Lobo, Episode 75

by

Idinahilan ni Lyka na ang location sa bagong photoshoot ay malapit lang doon. Sinabi naman ni Noah na ang daddy ay may lupa malapit doon. Hinalikan ni Noah si Lyka. Sinabi ni Tikboy na aalis na siya dahil out of place na siya dun.

Pinuntahan ni Tikboy si Father Ben at itinanong kung bakit hindi na lang sabihin ni Lyka kay Noah kung ano talaga siya tutal love naman nila ang isa’t isa. Hindi naman daw ganoon kadali iyon sabi ni Father Ben.

Habang tinatanaw ng dalawa ang view, sinabi ni Noah na para daw silang nasa San Adolfo. Gusto ni Noah na sa San Adolfo sila tumira at bumuo ng pamilya, magiging barrio doctor din siya kagaya ng ama. Pero sinabi niyang hindi mangyayari iyon dahil ayaw niyang ilayo si Lyka sa mga pangarap niya. Sinabi ni Lyka na sasama siya kahit saan gustong magpunta ni Noah. Kahit na maging mananahi lang siya. Kasi lahat naman daw ng pangarap niya walang saysay kung hindi niya kasama si Noah.

Iyon lang daw ang pangarap niya, basta masaya lang daw siya kuntento na siya. Nag-I love you sila sa isa’t isa. (Naks!)

Nagaalala si Elle dahil hindi pa tumatawag si Leon baka raw nagbago ang isip niya. Siniguro ni Leon na Manolo is an honourable man at hindi ito sisira sa usapan. Makikipagnegotiate daw sila kay Leon (baka magbibigay sila ng tip ab9ut itim na lobos). Sinabi ni Manolo na kailangan nila ng front para maging safe ang lahat.

Isinama ni Lyka si Noah sa loob ng bahay nila para papagkapehin. Niyakap niya si Noah bago siya kumuha ng kape at nakita sila ni Alec. Naglakad-lakad si Noah at nakarating ito kung saan nakalagay ang mga paintings ng mga kalahi nina Lyka. Bumaba ng hagdanan si Nessa at nakita niya si Noah.

Itinanong ni Nessa kung ano ang ginagawa ni Noah doon. Masaya namang kinumusta ni Noah ang biyenang hilaw niya. Sinabi ni Nessa na huwag raw sanang mamasamain ni Noah pero hindi sila tama ni Lyka para sa isa’t isa. Alam daw ni Nessa na nagmamahalan sila ng anak niya pero may mga bagay sa mundo na hindi kayang kalabanin ng pag-ibig. Pareho lang daw silang masasaktan ni Lyka. Biglang dumating si Lyka.

Nagka-idea si Elle. Sinabi niya na isasabay nila ang meeting nila kay Manolo sa Fashion Show, with a lot of things going on, wala naman daw sigurong makakahalata sa kanila (Hindi ba pwedeng pasikreto na lang nilang papasukin si Leon sa bahay nila? Ang hilig talaga nila sa mga elaborate ng plano). Dumating si Alec at ibinalita na pinapasok ni Lyka si Noah.

Naisip ni Lady Elle na that could work in their advantage. Malalaman ni Leon na nakakapasok si Noah sa bahay nila at walang nangyayaring masama dito. Makukuha daw nila ang tiwala ni Noah.

Sinigurado ni Noah kay Nessa na huwag itong mag-alala para kay Lyka. Umalis lang si Nessa. Humingi ng paumanhin si Lyka kay Noah, pero okay lang daw kay Noah.

Nag-report si Choy kay Leon. Sinabi nitong nakasurveillance si Dr. Lee at isang lapit lang nito kay Silva, lagot silang pareho. DUmating si Noah at umalis na si Choy.

Nakita ni Silva si Dr. Lee na naghahalungkat ng mga papeles sa opisina. Sinabi ni Silva na hindi raw ba naaalala ni Dr. Lee na kapag napunta na ang isa sa kanila sa kalaban, hindi na siya welcome sa kanila? Nagpasorry si Dr. Lee kay Silva. Sinabi niya na wala siyang sinabi kina Leon. May tiwala naman si Silva kay Dr. Lee, kaya lang daw magtago siya ng mabuti.

Tinanong ni Noah sa ama kung wala raw bang panganib sa ginagawa niya sa mga Luna lalo na at lumalapit ito kay Manolo? (Hindi kaya naisip ni Noah na baka kasabwat ni Lady Elle si Manolo, no?) Sinabi ni Leon na lagi namang may risk na involved sa mga ganoong bagay.

Sinabi ni Leon na kailangan niyang itama ang lahat. At alam daw ni Noah na hindi niya pwedeng sabihin muna dito ang lahat. Nabigla si Leon dahil hindi na matigas ang ulo ni Noah. Ayaw raw dalhin ni Noah si Lyka sa magulong mundo niya kung magiging Luna siya. Nangyari na raw iyon noon na nadamay sa gulo si Lyka at ayaw na niyang mangyari iyon.

Kinausap ni Nessa ang picture ni Emil. Sinabi nitong hindi niya gustong saktan ang anak nito pero hindi pupuwedeng maulit ang nangyari sa kanila sa mga anak niya. Biglang pumasok si Lyka at itinago niya ang picture ni Emil.

Niyakap ni Lyka ang ina at sinabi niyang naiiintindihan niya ito pero ito na rin mismo ang nagsabi na matuto siyang lumaban. Sinabi niya na nagmahal din naman ang ina at hindi naman daw siguro lahat iyon ay malungkot. Hindi naman daw siguro nito pinagsisisihan na nabuo si Lyka.

Sinabi ni Nessa na iyon daw ang pinakamasayang sandali sa buhay niya. Hiningi ni Lyka sa ina na bigyan siya nito ng chance sa pagmamahalan nila ni Noah.

Pumuslit sa loob ng bahay nina Anton si Nessa. Muntik na siyang mahuli ni Clara buti na lang nakapagtago siya. Noong nasa labas na ito ng gate nakita siya ni Anton. Sinabi ni Nessa na may pinuntahan lang daw siyang malapit doon kaya naisipan niyang kunin ang gamit na naiwan ni Lyka sa kanila. Tumanggi ito na pumasok dahil baka naroroon daw si Clara. Ayaw na raw niya nga gulo.

Kinumusta siya ni Anton at ni Lyka. Sinabi raw kasi ni Lyka na scientist ito. Huwag daw pababayaan ni Anton ang sarili niya. Baka raw makakakita na siya ng lunas sa lahat ng sakit ng mga hayop pero mapabayaan naman niya ang sarili niya. Ano raw ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon? Sinabi ni Anton na may big project daw siya pero everytime daw na sinusubukan niya, nagiging unstable ang formula. Sinabi ni Nessa na huwag daw siyang mawawalan ng pag-asa.

Habang inaayos naman ni Lyka ang mga swimsuit ng mga models. Nagpaka-diva naman si Alec at sinabing hindi siya maglalakad sa runway unless si Lyka ang partner niya kahit na magsumbong pa sina Elton kay Lady Elle. Kinausap ni Lyka si Alec at naiinis na itinanong kung mukha raw ba siyang model? Sumagot ng oo si Alec. Sakto naman dumatin si Noah. Inulit pa ni Alec na hindi siya sasali sa fashion show. Nagmamakaawa na sina Lara at Elton kay Lyka.

Sinabi ni Alec kay Lyka na orders ito ng lola niya, dahil gagawing front ang fashion show para sa negotiations nila para sa mga luna. Ayaw man daw ni Alec na gawin iyon pero para din sa kaligtasan ni Lyka para makita na rin niya ang bato dahil makikipag-usap siya sa mga kalaban. Nakikita ni Noah ang pag-uusap nila.

Sinorpresa ni Noah si Lyka sa isang dinner. Naka-blindfold pa si Lyka noong dalhin siya ni Noah doon. Tinanong ni Lyka kung ano ang okasyon. Pinapantay lang daw ni Noah ang laban. Nagbibiro lang daw ito pero sabihin daw ni Lyka kay Alec na maging professional ito or else gagawin ni Noah dito ang 2nd favourite niyang form of torture. Ibibitin daw niya ito ng patiwarik at ilulublob niya ito ng pauni-unti sa kumukulong tubig.

Sumeryoso si Noah at sinabi niyang okay lang daw na magmo-model sya dahil matagal na raw niyang pangarap iyon (really?). At tama naman daw si Alec, dahil sa lahat ng mga models doon, siya ang pinakamaganda. Lumuhod si Noah at ibinigay niya kay Lyka ang framed picture ni Alec at Lyka (sa cover ng Metro –Metro ba iyon?– Magazine). Nabigla si Lyka dahil hindi pa raw nakalabas iyon paano niya nakuha? Sinabi ni Noah na inilusot ni Andrew. Tanggalin na raw niya ang asungot sa picture para lalong mas maganda.

Tinanong ni Lyka kung bakit “sobrang mahal” siya ni Noah. Sinabi ni Noah, basta’t mahal daw niya ito. Masayang nag-dinner ang dalawa. Actually si Lyka lang ang kumakain, pinagmamasdan lang siya ni Noah.

Prom night ni Zoe at Yani. Nakagitna si Yani kina Noah at Leon. LOL. Ini-interview nila ito tungkol sa buhay niya. Actually, hindi nila kailangang tanungin dahil sa sobrang nerbiyos niya, siya na mismo ang nagdaldal tungkol sa sarili niya at nagsabing iuuwi niya sa oras si Zoe. LOL.

Bumaba na si Zoe. Napatayo si Yani pati na sina Noah at Leon. Sumunod na bumaba naman si Lyka (grand entrance ni Zoe iyon Lyka ano ka ba!). Pinagitna ni Noah ang sarili sa dalawang babae at tuwang-tuwa ito. Gandang-ganda naman si Yani sa nako-conscious na si Zoe. Hinawakan ni Leon ang right shoulder ni Yani (as if to remind him of bad things that will happen kapag sinubukan niyang umiskor kay ZOe. Hehehe). Sinabi ni Leon na bagay sa anak niya ang gown.

Nagpasalamat si Noah kay Lyka dahil ang surot daw ginawa niyang paru-paro. Sinabi ni Lyka na maganda naman daw talaga si Zoe, na-enahance lang ng gown ang ganda niya. Niyakap ni Zoe si Lyka bilang pasasalamat.

Noong papaalis na sina Zoe, sumaludo si Yani kay Leon. Umabrisiete si Zoe kay Yani pero nag-ahem ang tatay niya kaya kay Noah ito kumapit. Ihahatid sila ni Noah at pagkatapos ay ihahatid niya si Lyka. Naunang lumabas ang tatlo at naiwan si Lyka doon. Noong papalabas na si Lyka, kinausap siya ni Leon at nagpasalamat ito sa mga ginawa niya kay Zoe. Hindi raw alam ni Leon ang mga bagay na tungkol sa mga babae.

Tinanong nito kung kailan niya sasabihin kay Noah. Biglang dumating si Noah at narinig niya ang tanong ni Leon kay Lyka. Sinabi ni Lyka na ang gusto daw niyang sabihin ay pinag-iisipan nito ang sinabi ni Alec na magmodel siya. Sinabi ni Noahna bagay naman sa kanya ang maging model at ayaw raw ba ni Lyka iyon, maisusuot niya ang mga designs niya. Umalis na sina Lyka at Noah.

Nakipagkita si Dr. Lee sa isa sa mga tauhan ni Silva, mukhang may relasyon sila (Carl?). Natatakot si Dr. Lee kay Silva kahit na sinabi pa nitong may tiwala pa siya sa kanya. Hindi raw ito papayag na mamamatay ito ng walang laban. May ibinigay itong sulat sa lalaki. Kung may mangyayaring masama daw sa kanya, ibigay daw nito ito kay Leon.

Iniisip ni Nessa na sabihin na lang niya kay Lyka ang totoo at umasang patawarin siya ni LYka at hindi ito lumayo sa kanya. At patawarin siya ni Noah at hindi niya sasaktan si Lyka.

Nilapitan ni Lyka ang ina (naalala niya noong mga bata pa sila at hinahanap niya ang nanay niya). Iniabot nito ang ibinigay na framed picture ni Noah sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Nessa sa anak. Proud na proud daw ito dahil kahit na iniwan siya ng ina at puro sakit lang ng ulo ang ibinigay nito sa anak, naabot pa rin niya ang mga pangarap niya.

Tinanong ni Nessa kung sigurado na raw ba si Lyka kay Noah. Siempre. Sinabi ni Nessa na handa na siyang makipag-usap kay Noah.

Inaayos ni Lyka si Nessa sa paglabas nilang tatlo. Lumabas si Nessa sa living room at naghihintay si Noah doon na may dalang bulaklak para kay Nessa. Sinabi ni Noah na nakapunta na siya matinding barilan pero mas kinakabahan siya ngayon. Noon daw una silang magkita, magulo ang buhay ni Noah noon.

Sinabi ni Nessa na alam naman niyan kapakanan lang ni Lyka ang iniisip ni Noah. Hindi pa raw pala siya nagpasalamat kay Noah dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi sila magkikitang muli ng anak niya.

Sinabi ni Nessa na may hawig si Noah kay Emil. Naalala ni Noah na magkaibigan nga pala sila ng tatay niya. Isipin na lang daw sana ni Nessa na gusto ni Noah na maging kagaya ng tatay niya. Kung kilala daw talaga ni Nessa si Emil, alam nito kung paano siya magmahal (more than you’ll ever know Noah, hehehe), ganoon din daw siya.

Umiwas si Nessa at sinabing tatawagin niya si Lyka. Nahulog ang mascara or lipstick ni Lyka sa ilalim ng kama at nakita niya ang picture ni Emil doon.

Naalala niya noong umiiyak si Noah noong bata pa sila noong namatay si Emil at noong sinabing ina sa kanya na dalawang lalaki lang ang minahal niya.

Nabitawan ni Nessa ang mga bulaklak noong nakita niyang hawak hawak ni Lyka ang picture ni Emil…

Teasers:

Sinabi ni Nessa kay Lyka ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Emil.

Sa fashion show, naroroon sina Leon, Zoe, Manolo, Lady Elle, Anton at Noah. Nagmodel na rin si Lyka.

Sa pictorial, hinalikan ni Alec si Lyka. At nakita iyon ni Noah.

**Why do I get the feeling na mamamatay si Leon later? Feeling ko papatayin siya ni Silva kaya magiging Luna si Noah? Ano sa tingin niyo?***

Mga Marka: ,

2 Tugon to “Lobo, Episode 75”

  1. batansutil Says:

    Waaaaa, I think you are right. I don’t want Leon to die…waaaaaaaaaaah

  2. No Car Says:

    Sarap naman ni lyka dalawang papa na sa lobo. Papa noah and papa alec. (papaalek din ako sa kanya) mmmmuahhh!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: