MALIGNO – Episode 12

by

“KILL THE DEVIL”

Pagkatapos panoorin ni Eliza ang tungkol sa kanyang ina, biglang nag-brown out at natakot ito. Nang magkaroon na nang kuryente ay nagulat sya dahil may humawak sa kanyang balikat – si Joaquin lang pala. Napansin ni Joaquin na umiyak si Eliza pero tinanggi nya ito. Pinipilit ni Joaquin na umiyak ito, nakulitan si Eliza at sinabing hindi daw sya umiyak, napuyat lang daw sya. Niyaya sya ni Joaquin lumabas para makapag-relax si Eliza pero tinanggihan nya iyon dahil madami pa daw syang gagawin. Biglang nilabas ni Joaquin ang bouquet at inabot kay Eliza. Natuwa naman si Eliza. Kinongratulate sya ulit ni Joaquin for the most promising journalist of the century.

Habang kumakain nang dinner, pinauna na ni Angela ang yaya at si Angelo, parang may hinihintay sya para kasabay kumain. Biglang nag-ring ang cellphone nya at tumawag si Hector. Humingi nang sorry dahil na-traffic daw sya. Sinabi ni Angela na hihintayin daw nyang dumating si Hector.

Habang naliligo si Lucas, naging all black na naman ang kanyang mga mata – may panganib na naghihintay kay Angelo dahil sila David ay pumunta na sa bahay nila Angela, para tangkain ang buhay ni Angelo. Napatulog na nila David ang mga security guards (hindi nila pinatay, sinaktan lang) at nakapasok na sila sa bahay ni Angela. Nang tanungin ni Angela si Angelo, sinabi nang yaya na tapos nang maligo at mag-toothbrush kaya matutulog na ito. Hindi nila alam ay habang natutulog si Angelo ay nakapasok na sa kwarto nya sila David at kinuha si Angelo. Dumating si Hector at parang alalang-alala ito. Tinanong agad ni Hector si Angela kung nasaan si Angelo. Pinuntahan agad nila ito sa kwarto, pero wala na doon si Angelo dahil naitakas na ito nila David. Nakita nilang sinakay ito sa kotse, kaya sinundan ito nila Hector. Habang sinusundan nila Hector ang kotse nila David, tumawag si Angela kay Dumlao at sinabing kinuha si Angelo. Nagpapanic na si Angela dahil hindi na nila makita ang kotse nila David. Sa van naman nila David, biglang sumulpot ang malignong bantay ni Angelo (pero hindi nila nakikita, tanging si Angelo lang) at sinakal si Rico (ang driver.) Nabangga ang van nila, patay si Rico pero buhay sila David at Juancho. Lumabas nang van si Angelo at babarilin na sana sya ni David pero biglang sumulpot ulit ang malignong bantay at pilit na kinontrol ang kamay ni David para barilin si Juancho. Pagkatapos mabaril si Juancho, kinontrol ulit nang maligno ang mga kamay ni David para sa kanya naman itutok at iputok ang baril – natamaan lang si David sa may balikat. Nakita na nila Angela ang van at si Angelo. Niyakap agad ni Angela ang anak, hindi nila alam ay buhay pa si David at kinuha ang baril para barilin si Angelo. Humarang si Hector at sya ang nabaril. Nakatutok parin ang baril ni David kay Angelo pero nakaharang si Angela para protektahan ang anak at umiiyak ito, nagmamakaawa kay David na huwag patayin ang anak. Biglang may bumaril kay David – dumating si Dumlao. Hindi naman namatay si Hector dahil tinamaan lang sya sa may balikat.

Sinugod agad si Hector sa ospital para operahan, pero hindi pa ito ligtas. Dumating si Charlie sa ospital para dumamay kina Angela. Habang nasa hospital room na si Hector, lumabas ang maligno sa kanyang kwarto at naging si Lucas ito.

Nagpasalamat si Angela kay Dumlao. Nagtataka si Angela dahil pangalawang attempt na daw iyon sa buhay ni Angelo. Ang sabi naman ni Dumlao ay hindi ito maiiwasan dahil kilalang personality si Angela at alam daw na mayaman ito. Sabi ni Angela na hindi pera ang habol. Wala daw balak humingi nang ransom, gusto lang daw talagang patayin ang anak nya. Tinanong ni Angela si Dumlao kung bakit. Sinabi ni Dumlao na maraming galit kay Angelo sa school nya, sinuggest nyang lumayo muna sila Angela at meron daw syang alam na lugar. Alam daw ni Angela na maraming may galit sa kanila sa school dahil nasaktan ang mga bata, pero hindi daw sapat iyon para ipapatay si Angelo. Alam ni Angela na may misteryong nangyayari behind it. Nakiusap si Angela kay Dumlao na huwag nang maipalabas iyon sa media dahil ayaw nyang maapektuhan si Angelo. Biglang dumating ang doctor.

Pinuntahan ni Angela si Hector at gising na ito. Nagpasalamat si Angela kay Hector dahil sa paglitas nito. Sinabi ni Hector na kahit ano ay gagawin nya para sa kanila dahil mahal na mahal nya si Angela. Inamin na din ni Angela na mahal nya si Hector.

Sa bahay ni Angela, pumunta si Dumlao para ibigay ang report sa background nang mga taong gustong pumatay kay Angelo. Nagalit si Angela dahil naunahan pa nya sila Dumlao. Alam nya na yung dalawa ay nakulong 8 years ago dahil sa attempted kidnapping, sila ang nagtangka sa buhay ni Angelo. Galit si Angela dahil na-overlook iyon ni Dumlao. Kaya hindi daw sya masisisi ni Dumlao kung bakit kumikilos syang mag-isa. Biglang bumaba ang yaya ni Angelo at sinabi kay Angela na ayaw nitong pumasok sa school. Pinuntahan ni Angela ang anak sa kwarto. Nagsabi si Angelo na ayaw na nyang pumasok sa school nya. Sinabi ni Angela sa anak na ililipat nya nang ibang school ito. Nagulat naman ang yaya ni Angelo, dahil saan daw nito ililipat nang school? Sagot ni Angela na hindi nya pa alam, siguro daw ay sa malayong malayo. Sinabi ni Angela sa anak na marami daw syang gagawing pagbabago para dito dahil mahal nya ang anak. Nag I love you din si Angelo sa ina. Nagyakapan ang dalawa.

Sa kanyang office, tinitingnan ni Angela ang mga files/report tungkol sa mga taong gustong pumatay kay Angelo. Pumasok ang supervisor nang mga staff at kinausap si Angela. Mabuti naman daw at binisita sila ni Angela dahil may taping ito ngayon. Wala sa mood si Angela. Nagtaray ang boss nang mga staff at sinabi daw sa kanya ni Charlie na may problema sa school ni Angelo, pero mabuti nalang daw at nandoon si Eliza para pagtakpan ang mga episodes na wala si Angela dahil binibitin nya ito. Nag sorry si Angela, pero galit na galit ang boss nang mga staff at nasisigawan na si Angela dahil pwede namang ipa-handle ni Angela sa mga staff ang problema sa school ni Angelo. At sa trabaho nila, hindi daw pwede na dalawa ang mundo. Sinagot sya ni Angela na wala itong anak kaya hindi nya naiintindihan, sabay walk out.

Tumawag si Dumlao kay Lucas, sinabi nya nagdududa na daw si Angela sa kanya. Sinagot sya ni Lucas na hindi nagdududa si Angela sa pagkatao nito kundi sa kakayahan nya. Hindi daw kasi alam ni Dumlao na huhukayin pa ni Angela ang mga records. Sabi naman ni Lucas na naging daan na daw si David para matanggap ni Angela ang pag-ibig ni Hector, at hindi daw dapat maging hadlang sa mission nila ang isang patay.

Nagpaalam si Angela sa anak na magta-taping sya (gabi na and Angelo’s about to sleep.) Nagrequest si Angelo na huwag nang umalis ang ina. Sabi ni Angela na sandali lang daw sya at may mga security guards namang magbabantay at yaya nito. Kinuha ni Angela ang laruan sa anak at sinabing magbasa nalang ito kesa maglaro para maging matalino. Pag kuha nya nang libro ay bumagsak ito at nakatago pala doon ang regalong kwintas ni Lucas sa anak nung birthday – kaparehong kwintas na suot ni Lucas. Nagalit at natakot si Angela dahil itinapon na daw nya iyon. Wala namang alam ang yaya tungkol dito.

“And the devil, who deceived them, was thrown into the lake of burning sulfur, where the beast and the false prophet had been thrown. They will be tormented day and night for ever and ever.” – Revelation 20:10

Teasers:

– Pumunta si Angela sa ospital at ipinakita ang kwintas na nakuha nya sa kwarto ni Angelo. Sinabi ni Hector na sya daw ang magproprotekta kina Angela.

– Narinig ni Joaquin ang balak na paghihiganti ni Eliza kay Angela.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: