Lobo, Episode 74

by

Tinanong ni Lyka kung saan nagpunta si Noah, ang tagal daw niya itong hinanap. Nagdahilan si Lyka na pinapasukat lang niya kay Alec ang tshirt. Nagreklamo pa ito kay Noah dahil ang arte-arte daw ni Alec. Niyaya na ni Lyka si Noah na lumabas ng conference room para magdinner (Whew!). Nagtitinginan naman ang dalawang pogi. Lol.

Nababaliw na si ata si Silva, kausap niya ang mga rebulto niya sa bahay.

Ayaw magsalita ni Dr. Lee sa mga interrogations ni Leon. Ang sabi ni Leon ano raw ang pinagkaiba nila sa mga hayop kung pati sila hindi makatao. Sabi ni Dr. Lee, panahon lang daw ang makakapagsabi kung sino ang tama sa kanila, ayaw naman daw siguro ni Leon na siya ang magmukhang tanga sa mga history books. Naputol ang interrogation dahil tinawagan ni Manolo si Leon sa cellphone.

May kausap na tauhan si Silva, sinabi nito sa kausap na “ipadala na nila kay Noah.”

During dinner sa bahay nina Noah, malamig pa rin ang pakikitungo ni Zoe kay Lyka pero hindi na siya kasing bruhilda kagaya ng dati. Nagpasalamat ito sa dinner na niluto ni Lyka. Pag-alis ni Zoe, nag-umpisa ng magligpit ng mga plato si Zoe, hinila siya ni Noah at pinaupo sa lap niya (inggit ako).

Kung pwede lang daw sana na si Lyka na ang bubulaga sa kanya paggigising niya, may kasamang breakfast in bed, at “alam mo na.” (Alam ko!)

Sinabi ni Lyka ka Noah na ang nakita niya sa kanila ni Alec ay trabaho lang iyon. Sinabi ni Noah na naiintindihan niya. Hindi raw bale kapag mag-asawa na sila, siya na lang daw ang aalagaan ni Lyka, dadamitan at pagsislbihan niya.

Sabi ni Lyka aalilain lang daw pala siya ni Noah. Sabi ni Noah, joke lang daw iyon.

Gusto ni Noah na magdinner muna silang tatlo nina Nessa. Bago nakasagot si Lyka, narinig nila ang tili ni Zoe from upstairs.

Nakita ni Lyka from Zoe’s laptop na girl problems lang ang problema ni Zoe. Pinalabas niya si Noah para makapag-girl talk sila.

Niyaya pala ni Yani si Zoe sa prom at hindi nito alam ang gagawin niya dahil akala niya nagbibiro lang si Yani. Puro mga lalakeng sundalo lang ang kasama niya sa bahay o ang mga girls sa soccer team. Sinabi ni Lyka na siya ang bahala.

Habang nasa labas naman ng gate si Noah (sabi ni Lyka, lumabas ka ng kwarto ni Zoe pero hindi naman siguro niya sinabing lumabas ka ng bahay), nakakita siya ng itim na lobo. Hinabol niya ito pero siempre hindi naman niya mahahabol ito. May nag-ring na cellphone mula sa pinagkukublian ng itim na lobo. Sinabi nitong may itinatago si Gen. Cristobal sa kanya at basahin daw nito cellphone kung marami siyang gustong malaman. Bago pa niya nagawa iyon, dumating na si Lyka.

Samantalang tinulungan naman ni Choy si Dr. Lee na makatakas. Galit na galit daw si Silva pero tutulungan siya nitong makatakas bago ito makapagdaldal tungkol sa kanya. (Aha!)

Pag-uwi ni Lyka, sinabi nito sa ina na gusto siyang makausap ni Noah tungkol sa kanila. Sinigurado naman ni Lyka na nag-iingat siya. Sinabi ni Lyka sa ina na namiss niya ito at lalabas daw sila sa Sabado.

Hindi raw ba’t kilala ng ina ang tatay ni Noah? Sinabi ni Nessa na isa siyang “matalik na kaibiga.” Itinanong ni Lyka kung siya lang daw ba ang puting taong lobo doon baka raw kasi iyon ang pumatay kay Emil. Biglang naiyak si Nessa, wala raw siyang alam at nagpasorry sa anak. Nagpasorry naman si Lyka dahil nakalimutan niyang mahirap sa ina na alalahanin pa ang nakaraan.

Nag-usap sina Leon at Manolo. Sinabi ni Manolo na hindi si Noah ang target ng itim na lobo kung hindi isa sa kanila. And besides, iniligtas daw ng puting lobo ang kasama ni Noah. Nalaman ni Leon na may mga hidden cameras na ininstall si Noah sa House of Elle at binabantayan din nila si Noah para sa kaligtasan niya. At the end, nagkamay pa rin ang dalawa bilang pagkakasundo. Lingid sa dalawa, naroroon si Noah at lihim na pinapanood ang dalawa.

Natalo ni Lyka si Alec sa training. Pag-alis ni Lyka, sinabi ni Trixie kay Alec na siya man daw ay hindi sang-ayon sa relasyon nina Lyka at Noah pero nakita na niyang magkahiwalay sina Lyka at Noah. Para raw humihinga ng walang buhay si Lyka, iyon raw ba ang gusto nito bilang huling bantay?

Nagtalo ang mag-ama tungkol sa pagkikita nina Manolo at Leon. Sinabi ni Leon na hindi iyon ang tamang panahon para sabihin lahat kay Noah. Hindi gets ni Noah na may kaibahan sa mga itim at puting lobo kahit iniligtas pa ng puti si Gabby. Pero he kinda said na baka nagkamali siya tungkol sa mga taong lobo.

Sa Rizal na nakadestino si Father Ben at sinadya ito ni Lyka. Tinanong niya si Father Ben kung may iba pang puting taong lobo sa San Adolfo. Nalaman ni Father Ben na alam ni Lyka na taong lobo ang pumatay kay Emil at gusto niya itong hanapin. Hindi siya masagot ni Father Ben. Kapag pinilit daw nitong buksan ang nakalipas, maaring araming tao ang masaktan pero kung iyon ang nararapat niyang gawin na kay Lyka na iyon. Pero isipin daw sana nito na ang taong nabubuhay sa nakaraan ay walang patutunguhan. Binindisyunan ni Father Ben si Lyka bago sila nagkahiwalay. May naghahanap daw kasi sa kanya.

Si Noah pala ang bisita ni Father Ben. Sinabi ni Noah na sinusunod nito lahat ng pangaral niya pati na ng tatay niya. Pero sila na raw mismo ang nagdadala sa harap niya. Lahat daw ay sinasabing lumayo siya pero paano na raw ang mga mahal niya sa buhay?

Sinabi ni Father Ben na kung kapakanan ni Noah ang iniisip ng mga mahal nito sa buhay magiging masaya raw ba sila kung sumali ito sa laban? tahimik kaya ang kanilang buhay? masisigurado nga ba ni Noah ang kaligtasan ng mga taong ito?

Kapag nasagot daw nito ang mga tanong na iyon, wala na siyang pagdadaananag pagdadalawang isip, alam na niya ang magiging desisyon niya.

Habang naglalakad-lakad si Lyka, naalala niya ang gabing namatay si Emil. Noong hinahanap niya ang ina at may nakapagsabing nakita niya ito sa bundok. Pati na noong sinabi ng ina na dalawang lalaki lang ang minahal niya and recently noong sinabi ng ina na matalik niyang kaibigan si Emil. Iwinawaksi ni Lyka sa namumuo sa isip na baka may kinalaman ang ina sa pagkamatay ni Emil.

Biglang sumulpot sa likuran niya si Tikboy, nasense ng bata na nag-aalala si Lyka. Dumating si Noah sa kinaroroonan nina Lyka at Tikboy. Nagsimula na itong umalis papalayo (bakkkket?) pero nasense siya ni Lyka, tinawag siya ni Tikboy.

Nagkaharap sina Noah at Lyka. Tinanong ni Noah kung ano ang ginagawa ni Lyka doon…

Teaser:

May tinitignang mga papeles si Dr. Lee.

Pinapasok ni Lyka si Noah sa bahay nila.

Mga Marka: ,

Isang Tugon to “Lobo, Episode 74”

  1. NoCar Says:

    galing mag pa lusok no lyka kay noah. bilib din ako ka noah sa tiwala niya kay lyka. kung ibang lalaki lang iyon sigiro nag kasuntukan na. pero OMG kinikilig talaga ako sa dalawang papa na umaaligid kay lyka. 😛
    thanks po sa update!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: