MALIGNO – Episode 11

by

“ANG LIHIM NI ELAIZA!”

Dinala agad sa ospital si Angelo at dumating din agad si Angela. Si Hector ang doctor na tumitingin kay Angelo. Sinabi ni Hector na ok na si Angelo. Tinanong ni Angela ang umiiyak na yaya. Sinabi nang yaya na binabato daw kasi si Angelo nang mga ka-eskuwela dahil sinisisi ito sa mga nangyayari sa school, kaya tumakbo daw ito at lumabas nang gate. Hinabol daw nya pero hindi nya ito inabutan. Tinanong ni Angela kung nakuha nang yaya ang plate number. Hindi daw dahil nakita na daw nyang nakahiga si Angelo, nagsorry ang yaya kay Angela. Hindi naman makapaniwala si Angela sa sinapit nang anak.

Sa network naman ay nagkakagulo dahil wala pa si Angela, may taping sila. Dumating sila Joaquin at Elaiza at sinabi sa boss nila na ready na sila. Medyo sarcastic ang boss nila dahil kahit ready daw sila, wala namang yung host nila.

Nagsuggest naman ang boss nila na si Elaiza nalang daw ang mag-interview sa mall and they will just insert Angela’s picture. Tinanong nang boss si Elaiza kung kaya nya. Nakangiting sumagot si Elaiza na since sya naman ang gumawa nang script, siguro naman daw ay kakayanin nya. Elaiza got the job.

Tinawagan si Angela para sabihin na si Elaiza ang gagawa nang trabaho. Humihingi nang sorry si Angela dahil may emergency sya at hindi nya na-abisuhan ang mga staff. Pagbaba nang phone, sinabi ni Hector kay Angela na sya na ang bahala kay Angelo. Hindi pumayag si Angela dahil this time daw ay sya naman ang mag-aalaga sa anak nya. Hindi daw nya pwedeng iiwan nalang si Angelo kay Hector palagi. At kung tutuusin daw ay sya ang dapat sisihin sa mga nangyari. Naawa naman si Hector kay Angela.

Naiinis si David dahil hindi nila napatay si Angelo. Sinabi nya na marami pa namang pagkakataon.

Kinausap ni Dumlao si Lucas at tinanong kung bakit nya hinayaan sila David. For 8 years alam naman daw nilang gustong patayin nila David si Angelo. At nung nakakulong sila, imbes na patayin nalang daw ay tinulungan pa nila na makatakas ang mga ito. Sinabi ni Lucas na parte sila nang mga plano nya, sila daw ang magbubuklod kina Angela at Hector. Tinanong ni Dumlao kung paano.

Habang natutulog ang yaya sa sofa nang ospital at si Angela katabi sa hospital bed ang anak at nakayakap sya dito, lumabas ang malignong bantay at gumagapang sa ceiling. Nagising si Angela at pagtingin nya ang kayakap nya ay si Lucas. Namalik-mata lang sya dahil pagtingin nya ay naging si Angelo na ulit. Lalabas sana sya nang hospital room, pag bukas nya ay nandoon si Hector, pakatok palang nang room.

Nagkausap sila Angela at Hector. Nalaman ni Angela na makakalabas na si Angelo. Sinabi ni Hector na sasama sya sa pag-uwi ni Angelo. Nahiya naman si Angela at sinabing huwag nang sumama si Hector dahil ninong na sya, pediatrician pa sya at most of the time ay yaya pa daw ito ni Angelo – kulang pa ba daw iyon? Sinagot sya ni Hector na kulang pa. Matagal tagal na daw silang magkakilala, nagsimula daw sya bilang doctor ni Angelo at naging magkaibigan daw sila, pero hindi na daw kaibigan ang turing nya ngayon kay Angela. Naguluhan naman si Angela sa sinabi ni Hector, ano daw ang ibig nyang sabihin? Ipinagtapat ni Hector na mahal nya si Angela, matagal na. Biglang nilabas ni Hector ang singsing at isinuot nya sa daliri ni Angela. Sinabi ni Hector na hayaan daw nyang punan ang pagkukulang sa buhay ni Angela, sabay halik sa kamay ni Angela. Nagyakapan ang dalawa.

Sa office, pinanood ni Joaquin ang kinunan nyang segment ni Elaiza. At habang pinapanood nya ay hinahalikan nya ang daliri at ipinapasa iyon kay Elaiza sa screen. Pag daan ni Elaiza ay nakita nya ang ginagawa ni Joaquin. Hinuli nya ito at binatukan. Nagpalusot si Joaquin na nililinis lang nya ang screen dahil madumi.

Umuwi na si Angelo. Humihingi nang sorry si Charlie dahil hindi na daw nya napuntahan sa ospital si Angelo dahil pinilit syang mag-make up kay Elaiza kahit ayaw daw nya, pinilit daw sya nang production staff. May regalo si Charlie kay Angelo – isang stuffed toy na teady bear. Tinanong ni Angelo kung wala ba daw toy car, dahil ayaw daw nya ang stuffed toy. Medyo pinagalitan ni Angelo ang anak at sinabing tanggapin nalang daw iyon at mag-thank you. Napilitan si Angelo na kunin at nagpasalamat nalang. Pagdaan nya sa yaya ay binigay nya ang stuffed toy at sinabing sa kanya nalang. Medyo nahiya naman si Angela kay Charlie dahil sa ginawa ni Angelo. Nagpaalam nang umalis si Hector. Gusto sana ni Angela na doon nalang mag-lunch si Hector pero hindi daw pwede. Babalik nalang daw sya para to check on Angelo. Nagparinig si Charlie at tinanong kung to check on Angelo or to check on Angela? Nag-beso pa sila bago umalis si Hector at sinabi ni Angela na doon daw mag-dinner bukas sa kanila si Hector. Pag sakay ni Hector sa kotse, nakita nya sa salamin na merong maligno sa loob nang kanyang kotse (ang malignong bantay ni Angelo.) Natakot si Hector at pagtingin nya sa likod ay wala naman ito. Umalis na ang kotse ni Hector. Lumabas sila Dumlao at Lucas, sinabi ni Lucas na unti unti nang natutupad ang mga prophecy – ang pagsilang nang sanggol, ang paglaki nito, ang pagkakaroon nang pangalawang ama na syang magiging dahilan para mapalapit sila sa lugar kung saan gaganapin ang sakripisyo. Nag-alala naman si Dumlao dahil hindi pa daw tinatanggap ni Angela si Hector. Sinagot ni Lucas si Dumlao at nagtataka daw ito kung bakit hindi pa nya pinapatay ang mga traydor – sila daw ang magiging instrumento para tanggapin ni Angela ang alok na pag-ibig ni Hector.

Nakita ni Angela na nasa kwarto ni Angelo si Charlie at inaayos ang mga laruan habang natutulog ito. Nagkausap sila at napunta ang usapan kay Hector. Ayaw tanggapin ni Angela ang pag-ibig ni Hector dahil madadagdagan lang daw ang problema nya at mababawasan ang oras nya para kay Angelo. Tinanong ni Charlie kung hindi mahal ni Angela si Hector. Sinabi ni Angela na noon daw ay wala syang ibang mahal kundi ang sarili nya. Nang dumating daw si Angelo at hindi nya ito inaasahan, natutunan daw nyang mahalin ang anak. Pero hindi daw nya alam kung tama ang pagmamahal na binibigay nya sa anak, kaya hindi nya alam kung kaya pa nyang magmahal nang iba, at kung tama pa rin ang pagmamahal na ibibigay nya sa taong iyon. Sinagot sya ni Charlie na sarili lang ni Angela ang kalaban nya.

Back to work na si Angela. Meron syang pinagalitang staff dahil mali ang spelling nang psychology, saang school daw ito nanggaling at hindi marunong nang spelling – sarcastic talaga ang dating ni Angela. Humingi nang sorry ang staff at sinabing papalitan nalang daw nya. Sinagot sya ni Angela na sya (yung staff) dapat ang mapalitan. May dumating na isang staff at masayang ibinalita kay Angela na tumaas ang rating nila by 5 points, natuwa naman si Angela. Nalaman ni Angela na si Elaiza pala ang cause nang pagtaas nang rating – malakas daw ang hatak ni Elaiza sa mga tao. Medyo hindi natuwa si Angela, pero she kept her composure at sinabi nya na yung youth segment was her idea anyway. Pagdaan ni Elaiza ay tinawag sya ni Angela at hiningi ang pina-research nya dito. Ibinigay agad ni Elaiza ang report nya tungkol sa mga street children – kung bakit gusto nila sa kalsada kesa sa foster homes. Mataray at sarcastic na sinabi ni Angela na alam nya kung ano ang pina-research nya kay Elaiza. Natahimik si Elaiza. Sinabi ni Angela na she’s doing a research for tv show and not a school project. Sumagot si Elaiza na alam nya, kaya nga thorough at in-depth ang ginawa nya at may demographic chart pa daw ito. Hindi sya pinatapos ni Angela sa sasabihin, sinabi ni Angela na hindi nababase ang in-depth sa kapal nang research, kundi sa importance at significance nang content nun. Naririnig nang mga staff ang ginagawang pagtataray ni Angela including Joaquin. 60 pages ang ginawang research ni Elaiza at ine-expect ba daw nyang babasahin iyon lahat ni Angela? Sumagot si Elaiza na nandodoon daw lahat nang pinapahanap ni Angela sa kanya. Sinabi ni Angela na she’s a very busy person, sa mundo daw nang tv kailangan daw ay mabilis. Alam ba daw ni Elaiza ang term na capsulize. Sumagot agad si Elaiza at sinabi din nya ang meaning nito, to briefly. Nagalit si Angela at sino ba daw si Elaiza, si Webster? Hindi daw nya kailangan nang dictionary, ang kailangan daw nya ay magandang research, sabay hagis sa report ni Elaiza. Humingi nang sorry si Elaiza. Pag-alis ni Elaiza, ipinatawag sya nang boss.

Kinongratulate si Angela nang boss dahil sa mataas na ratings nito. Tinanong nang boss ang bagong field reporter – si Elaiza. Sinabi nang boss na may potential daw si Elaiza and she could be the next Angela Cortez. Nagtaka naman si Angela kung bakit “the next Angela Cortez”, pinapaalis na ba daw sya? Humingi nang sorry ang boss at sinabing wrong choice of words lang dahil nag-iisa lang daw sya. Bago umalis si Angela, para daw sa tuloy tuloy na pagtaas nang ratings, ipinaalam nang boss nya na gusto nang management na tagalan pa ang segment ni Elaiza. Walang nasabi si Angela.

Pagpunta ni Elaiza sa cubicle nya, may nakita syang bouquet of flowers. Akala nya ay galing kay Joaquin kaya nagpasalamat sya, iyon pala ay bigay nang staff sa kanya dahil mataas ang rating nang show nila doon sa ginawa nya. Napahiya si Elaiza kay Joaquin, pero kinongratulate naman sya ni Joaquin.

Pinag-aaralan nila David ang security nila Angela – 4 ang security guards, kaya ano daw ang laban nila doon? Ibinigay nila kay David ang hinihingi nito – baril. Ang bata lang daw ang papatayin nila.

Wala nang tao sa office at pinanood ni Elaiza ang dating report ni Angela tungkol sa mangkukulam. May galit sa mukha ni Elaiza habang pinapanood ito. Si Elaiza ang anak nang mangkukulam at galit na galit sya kay Angela, ipaghihiganti nya ang kanyang ina.

“Be self-controlled and alert. Your enemy, the devil, prowls around like a roaring lion look to devour. Resist him, standing firm in the faith, because you know that your brothers throughout the world are undergoing the same kind of sufferings.” – 1 Peter 5:8-9

Teasers:

– Dumating si Hector kina Angela at hinahanap si Angelo.

– Papatayin ni David si Angelo. Nabaril si Hector.

– Tumawag si Dumlao kay Lucas at sinabi nyang nagdududa na daw si Angela sa pagkatao nya.

– Ayaw nang pumasok ni Angelo sa school. Sinabi ni Angela na marami syang gagawing pagbabago para sa anak dahil mahal nya ito. Niyakap sya ni Angelo.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: