried naman si Lady Elle.

Tinatanong ni Silva si Nana Sela kung ano ang kailangan niyang gawin para mapasa-kanya ang kapangyarihan. Marami raw kundisyon at maraming kailangang gawin at sundin. Hindi raw madali. Sa dulo ng kanyang nilalakbay, makakamit lang daw niya ang nais niya sa kamatayan ng huling bantay.

Paano raw siya papatayin ni Silva? Sinabi ni Nana Sela na hindi siya ang papatay, kung hindi ang taong may taglay ng kapangyarihan laban sa kagat ng lobo. Kapag naging laban na raw nito ang laban niya, ito ang papatay sa huling bantay…

Ito namang matandang `to ang daldal! Bakit pa sinabi kay Silva kung paano. Geez.

Teaser:

May sinundan si Alec. Sina Lyka at Noah ang rumampa sa fashion show.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: