Lobo, Episode 72

by

Sinabi ni Manolo na masyadong malambot ang puso ni Elle kay Lyka. Sinabi ni Elle na she has her own mind kaya hindi nila ito makocontrol. Naisip ni Manolo na natatakot lang si Elle na lumayo ito lalo na at lumipas na ang ikalawang signos. Hindi raw iyon ang ibig sabihin ni Elle. Naiintindihan daw niya na gustong ipaglaban ni Lyka si Noah.

Baka raw hindi pa sinasabi ni Leon kay Noah ang pagiging taong lobo ni Lyka, sabi ni Elle. Baka raw napukaw nila ang damdamin ni Leon. Hindi naman alam ni Manolo kung maniniwala siya doon. Ang magagawa lang daw nila ay umasa na magbago ang pagtingin ni Leon sa kanila. Hindi lang daw si Lyka ang nasa panganib kung hindi silang lahat, kailangan din nilang mag-ingat.

Dapat daw pumayag na lang si Lyka na lumayo muna. Sinabi pa ni Alec na baka raw matagal ng alam ni Noah na taong lobo si Lyka at ginagamit lang siya nito para makapag-imbestiga. Kung ganoon daw ang tingin ni Alec sa pagmamahal, masahol pa siya sa hayop.

Sa tingin raw ba ni Lyka walang itinatago si  Noah sa kanya? For all she knows daw, nakailang taong lobo na siya. Nagalit si Lyka ang inihagis niya si Alec sa table. She pinned him down sabay sabing si Noah ang pinakabuting lalaking nakilala niya wala pa raw sa kalingkingan ni Noah si Alec. Ni sa kanya nga raw hindi uubra si Alec.

Hinila siya ni Alec as if it to kiss her.

Hinanap ni Noah si Lyka at may nagsabing nasa conference room ito. Bubuksan na sana niya ang pintuan noong bigla siyang nilapitan ni Manolo. Pwede raw ba silang mag-usap?

Itinilapon ni Lyka sa Alec sa dingding. Nag-rambulan na ang dalawa pero talo pa rin si Alec. Bigla namang lumambot ang puso ni Lyka at nilapitan ito. It was Alec’s turn to pin Lyka down.

Hinawakan siya ni Alec at sinabing niyang ang problema raw masyadong kampante si Lyka at naiinlove pa siya. Inihagis na naman ni Lyka si Alec. Tumayo si Lyka at sinabing kahit na sunugin, tagain o barilin pa siya, mamahalin pa rin niya si Noah.

Sinabi ni Manolo kay Noah na kinausap niya ito dahil malaki na ang investment nila kay Lyka sa House of Elle at gusto lang nitong makasigurong he won’t do anything to jeopardize her career. Tinanong ni Manolo kung gaano niya kakilala si Lyka. Sinabi ni Noah na sapat na ang pagkakakilala niya kay Lyka at mahal niya ito ng buong-buo. At kahit panganib daw susunguin niya maging safe lang ito sa munong ginagalawan niya.

Nagalit naman si Lyka habng kausap si Trixie. Maghapon na nga raw nilang inilayo sa kanya si Noah, ngayon pina-interrogate pa  nila ito kay Manolo. Kung daw may balak na masama si Noah, sa palagay raw ba nila maghihintay ito maghapon para lang gawin iyon? Sinabi ni Trixie na nag-iingat lang sila. Nanonood lang si Alec habang nag-uusap ang dalawa.

Pinipigilan ni Clara si Anton na bumalik sa lab. Hindi raw ba’t muntik na siyang mahuli noon. Sinabi ni Anton na magpapahangin lang daw siya.

May sasakyan naman na lulan ang dalawang staff ni Dr. Lee. Nagrereport sila dito at sinabing nasa tapat na sila ng bahay nina Anton sinabi din nila naroroon din si Nessa sa tapat ng bahay. Gusto ni Dr. Lee na pareho silang hulihin ng mga ito kahit pa sinabi ng staff niya na hindi nila kayang hulihin ang dalawa dahil dalawa lang sila.

Nakita ni Nessa na papalapit ang mga nanghuhuli sa kanila (lol parang iyong sa Star Wars ang mga staff pramis). Nagpalit ito ng balat at pinuntahan si Anton. She knocked Anton down para hindi siya tamaan ng tranquilizer gun and the she ran para siya ang habulin ng mga ito. Nakita ni Clara ang nangyari at niyakap ang anak.

Kinausap ni Manolo sina Trixie, Alec at Lyka. Hindi pa raw siya nakakasiguro na may alam si Noah pero at the very least, alam nitong hindi safe sa House of Elle. Sinabi niya kay Lyka na naghihintay sa labas si Noah pero hinabilinan niya ito na mag-ingat.

Kinuwestiyon naman ni Alec na sa dami ng mga problema nilang mga taong lobo, tama raw ba na si Noah pa ang unahin ni Lyka (sus, gusto mo lang ikaw ang kadate niya)? Idinagdag pa ni Trixie na dalawang linggo na lang daw at darating na ang ikatlo at ang huling signos, pagkatapos ang pulang buwan. Sinabi ni Manolo na alam ni Elle lahat ng nanyayari pero malaki ang tiwala nito sa apo niya, kaya hiningi ni Manolo na sanasila ganoon din.

Nagkatawang tao si Nessa pero nakatulog ito dahil natamaan siya ng tranquilizer gun. May lalaking bumuhat sa kanya.

Nagpapanic naman si Clara at nag-empake ito. Ayaw umalis ni Anton dahil baka bumalik ang itim na lobo at masasagot nito ang mga tanong niya. At dinamba lang naman daw siya nito para protektahan sa mga lalaking bumabaril sa kanila. Sinabi ni Clara na hindi na siya safe doon dahil alam na sa lab  ang pagkatao niya.

Hindi raw sila pwedeng umalis dahil hindi siya pwedeng mag-alala para sa sarili niya dahil mas nag-aalala siya sa nagligtas sa kanya. Baka raw nahuli iyon at pinag-e-eskperimentuhan na.

Para daw kilala siya ng itim na lobo at malaki ang kutob niya na ito rin ang nagdala ng package sa kanya ng mga gamot.

Nag-report naman ang dalawang staff ni Dr. Lee para sabihing nawala din nila si Nessa. Habang kausap ni Dr. Lee sa telepono ang isa sa mga staff, tinambangan naman siya ng mga Luna at hinuli siya.

Habang kumakain sa desk sina Lyka at Noah, pinagmamasdan ni Lyka si Noah. Medyo absent minded si Lyka, nagdahilan ito at sinabing iniisip lang niya ang trabaho niya. Sinabi ni Noah na kailangan niyang magtrabaho ng maigi ni Lyka kasi kinausap daw siya ni Manolo para sa career ni Lyka.

Dumating si Alec na may dalang kape kay Lyka, nagdahilan ito na hindi niya alam na naroroon pa si Noah kaya hindi niya ito nadalhan ng kape. Binigyan ni Noah ng chocolate si Lyka. Biglang nagsalit si Alec, na ngayon ay nakaupo sa desk sa likod ni Noah, may nabasa daw siyang asong namatay dahil kumain ng chocolate. Nainis si Lyka at biglang isinubo ang chocolate.

Iniligpit na ni Noah ang pagkain nila. Pag-alis ni Noah binatukan ni Lyka si Alec. Bakit daw binubuntutan sila nito? May buntot daw si Alec pero si Pretty Boy lang daw ang binubuntutan niya.

Pagbalik ni Noah, niyaya siya ni Lyka sa rooftop. Sinabi ni Noah na may itinatago raw si Lyka sa kanya — itinatago raw nito na may gusto si Alec sa kanya. Sino ba naman raw ang hindi magkakagusto sa kanya kapag nakikita siya. Alam daw niyang itinatago niya ito kay Noah para makaiwas na magkaroon ng gulo. Pero kung aso raw na buntot ng buntot si Alec, siya naman parang linta na dikit ng dikit sa kanya (sa akin ka na lang dumikit). Sabi ni Lyka huwag daw mag-alala si Noah, subukan lang daw ni Alec at sisilaban niya ito (lol, inside taong lobo joke). Kinumusta ni Lyka sina Zoe at Leon, sinabi ni Noah naayos na raw niya huwag siyang mag-alala.

Nasa custody na si Dr. Lee. Ipinakita ni Choy kay Leon ang video ng pag-e-experiment nila sa mga taong lobo. Nagalit si Leon kay Dr. Lee, gusto niyang dalhin siya nito kay Silva at sa lab pero sinabi ni Dr. Lee na kahit patayin siya ni Leon, hindi niya gagawin iyon. Dahil kung hindi siya ang papatay sa kanya, si Silva ang papatay. Hindi rin daw nito alam kung nasaan si Silva. Inutusan ni Leon si Choy na hanapin si Silva.

Pag-alis nila sa kwarto, pinanood ulit ni Leon ang video. Tama raw pala sila, mag halimaw pa ang mga luna sa kanila.

Si Rodolfo ang nakakuha kay Nessa. Pinagmamasdan niya ito habang natutulog siya, ano raw ang ginagawa niya sa bahay ng puting lobo. Nagising si Nessa, tumakbo ito pero napapaligiran siya ng mga itim na lobo…

Teasers:

Binanggit ni Noah ang “K” word (Kasal) kay Lyka pero naputol ang pagmumuni nila dahil biglang sumigaw si Zoe from upstairs (Panira talaga ang batang ito).

Tinanong ni Lyka kay Father Ben kung sino ang taong lobo na nakapatay kay Emil.

Sinabi ni Noah kay Father Ben na tatanggapin na niya ang misyon niya.

May hinahabol na itim na lobo si Noah sa parking lot ng House of Elle.

Mga Marka: ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: