Lobo, Episode 73

by

Sinabi ni Rodolfo kay Nessa na hindi nila ito sasaktan huwag siyang mag-alala. Iniligtas pa nga raw niya ang buhay ni Nessa, kung hindi ito dumating matatagpuan siya ng mga humahabol sa kanya. Ang gusto lang malaman ni Rodolfo ay kung ano ang ginagawa ni Nessa sa bahay ng punong bantay.

Nagpalit ng balat si Rodolfo. Nagkatawang tao ulit ito. Sinabi ni Rodolfo na sila ang kauri niya at doon siya nababagay. Gusto ng umalis ni Nessa, hinarang siya ng mga itim na lobo, per nagpalit ng mata si Nessa at hinayaan na siyang lumabas. Pero pagtalikod ni Nessa tinuya siya ni Rodolfo, sinabi nitong sigurado raw na hindi alam ng punong bantay na itim na lobo siya dahil alam ni Nessa ang parusang naghihintay sa kanya sa oras na malaman nila. Alam daw nito kung saan sila matatagpuan ni Nessa. Umalis na si Nessa.

Nagkita sina Leon at Manolo. Ipinakita ni Leon kay Manolo ang video ng pinag-e-experimentuhan ni Dr. Lee. Sinabi niyang si Silva ang may pakana noon. Para nga raw gusto na niyang maniwala kina Manolo. May binasang folder si Manolo, Elizeo Navarro daw ang pangalan nito. Isang buwan na nila itong hinahanap. Ang asawa nito ay halos mabaliw na sa paghahanap nila sa kanya kaya sina Manolo ang nangangalaga sa tatlong maliliit nilang anak.

Sinabi ni Leon na galit pa rin siya pero ipinaalala ni Manolo na taong lobo din ang pumatay sa ina niya. Pero gusto daw ni Leon na iligtas ang natatanging pamilya niya. Sinabi ni Manolo na mag-i-schedule daw siya ng meeting with Elle kasama si Leon.

Kinunsulta ni Lady Elle si Nanay Sela. Sinabi ni Nana Sela na bago nila makita ang bato ng Remus, dapat daw na makipagkasundo sa mga kaaway — kailangang gawing kakampi at kailangang yakapi ang itinuturing na masama at pumapatay. Pag-alis ni Lady Elle, doon sinabi ni Nana Sela na may malaking traydor na pipigil ng lahat.

Nagpaparactice ng pagha-handle ng apoy si Lyka sa stove. Nakita siya ni Manolo at sinabing gabing-gabi na (ikaw Manolo anong ginagawa mo diyan ha? Ikaw ha!). Sinabi ni Lyka na gusto lang niyang maging handa sa mga responsibilidad niya. Sinabi ni Manolo na huwag mag-alala si Lyka at hindi raw sasabihin ni Leon kay Noah ang nalaman niya at makikipag-usap ito kay Lady Elle. Tuwang-tuwang niyakap ni Lyka si Leon.

Itinanong ni Leon kung sasabihin pa rin daw ba ni Lyka kay Noah ang pagkatao niya. Sinabi ni Lyka na hindi nga raw niya alam kung paano niya sasabihin kay Noah ang totoo. Paano raw ba natanggap ni Manolo si Lady Elle (naks!)? Sinabi ni Manolo na iniligtas siya ng isang puting lobo mula sa isang itim na lobo. At ang puting lobo na pinagkaka-utangan niya ng buhay ay apo ng lobong pumatay sa ina niya. Tatay pala ni Manolo ang isa sa bumuo ng Luna dahil sa galit ng naramdaman niya sa pagkamatay ng asawa.

Inutusan ni Silva ang mga staff niya ang alisin lahat ng ebidensiya. Ang mga subjects daw hayaan na lang sa kulungan dahil kusa silang mamamatay. Galit si Silva kay Leon for getting in the way too much e hindi naman daw ito kailangan niya kung hindi si Noah.

Miguel daw ang pangalan ng taong lobong nagligtas kay Manolo. At sa kagustuhan ni Miguel na mapatawad siya ni Manolo sa pagkamatay ng ina nito, siya pa mismo ang nagpakilala sa kanya kay Elle. Nagpasorry si Lyka for asking too much pero itinanong rin niya kung paano natanggap ni Manolo ang Lola niya kahit na taong lobo ito. Sa tingin daw kasi niya mahal niya ito. Napangiti lang si Manolo at sinabi niyang sino raw ba naman ang makakatiis na hindi mahalin at tanggapin si Elle. (Bwahaha, kinikilig naman ako). Biglang sumulpot si Lady Elle sa pintuan at sinabing binobola na naman siya ni Manolo.
Inakbayan ni Elle si Manolo. Sinabi ni Manolo kay Lyka na kailangan niyang ipakita kay Noah kung paano siya magmahal. Sinabi rin ni Lady Elle na kailangang ipatanggap ni Lyka kay Noah ang pagkatao niya dahil iyon ang kasama sa kundisyo ng bato ng Remus (I think ang pagtanggap sa mga itim na lobo ang ibig sabihin ni Nana Sela — bakit kasi pabugtong-bugtong pa siya). Kailangan na rin daw nilang madaliin dahil malapit na ang pulang buwan. Nagpasalamat si Lyka sa pagtitiwala at pag-iintindi ng Lola niya sa kanya.

Sumadya si Lyka kina Noah. Si Leon ang nagbukas ng pintuan. Sinabi ni Leon na amanos na sila, iniligtas niya si Zoe at hindi niya sasabihin kay Noah ang alam niya. Pero sa oras na sinaktan nila si Noah o si Zoe, hindi raw ito magdadalawang isip na habulin siya at lahat ng mga kalahi niya kahit man sila magtago at patayin niya ang mga ito isa-isa.

Nananaginip si Noah tungkol sa tatay niya. Sakto namang pumasok si Lyka at may dala itong almusal. Tinanong ni Lyka kung madalas niyang napapanaginipan ang tatay niya. Halos gabi-gabi daw niya itong napapaginipan pero sanay na raw siya. “Kung mukha mo ba naman ang nakikita ko tuwing paggising ko, e burado na lahat ng masasamang panaginip ko.” Naks! (Magtoothbrush ka naman Noah!)

Pinuntahan ni Leon si Gabby sa orphanage. Sinabi ni Gabby na nagpunta rin si Noah sa kanya para magtanong tungkol sa House of Elle. Sinabi ni Leon na marami raw kasing nangyari at marami siyang natutuhan. Kailangan daw niya ng taong mapagkakatiwalaan sa Luna, baka raw gusto ng bumalik ni Gabby.

Sinabi na rin ni Leon ang mga ginawa ni Silva. Pero walang alam si Gabby. Gusto na sanang sabihin ni Leon kay Gabby ang mga alam niya pero sa tingin niya unfair pa na idamay si Gabby dahil mukhang tahimik na ang buhay niya.

Tinanong ni Lyka si Trixie kung may listahan ng lahat ng mga taong lobo sa Pilipinas. Nasa punong bantay raw iyon at hindi alam ni Trixie kung pwedeng makita ni Lyka iyon. Gustong hanapin ni Lyka kung sino ang pumatay kay Emil.

Habang hinihintay ni Noah si Lyka sa desk niya, nakita niya sa phone niya na may itim na lobong pagala-gala sa House of Elle. Naroroon din si Alec at nakikipagbolahan sa isa mga babae doon (si Girlie). Noong papaalis si Noah, tinanong siya ni Alec, akala raw ba niya hihintayin niya si Lyka. Hindi sumagot si Noah, umalis na lang ito.

Hinabol ni Noah ang itim na lobo.

Sinabi ni Trixie na ni si Noah nga hindi niya nakitang nagkatawang tao ang pumatay kay Emil, kahit makita pa niya ang listahan na iyon hindi rin niya alam kung sino ito. Magtatanong daw si Lyka sa San Adolfo pero nangako si Lyka na hindi niya ipapahamak ang lahi nila.

Si Gabby ang sumusunod kay Noah at iyon ang dinamba ng itim na lobo. Hindi mabaril ni Noah ang itim na lobo. Biglang dumating ang isang puting lobo at nilabanan niya ang itim na lobo. Hinabol ng puting lobo ang itim na lobo at humabol na rin si Noah at Gabby. Sinabi ni Gabby kay Noah sundalo raw ito pero hindi mabaril ang moving target. Bakit raw ba siya sinusundan ni Gabby. Sinabi n Gabbyna pinuntahan siya ng Daddy niya dahil nag-aalala si Leon para sa kanya.

Nakita nina Gabby at Noah na may nakagat ng bata ang lobo. (Si Silva ang itim na lobo, anyong tao na siya at duguan na nagtatago sa malapit).

Nag-usap sina Gabby at Noah. Sa kakasunod daw kasi ni Gabby siya pa nag napahamak. Dinamba siya ng itim na lobo at iniligtas naman siya ng puting lobo. Hindi alam ni Noah kung sino ang umatake sa bata, kung ang itim o puti. Sinabi ni Gabby na hindi niya alam basta kapag ang isang target ay napatunayang lobo, target na siya for termination.

Sinabi ni Gabby na alam niyang marami silang maling ginawa kay Noah pero gusto lang daw nilang ipakita kay Noah papaano ang mga lobo. Dapat daw wala kang puso, pakiramdam at konsensiya bago mo sila mapatay dahil may pagkatao pa rin sa kanila. Sinabi ni Gabby na naroroon lang siya kapag kailangan niya ito.

Noong malaman ni Lyka na magkasunod na umalis sina Noah at Alec, inamoy niya ang mga ito. Nakita niyang nagtatago si Alec ng hubo’t hubad at napasigaw at napatakip ng mata si Lyka. Kumuha ng scarf si Lyka (lol) ipinatakip niya kay Alec iyon habang naglalakad sila papunta sa conference room. Sinisisi pa siya ni Alec dahil pinapakuha niya kay Lyka ang bag niya pero nataranta si Lyka kaya scarf na lang.

Habang tinutulungang magbihis ni Lyka si Alec, tinanong ni Lyka kung paano ito nakapaglakad sa parking lot ng hubo’t hubad. Sinabi ni Alec na wala raw iyon, kung sa States daw nangyayari iyon, sinasabi lang niya na model siya at nagtatrabaho. Besides, wala raw siyang dapat ikahiya sabay pakita sa katawan niya (nakaboxer briefs na siya this time, lol).

Kapag daw nakita niyang nagpalit ng balat si Lyka, huwag daw itong mag-alala hindi siya mahihiyang tumingin para quits na raw sila. Pinagbabato ni Lyka si Alec ng mga tela.

Sinabi Alec na ang boyfriend ni Lyka ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Pero inassure niya si Lyka na okay na si Noah, pero siguro raw ang huling bantay ang gustong atakihin ng itim na lobo. Alec pointed out na sinusundan ni Noah ang lobo, which meant na Luna si Noah. May kasabwat pa itong babae sa labas (si Gabby).

Luna na nga raw si Noah, nambababae pa. Nainis si Lyka at kinuha ang t-shirt ni Alec at ipinasuot ito ng mabilis kay Alec. At sa tagpong iyon sila natagpuan ni Noah…

WAHHHHHHHHHH! AYOKONG MAKIT ANG SA LUNES.

After 2 seconds…I CHANGED MY MIND. See you all on Monday. Hehehe!

Teasers:

Nalaman ni Noah na nakikipagkita si Leon kay Manolo.

Tinanong ni Lyka kay Nessa kung siya lang ang puting lobo sa San Adolfo.

Isang Tugon to “Lobo, Episode 73”

  1. annedito Says:

    siguro yung sinasabi ni nana sela na malaking traydor ay si nessa. talagang may kutob ako na magiging bad si nessa. nako ha, baka todo selos si boyfriend noah. kung ako sa kanya, huwag ng magalit dahil nandito ako para sa kanya…teeheee

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: