MALIGNO – Episode 10

by

“MOMMY, SUSUNOD KA NA!”

Humingi nang tulong si Angela at pilit na ginising ang mga security guards, pati na din ang yaya ni Angelo ay tinatawag nya.

Nagpunta si Angelo sa may woods at nakita nya ang kanyang bantay na maligno. Nagkita sina Lucas at Angelo. Nagtanong (at tinawag na daddy si Lucas) si Angelo na kung si Lucas daw ang hari, sya (Angelo) naman ang prinsipe – nasaan daw ang kanilang kingdom. Natuwa si Lucas sa tanong ni Angelo at sumagot sya dito na ang kaharian nila ay ang buong mundo, at makukuha nila iyon sa ika-9 nitong kaarawan. Maghihintay daw sa araw na iyon ang kanilang mga alagad; sa ibabaw nang lupa at sa ilalim. “Sa ilalim?” tanong ni Angelo. Tinanong ni Lucas kung gustong makita ito ni Angelo. Pumunta sila sa impiyerno at nakita ni Angelo ang mga nakakatakot na hitsura nang mga taga-impiyerno, pero natuwa si Angelo imbes na matakot.

Hinahanap parin nila Angela si Angelo, this time, nagising na ang yaya. Pagbalik nang mga guards ay sinabi kay Angela na hindi nila mahanap. Tinanong ni Angela ang yaya kung saan pupunta si Angelo. Sagot nang yaya na hindi nya alam dahil kanina ay nasa kwarto daw ito at natutulog. Pagbalik nila sa bahay at pumunta sa kwarto ni Angelo, nakita nila na nandoon naman ito at natutulog nang mahimbing. Na-weirdohan ang mga ibang katulong kay Angela at nagbulungan ito. Walang nasabi si Angela. Paglabas ni Angela sa kwarto ni Angelo ay biglang lumabas sa may paanan ni Angelo ang malignong tagapagbantay nito.

Dumating si Hector para damayan si Angela. Humingi nang pasensya si Angela dahil hindi naman si Hector daw ang tatawagan nya pero sa kalituhan ay na-dial nito ang number ni Hector. Tinanong ni Hector si Angelo, sinabi ni Angela na natutulog ito. Sinabi ni Angela na natakot lang daw sya dahil nakita nyang lumabas ito nang bahay, natakot lang daw sya dahil baka kidnapin daw si Angelo ni Lucas o kung sino man ang may galit sa kanya. Pinagpahinga na sya ni Hector.

May kausap ang ina ni Michael (yung bully na sumuka nang dugo) sa telepono at sinasabi nyang sya pa daw ang tinatakot ni Angela? Magkakasubukan daw sila, kawawa naman daw ang anak nya. Hindi nya alam ay nasa labas lang nang bahay nya si Lucas at masama ang pagkakatingin nito sa kanya. Habang nakatitig sa kanya si Lucas ay nagmo-mold ito nang clay sa anyong tao. Maya-maya pa ay naramdaman nang babae na sumisikip ang kanyang dibdib (dahil pini-press ni Lucas sa may dibdib ang clay doll) at nagpaalam muna ito sa kausap. Ang sunod na ginawa ni Lucas ay binali ang katawan nang clay doll and twisted its head – ganon din ang nangyari sa babae.

Kausap ni Angela ang abugado at pinag-uusapan ang magiging kaso nila laban sa ina ni Michael. Dumating si Eliza (Kim Chiu) sa opisina ni Angela at narinig ang kanilang pag-uusap. Pagbaba nang telepono ni Angela ay naging nosy si Kim at tinanong kung bakit may demanda, may problema ba daw sa school ni Angelo? Sinabihan sya ni Angela na huwag ang kaso nya ang i-research ni Eliza kundi ang pina-re-research ni Angela sa kanya – what’s the hottest cellphone in town. Pinagalitan sya ni Angela dahil iisang shop lang ang pinuntahan nito at pumunta pa daw sa ibang shops para makumpleto ni Eliza ang report. Napahiya naman si Eliza.

Hindi parin nagpapigil si Eliza at nagpunta pa ito sa school ni Angelo at ininterview ang mga ka-eskuwela nito. Nalaman ni Eliza na mga nangyari at sinabi pa nang mga schoolmates nito na salot daw si Angelo, may sa-demonyo. Biglang nag-ring ang cellphone ni Eliza at sinabi nang staff na hinahanap na ni Angela ang report nito. Dumating naman si Joaquin at nagalit sa kanya si Eliza dahil sinabihan sya na sa kotse lang. Nagtaka at tinanong sya ni Joaquin na akala daw nya ay may inutos si Angela kay Eliza, bakit daw nagtatanong ito tungkol kay Angelo at bakit daw sasabihin nang mga bata na salot si Angelo, demonyo daw ito? Hindi nakakibo si Eliza. Hindi rin nila alam na nandoon si Dumlao at narinig silang pinag-uusapan si Angelo, masama ang tingin sa kanila ni Dumlao.

Habang hinihintay nang yaya si Angelo sa waiting area, tinawagan nya si Angela. Nakasagap kasi sya nang balita na patay na ang ina ni Michael. Hindi makapaniwala si Angela at tinanong ang yaya kung ano ang nangyari. Sinabi nang yaya na aksidente lang daw ang pagkamatay nito, pero bali-bali ang buto.

Pagbalik nila Joaquin at Eliza sa office, sinabi ni Joaquin na hindi na daw nya kukulitin si Eliza kung bakit laging interesado ito sa nangyari sa school; kaya lang daw kasi ay interesado na din sya (Joaquin.) Freaky daw kasi ang accident at OA daw ang nanay nung bata dahil lahat ay sinisisi kay Angelo. Sinabi ni Eliza na concerned lang daw sya kay Angela dahil narinig daw nya na idedemanda daw ito. Nagtaka naman si Joaquin dahil concerned pa daw si Eliza kahit na parati itong tinatarayan ni Angela? Iniba nalang ni Eliza ang usapan at sinabing minamadali na nya ang report nya. Humingi nang favor si Eliza kay Joaquin – nakiusap itong huwag sabihin kay Angela na dumaan sila sa school ni Angelo. Nagtaka naman ulit si Joaquin dahil mas ok daw sabihin para malaman ni Angela na concerned si Eliza. Nakulitan si Eliza kay Joaquin at uminit ang ulo. Inabot nalang ni Joaquin ang dalang drinks kay Eliza. Dahil hindi nakatingin si Eliza at sinabihan nya si Joaquin na mamaya nalang – bigla nyang natabig ang inaabot na drinks at tumapon sa report nya. Nagalit si Eliza dahil ang report na natapunan ay iyon ang ibibigay nya kay Angela at importante ang files na iyon.

Habang mine-make up(an) ni Charlie si Angela ay sinabi nitong may wrinkles na ito. Sagot ni Angela na ang dami daw kasing problema at stressed sya. Pumasok sa office si Eliza at humingi nang dispensa dahil ngayon lang daw nya natapos ang report nya. Hindi naman nagalit si Angela at sinabing it’s ok. Habang hawak-hawak ni Angela ang paper clip, bigla syang nagulat dahil nakabuo sya nang korteng tao. At nagulat din sya dahil namalik-mata lang sya. Bothered si Angela.

Nagbigay nang chocolate si Joaquin kay Eliza. Tinanggap ni Eliza ang “suhol” ni Joaquin at sinabing magpasalamat ito dahil hindi sya napagalitan ni Angela kahit na late na syang nakapag-pass nang research/report. Nang kainin na ni Eliza ang chocolate, natawa si Joaquin dahil dumikit sa front teeth ni Eliza ang chocolate at binigyan nya nang salamin si Eliza para makita iyon. Nagtawanan sila.

Hinatid na ni Angela sa school ang anak, sinabihan nya na maging good boy ito. Sumagot naman ang yaya ni Angelo na good boy naman daw ito, at biglang nagparinig sa mga dumadaan na tao (classmates with their yayas and moms) na hindi daw nya maintindihan kung bakit daw ito kinaiinggitan. Siguro daw ay matalino ito at sikat si Angela. Pumasok na sa loob nang school ang yaya at si Angelo. Napansin ni Angela ang picture ni Lucas na nakapost, iwasan daw ang taong iyon.

Sa may labas nang school ni Angelo ay nagmamanman sila Rico, David at Juancho. Ilang araw na daw silang nagmamanman, mahigpit daw ang security, hindi sila maka-tiyempo. Sinabi ni David na 8 taon na silang naghihintay, makaka-tiyempo din daw sila.

Sa klase naman ni Angelo ay pinagdasal nila ang kaluluwa nang ina ni Michael. Ang lahat ay nag-sign of the cross, pero hindi si Angelo. Habang nagdadasal ay may isang bully na classmate, at sinisipa ang upuan ni Angelo. Hindi ito tumigil kahit tiningnan na sya nang masama ni Angelo. Tinakot nang bully na bata si Angelo at sinabing mumultuhin daw ito nang mommy ni Michael. Nagalit si Angelo at nakaramdam nang parang sinasakal at hindi makahinga ang bully na bata. Hindi naman napapansin nang iba pang nasa classroom (including the teacher) dahil mataimtim at nakapikit silang nagdarasal (at dahil na din sa may likuran sila nakaupo.) Gustong humingi nang tulong ang batang bully, kaya lang ay walang boses na lumalabas dito. Umangat ang upuan nang batang bully; yun pala ay dahil binuhat ito nang malignong tagapagbantay ni Angelo. Hinulog ang bata sa upuan at tumama ang likod at ulo nito. Nagulat ang lahat at nakita nalang nilang nasa sahig ang bata at umiiyak sa sakit.

May ambulance na namang dumating sa school at sinakay na ang batang naaksidente. Nakita ni Michael si Angelo at tinawag syang demonyo. Nagsipagkuha ang mga bata na pwedeng ibato kay Angelo, at pinagbabato nila ito. Hinaharangan nang yaya ang mga pinagbabato kay Angelo. Hindi maawat nang teacher ang mga bata. Tumakbo si Angelo at hinabol sya ni Michael. Lumabas nang gate si Angelo at nakakuha nang tiyempo sila David para sagasaan si Angelo. Tumilapon ang katawan ni Angelo at nakita nalang nang yaya na duguan na si Angelo.

“Devote yourselves to prayer, being watchful and thankful.” – Colossians 4:2

Teasers:

– Kinausap ni Dumlao si Lucas. Alam na daw nilang matagal nang gustong patayin nila David si Angelo pero bakit tinulungan pa nila itong makatakas. Bakit hindi pa nila pataying ang mga ito? Sinabi ni Lucas na parte sila nang plano – sila ang magbubuklod (maghihiwalay) kina Angela at Hector.

– Sinabi ni Hector kay Angela na mahal nya ito. Tinanggap ni Angela ang pagmamahal ni Hector.

– Natutuwa si Lucas dahil isa-isa nang natutupad ang mga prophecy – ang pagsilang nang sanggol (Angelo), ang pagkakaroon nang pangalawang ama (Hector) na syang magdadala sa kanila kung saan gaganapin ang “sacrifice.”

– Dahil nagkasakit si Angelo at nagbantay si Angela sa ospital, walang host ang A-list. Gumawa nalang si Eliza nang paraan at naging matagumpay iyon, mataas ang nakuhang rating.

– Habang wala si Angela, si Eliza ang nag-fill in sa kanya. Tumaas ang ratings nang show nila. Kinausap si Angela nang boss at sinabing gusto nang management na tagalan ang segment ni Eliza.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: