MALIGNO – Episode 8

by

“WELCOME HOME DADDY”

Habang nire-review ni Kim Chiu ang kanyang trabaho, biglang sumulpot si Gerald Anderson at nag-hello sa kanya, nagulat si Kim. Sinabi ni Gerald na masyadong masipag si Kim sa trabaho baka nagpapa-impress lang daw. Sinagot sya ni Kim na talagang masipag sya, sinumbat pa ni Kim na hindi makaka-graduate si Gerald kung hindi pa nya ginawa ang thesis nito. Nagtaka si Kim kung bakit nandoon si Gerald. Sinabi ni Gerald na ginamit daw nya ang connection nya, katulad nang paggamit ni Kim nang connection para makapasok doon sa network – yung tita ni Gerald ay boss pala nang network at tinulungan silang makapasok doon. Sabi ni Kim na kahit hindi sya tinulungan ni Gerald ay makakapasok parin sya sa network dahil magaling sya.

Nang-inis naman si Gerald at sinabing pag wala naman sya ay nami-miss sya ni Kim. Kinalikot ni Gerald ang camera at pinagsabihan sya ni Kim. Yun pala ay trainee na cameraman si Gerald at magkakasama sila palagi dahil sa A-list sya inassign. Hindi naman natuwa si Kim, pero si Gerald (name nya ay Joaquin) ay tuwang-tuwa. Sinabihan sya ni Kim na hindi na daw iyon eskuwelahan, hindi na daw sila mga bata at nandoon daw si Kim hindi para makipagkulitan kay Joaquin. Nang mag-walk out si Kim ay sumunod sa kanya si Joaquin. (**hindi pa sinasabi ang name ni Kim dito eh, so pasensya muna for now. – Ara)

Super busy si Angela sa trabaho. Nang makausap nya si Charlie ay tinanong nito kung libre ito sa Saturday – alam na agad ni Charlie kung ano ang gusto ni Angela. Sinabi ni Charlie na ok lang daw iyon kahit napapagkamalan na syang tatay ni Angelo sa school. Ipinaalala ni Charlie na magbi-birthday na si Angelo, maski iyon ay muntik nang makalimutan ni Angela. Dahil nagi-guilty si Angela sa mga pagkukulang nya sa anak, sinabi nya na bibigyan nya nang malaking birthday party ang anak, natuwan naman si Charlie.

Bumisita si Hector sa bahay ni Angela. Nagpresinta si Hector na tumulong sa pag-prepare sa birthday party ni Angelo, natuwa naman si Angela.

Na-submit na ni Kim kay Angela ang trabaho at na-impress naman ito. Natuwa si Kim nang sinabi ni Angela na bibigyan ulit sya nang trabaho. Pinasulat ni Angela ang mga gagawin ni Kim – umorder daw ito nang balloons, cake, humanap nang mga contacts for dog shows and magicians. Nagtaka naman si Kim at nagtanong kay Angela kung para saan ang mga iyon. Sinabi sa kanya ni Angela na i-organize ang birthday party nang anak nya, at ang gusto daw ni Angela for a theme ay puro animals.

Ginawa ni Kim ang pinapagawa ni Angela sa kanya, madami syang tinatawagan. Nang makita sya ni Joaquin ay inasar sya nito dahil akala daw nya ay gusto ni Kim maging journalist, eh para daw itong call center trainee (dahil ang daming nyang tinatawagan.) Hindi daw maintindihan ni Kim kung ano ang kinalaman nang pagtitimpla nang kape, pagbili nang breakfast, lunch and dinner at sa pag-oorganize nang party nang anak ni Angela – nang pagiging isang tv journalist. Sinabi ni Joaquin na ganon daw talaga dahil sipag at tyaga daw ang tinitingna nila. Nagpresinta si Joaquin na tumulong kay Kim at sya na daw ang bahala sa cake (dahil hindi ma-order ni Kim ang gustong cake.)

The day of the party, pumunta sila sa isang bake shop at na-oder naman ang cake, pero nagalit si Kim dahil cowboy theme ang na-order ni Joaquin at hindi safari. Nag-alala si Kim dahil mapapagalitan sya ni Angela. Biglang nakatanggap ito nang tawag kay Angela. Pinagalitan nga ni Angela si Kim dahil hinahanap ang cake dahil magsisimula ang party nang 4pm pero hanggang ngayon ay wala pa ang cake. Sinabi ni Kim na may konting problema lang pero ginagawan na nya nang paraan. Nagalit si Angela at sinabing sya nalang ang kukuha nang cake, at pagkatapos ay binabaan na ni Angela nang phone si Kim. Hello nang hello si Kim, at akala ni Joaquin ay hindi malinaw ang linya kaya nag-advice sya kay Kim na lumabas nang bake shop for a better signal. Nagalit si Kim, dumukot nang cake at pinahid sa mukha ni Joaquin bago nag-walk out.

Punong abala sila Hector at Charlie sa party ni Angelo, si Angela ay parating palang. Tinawagan na sya nang yaya ni Angelo para sabihin na nandoon na ang mga bisita at ang mga iba nga ay kumakain na. Nag-explain si Angela at sinabing pumalpak ang practicumer nya sa pag-order nang cake at ginawan na nya nang paraan. Nandoon sila Kim at Joaquin sa party ni Angelo. Inis si Kim kay Joaquin, kaya iniiwasan nya ito. Si Joaquin naman ang kumukuha nang video sa party.

Habang naglalaro si Angelo, may isang bully na bata at kinuha ang kanyang laruan. Sinundan ni Angelo ang bata na nagpunta malapit sa pool at gusto nyang kunin ang kanyang laruan. Salbahe ang bata at hinagis ang laruan ni Angelo sa pool, nagalit si Angelo. Biglang sumakit ang tyan nang bata at nahulog ito sa pool. Nakita ni Joaquin na nalulunod ang bata at dali-daling ni-rescue ito ni Hector

Sinugod nang ina nang bully na bata si Angelo, pinagalitan at sinisisi na pinasakit ang tyan at gustong lunurin ang kanyang anak. Dumating ang yaya ni Angelo to rescue him. Nag-away ang yaya ni Angelo at ina nang bully. Sinisisi nang ina kay Angelo ang pagsakit at pagkalunod nang anak nya, depensa naman nang yaya na kaya sumakit ang tyan nang anak nito ay dahil matakaw at hindi daw nakita na si Angelo ang cause nang pagkalunod nang bata, wala itong ebidensya dahil wala naman itong nakita. Dumating si Hector at pinaghiwalay ang dalawa.

Naghihintay parin si Angelo sa kanyang mommy, malungkot ito. Nag-alala naman ang kanyang yaya at sinabing huwag nitong intindihin ang nangyari. Nagpaalam muna ang yaya ni Angelo para asikasuhin ang mga bisita. Nang makaalis na ang yaya, may nakitang crow si Angelo. Nilapitan nya ito pero lumipad ang crow at dumapo sa balikat ni Lucas. Ngumiti si Lucas sa anak, parang natuwa naman si Angelo at ngumiti din. Lumbas si Angelo at pinuntahan si Lucas. May binigay na regalo si Lucas at binati nya si Angelo: “Maligayang kaarawan, anak.” Natuwa at nagpasalamat naman si Angelo. Biglang sumulpot ang maligno sa may patio nang bahay nila Angela, parang nagdiriwang. Dumating ang kotse ni Angela (gabi na) at nakita si Lucas kasama si Angelo. Nagalit si Angela at pinapasok si Angelo sa loob nang bahay. Hinampas-hampas ni Angela si Lucas at galit na galit, tinulak sya ni Lucas at nakita iyon ni Hector. Sinuntok agad ni Hector si Lucas, nagsipagdatingan na din ang mga iba pang tao. Nagsuntukan si Hector at Lucas, tumulong din si Joaquin pero malakas si Lucas at natalo nya ang mga ito. Hindi sinasadyan nakunan nang video ni Kim ang mga pangyayari. Dumating ang mga security guards at hinuli si Lucas, hindi naman ito pumalag pa.

Habang naglalakad ang mga security guards kasama si Lucas, gusto nitong bitiwan sya nang mga ito. Hindi pumayag ang mga security. Tiningnan sila nang masama ni Lucas at biglang natumba ang mga security guards at sumakit ang katawan. Nag baga ang kanilang mga katawan, parang naging uling at di naglaon ay naging abo na hinipan nang hangin. May isang tao ang nakasaksi sa mga pangyayari.

Tinawagan agad ni Angela si Dumlao at tinatanong kung paano ito nakatakas sa mental hospital. Galit na galit si Angela dahil namemeligro daw ang kanilang buhay. Sinabi naman ni Dumlao na magpapadala na ito nang mga pulis kina Angela para magbantay sa kanila. Huwag daw itong mabahala dahil hindi sila magagalaw ni Lucas. Pagbaba nang cell ay katabi lang pala ni Dumlao si Lucas.

Nagpaalam na sila Charlie, Kim at Joaquin, pati na din si Hector. Nang makaalis na sila, hinanap ni Angela ang anak. Nakita ni Angela na nakatingin ito sa cake, nilapitan nya ang anak. Malungkot si Angelo at tinanong ang ina kung hindi ba daw nya ibo-blow ang candle, hindi pa din daw sya nakakantahan nang happy birthday. Naawa naman si Angela at yaya ni Angelo. Pinasindihan ni Angela ang candles sa yaya. Nag-start nang kumanta si Angela, kaya lang ay hindi na nya natuloy dahil nakita nyang namatay ang sindi nang kandila.

Sa kwarto ni Angelo ay kinausap sya nang ina. Sinabi ni Angela na magpapa-party ulit sila and this time ay sa school na ni Angelo para kasama ang mga teachers and classmates nya sa games. Biglang tinanong ni Angelo sa ina kung si Lucas ba daw ang kanyang ama. Biglang nag-iba ang mood ni Angela at pagalit na sinabi nya sa anak na hindi ito ang kanyang ama. Na-upset naman si Angelo kaya nag-apologize agad si Angela sa anak. Sinabi na masamang tao daw si Lucas kaya ayaw nyang lumapit si Angelo sa kanya. At ang totoo daw nyang daddy ay nasa heaven na at mabuting tao. Inamo ni Angela ang anak at sinabing bukas ay bubuksan nila ang mga regalo ni Angelo. Paglabas nang kwarto ni Angela ay biglang narinig nya ang anak na tumatawa. Sa loob nang kwarto ni Angelo ay isang katerbang ahas ang nandoon, kaya pala tuwan tuwa si Angelo. Pagpasok ni Angela ay nawala ang mga ahas. Tinanong ni Angela ang anak kung sino ang kausap nito, sumagot si Angelo na wala naman daw. Paglabas ulit ni Angela ay bumalik ang isang katerbang ahas at ang isa doon ay si Lucas, dahil ang ahas ay may kwintas.

“We work hard and suffer much in order that people will believe the truth, for our hope is in the living God, who is the Savior of all people, and particularly of those who believe.” – 1 Timothy 4:10

Teasers:

– Kinausap ni Lucas si Dumlao at sinabing gusto nyang mapalapit sa anak. Sinabi ni Dumlao na maraming nagbabantay kina Angela.

– Patuloy parin ang plano nila David na patayin si Angelo. Natatakot si Rico, kaya sinabi ni David na makakaalis na ito.

– May nang bully na naman kay Angelo at pinasuka nya ito nang dugo.

– Gabi na at nakita ni Angela na lumabas nang bahay ang anak, sinundan nya ito sa labas at hinanap.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: