MALIGNO – Episode 9

by

“DEAR CLASSMATE, DEAD CLASSMATE”

Pagkatapos kausapin ni Dumlao si Angela, sinabi ni Lucas na halos 8 taon na syang nananahimik sa mental hospital at narinig nya sa mga doctor, kapag lumabas sya nang mental, ikukulong daw sya at bubuksan ang kaso nya. Sinabi ni Dumlao na umuwi muna ito sa kanila dahil siguradong gagawin lahat ni Angela para maipakulong ito. Marami pa daw kailangang ihanda si Lucas at kailangan pa nyang mapalapit sa anak. Huwag daw mag-alala si Lucas dahil marami silang nagbabantay sa mag-ina nito, si Lucas daw ang dapat mag-ingat.

Nag-usap usap muli sila Rico, David at Juancho. Tinanong ni Juancho kung talaga bang kaya nilang sirain ang prophecy. Para ano daw (tanong ni David), para makulong, mapagtawanan? Marami daw miyembro si Lucas, di nila alam kung sino ang kalaban at kakampi. Sinabihan ni David na kung naduduwag si Rico ay makakaalis na ito habang maaga. Hindi naman daw sya sa naduduwag, pero tatatlo lang daw sila at ano ang laban nila sa samahan ni Lucas?

Sabi ni David na kayang nyang ibuwis ang buhay nya para hindi matuloy ang prophecy, at naiisip lang din nya ang mga mahal nila sa buhay na nagbuwis nang kanilang buhay, dahil dito ay nang-gagalaiti (very mad) na sya. Tinanong ni David si Juancho kung tuloy ang laban, tumango naman si Juancho.

Kinausap ni Angela ang teacher ni Angelo dahil kailangang bantayan ang anak nya nang bodyguard. Pumayag naman ang teacher ni Angelo at sinabi din ni Angela na magbabantay ang bodyguard sa labas lang nang classroom, hallway or waiting shed. Dagdag pa nang teacher ni Angelo na mahigpit ang security nang kanilang school at nakapaskil na din ang picture ni Lucas sa guard post. Nagpasalamat naman si Angela. Bago umalis si Angela ay nag-wave pa ito sa anak, nag-wave back naman si Angelo – yun nga lang hindi lang sya nag-wave kay Angela, pati pala sa maligno na nagbabantay sa kanya.

Pinulong ni Lucas ang mga kasamahan nya, sinasabi nya ang tungkol sa pagtupad nang prophecy at sa nalalapit nilang pagiging immortal.

Habang recess at pinapakain nang yaya si Angelo nang donut, nagpaalam muna ito dahil she needs to go to the restroom at naiwang mag-isa si Angelo. May mga dumating na bully at isa sa mga iyon ang kapatid nang batang muntik nang malunod sa pool. Kinuha nito ang donut na kinakain ni Angelo at naka-pormang susuntukin si Angelo pag kumibo ito, at sinabihang bakla – nagalit si Angelo at tinititigan lang nya ang bully. Dinistribute nang bully ang donut ni Angelo sa mga kasama. Habang kinakain ang donut, bigla nalang sumuka nang dugo ang bully, natakot at tumakbo ang ibang kasama nito para tumawag nang teacher. Tinatanong nang bully kung ano daw ang ginawa sa kanya ni Angelo. Dumating ang teacher at marami pang schoolmates. Sinasabi nang bully na may dugo daw galing sa bibig nya, pinadugo daw ni Angelo – pero wala namang nakita ang teacher at mga ka-eskuwela ni Angelo. Nagpatunay ang mga kasama nang bully, pero hindi naman naniwala ang teacher at sinabing pinag-iinitan na naman nila si Angelo. Pinaalis nang teacher ang mga bata. Dumating ang yaya ni Angelo at nagreklamo sa teacher dahil kinuha na nga daw ang baon nang alaga nya, tapos pinagbibintangan pa daw ito. Humingi nang pasensya ang teacher kina Angelo, hindi na daw nya alam kung ano ang gagawin sa mga batang iyon, at mabait naman daw si Angelo. Parang maamong anghel ang mukha ni Angelo.

Sa office ay tinatanong ni Joaquin si Kim kung sino ang nanggulo sa party. (Habang nagtratrabaho) Sinabi ni Kim na iyon daw ang tatay ni Angelo. Nagtaka naman si Joaquin na kung tatay iyon ni Angelo bakit daw pinagtatabuyan. Kinuwento ni Kim na ni-rape dati si Angela ni Lucas at nabuntis ito. Nagulat si Joaquin at tinanong kung kailan nangyari iyon? Kinuwento ni Kim na 8 years ago ay ni-rape si Angela sa bahay nito mismo at nagkademandahan pa nga daw. Nag plead lang si Lucas nang guilty at may sira sa ulo kaya nakulong nalang ito sa mental. Nagtaka ulit si Joaquin dahil ang daming alam ni Kim sa buhay ni Angela. Iniba nalang ni Kim ang usapan at binigay nalang ang donut kay Joaquin dahil wala naman itong alam kundi ang magpa-cute sa kanya. Medyo naasar si Joaquin at sinabihan si Kim na para daw itong bato. (**feeling ko, ang batang si Eliza, yung anak nang mangkukulam at si Kim ay iisa – Ara.)

Habang nasa banyo si Michael (yung nang bully kay Angelo) at naghuhugas nang kamay, biglang bumukas ang lahat nang gripo at lumabas ang mainit na tubig. Tinangka nyang isara ang mga gripo pero hindi nya mahawakan dahil sa sobrang init, parang naging sauna ang banyo. Biglang lumabas si Angelo sa banyo kasama ang malignong tagapagbantay nya. Humihingi nang tulong si Michael kay Angelo. Habang nagtuturo ang teacher ay nandoon naman sa klase si Angelo, yun nga lang ay nakangiti ito dahil may nangyayari kay Michael. Lumapit ang maligno kay Michael. Biglang napadaan ang janitor sa may banyo at narinig na umiiyak at humihingi nang tulong si Michael. Pagbukas nang janitor ay lumabas ang mainit na steam at nagulat sya nang makita nya si Michael. (Next scene) May ambulance sa school at sinakay si Michael, paso ang katawan nito. Nandoon si Dumlao para imbestigahan ang mga nangyari. Tinanong nya ang mga teacher kung paano kumulo ang tubig sa banyo. Sabi nang teacher na imposible namang pasuin ni Michael ang sarili. Tinanong ni Dumlao kung may iba pang nakakita sa nangyari. Sabi nang teacher na ang lahat nang estudyante ay nasa klase at tinanong din ang mga ibang teachers, nagsabi din na complete ang attendance except for Michael. Tinanong ni Dumlao kung may kaaway si Michael. Sagot naman nang teacher na marami itong kaaway dahil bully ito. Sumagot ang isang batang ka-eskuwela at tinuro na si Angelo ang kaaway ni Michael. Dumipensa naman ang teacher ni Angelo and said that he was in the classroom the whole time. Sa di kalayuan ay nakikinig si Angelo at napangiti dahil hindi sya pwedeng mapagbintangan.

Pumunta sila Charlie Angela sa mental hospital at pinapagalitan ang head doctor dahil nakatakas si Lucas. Maski ang doctor ay nagtataka kung bakit nakatakas si Lucas. Wala namang nagawa pa si Angela, kaya umalis nalang ito – ang hindi alam ni Angela ay kasapi sa kulto ang head doctor (dahil may kwintas ito nang samahan.) Habang papalabas sila Angela, sinabi ni Charlie na may point daw ang head doctor dahil hindi lang naman si Lucas ang responsibilidad nito. Sabi naman ni Angela na baka kunin daw si Angelo ni Lucas, sagot naman ni Charlie na marami na itong bodyguards at hindi na ito makakalapit nor masasaktan ni Lucas. Pero ang inaalala ni Angela ay baka sapilitang kunin ni Lucas si Angelo. Biglang may nakawalang mental patient at gustong saktan si Angela, sinasabi nang pasyente na demonyo daw si Angela at mamamatay daw ito. Humingi nang tulong si Angela kay Charlie. Naawat naman ang pasyente pero takot na takot si Angela.

Sa classroom ni Angelo ay merong group study pero nag-iisa lang sya. Napansin nang teacher si Angelo at tinanong kung bakit ito nag-iisa. Sinabi ni Angelo na ayaw daw syang isali. Gusto sana nang teacher na tulungan si Angelo but he refused and he said that he’s ok. Itinuro nalang nang teacher kung anong page ang sasagutan ni Angelo. Hindi naman bothered si Angelo dahil hindi naman sya mag-isa – kasama nya ang kanyang tagapagbantay na maligno.

Susunduin nila Angela at Charlie si Angelo, at habang naglalakad, naiisip parin ni Angela ang nangyari sa mental hospital. She can’t believe na sinabihan daw sya na mamatay-tao at mamamatay daw sya. Lumabas na si Angelo sa school kasama ang kanyang yaya at bodyguard. Nagulat si Angela dahil nandoon din si Dumlao, kaya’t tinanong nya kung ano ang nangyari. Kinuwento nang yaya ni Angelo na nalapnos daw ang balat ni Michael. Biglang dumating ang ina ni Michael at nagwala nang makita si Angelo. Pinagbibintangan nang ina ni Michael na demonyo si Angelo at ito daw ang may kagagawan nang lahat dahil sinabi sa kanya ni Michael. Nagalit naman si Angela. Inexplain nang teacher na aksidente ang mga nangyari dahil ang lahat daw nang estudyante ay nasa klase that time. Nagalit ang ina ni Michael dahil pinagtatanggol daw nang teacher si Angelo. Nagalit si Angela at magus-sue daw sya dahil sabihan si Angelo na nagmana daw ito sa tatay nitong demonyo. Hindi na nakapagpigil si Angela at sinabunutan ang ina ni Michael. Naawat naman sila agad. Pagsakay ni Angela sa kotse ay nandoon pala si Lucas (invisible to their eyes) at galit sa ina ni Michael.

Sa kwarto ni Angelo, tinanong nya ang ina kung bakit nang-aaway daw yung ale (ina ni Michael.) Sagot ni Angela na huwag na nitong pansinin dahil walang magawa iyon sa buhay. Tinanong din ni Angelo kung totoo ba ang sinasabi nang babae, dahil madami na din daw ang nagsasabi sa kanya nun. Tinanggi ni Angela sa anak at sinabing hindi totoo iyon. Pinatulog na ni Angela ang anak.

Hindi pa makatulog si Angela kaya’t nagtrabaho nalang sya, pagtingin nya sa oras ay —– na pala (sorry, masyadong madilim, di ko talaga makita yung oras sa clock – Ara) Biglang bumaba si Angelo at nakita sya ni Angela na lumabas nang bahay. Sinundan ni Angela ang anak sa labas pero hindi nya ito makita. Pilit nyang ginigising ang mga guards pero tulog na tulog ang mga ito (parang sinadya para hindi mapigilan si Angelo na makalabas nang bahay.) Naiyak si Angela dahil nawawala ang anak.

“For our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms.” – Ephesians 6:12

Teasers:

– Kinulam ni Lucas ang ina ni Michael, binali nya ang katawan nito.

– Sikretong nag-re-research si Kim tungkol kay Angela.

– Nag-aabang sila Rico, David at Juancho sa harapan nang school ni Angelo. Humahanap nang chance para mapatay nila si Angelo. Nang makakuha nang pagkakataon at lumabas si Angelo sa gate nang school, sinagasaan nila ito. Nakita nang yaya na nakahiga sa kalye ang duguang katawan ni Angelo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: